Simula nang nagtanong si Yasmin sa boss niya ay tahimik na ito. Napakaseryoso ng mukha ni Leam hanggang umalis na sila sa restaurant. Hindi man lang niya sinagot ang mga tanong ni Yas. Binalewala nalang ni Yasmin ang mga iyon at nagpatuloy na makipagkwentuhan sa mga kasamahan. Kinabukasan ay isinama ni Yas si Aya sa kanilang opisina. Walang klase sa paaralan ni Aya kaya isinama nalang niya ito. Natuwa naman ang mga kasamahan niya sa bata at ang iba ay binigyan pa si Aya ng candy. "Mommy, pwede po ba akong maglaro sa labas? Sa may hardin lang po... pwede po ba?" Pagpapaalam ni Aya sa kanyang ina. Pinayagan naman ni Yasmin si Aya. "Sige, pero huwag lalayo ha? Sa may hardin lang. Huwag din sasama sa iba na hindi mo kilala." Payo ni Yas sa anak. "Opo mommy!" Lumabas si Aya ng gusali a

