Nagpatuloy sa pagtravel sina Xian at Yasmin na gamit ang sasakyan ni Xian.
" Pumunta na lang tayo sa bukid namin.. Kina Auntie Zita, kung okay lang sa iyo? Doon makakarelax ka," suggestion by Xian. Nagsasalita siya habang nagdrive.
" okay.. "
It will takes many hours to travel patungo sa bukid. Lumalalim na ang gabi. Nakatulog na rin si Yasmin sa upuan na katabi ni Xian. Napalingon at napansin ni Xian ito. Napatingin rin siya sa suot ni Yasmin na napakaiksi kaya baka nilalamig na siya. He park muna ang sasakyan niya sa gilid ng daan.
Tinanggal ni Xian ang coat niya. By the way, wala na ang barpin sa coat niya.
He placed his coat on Yasmin para maging kumot niya ito. Gumalaw ng kaunti si Yasmin ng ilagay niya ito.
"Hmmm.. " mahimbing na natutulog ang dalaga.
Napatitig si Xian sa dalaga. Napangiti ito.
" Sweet dreams.."
Nagpatuloy siya sa pagdrive.
Umaga! Maaliwalas ang panahon... Naririnig mo ang hampas ng alon at malalasap ang sarap ng hangin. Nakapark ang sasakyan ni Xian sa may gilid ng daan. Medyo tahimik ang lugar at ang maririnig mo lang ang dagat.
Dahan - dahang iminulat ni Xian ang kanyang mga mata. He needs to sleep also kaya tumigil siya sa pagdrive kagabi at natulog rin.
Pagkagising niya, he rub his eyes at napapahikab.
" Good morning!" bati niya kay Yasmin.
Pagkalingon niya ay wala pala siyang kasama sa tabi.
Nagulat ito at ang nakasingkit na mga mata ay nanlaki ito.
" Yasmin!!?"" sigaw niya.
Napalingon lingon siya at hindi alam anong gagawin. Medyo nataranta siya at nag -aalala. Lumabas agad siya sa sasakyan para tingnan ang paligid.
" Yasmin!!"
Kinakabahan siya. Paano kung may nagkidnap sa kanya habang natutulog siya.
" Yasmin!! " sigaw ni Xian. Palingon lingon siya sa lugar. Ang harapan niya ay ang dagat. 100 meters away ang dagat from the high way kung saan nakapark ang sasakyan nila.
Napatingin siya sa may dagat. Hindi niya gaanong makita kung sino but may nakatayo roon.
" Yasmin?"
Napalingon ang tao na nasa may dagat at si Yasmin nga!
Ngumiti si Yasmin at tinawag siya.
" Xian!" sigaw niya.
Gumaan ang pakiramdam ni Xian ng makita niya si Yasmin. Kinabahan talaga siya.
" Xian!" she said while waving her hand.
Agad tumakbo si Xian patungo kay Yasmin na nasa may tabing dagat.
Napakaganda ng tanawin at ang simoy ng hangin ay napakasariwa.
Pagkarating niya sa kinaroroonan ng dalaga ay niyakap ng mahigpit si Yasmin. Nabigla naman si Yasmin.
Napapikit si Xian habang niyayakap si Yasmin.
" Yasmin, nag - alala ako sa iyo," sabi ni Xian.
" Xian," niyakap na rin niya ang binata.
" Ayokong mawala ka.. " sabi ulit ni Xian.
--------
Nagising si Marga at bumangon sa pakakahiga. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at walang message na natanggap mula kay Xian.
" Hindi man lang siya nagtext," nag -aalala tuloy siya.
Hinanap niya ang cellphone number ni Xian sa contacts para tawagan siya.
Hmmm..
Nakita na niya ito and she tried to contact it... " out of coverage.."
" out of coverage? Off ang cellphone niya?" pagtataka ni Marga. She tried many times but still out of coverage. Asar! She's so impatient.
-------
In Xian's car
" Ilang oras pa ba tayo makakarating sa tita mo?" tanong ni Yasmin.
" mga isang oras pa," sagot ni Xian.
Pasulyap -sulyap naman nag binata kay Yasmin.
" Bakit, naiinip ka na ba? Pagod ka na ba sa kauupo?"
" Hindi naman. Napatanong lang," sagot ni Yasmin.
Kinuha niya ang cellphone niya sa bag niya. When she look at it, wala itong signal.
" Wala pa ang signal rito," sabi ni Yasmin ng mapansin nag signal ng cellphone niya.
Ainagot siya ni Xian, " mahirap nga makakuha ng signal rito especially sa aming bukid."
" Ah, ganun ba?" reacgion ni Yasmin kaya ibinalik niya ang kanyang cellphone sa bag.
" Okay lang ba sa iyo?" tanong ni Xian.
" Okay lang. Mas mabuti nga ito... Away from the city, away from the problems!" sagot ni Yasmin.
Napatawa niya si Xian. Hinawakan ng kanang kamay ni Xian ang kaliwang kamay ni Yasmin na nasa may hips nito.
Hinigpitan niya ng hawak.
Tinititigan ni Yasmin si Xian na nagdrive.
Sa isip niya, " Away from Marga.."
-------
" s**t! bakit out of coverage rin si Yasmin? What's going on? Coincidence lang ba ito?" naiinis si Marga.
-------
Rico's house
Nasa kwarto siya at hawak niya ang isang cellphone na alam niya na kay Helen iyon.
" Bakit kaya niya ito itinapon? Eh, bakit rin niya itinago ang kay Xian na cellphone? Dahil ba nasira 'yun?" nagsasalitang mag - isa si Rico na nakaupo sa kanyang kama. Ang cellphone ni Xian ay itinapon na ni Helen sa basurahan.
Napatanong si Rico, " Ano kaya ang meron rito at talagang nagkagalit sila ni Xian?"
Flashback-
Nakita ni Rico na nag - uusap sila Xian at Helen sa hallway kung saan muntik ng iblackmail ni Helen si Xian. Hindi man niya narinig ang pag - uusap dahil sa distansya na medyo malayo siya but nakita niya ang galaw nioa na mukhang nagtatalo.
-end of flashback
He was so curious.
--------
Nakarating na rin sina Xian at Yasmin kina tita Zita.
Kailangan sila maglakad ng kakaunti mula kung saan sila nagpark at sa bahay.
Habang naglalakad silang dalawa ay hawak hawak ni Xian ang kaliwang kamay ni Yasmin.
Nakita ni Lolita ang kuya Xian niya sa malayo kaya tumakbo siya papunta sa bahay para ibalita.
" Tita Zita! Tita Zita!!" sigaw ni Lolita habang tumatakbo.
Hinihingal siya ng makarating sa bahay.
" Ano iyon? Bakit ka ba nagsisigaw?" tanong ni Tita Zita habang nasa kusina at nagluluto ng suman.
" Si kuya Xian, narito si Kuya Xian!! " Masayang ibinalita niya.
" Ano!? Totoo ba iyan?" nagulat si Tita Zita at bakas sa mukha ang kasiyahan. Tinanggal niya ang kanyang apron para salubungin siya.
" May kasama po siya.. isang babae.. Siguro nobya niya iyon!"
" Kasama niya ang fiancee niya?" napatanong si Tita Zita ng palabas na sila ng bahay.
" opo!"
Nakarating na rin sina Xian at Yasmin.
Napangiti si Xian nang makita si Tita Zita niya na nakatayo sa harap ng pinto ng kanilang bahay at kasama si Lolita, ang pinsan niya.
" auntie!" sigaw ni Xian.
Masaya rin si Tita Zita nang makita si Xian.
Dahan - dahang humiwalay ang mga kamay nilang dalawa na nakahawak sa isa't isa.
" Magandang umaga po," bati ni Yasmin.
Medyo natahimik si Tita Zita at tiningnan ang dalaga na napakaseryoso.
Nasa loob na sila ng bahay at nakaupo sila Xian at Yasmin sa silyang gawa sa kawayan.
" Kumain na ba kayo nang agahan?" tanong ni tita Zita na nasa may kusina at hinahanda ang mesa.
" Hindi pa po," sagot ni Xian.
Medyo kinakabahan at nahihiya si Yasmin.
Yasmin's pov.
Kung makatingin ang tita ni Xian kanina, mukhang kakainin ako. Hindi ko maiwasang matakot sa kanya. Mabait kaya siya? O super sungit? Pero kung tratuhin niya si Xian ay mabait naman at maalaga. Ganun rin si Xian na may respeto sa kanya.
Flashback--
Napakaseryosong nakatingin si tita Zita kay Yasmin.
Bumati si Yasmin sa tita ni Xian.
" Nagkita na ba tayo?" tanong ni Tita Zita.
Sinagot naman ni Yasmin, " Hi-- hindi pa po yata.."
" Aahhh.. Ganoon ba. Akala ko matanda na ako at nakalimutan ko na ang mukha ng nobya ni Xian, hindi pa pala." sabi ni Tita Zita na confident masyado.
" Anong ibig ninyong sabihin tita?" tanong ni Lolita na nasa gilid niya.
" Iba kasi ang mukha ng nakita ko sa condo unit ng kuya mo na nagpakilala na nobya niya," paliwanag niya.
Mukhang nahihiya si Xian sa pinagsasabi ni Tita Zita.
Medyo palihim na natawa si Yasmin.
" Auntie, siya po pala si Yasmin... Uhm.. Si.. Siya--.. " pinakilala ni Xian pero hindi alam kung paano niya sasabihin ang relasyon nila. Nakatingin ito kay Yasmin.
Nakikinig at naghihintay naman sila Lolita at Tita Zita sa sasabihin ni Xian.
" Siya--...."
" Siya ay?? " curious si tita Zita.
Kinakabahan si Yasmin at naghihintay kung ano ang sasabihin niya.
Dumating ang tito ni Xian na si Tito Lucas at tinanong siya, " Siya ay iyong.. Ano Xian?" medyo strikto ang boses nito.
" huh?" nagulat si Xian.
Nagsalita si Yasmin, " Kaibigan po! kaibigan po ako ni Xian!"
" Ahhh.."
Napatingin sila lahat kay Yasmin.
---end of flashback
" Lolita, tawagin mo na silang lahat at sabay sabay na tayong kumain.
Sa hapag kainan ay naroon silang lahat na parte ng pamilya nila Xian. Ang tito niya ay nasa dulo ng mesa, si Tita Zita rin ay nasa dulo rin. Naroon ang tatlong bata, sina Lolita, walong taong gulang: Chikay, pito at si Roy anim. Silang tatlong bata ay mga pinsan ni Xian pero hindi anak nila Tita Zita. Sa anak sa malayong kamag-anak. Kasama rin nila si Kikay na katulong nila Tita Zita na mukhang kapamilya na nila.
" Huwag kang mahihiya hija. Kumain ka lang!" wika ni Tita Zita.
" opo, salamat."
" Teka Xian, nasaan ba ang nobya mo at hindi mo kasama ngayon?" tanong ni tito Lucas.
" huh?" nabigla si Xian at napatingin nalamang siya sa kanila.
" Oo nga! hIndi ko pa nakikita ang nobya mo kuya Xian, " sabi ni Kikay. " Napakamalihim mo.. Ikakasal ka na pero hindi pa namin siya nakilala rito."
Tahimik lamang si Yasmin na kumakain.
" Makikilala rin ninyo siya. Busy lang po talaga.." paliwanag ni Xian.
" Bakit ninyo naisipan na pumunta rito?" curious na tanong ni Tita Zita.
Nagsalita si Yasmin, " Ang totoo po, tinutulungan lang niya akong lumayo muna sa isang magulong lugar.. " Napakalungkot ng kanyang boses na naramdaman nila. Napatingin at napatigil sila sa pagkain.
" Yasmin.." nakatitig si Xian kay Yasmin na katabi lang niya.
Natahimik ang lugar hanggang may dumating. Si Dorara ang tawag sa kaniya. Siya ay kapitbahay nila. Mataba siya at kulot ang buhok pero masayahin.
" Magandang buhay tita..tito!! May dala po akong ulam na luto ni nanay!! " sigaw mi Dorara na papasok pa lang sa bahay.
Napalingon silang lahat.
Pagkarating ni Dorara sa may kusina, nabigla siya.." oh! May bisita pala kayo Tita!"
Napatingin si Dorara sa mga bisita. " Xian?"
" Kumusta ate Dorara?!" napangiting bati ni Xian.
" Xian, ikaw nga!!" masayang sabi niya at nilagay ang plato na dala sa mesa.
" Okay lang. Ikaw? Kumusta? Nabalitaan ko na ikakasal ka na!"
Napilitang ngumiti si Xian.
Napatingin si Dorara sa katabi nitong si Yasmin. Napatanong siya, " Siya na ba? Ang ganda niya! Bagay kayo!!"
Nagsalita ang tito ni Xian, " Kaibigan siya ni Xian. Hindi siya ang nobya niya."
" Ahhh ganoon ba!"
" Hi.. Ako nga pala si Yasmin." pakilala ni Yasmin.
" nice meeting you!"
" kumain ka narin rito Dorara. Sabayan mo na kami." niyaya ni Tita Zita si Dorara na umupo na..
" opo!"
Nagpatuloy sila sa kanilang pagkain.
Natuwa si Yasmin sa mga tao sa lugar na iyon... Nakakatuwa sila at mukhang walang mga problema.
Nagtatawanan at nagkwekwentuhan sila.
Napangiti si Yasmin habang nakikinig at nakatingin sa kanila.
-------
Sa may hugasan, naroon si Tita Zita at Kikay.
" Tulungan ko na po kayo, " wika ni Yasmin kay Tita Zita. Kinuha ang mga plato at hinugasan ito.
Napatingin si Tita Zita sa kanya.
Napansin ni Yasmin na nakatitig si Tita Zita sa kanya.
" Bakit ho?" nahihiyang tanong ni Yasmin.
"Wala naman hija.. salamat!"
-----
Naglalaro sa labas ang mga bata ng habulan at huhulihin ng taya. Nagtatakbuhan sila sa bakuran nila at kung sino ang mahuli ay siyang taya.
" Kuya, halika.. Laro tayo! Ikaw taya!" sigaw ni Kikay.
" okay! Sige! Nariyan na ako!!" sigaw ni Xian at hinabol ang tatlo palibot libot sa bakuran nila. Takbo sila at nagkakatuwaan.
" huli ka!" kinarga ni Xian si Roy.
"Roy ikaw na ang taya!"
Tumatakbo sila at masayang naglalaro.
Lumabas na rin sina Kikay, Dorara at Yasmin sa bahay at nanonood sa apat na naglalaro.
" Huli ka Ate Lolita!"
Nakakatuwang pagmasdan sila. Napakasaya ng kanilang mukha na walang iniisip na problema.
Sa isip ni Yasmin, " Mas mabuti pang maging bata.. Walang iniisip na problema. Walang iniindang galit at kung meron man, nawawala naman ito agad dahil gusto nilang maging masaya."
Niyaya ni Dorara si Yasmin na sumali sa laro nila," sali tayo! Tara!" hinablot niya ang kamay ni Yasmin at hinila ito. Pumunta sila sa kanila.
Medyo nabigla si Yasmin," huh?" but gusto niyang sumali.
" Sali kami!" sigaw ni Dorara.
"Ate Dorara, ikaw ang taya!" sabi ni Chikay.
" sige!"
Naghabulan sila sa bakuran. Nahuli ni Dorara si Yasmin dahil malapit lang siya at hindi nakapagready si Yasmin.
Nahuli naman niya si Chikay. Nahuli si Roy ni Chikay..
Hindi mahuli huli si Xian dahil ang bilis umiwas.
Nanonood si Tita Zita sa kanila at masayang makita sila na enjoy na enjoy.
Hinihingal na si Dorara at napatigil ito. Kaya nahuli siya ni Roy.
" Taya ate Dorara!" masayang sigaw ni Roy.
" What!?" nanlaki ang mata ni Dorara.
Natawa sila sa nangyari kay Dorara.
" Hinihingal ka na kasi ate.." pa joke na sabi ni Lolita.
" humanda kayo!" nakangiting sabi ni Dorara. Nakaready kung sino ang pupunteryahin.
Tumatakbo sila pa circle sa bakuran.
Tinawag ni Dorara si Xian, " tumigil ka Xian.. At kung hindi, sasabihin ko sa kanila ang lihim mo noong baby ka pa!!"
" huh?" nagulat si Xian.
Nagulat silang lahat.
Napatigil si Xian. " Ano!? Blackmail ba yan!?"
Natawa si Tita Zita. Si Dorara kasi ang nag - alaga kay Xian noong baby pa siya noong bumibisita sila ryan.
" Anong lihim?" nacurious si Xian.
Biglang tumakbo patungo si Dorara kay Xian.
"Taya!!" touching his shoulder.
Nabigla si Xian. " Ang daya!"
Napatalon si Dorara. " ikaw na ang taya!" sabay takbo papalayo sa kanya.
" Ito talagang si Dorara.. Ang kulit.." sabi ni Tita Zita na natatawa. Dumating na rin si Tito Lucas at nanonood sa kanila.
" Humanda kayo!"
Takbo ng takbo sila na umiiwas kay Xian.. At..
Isa lang ang gustong hulihin ni Xian..
Napatigil ang tatlong bata at napatingin sa dalawa... Napatigil rin si Dorara at pinanood ang dalawa.. Mukhang walang balak kasi na hulihin sila ni Xian dahil nakatuon ito kay..
" Yasmin.."
Umiiwas si Yasmin at ayaw magpahuli. Hinaharangan naman siya ni Xian at gustong hulihin siya..
But Yasmin cannot escape..
Biglang nahuli niya si Yasmin sa likod. Niyakap ni Xian si Yasmin na nakatalikod ang dalaga.
" Gotcha!!"
Napakarga niya si Yasmin ng yakapin niya ito.
Ang saya nilang tingnan at ito ang napansin ng lahat. Ang ngiti nila at ang kislap ng kanilang mga mata na nakatingin sa isa't isa ay kakaiba.
Hinahalungkat ni Tita Zita ang mga damit sa kabinet niya para maghanap ng mga damit na maaaring gamitin ni Yasmin habang nasa kanila siya. Nakaupo si Yasmin sa kama habang nanonood kina Tita Zita at Kikay.
" Heto Hija, kasya ito sa iyo," sabi ni Tita Zita na may hinahawakan na dress. " Mga damit ko ito noon noong dalaga pa ako at medyo sexy pa."
" Ito rin po ate," sabi ni Kikay.
" Salamat po. Nakakahiya naman po at nag-abala pa kayo." nahihiyang sabi ni Yasmin.
" Sa iyo na iyan. Hindi ko na masusuot ang mga iyan," sabi ni Tita Zita.
Hawak - hawak na ni Yasmin ang mga dresses na bigay ni Tita Zita at most of it ay kulay puti. " Salamat po rito."
" Alam mo ba na suot yan ni Ate sa mga date nila ni Kuya noong mag kasintahan pa sila. Tapos, ang iba ay bigay ni Kuya sa kanya," kwento ni Kikay.
" Ang rami mo palang nalalaman Kikay," nagutiwang sabi ni Yasmin.
" Kwento lang rin ni ate sa akin," paliwanag ni Kikay.
Natawa si Tita Zita
" Bakit po puti? Uhm... Huwag ninyo pong masamain ang tanong ko," nahihiyang pagpapaliwanag ni Yasmin.
" Bakit puti? Kasi sumisimbolo ito ng kalinisan ng maraming bagay... Kalinisan ng kalooban, dalisay na pagmamahalan. At purity and perfection," paliwanag ni Tita Zita.
" Wow!" natuwa si Yasmin. " Ang ganda naman po."
Dumating si Dorara sa loob ng kwarto kung nasaan silang tatlo nila Yasmin.
" Pwede pumasok tita?" Dorara asked.
" Pasok lang Dorara.. ngayon ka pa nahiya," sabi ni Tita Zita na nakangiti.
Ngumiti naman si Yasmin kay Dorara.
" Nakabili ka ba?" tanong ni Tita
" opo," sagot ni Dorara
" Sige, ibigay mo iyan kay Yasmin."
Nabigla si Yasmin ng ibigay ni Dorara ang plastic bag sa kanya. " Ano po ito?"
Sinagot naman siya ni Tita, " Mga underwear iyan at bra na gagamitin mo rito. Mukha kasing wala kayong gamit na dala. Inutusan ko si Dorara na bilihan ka. Baka kasi matatagalan kayo rito, mahirap na at medyo malayo ang pamilihan. Eh, since pumunta sila roon, kaya inutusan ko na."
Napatitig si Yasmin at natouch. Bulong niya sa sarili," Ag bait ng tita niya. Napakaalalahanin."
" Salamat po tita Zita," wika ni Yasmin at napangiti ito.
" Walang anuman. Basta narito ka sa amin, feel at home lang," sabi ni Tita habang inaayos ang mga gamit niya sa kabinet.
Hawak - hawak na ni Yasmin ang plastic bag. Talagang natouch siya rito. Binuksan niya ang plastic bag na may lamang bra at panties.
Nakaupo katabi niya sa kama si Dorara at si Kikay ay tinutulungan si Tita sa pag -aayos at paghahanap ng mga bagay na pwede pa kay Yasmin.
Kinuha ni Yasmin ang isang bra at tiningnan niya ito.
" Bakit? Hindi ba okay?" tanong ni Dorara.
Napatingin sina Kikay at tita Zita sa dalawa at nakikinig.
Napangiti si Yasmin, " Tamang - tama nga ang size! Thanks po!"
" Really?" nagulat si Dorara. " Kumusta ang mga panties? Okay lang rin ba?"
" Gusto ko ang mga ito. Nice!" natutuwang sabi ni Yasmin.
Kikay asked, " teka, paano mo alam ang size ng bra niya?"
Napatigil sila Kikay at Tita Zita sa ginagawa. Si Yasmin naman ay nakatingin kay Dorara an katabi niya.
" Hindi naman ako ang pumili niyan. Sumama kanina si Xian sa pamimili kasi kailangan rin daw niyang bumili ng mga gamit. Nadaanan lang namin siya sa daan kanina at sumama na. Noong nalaman niya na bibili ako para sa iyo, i-siya na ang nagsuggest!" paliwanag ni Dorara.
Nagulat sila Tita Zita at Kikay.
Nahihiya naman si Yasmin ng marinig niya iyon. Napayuko ito at medyo namumula
" Really, alam ni kuya Xian ang.. ang size ng bra mo ate. Wow! Amazing!" napatingin si Kikay kay Yasmin.
Natawa si Dorara, " Nagulat nga ako! Super confident niyang pumili kanina at talagang alam na alam niya."
Napapahigpit ang hawak ni Yasmin sa plastic bag habang nagkwekwento si Dorara.
" Natuwa po ako sa kanya. It seems na boyfriend mo siya Yasmin!" tinapik niya ang balikat ni Yasmin.
Nahihiya ang reaction ni Yasmin.
Napangiti lang ang tita Zita nila.
" Pwede pala iyon na alam ng lalaki ang size ng bra mo?" nacurious si Kikay.
Yasmin's pov.
Nakakahiya! Bakit siya pa ang pumili? Bakit niya alam ang size ng bra ko at kung ano ang hilig kong mga panty? Hindi kaya? Dahil sa mga panahon na... Gosh!
Omg! Nakakahiya talaga sa family niya. Ang pagkakaalam nila ay friend lang kami. Ano kaya ang iisipin nila nito? SI Xian talaga! Pinapahiya naman niya ako!
Namumula ang mukha ni Yasmin.
-----------
Namamasyal mag-isa si Yasmin. Naglalakad lakad na nakayuko sa daan at hindi mawala sa isip ang tungkol sa mga pinamili ni Dorara.
Napapabuntong hininga siya.
Sigh!
Naiinis siya kapag naiisip niya ito.
Biglang..
" Tabi tabi... Tumabi ka!" sigaw na nasa likuran niya. Napalingon si Yasmin at nakita niya na may paparating na nagbibiisikleta.
She just look at the bicycle but not the one who is riding on it.
Napapikit nalang siya dahil sa kaba at mukhang may balak na sagasaan siya nito but mali ang inaakala niya. It was Xian. Biro lang niya ang lahat at tumigil ito sa harap niya.
" Yasmin!"
Idinilat niya ang kanyang mga mata.
" Xian?"
" Bakit namamasyal ka na mag - isa?" tanong ni Xian. " Pwede naman kitang samahan.
Agad naglakad si Yasmin at hindi pinansin nag binata. Nagtatampo yata.
" huh?" nabigla si Xian sa reaction ni Yasmin at medyo hindi siya sanay sa pagreact ng dalaga. " "Bakit?"
Nagpatuloy sa paglalakad si Yasmin habang nakasunod si Xian na may bisekleta. Sinusuyo ang dalaga.
" Sorry.. Nabigla ba kita? Sorry na!" nagmamakaawa ni Xian.
Tumigil rin si Yasmin at nagsalita, " Pinahiya mo ako kanina!"
" Ano? Paano kita pinahiya?"
" Sabi ni Ate Dorara, ikaw ang pumili ng mga bra at panties ko,"
" What's wrong?" tanong ni Xian. " Ako nga!"
" They asked paano mo alam?"
" A..alam ko kasi dahil--" nauutal na sabi ni Xian at medyo nahihiya rin siya. He is moving his fingers. He is thinking about what they did.. s*x.
Namumula si Yasmin habang nakikinig siya sa ipapaliwanag ng binata.
" Ano ang iisipin nila? Na paano mo alam... Iisipin nila na may namamagitan sa atin!" naiinis na boses ni Yasmin.
" Meron naman di ba?" seryosong sabi ni Xian. Binitiwan ni Xian ang dalang bicycle at natumba ito sa lupa.
Nabigla si Yasmin sa sinabi ni Xian.
Natahimik ang dalaga saglit.
" Meron.." sabi ni Yasmin na may mahinang boses.
" Meron at Hindi lang natin masabi sabi sa iba!" pabulong rin ni Xian at niyakap niya ang dalaga." Gusto kita Yasmin! "
" Xian.."
---------
Gabi na.
Naririnig mo na ang mga kuliglig.
Nasa kwarto si Yasmin at nakahiga sa isang kama na gawa sa kawayan. Katabi niya si Kikay na natutulog. Sa isang kama naman ay naroon ang tatlong bata.
Napakatahimik nang gabi.
Sa labas ng bahay naroon si Tita Zita na nakaupo sa isang rocking chair malapit sa isang puno. Minamasdan niya ang mga bituin sa langit.
Napangiti si Tita Zita at tumayo ito para bumalik na sa loob ng bahay.. ngunit dumating si Xian roon.
" Xian, hijo.. Gising ka pa pala," sabi ni Tita Zita.
Nagkaharap ang dalawa.
Seryosong nakatingin sa kanya si Xian at nagsalita ito, " Auntie, may sasabihin sana ako sa iyo....may aaminin po ako."
Medyo hindi inexpect ito ni Tita Zita. Nacurious siya tuloy..