Bumalik na sila Yasmin at Xian sa kani-kanilang upuan. Natapos na rin ang dalawang game habang wala sila sa hall. Nagkakatuwaan na ang lahat at nagmukhang bumata sila. They just enjoy the night.
Nagbreak muna at hinihintay nila ang next na game. Habang naghihintay ay nagkwekwentuhan muna sila.
Nacurious si Harrold kina Yasmin. Tinanong niya si Yasmin na katabi lang niya, " Magkasama kayo ni Xian, tama ba? Aminin!" tinutukso niya ang dalaga.
"Uhmm.." nahihiyang sumagot ni Yasmin. Napapayuko nalang ito.
"Ang tagal ninyong bumalik! Teka, anong ginawa ninyo?" dagdag ng kaibigan na mas kinikilig habag tumatagal.
"Huh? wala naman.. " sagot ng dalaga at iwas tingin ito. Napainum siya ng tubig na nasa goblet.
Palihim na natawa si Harrold nang mapansin na namumula na ang kaibigan at halatang nahihiya ito.
Kinikiliti niya si Yasmin at tinutukso pa rin, "Ayiee.. Kinikilig siya!"
Naappangiti na lamang si Yasmin at sa kaloob-looban niya ay kinikilig ito.
Samantala, si Xian naman ay nasa upuan rin niya. Katabi niya si Helen na pinagmamasdan ang ginagawang pag text ni Xian. Marga texted him. Nangungumusta tungkol sa reunion but Marga didn't know na dumalo si Yasmin. Ang pagkakaalam niya ay wala siyang susuotin. Xian didn't tell her unless she will ask. Hindi rin naitanong ni Marga kung dumalo ba si Yasmin dahil baka mahalata siya na kagagawan niya ang lahat. Walang kaalam alam ang binata tungkol sa nangyari sa damit ni Yasmin.
Napakabusy ni Xian na nagrereply sa text ni Marga habang si Helen naman ay hindi nagpapahalata na nakatingin ito sa screen ng cellphone. Inaalam niya kung sino ang katext ng binata at kung ano ang text niya.
Hindi na nakatiis si Helen at napatanong na ito," Sinong katext mo? Fiancee mo?"
Medyo hindi inaasahan ni Xian na tatanungin siya ni Helen. " Huh?"
" Ilang years na kayo? Kailan kayo ikakasal?"
"Huh? Uhm.. Matagal tagal na rin kami.. .." nabubulol si Xian sa pagsagot.
She was so curious na halatang talagang nakikinig siya at interesado tungkol sa kanya.
"Tuloy na ba ang kasal ninyo o may.. " hindi niya matuloy - tuloy ang tanong nito sa binata.
Nabigla si Xian sa tanong ni Helen. Ano ang ibig niyang sabihin at gustong ipahiwatig?
Mas lumapit pa si Helen ng kaunti kay Xian but umiiwas naman papalayo ang binata. Hindi maalis ang tingin ni Helen sa binatang katabi. Tinitigan niya ito na kaya unti-unting naiilang si Xian.
" May possibilidad kaya na hindi matuloy? Matutuwa ka ba o malulungkot?" kakaibang ngiti ang nasa mukha ni Helen habang nagsasalita.
Natahimik si Xian na napalingon kay Helen. Hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat isasagot. Dumating si Franz at Joey na kasamahan niya sa sports team.
Tinapik ni Franz ang likuran ni Xian at bumati, " Xian, bro!" Nakatayo sila sa may likuran ni Xian.
Napalingon si Xian at tiningnan kung sino ang lumapit. Noong nalaman kung sino, napatayo siya at bumati rin sa kanila, " bro!!"
Nagkabatian silang tatlo.
" Kumusta?"
" okay lang naman..kayo, kumusta?"
" Heto, may dalawang anak na!"
" Ako naman nakapagpatayo na rin ng sariling negosyo.."
" Wow, ang galing naman!" reaction ni Xian.
" Teka bro, congratz nga pala at ikakasal ka na! Kailan ba? Imbitado ba kami?" tanong ni Franz.
Hindi makasagot si Xian at iniba ang topic na lamang.
" Ilang taon na ang mga anak mo?"
Nakikinig si Helen sa kanila na nakaupo sa kanyang upuan. Halatang may nalalaman si Helen. Napapangiti siya arlt napapasingkit ang mga mata.
Hanggang, napansin ni Helen ang naiwang cellphone ni Xian sa mesa. Tiningnan niya ang tatlo na nakatayo malapit sa kanila. Napansin niya na napakabusy nilang nag-uusap at si Xian ay nakatalikod naman sa kanya. Ang iba na kasama niya sa mesa ay busy rin na nagkwekwentuhan.
Napangiwing ngiti si Helen at dahan dahan na kinuha ang cellphone ni Xian. Pagkatapos ay itinago niya sa loob ng maliit niyang pouch.
Napatingin ulit siya kay Xian pero mukhang walang balak na lumingon sa kanya kaya tumayo siya at umalis sa may mesa. She went out from the hall.
Emcee: " okay okay okay.. Are you all ready for the next game?"
Natuwa na ang lahat. Sumigaw silang lahat, " Yes!"
They were all excited.
Napaupo na si Xian sa upuan niya at bumalik na rin sila Franz sa kanilang upuan. Hindi pa rin napapansin ni Xian na wala ang cellphone niya sa mesa.
Sa pasilyo kung saan naroon si Helen ay hinablot niya ang cellphone mula sa kamyang pouch. Hindi mahirap na mabuksan ni Helen ang cellphone ni Xian dahil wala itong password. Hinanap niya ang messages ni Xian sa fiancee niya.
She opened all messages folder and scroll it.
At last, nakita niya.
"Hmmm.. Marga pala name. Matingnan nga.." bulong niya sa sarili.
Kinuha rin niya ang kanyang cellphone at nagmamadali siyang kinopya ang cellphone number ni Marga.
At biglang....
" Helen!" Isang salita na nagpagulat sa kanya kasabay na hawak sa balikat nito.
" Aie Butiki!!" sigaw ni Helen dahil sa gulat.
Sa pagkagulat ni Helen ay nabitawan niya ang isang cellphone ni Xian at nahulog ito sa sahig.
Hindi niya ito inaaasahan.
Nabagsak ito ng todo sa sahig. "Oh my!!" Nanlaki ang mga mata nila pareho dahil sa gulat.
"Patay!" reaction ni Rico. " Sorry Helen, ginulat ba kita?"
Napatakip sa bibig si Helen ng kanyang isang kamay at hindi alam ang gagawin. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa kanyang cellphone.
Nakatayo pa rin si Helen at mukhang hindi kayang kunin ang nahulog dahil sa kaba kaya si Rico ang pumulot nito.
Napayuko at pinulot ni Rico ang cellphone at tiningnan ito. Nasira at basag ang harapan ng cellphone pero gumagana pa rin ito. Ang unang napansin ni Rico ay ang screensaver ng cellphone.
Nagulat siya, " Si Xian?"
Tumayo na siya at lumingon kay Helen. Nagtataka ang binata. Agad namang hinablot ni Helen ang cellphone sa kamay ni Ric.
"Oo, screensaver ko si Xian dahil crush ko siya! Anong pakialam mo!?" nagagalit na sabi niya.
Talagang nagtataka si Rico kung kay Helen ba iyon dahil may isa pa itong dalang cellphone.
Pagkatapos makuha ni Helen ang cellphone ay nagmamadali siyang umalis at bumalik sa hall.
Napakamot na lamang si Rico sa ulo.
------
Tumayo ang emcee sa harapan ng lahat at nagsalita.
"Tapos na ba kayong magsulat?"
Ang next na gagawin nila ay isusulat nila sa binigay na papel kung sino ang crush nila noong elementary pa sila na ka batch nila. This is just for fun. Alam naman nila na ang iba ay may asawa na but they just want to have fun like this at balikan ang nakaraan. Magkakaalaman na! Dapat may isusulat talaga na pangalan.. No blank please! Mapipilitan ang iba na magsulat. Kung wala man, kung sino ang pinakagusto nila noon. Exciting!! Malalaman kung sino talaga ang maraming tagahanga noon.. At kung sino ang wala.. Oh, nakakahurt but then this just a throwback before. Pagkatapos, for girls, may one rose na ibibigay ang boy while for boys ay isang bar pin na heart at they will pin it on his shirt or coat.
They gathered in front para mas madali.
Emcee: "Okay ready!?"
Music!
Nagsimula ng kiligin sila. They reminisce the things when they were in elementary lalo na sa mga crushes nila noong grade 6. Kahit napakabata pa nila noon, humanga naman sila.
Pinatugtog ang napakagandang musika ng pag-ibig. Mas bumalot pa tuloy ang nakakakilig na aura sa buong bulwagan. Naalala nila ang kanilang kabataan na may saya, katuwaan, kiligan, tuksuhan at iba.
Ilang sandali ay magsisimula na sila.
"You can go to your crush.." utos ng emcee sa pagsisimula ng laro nila.
Kinikilig rin si Harrold at excited na ibigay sa crush niya na varsity player na kasamahan ni Xian.
" Teka, sino ang pagbibigyan mo Harrold?" usisa ni Yasmin.
" Edi, si crush ko noon.." sagot niya.
Napaka busy nilang lahat. Pin rito at ang pagbibigay ng rose roon.
Umalis na sa kinatatayuan si Harrold at pumunta sa crush niya. Kaya naiwan na lamang si Yasmin na nakatayo sa gilid. She's holding the barpin na ibibigay niya. Tiningnan niya ito habang nasa palad niya.
"Wait wait,.. Ako muna maglalagay," Helen said while pinapatabi ang ibang girls and she pin it on sa coat ni Xian at sa may puso niya.
"Hayan, sa puso mo talaga Xian!!" sabi ni Helen.
Hawak - hawak pa naman ni Xian ang rose niya. Kanino kaya niya ibibigay? Naghihintay ang mga kababaihan kung sino ang pagbibigyan nito.
Pinagkakaguluhan si Xian ng mga babae at halatang maraming talagang tagahanga ang binata.
"Dahan dahan lang.." wika ni Xian. " isa isa lang.."
" This is for you Xian!"
" Crush kita noon!"
Ang ibang lalaki ay may nakuha rin but mas marami sa kanya. Ang iba naiingit. Sina Oscar at grupo niya ay talagang walang nakuha. Mga bully kasi.. " tseh!"
Si Helen, marami rami ring nakuha but she's waiting na ibibigay ni Xian ang rose. Not just her na naghihintay, ang mga babae ay talagang naghihintay kung sino. No one knows..
" Ako sana.."
" Sigurado ako.. Joke!"
" Sana ako Xian.."
Yasmin expected na wala siyang matatanggap dahil pangit nga raw siya noon. Tanggap na niya ito.
Most girls are done na ipin kay Xian ang barpin. Umabot sa likuran niya ito at talagang punong - puno.
Kaya may pagkakataon na si Xian para puntahan ang babaeng crush niya. But sino?
They were waiting for Xian. Napansin nilang lahat na nakatuon ang kanyang tingin sa may likuran. Kaya napalingon sila kung saan tumitingin si Xian.
He started to walk patungo sa gusto niyang pagbigyan. Habang naglalakad, ang mga taong madadaanan niya ay nagpapatabi para makadaan si Xian. Dahan - dahan siyang naglalakad at ang mga tao ay pinadaan siya.
Napatingin sila at sinusundan kung saan pupunta si Xian.
Napakaganda ng musika at mukhang slow motion ang lahat.
At last, kaharap na ni Xian ang babaeng gusto niya
Nanlaki ang mga mata ni Helen at hindi sila makapaniwala, " What!?"
Nagulat silang lahat.
Napangiti naman si Harrold.
May masayang makita kung sino talaga ang crush niya noon. Nakangiti ang mga ito at ang iba ay hindi makapaniwala.
Xian handed the rose to the most beautiful lady of the night and said,
"Tanggapin mo Yasmin angrose na ito."
Namumula ang mukha ni Yasmin na kaharap si Xian. Naalala ni Yasmin ang sinabi ni Xian na gusto siya niya noon but didn't expect na talagang totoo ito at wala ng iba. Nahihiya si Yasmin at ang lakas ng kabog ng dibdib nito na mukhang sasabog na. Kinikilig siya hanggang buto. Hindi niya alam ano ang ireaction at isasagot.
Sa isip niya, " Hindi ko iniexpect ito. Ako? Bakit? Ang pangit ko!! Anong nagustuhan niya noon? Ang isang hearthrob ay may crush sa akin.. Is this for real? Talaga? Crush niya ako noong elementary. I really thought gusto niya ako ngayon at walang kinalaman ang kahapon."
Napakatapang ni Xian na sabihin at ilahad sa lahat ang kanyang lihim na noon pa niya tinatago.
Pabirong nagsalita si Xian, " Ayaw mo bang tanggapin ang rose na ito?"
" huh?" nabigla si Yasmin.
"Edi ibibigay ko na lang sa iba."
Agad namang hinablot ni Yasmin ang rose na nasa kamay ni Xian, "Teka teka, tatanggapin ko." Nahihiyang reaction ni Yasmin.
Napangiti si Xian at natuwa.
" Sayang naman kung hindi ko tatanggapin," pabulong na sabi ni Yasmin na umiwas ang tingin pero hindi mapigilan ang sariling sumulyap - sulyap
Napansin ni Xian na hawak pa ni Yasmin ang barpin niya.
"Eh ikaw, hindi mo ba ibibigay ang sa iyo? tanong ni Xian. " Sino ba ang crush mo?"
Ang mga tao ay nakatingin pa rin sa kanila.at nakapalibot.
Tiningnan ni Yasmin ang suit ni Xian at ito ay punong puno na ng barpins.
"Uhmm.." Mas hinigpitan ni Yas ang pagkakuyom ng palad kung saan naroon ang kanyang barpin.
Emcee: " Sino ba ang pagbibigyan mo Yasmin ng barpin mo?"
Xian asked, " Kanino mo ibibigay iyan?"
Sumagot si Yasmin, " Ang totoo.. " namumula at nahihiya na siya.
"Ibibigay ko sana sa iyo Xian...uhm.. Dahil noon crush na kita! "
Napangiti si Xian at masaya ito ng marinig ang mga sinabi ni Yasmin. Tumatalon sa tuwa ang puso niya.
"Pero--" hindi matuloy-tuloy ni Yasmin ang sasabihin. Hmmm.. Saan ba naman niya ipipin ang barpin niya na puno na ang suit nito.
" Bakit may problema ba?" tanong ni Xian.
" Kasi.. "
Agad tinanggal ni Xian ang barpin na nasa may puso nya, ang barpin ni Helen.
" I - pin mo rito sa may puso ko!" utos niya.
Nabigla si Yasmin.
Nagulat si Helen na tinanggal ni Xian ang kanyang pin para lang mailagay ni Yasmin ang sariling pin sa may puso pa ito. Ito ang nagpainis sa kanya.
" huh? Hindi ito maaari!"
Kinikilig ang mga nanonood.
They like each other before but they dont know it.
So, Yasmin pin it sa may puso ng binata.
Bumulong si Xian sa tenga ni Yasmin,
" You own my heart since...."
Napangiti si Yasmin at kinilig.
Napahiyaw ang emcee. "Okay! Let's PARTY PARTY!!"
Nagkaroon ng disco music at sayawan sa bulwagan. Umiikot na mga makukulay na ilaw ang nagpapakulay sa buong paligid.
Sayaw rito, sayaw roon! Tumatalo at umiindak ang iba kasabay sa napakagandang musika. Hindi na nila iniisip na naka gown sila at formal ang suot. Nagdidisco sila at ineenjoy ang gabi!
-------
At the ladies room, naaasar si Helen sa mga nangyayari. Pagkapasok niya ay agad humarap ito sa salamin.
"Nakakainis!"
Mukhang sasabog ito sa inis at nanggigigil siya talaga. Dahil sa inis, naalala niya ang cellphone ni Xian. Kinuha niya agad ang cellphone at iniunlock niya ito. Gumagana pa naman kahit basag ang harapan. Ang mukha ni Xian sa screensaver ang bumungad sa kanya.
" Naiininis ako dahil siya ang pinili mo! Bakit siya pa!?" Taas noong nagsasalita si Helen habang pinagmamasdan ang larawan ng binata.
"pero hindi ako magpapatalo kahit ikakasal ka na!" napakaseryoso niya.
Mukhang may binabalak si Helen.
------
Habang nagdidisco ang iba, bumalik si Xian sa kanyang upuan at naalala niya ang kanyang cellphone. Napaisip siya kung saan huli niyang ginamit ito. As far as he remembered, nasa mesa lang niya ito inilapag kanina. Unfortunately wala ang cellphone niya roon.
" Teka, saan ko ba yun huling ginamit?" tanong ni Xian sa sarili.
Hinanap ni Xian sa ilalim ng mesa pero wala ang cellphone niya roon. Paglingon niya at palabas sa ilalim ng mesa, nakatayo naman si Helen roon. Napatingin si Xian kay Helen at gayundin ang dalaga.
Napakaseryoso ng mukha ni Helen na nagpa - curious kay Xian.
Tumayo si Xian at hinarap si Helen.
" May hinahanap ka ba?" tanong ni Helen.
" Hinahanap ko ang cellphone ko. Nakita mo ba?" sagot niya.
" Hindi! Pero may sasabihin at tatanungin ako sa iyo!" wika ni Helen.
" Ano naman?"
" Pwede ka bang sumama sa akin? Sa labas ko na sasabihin.." ani ni Helen.
Walang pag-aalinlangan, sumama naman si Xian sa kanya.
----
At the hallway na medyo malayo layo sa hall nag-usap ang dalawa.
" Anong kailangan mo? Anong sasabihin mo sa akin?" tanong ni Xian na napakaseryoso.
Lumapit si Helen and she touches the face of Xian na mapang-akit.
" I know your secrets with Yasmin. Hindi mo maikakaila sa akin na may relasyon kayo kahit na ikakasal ka na! Tama ba?"
Nakakunot ang noo ni Xian ng marinig ang mga ibinunyag ni Helen sa harap niya. Hindi agad nakasagot si Xian.
Helen touches with her fingers ang labi ni Xian. Tumitig siya sa mga labi ni Xian at inaakit pa ang binata.
" Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Xian. " Diretshahin mo na ako."
" Alam ba ng fiancee mo na may namamagitan sa inyo? Sabi pa naman ni Yasmin, bestfriend niya ang fiancee mo. Ano kaya mangyayari kung malaman niya? Hindi ba pagtataksil iyon!"
"Paano mo masasabi na may relasyon kami ni Yasmin? Sa mga laro ba? Sa mga nangyari kanina? Hindi ba it's just for fun?" paliwanag ni Xian.
"Yes, its just for fun ang mga laro kanina kung baga throwback. But alam ba niya na crush mo si Yasmin noong bata pa kayo? Sinabi mo? Eh, sino pa ang mga crush mo!?" napakalandi ng aura ni Helen na bumababa ang paghaplos ng kamay sa may balikat ni Xian.
" Anong pakialam mo Helen sa buhay ko! It's my personal life." galit ang boses ni Xian na habang tumatagal tumataas ang tono nito pero nagpipigil si Xian. Kahit ganoon, hindi niya gusto ang ginagawa ng binata.
"Nakita ko kayo ni Yasmin na naghahalikan! At may ebidensya ako!!" sabi ni Helen. Sabay niyang pinakita ang larawan sa cellphone niya.
Nabigla si Xian. Dahil sa hindi inaaasahang ito ni Xian ay natahimik lang ang binata.
"Hindi mo naman gustong isend ko ito sa fiancee mo , hindi ba?" hamon ni Helen.
" Alam ko kung ano ang patutunguhan ng usapang ito. You will blackmail me about that, right?" seryosong sagot ni Xian na medyo hinahamon si Helen.
" Xian...ang gusto ko lang ay...." napaka-amo ng boses ni Helen habang kausap siya. Patuloy pa rin ito sa pang-aakit sa binata. Dahan dahang lumapit ang dalaga sa binatang nakatayo.
Binigyan ng seryosong tingin ni Xian si Helen na napakalapit ang mukha sa kanya.
" Desperada ka na ba talaga?" tanong ni Xian na napasingkit ang mga mata.
" Yes, I'm desperate!" Nilapit pa niya ang labi niya sa labi ni Xian. Mukhang hahalikan niya si Xian na sapilitan.
Natawa si Xian at sinabing, " Sorry but hindi ako natatakot! Just blackmail me!"
Nanlaki ang mga mata ni Helen. Napahinto siya sa kanyang gagawin at hindi natuloy ang binabalak. Hindi siya makapaniwala na sasabihin ni Xian 'yon. Nakita ni Helen kung gaano ka seryoso si Xian.
"At tatandaan ko ang araw na ito.. I will be disappointed sa gagawin mo as the president of the one you called my fans club before!"dagdag ni Xian.
Napalayo ang mukha ni Helen sa mukha ni Xian. Naiinis siya at nanggigigil. Nanginginig siya sa inis at nagpipigil sa galit. She was so jealous.
Napatanong siya, " Why her?"
Sinagot si Xian na nakangiti, " She's unique! She's beautiful inside and out. A charm na wala kayong lahat!"
Ang sakit ng puso ni Helen habang nakikinig sa sagot ni Xian. Mukhang tinamaan ng matalim na bagay ang puso niya at sasabog ang ito na wasak na wasak.
Napaatras si Helen at napunta sa may pader. Hindi siya makapaniwala na ganoon ka inlove si Xian, the hearthrob nila.
Napaatras si Xian at umalis sa kinatatayuan. Naiwan nalang si Helen roon.
Biglang sumigaw si Helen, " Aahh!!!" Itinapon niya ang kanyang cellphone dahil sa galit at inis. Napaupo siya sa sahig at tinakpan ang mukha. Umiiyak ito at humahagulgol. Naiinis siya sa mga nangyayari.
Agad bumalik si Xina sa bulwagan at pumasok na parang walang nangyari.
-------
At the hall
Magkasama sila Harrold, Xian at Yasmin na nakatayo sa tabi habang ang iba ay nagsasayawan pa.
Harrold tried to call Xian's phone but out of coverage ito. They cannot find it.
" Hindi macontact Xian," sabi ni Harrold.
" Paano na yan?" tanong ni Yasmin na nag - aalala.
"Okay lang. Wala na tayong magagawa," sagot ni Xian na pinapagaan na lamang ang sarili.
Rico approached them. Nakikinig pala siya sa usapan nila," bumili ka na ng bago. Luma naman iyon di ba?"
They just looked at Rico without any reactions. Joke ba iyon o totoo?
Lumipas ang ilang oras. Lumalalim na ang gabi kaya nagsiuwian na sila. It was a great night and gathering. They really enjoyed the night.
Si Helen, may itinapon siya sa trashbin sa ladies room at iyon ang cellphone ni Xian na sira na ang screen.
Pumunta ng boutique ni Harrold sina Xian at Yasmin para makapagbihis ng damit si Yasmin at maisauli ang hiniram na gown. Nakapambahay pala ang suot ni Yasmin ng pumunta siya sa boutique kanina dahil sa pagmamadali. Kaya, may ipinasuot si Harrold kay Yasmin na isang dress. Isang pink dress na medyo maikli. Baka kasi gusto pa nila magbonding before going home.
-----
Nag - uusap sina Harrold at Yasmin sa office habang nasa may lobby si Xian at naghihintay na matapos si Yasmin. Ihahatid kasi ni Xian si Yasmin sa kanila.
" Salamat sa napakagandang gown," pagpapasalamat ni Yasmin habang hawak niya ang kamay ng kaibigan.
" What are friends are for di ba? No problem. Its my pleasure as your fairy godmother!" sabi ni Harrold.
Napatawa si Yasmin.
Sumagot rin siya, " So ako si Cinderella?"
" Tumpak!" sabi ni Harrold na napakalaki ng boses at pumalakpak pa siya ng isang beses.
Napatawa ulit si Yasmin. May naalala siya tungkol sa kanyang isang gown na naikwento niya kay Harrold.
Nagsalita ulit si Harrold, " at iyong sumira ng gown mo ay ang bruha!!"
" Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Hindi naman niya sinasadya!" paliwanag ni Yasmin.
Nacurious tuloy si Harrold. Tinanong niya siya,"Alam ba ni Xian ang ginawa ni Marga sa gown mo?
" Hindi ko na sinabi. Huwag mo ng sabihin!"
" Eh baka sinadya na talaga iyon para hindi ka makapunta.. Hindi kaya ganoon iyon?. Eh, obsess rin yun kay Xian. Buti kung hindi matutuloy ang kasal nila," madaldal na sabi ni Harrold.
Natahimik nalang si Yasmin.
" Ano ba ang balak ninyong dalawa?" tanong ni Harrold. "Mas mabuti pa ay sabihin na ninyo gurl habang maaga pa. You know naman ready na ang lahat at counting days nalang. Hindi kaya magmumukhang bulkan siya pag nalaman niya?"
" I'm just hoping na maiintindihan niya, " malungkot na sabi ni Yasmin.
Harrold hug Yasmin and said, " kung ano ang desisyon mo, I will support you! Kung pwede lang na hindi ako ang magdedesign sa wedding gown niya, I will backout! But everything is already set up."
" Okay lang iyon," sagot ni Yasmin.
" Basta gurl, sundin mo ang puso mo. If he really loves you, alam kong ipaglalaban ka niya kaya huwag kang matakot." payo ng isang kaibigan.
After how many minutes, at last, lumabas na sila sa office at pumunta na sa lobby.
" Ang tagal ninyo. Anong ginawa ninyong dalawa?" napatanong si Xian.
" Sige na, ihatid mo na siya Xian. Please take care of her!" sabi ni Harrold.
Lumabas na sila sa boutique.
Bago sila pumunta sa sasakyan, iniabot ni Yasmin ang isang sobre.
" Ano ito?" tanong ni Harrold na hawak ang sobre.
" Yan ang napanalunan namin. Trip to Hawaii. Sa iyo na yan at maisasama mo iyong crush mo na model," paliwanag ni Yasmin. Nakangiti naman si Xian habang pinagmamasdan ang dalawa.
" Really?" hindi makapaniwala si Harrold at napakasaya niya. " Thank you sa inyo. Pangarap ko talaga ito!"
Napangiti ang dalawa sa saya na makita si Harrold na napapatalon sa tuwa.
Agad pumunta sa sasakyan si Xian at binuksan ang pinto para kay Yasmin. Pagkabukas ni Xian sa pinto ay pumasok na si Yasmin. She's sitting next to the driver's seat. Si Harrold naman ay nakatayo sa may pinto ng Boutique niya at masayang makita na magkasama ang dalawa.
Pumasok na rin si Xian sa loob ng sasakyan. Bago umalis ay binuksan nila bintana para magpaalam.
"bye Harrold!"
" Xian, alagaan mo ang kaibigan ko. Yasmin, itext mo ako kung nasa bahay ka na!" sigaw ni Harrold.
" Sure. Do not worry Harrold, " sagot ni Xian.
"Okay, I will text you pagnakauwi na ako. Bye. Thanks!" sabi ni Yasmin. Then she close the window.
Nagseat belt na rin si Yasmin pati si Xian.
Pinagmasdan ni Harrold ang sasakyan nila Xian na papaalis sa lugar. " I will be happy kung kayo ang magkakatuluyan. It's your dream right,Yasmin!?"
In Xian's car
Seryosong nagdrive si Xian. Si Yasmin naman ay nakatingin sa daan.
Nagsalita si Yasmin, " Ayoko munang umuwi... "
Nabigla si Xian sa kanyang narinig mula sa dalaga..
But still nakafocus siya sa pagdrive.
" Ayokong umuwi pa."
" Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Xian.
Medyo malungkot ang boses ni Yasmin. Sa gabing iyon, naaalala niya ang nangyari sa kanyang gown na mukhang sinadya ng kaibigan at ang pangako niya na pagkatapos ng reunion ay sasabihin na nila kay Marga. Kinakabahan siya. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman.
She want to have a peace of mind.
" Ayoko pang umuwi.. Gusto kong pumunta sa isang lugar.. "
" huh?" Naguguluhan si Xian.
Kaya nagpark muna sila sa tabi ng daan.
Hinarap ni Xian si Yasmin at tinanong, " What do you mean? Bakit ayaw mo pang umuwi?"
" Ayoko pa! Gusto kong pumunta sa isang lugar na makakalimutan mo saglit ang mga problema."
Nag - aalala tuloy si Xian, "May problema ba?" Hinawakan niya ang kamay ni Yasmin na nasa lap nito.
Napayuko si Yasmin, " Ang totoo, natatakot ako. Kinakabahan.. Hindi ko maintindihan. Gusto ko muna magpakalayo... "
Seryosong nakikinig si Xian sa mga sinasabi ng dalaga.
Tumingin si Yasmin na maluha - luha ang mga mata, " Sorry.. alam kung pangako natin na sasabihin natin kay Marga pagkatapos ng reunion pero mukhang hindi ko pa kaya! Natatakot ako!"
Ngumiti si Xian ," okay lang. Huwag mong pilitin. Kung kailan ka handa ng sabihin, susuportahan kita. Basta, narito lang ako."
Then Xian hug her.
Maraming mga bagay ang gumugulo sa dalaga. Sa isip nito,
"Wala pa akong lakas ng loob na sirain ang kasal niya na siyang pinapangarap ng bestfriend ko. Ano ba ang dapat kong gawin.. Ipaglaban si Xian? Pero paano kung iwan niya ako at mas mahal niya pala si Marga? Mahigit na sampung taon sila. Then, kung sasabihin ko na gusto ko siya, siguradong sasabihin niya taksil ako at pareho silang mawawala! Siguro, I need time to think and sana tama ang desisyon ko. Ilang linggo na lamang at iyon na ang araw."
Sa isip ni Xian,
"Alam kong nagdadalawang - isip ka.. Pero sana magtiwala ka sa akin. Ipaglalaban kita kahit anong mangyari at sana ganoon ka rin. I will be here loving you at walang taong makakapalit sa iyo kahit ilang taon pa kami ni Marga, you will be my forever."
Nagpatuloy sa pagmamaneho ang binata.