Napakaseryoso ni Leam nahawak hawak ang isang camera. Kumatok sa pinto ng opisina ni Leam si Gray. "Goodmorning sir Leam!" Bati ni Gray pagkabukas ng pinto. "Goodmorning!" Sagot nito na busy sa kakatingin sa hawak na dslr camera. Humakbang papasok si Gray patungo sa mesa ng boss niya para iabot ang iilang mga papeles. Napansin nito ang hawak na camera. "Mahilig po kayo kumuha ng litrato sir?" Usisa ni Gray. Napatango si Leam. "Mukhang bago ang dslr ninyo sir..." "Kakabili ko lang talaga nito!" Sagot ni Leam. "Ahhh..." Tumingin si Leam kay Gray at iniharap ang camera sa binata. "Humarap ka rito at ngumiti!" "Po?" Gulat na reaction ni Gray na di alam anong gagawin. "Say cheese!" Wika ni Leam sabay click ng camera. "Naku sir! Di ako nakaready! Ulit sir.." Natawa si Le

