Kinikilig si Harrold habang nanonood sa dalawa. Napapatapik siya sa balikat ng katabi niya dahil sa kilig.
" Ang cute nilang tingnan diba?" sabi ni Harrold na hindi mapigilang kiligin.
Napapangiti nalang ang katabi niya.
Si Helen naman ay talagang naiinis habang nanonood. Matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong ito but then nawala pa ang chance. She's divorce at wala ng asawa kaya pwede ng makipaglandian sa iba.
Paliit ng paliit ang papel hanggang dalawang pares na lang ang natira; sina Yasmin at Xian at isang pares na magkasintahan talaga.
Mukhang isang paa na naka - tiptoe nalang ang pwede sa papel. Kinakabahan ang lahat at napapatanong kung sino ang mananalo sa dalawang pares.
Music please!
Sayaw sayaw!!!
Sumayaw sila sa tugtog ng musika.
Nakatingin si Xian kay Yasmin at ganun rin ang dalaga. Hindi maiwasang hindi mag-alala si Yasmin. Hindi alam kung anong gagawin niya. Kinakabahan tuloy siya.
Bumulong si Xian, "Kaya natin ito!" He was determine to win but Yasmin is hesitant.
" Paano?" tanong ni Yasmin at binaling ang tingin sa kalaban nila na nasa kanan niya.
Nakita ni Yasmin na napaka-confident ng katunggali nila. They were laughing at nagkakatuwaan habang sumasayaw. Kitang kita sa dalawa na talagang lovers at halatang halata sa mga kilos. Si Yasmin ay kinakabahan, naiilang at medyong nahihiya naman na kasama si Xian. Palaging nasa isip niya kung ano ang iisipin ng iba. They are lovers but they can't show it to the others.
Pagkatapos ng ilang minuto, tumigilang musika.
Hinakbang ng lalaki ang isang paa sa loob ng papel habang ang isang paa ay nakaangat. Dahil sa liit ng papel ay tumingkayad ito. Sumunod naman ang babae at agad sumakay sa likod ng kapareha. Ipinulupot nito ang kamay sa leeg ng kapartner niya at pataas ang mga paa para hindi sumadsad sa lupa.
Bubuhatin namanni Xian si Yasmin.
" I will carry you," ani ni Xian kay Yasmin.
"Huh?"
Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin at wala na siyang magawa. She didn't feel this kind of feelings before.Mukhang teenager lang naman ang naramdaman ng dalaga.
Xian step one foot on the paper. Xian placed his one arm around Yasmin. He placed his one arm around Yasmin's back and ang isa ay nasa naka-bend na tuhod. Yasmin placed her arms around the shoulder of Xian at na- lift niya ang dalaga na walang kahirap-hirap. He lifted her like a lover.
Mas pinalapit pa ni Xian sa kanya ang katawan ni Yasmin nang buhatin niya ito. Tumayo ng matuwid siya at itinaas niya ang isa niyang paa na hindi nakaapak sa papel at lupa. Pagkatapos ay dahan dahang itinaas niya ang kanyang takong. Naka - tiptoe na ang isa niyang pa. Kaya kailangan niyang magbalance or else mahuhulog sila pareho.
Yasmin wrap her arms around Xian's neck.
Lahat ay natulala at pinapanood ang dalawang pares kung sino ang mauunang mag-give up. Sino kaya?
They took pictures and video.
The emcee said, " Ito na ang last na level. Kung sino ang mauunang maggive-up ay siya ang talo.
Lahat sila ay kinabahan pero mas excited sila na malaman kung sino nag mananalo. Mas tumatagal, nararamdaman ng dalawang lalaki ang bigat ng dinadala nila lalo na nakatiptoe lamang sila at nagbabalance. Parehong pinapawisan ang dalawang lalaki. Tinitiis ang hirap para lang manalo.
Ang isang babae pabulong na nagsabi na nasa likod ng lalaki, " Kailangan nating manalo. Prove to them na tayo ang the best couple! Huwag tayong magpapatalo sa kanila na hindi naman magkasintahan na katulad natin. Nakakahiya kapag matatalo tayo, hon!" bulong niya sa kanyang partner na halatang nahihirapan na rin. Hindi na siya sumagot sa sinabi ng dalaga.
Napansin naman ni Yasmin na nahihirapan na si Xian. Malalaking butil ng pawis ang nasa mukha ng binata. Pinapawisan na talaga si Xian.
Bumulong si Yasmin kay Xian na talagang naaawa na sa kapareha, "Tama na! Nahihirapan ka na! Huwag na nating ituloy ito. Okay lang kung matatalo tayo.."
Sumagot si Xian," Hindi! Kaya natin ito!"
" Pero Xian, ayokong nahihirapan ka kaya sumuko na tayo."
" Ngayon pa ba tayo susuko! Kung kailan sinimulan na natin." sabi ni Xian na napakaseryoso.
" Xian naman.." nag - aalalang sabi ni Yasmin.
" Papatunayan ko na kaya kong panindigan ka. Hindi ako bibitiw at huwag ka rin bibitaw! Titiisin ko hangga't kasama ka!" sabi ni Xian na nakapikit ang isang mata na. Tinitiis niya ang hirap nito.
Na-touch si Yasmin sa sinabi ni Xian.
" Xian.."
He smiled and said, "Trust me! Hindi ako susuko! Hindi tayo susuko!"
Napatango si Yasmin at naniniwala kay Xian. Mas hinigpitan ni Yasmin ang pagkakahawak nito sa binata.
"I trust you Xian!"
Emcee: " OMG! Talagang walang sumusuko sa kanila. Parehong magagaling! Well, ang prize nito ay hindi lang cash prize, may special prize pa na magugutstuhan ng mga couple natin!"
" Wow! Ano naman!?" sigaw ng lahat.
Emcee: " Secret muna!"
Limang minuto na ang nakakaraan.
" Huwag kang susuko! Nakatingin silang lahat!" sabi ng babae.
" Huwag kang susuko! Hindi rin ako susuko!" nakapikit na bulong ni Yasmin.
Nanginginig na ang mga tuhod ng mga binata.
They were amazed with them. Talagang napanindigan nila ito.
Sumasakit na ang likod ng isang lalaki habang nasasakal siya ng nobya niya na nasa likod.
" Kaya mo ito! Huwag kang bibitiw. Kunti nalang.. " sabi ng babae habang sumusulyap kina Yasmin at Xian. Nakita niyang nahihirapan si Xian na nakapikit na ito. Nakasubsob naman ang mukha ni Yasmin sa may dibdib ni Xian.
" Kunti nalang honey.. Almost na... they will give up.. Nahihirapan na siya!" sabi ng babae na masaya ang mukha.
Kinakabahan si Harrold habang pinapanood ang dalawa, "Oh my! Xian.. Yasmin. Kaya ninyo yan!"
Napapadasal tuloy si Harrold.
The were still waiting. Mukhang walang magpapatalo.
" Mananalo na tayo.. I can feel it!" ani uliy ng babae.
Walang imik at tahimik ang lalaki na ka - partner niya.
Paulit - ulit ang babae na nagsasalita, " sabi nila may trip for two raw ang isa sa prize. Sa atin na iyon sigurado. Excited na ako kaya tiis tiis na lang!!" excited na sabi niya.
" Xian.. Okay ka lang ba?" pag-aalala ni Yas.
Pabulong naman na sagot ni Xian na nakapikit na, "Okay lang ako."
"Naririnig ko ang t***k ng puso ni Xian. Napakalakas nito at nararamdaman ko ang hirap niya. Pinapawisan na siya ng matindi at tinitiis ang bigat ko. Ang mga paa niya ay nanginginig na rin. Iniinda ang sakit at bigat para makatayo siya. But I will support him kung ano ang gusto niya," ani sa isip ni Yasmin.
Nagsalita si Xian na nakaharap sa kisame. Pabulong niyang sabi, "Yasmin.. Sorry.. "
"Okay lang.. I know and I will still support you," sagot niya na sinubsob ulit ang mukha nito.
Hanggang, isang matinding ingay nang pagbagsak ng isang bagay ang narinig nila. Gulat ang lahat. Oh!
Pagkatapos ay humiyaw ang lahat.
"May nanalo na!!"
" Yasmin.. sorry.." sabi ni Xian na pabulong. He give up already.
Napaluha si Yasmin nang marinig niya ito. Nakapikit sila habang naksubsob ang mukha sa dibdib ni Xian. Nakapikit rin si Xian at pinipigilang lumuha dahil sa kabiguan.
Dahan - dahan napaupo si Xian na karga pa rin Yasmin. Nakaupo na siya sa sahig.
Nagsisigawan sila!
"Congratz!!"
Idinilat na nila Yasmin at Xian ang kanilang mga mata.
Nabigla silang dalawa. Nakatingin ang lahat sa kanila.
Lumapit ang emcee at tinapik ang balikat ni Xian.
" Congratz!"
"Huh?" napatingin si Xian sa emcee na nakatayo sa gilid niya.
Naguguluhan ang dalawa. Nilingon nila Yasmin at Xian ang kanilang katunggali kanina. Nakatayo ito sa may gilid kasama ang mga nanonood. Ang lahat ay nakatingin sa kanila.
"Anong ibig sabihin nito?"
Tinulungang makatayo si Yasmin. Pagkatapos ay tumayo na rin si Xian na nahihirapan makatayo dahil sa pamamanhid ng tuhod nito kaya inalalayan siya ni Yasmin.
" Tulungan na kita, " nag - aalalang sabi ni Yasmin.
Xian smiled.
"okay lang ako, salamat," sagot niya.
At last nakatayo na silang dalawa at nakaharap sa lahat.
Emcee: " Congratulations! Kayo ang nanalo! Congratz Xian at Yasmin!!"
Talagang nagulat silang dalawa.
" Huh?"
Hindi sila makapaniwala.
"Paano?"
Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng hall. Masaya sila except sa mga kontrabida.
" Sumuko na kami at napaupo na sa sahig. Paano kami nanalo?" Pagtataka ni Xian.
Lumapit ang lalaki na katunggali nila at umamin, " Nauna kaming sumuko. Hindi ko na natiis. Natumba na ako bago kayo napaupo. Hindi ko nakayanan rin katulad mo pero mas nauna na akong nag-give up."
Ang kaparehang babae ay sinapak ang ulo ng binata, "Malapit na sana...talaga naman o."
"Aray, ang sakit naman non. Ang bigat mo kaya!" sagot ng lalaki na napapakamot sa kanyang ulo.
Namula ang babae at nahiya sa sinabing napakabigat niya. Napatawa ang lahat.
Natahimik si Yasmin at medyo nahihiya. Napatingin siya kay Xian.
Si Xian naman ay tumingin rin sa kanya.
Nahihiyang magtanong si Yasmin.
"Uhm.." Pagdadalawang isip ni Yas na tanungin si Xian.
" Bakit? May problema ba?"usisa ni Xian ng mahalatang may gustong sabihin si Yasmin. Hindi na natuloy ang pagtatanong ni Yas nang magsalita na ang emcee Gusto lang naman niyang tanungin kung mabigat ba siya pero it was so awkward.
Emcee: "May nanalo na sa ating larong paper dance! Ang premyo ay cash prize at may kasamang trip to Hawaii for two!"
" Wow!!"
Gusto ng lahat ang trip!
"Sayang, ginalingan natin sana!"
Paghihinayang ng iba. At ang iba naman ay naiinggit.
" Trip to Hawaii! Ang gusto kong puntahan na lugar!" pabulong na sabi ni Harrold na hinahawakan niya ang kanyang baba habang nakatingin sa envelope na ibinigay kay Xian.
"Nakakainggit!"
"Salamat!"
Hawak na ni Xian ang envelope.
Emcee: "Hindi lang iyan ang premyo. May ibibigay pa ang kapartner mong si Yasmin sa iyo Xian!"
"Huh?" nabigla si Xian.
"Huh? Ako?" napatanong si Yasmin. Nagulat siya at hindi alam kung anong sinasabi ng emcee.
Emcee: " Iyon ang special prize! Pero bago ang lahat, tanungin muna natin sila tungkol sa kanilang love life!"
Excited silang lahat na malaman. Nakatingin ang lahat at nakavideo pa ang iba.
Emcee: "Xian, ano ang love life status mo ngayon?"
Ang mga babae ay talagang naghintay. Ma-single, widowed, separated o in relationship na mga classmates o schoolmates ay talagang inaabangan ang sasabihin ni Xian, ang kanilang crush noong elementary. Mukhang hindi sila updated sa life ni Xian. Hindi gaanong pinagsasabi ni Xian ang tungkol sa private life niya. Ang mga nakakaalam ay ang mga ka-coworkers niya ngayon, at mga very close friends sa highschool at college.
Emcee:"Kumusta na ang iyong lovelife?"
Kinikilig ang nakararami.
Tahimik lang si Harrold na alam ang lahat.
Napatingin siya kay Yasmin na nasa tabi lang niya.
Tiningnan rin ni Yasmin si Xian na medyo malungkot ang mukha.
Sumagot si Xian, " I'm engaged!"
Nagulat ang lahat. Natahimik!
"Talaga?"
Naghihinayang tuloy ang iba ng malaman nila ito. Ang iba na super crush siya ay nalungkot.
" What!?" reaction ni Helen. " Hindi ito maaari!"
Nagulat rin ang emcee na nagexpect na sasabihin ay tungkol sa kanila ni Yasmin na nakitaan niya ng chemistry ang dalawa.
Katahimikan ang bumalot sa buong lugar. Hindi nila inaasahan ang aaminin ni Xian.
Xian's pov
In his mind: " Sorry at hindi ko maisigaw ang pangalan mo Yasmin. Kahit gustuhin ko man, sa ngayon hindi pa pwede. Sorry, sorry talaga! "
Nakita ni Xian ang reaction ni Yasmin ng sabihin niya na engaged na siya. Malungkot ang mukha ng dalaga na halatang nasasaktan ito.
Napayuko si Yasmin at natahimik na rin. Mukhang nanghihina siya habang naririnig niya ito. Masakit at bigla siyang nakaramdam ng pagseselos
May sumigaw, "Sino naman?"
"Huh?"
Biglang nagsalita si Yasmin, " Sa katunayan, malapit na siyang ikasal. Ikakasal siya sa bestfriend ko!"
Pilit na ngumiti si Yas s harap ng lahat.
Nagulat silang lahat pero mas nagulat si Xian nang magsalita si Yasmin tungkol rito.
Emcee: " Ahh, ganoon ba? Wow! Ang swerte ng bestfriend mo at si Xian ang mapapangasawa niya. Ang hearthrob at crush ng campus ng batch ninyo!!" pilit na binabalik ang masayahing aura sa bulwagan.
Napasulyap ulit Xian kay Yasmin. Nararamdaman niya na nagseselos ito dahil sa tono ng boses ng dalaga.
Emcee: " Anyways, nalaman natin ang tungkol kay Xian. Ngayon naman tanungin natin si Yasmin."
" Huh?"
Emcee: " How's your love life? May napupusuan ka na ba?"
Napayuko si Yasmin at namumula.
Pinagmasdan ni Xian si Xian na naghihintay sa kanyang sagot. Ang mga lalaki naman sa hall ay nag - aabang rin.
Emcee: " Huwag mong sabihin na you are engaged rin." biro nito.
Sumagot si Yasmin, " Nope! I'm single!"
Laking tuwa ng mga lalaki.
" Pahingi ng cellphone number mamaya!" sigaw ng mga lalaki.
" I will follow you sa sss at i********:!!"
Medyo hindi nagustuhan ni Xian ang kanyang narinig. Halatang nagseselos ito sa pero wala siyang magawa kundi magpigil.
Nagbubulungan ang mga lalaki at nahahalata ito ni Xian na ito'y tungkol kay Yasmin.
" Asar.. "
Emcee: " Wow! You are single and ready to mingle!"
Pilit na ngumiti si Yasmin pero si Xian ay wala na sa mood at nakasalubong na ang mga kilay nito.
In Yasmin's mind: " Sorry Xian.. but 'yon ako. Kahit gusto ko mang isigaw na ikaw ang gusto ko, hindi pwede."
Emcee: " Since alam na natin ang love life status nila, sasabihin ko na ang special prize."
" Ano kaya?"
Emcee: " Requested ito at this is just for fun kaya walang personalan!"
"Ano naman!? Sabihin mo na!"
Emcee: " Ang babae ang magbibigay ng prize sa taong talagang naghirap na kargahin siya. At ito ay..."
Inaabangan nila ang sasabihin ng emcee..
Emcee: " Isang thank you KISS!!"
" Ano?"
Nagulat silang dalawa.
Aiyeee.. Kinilig ang nakakarami.
Napatingin sila sa isa't isa. Namula si Yasmin na siyang magbibigay nito kay Xian.
" Seryoso?" tanong ni Yasmin.
Ang lahat ay nakatingin.
" What? Hahalikan niya si Xian ko?" gulat na sabi ni Helen na naiinis. " Ako na lang sana ang ka - partner niya!"
Omg!
Emcee: " but may twist.."
Tumingin sila sa emcee at napatanong,
"Ano naman?"
Emcee: " kailangan mong mag- pick Xian kung saang bahagi ng katawan mo ang hahalikan ni Yasmin ng limang minuto."
"Please be open minded lang tayo at katuwaan lang ito. We are adults already!!"
Napalunok nalang si Xian habang ang kamay nito ay nasa loob ng box kung saan siya kukuha ng papel. Sa papel naroon nakasulat kung saang bahagi ang hahalikan ni Yasmin.
Hmmm..
Kinakabahan tuloy si Yasmin.
" cheeks lang!" sabi noong isang babae na fan niya
" kamay!"
" ilong!"
" Mas nice paa," tawa noong isang lalaki.
" tenga,.. Nakakakiliti roon!"
" noo lang sana," bulong ni Helen.
"Hmm. Mas romantic kung sa labi, " nakangiting sabi ni Harrold.
But ano kaya?
Bubunot na siya..
Hmmm.
Ano kaya?
Kinakabahan sila..
Sari -sari na ang nasa isip ng lahat pati sina Xian at Yasmin ay kung anu-ano na ang nasa isip.
Bumunot na talaga siya!
Excited ang lahat.
Ano kaya!?
Pagbukas niya sa papel na naka-roll ay..
"Noo"
Toinks! Mukhang gumuho ang mukha ng dalawa.
" Yehey!!" tuwang tuwa si Helen. " Tama ako!"
Natuwa rin ang mga lalaki noong nalaman nila kung saan pati ang mga may gusto kay Xian. Pero may nalungkot rin na umaasa at kinikilig sa dalawa.
"Sigh." napabuntong - hininga si Yasmin pati na rin si Xian.
Emcee: " Sayang at sa noo lang mapupunta ang mga halik ni Yasmin. Pero okay lang, that's life.. Minsan ang gusto mo ay hindi mo talaga makukuha kung hindi ito para sa iyo!!"
Binigyan ng upuan si Xian at umupo ito roon. Tumayo naman si Yasmin sa harap ni Xian.
Emcee: " Okay.. Timer starts now.. 5 minutes.!!"
Hinawakan ni Yasmin ng dalawang kamay niya ang pisngi ni Xian. Lumapit ang mukha niya sa ulo ng binata. Dahan dahan siyang yumuko para mahalikan ang noo ng binata. Hanggang, dumampi ang labi ni Yasmin sa noo ni Xian. Pumikit ang mga mata ng dalaga habang nananatili ang labi nito sa noo ng binata.
Nakadilat naman ang mata ni Xian at harap niya ay nice view ng dibdib ni Yasmin. Nahiya tuloy siya at napapikit nalang.
Simula pa sa laro ay may nagvivideo na ang iba habang ginagawa nila ang challenge.
Natapos na rin ang limang minuto at nagsipalakpakan silang lahat. Ang mga nanonood ay natuwa at na enjoy.
Emcee: " Okay, next game na tayo!!"
Umalis agad si Yasmin sa gitnang bulwagan at pumunta ng ladies room.
Sinundan nang tingin ni Xian si Yasmin nang umalis na ito.
At the ladies room, mag - isa si Yasmin roon. Humarap siya agad sa malaking salamin at pinagmasdan ang sarili.
"Yasmin.."
Biglang sinampal niya ang sariling pisngi. Gusto niya matauhan at magising sa pagpapantasiya.
"Ano ba Yasmin!! Ano ba ang iniisip mo?" sermon ni Yasmin sa sarili.
Napabuntong hininga na lamang siya. "Sigh!"
Naghihinayang rin si Yas kaya napapanguso ang labi ng dalaga.
Namumula rin siya habang iniisip niya na maaring sa labi ang mabubunot niya. But unfortunately, minalas siya.
" Haist! Bakit ba ako naiinis?"
Naiiritang reaction ni Yasmin.. " I hate this feeling! Yasmin! Tama na!! Tama lang yun na hindi sa lips dahil baka makita pa ni Marga.. pero .. "
Napatingala siya sa may kisame.. " but sana.. Sa lips nalang.."Habang napapaisip ito ay napangiti siya. Ilang minuto ay ibinalik niya ang tingin sa salamin.
" Xian.. Bakit ba ako in love sa iyo?"
tanong ni Yas sa sarili na namumula ang mga pisngi.
-------
Nagkakatuwaan na sa loob ng hall dahil sa mga laro.
Lumabas na sa ladies room si Yasmin na mukhang malungkot pero laking gulat niya nang makita niya ang isang binata sa labas.Nakatayo sa may harapan niya si Xian.
" Xian!!"
Nakatingin na napakaseryoso ni Xian sa kanya.
" Anong ginagawa mo rito sa harap ng ladies room?" nagtatakang tanong ni Yasmin.
"Syempre, hinihintay ka.. Ang tagal mong matapos at lumabas.." sagot niya
"Huh?" nagulat si Yasmin sa sagot ni Xian.
Then suddenly, hinablot ni Xian ang kamay ni Yasmin.
" Teka.. " reaction ni Yasmin na talagang nabigla.
" Halika! sumama ka sa akin," aya niya sabay hila sa kamay ni Yasmin. Napilitan ang dalaga na sumama.
Sa bulwagan, napansin ni Helen na nawawala si Xian at si Yasmin. Napatingin tingin siya sa paligid. Napaka - busy ng mga tao na naglalaro. Nilibot niya ang buong hall pero hindi niya makita ang dalawa.
"Mukhang magkasama sila.. "
Napansin rin ni Harrold na wala ang dalawa. Kumuha siya ng wine sa table ng inumin at uminom na lamang siya. He's drinking while thinking, "Sulitin na ninyong dalawa..." at napangiti siya.
Dinala ni Xian si Yasmin sa balcony na maraming mga tanim. Tinawag nila itong garden balcony ng hotel. Medyo hindi gaanong kalayuan sa hall kung saan ginaganap ang kanilang reunion.
" Bakit mo ako dinala rito?" tanong ni Yasmin.
Napahinto na sila sa paglalakad at binitawan na ni Xian ang pagkakahawak sa kamay nito.
Napangiti si Xian at lumingon sa dalaga.
"Aminin mo Yasmin na hiniling mo na mabubunot mo ay sa labi mo ako hahalikan at hindi sa noo, ama ba?" lakas loob na sabi ni Xian.
"Hh? ano?" Nabigla si Yasmin sa di inaasahang sasabihin ni Xian
Tumawa ng kunti ang binata, "Aminin mo na sabik ka sa halik ko.."
Namula ang pisngi ni Yasmin. " Hindi ahh!! Sinong nagsabi?"
Sinagot siya nito, " Nararamdaman ko.."
" Mali ang iniisip mo. Ayoko ngang mabunot na sa labi kita hahalikan, baka ano pang sabihin nila!"
Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin at hindi na siya makatingin sa binata. Pulang pula na siya na nagmumukhang kamatis.Mas lumapit pa si Xian sa kinatatayuan ni Yasmin.
"Ganoon ba, hindi mo pala gusto na halikan ako sa labi kanina.." sabi ni Xian.
"Hindi talaga!" Rolling her eyes away from Xian's place. Palinga-linga kahit saan ang tingin ng dalaga.
In her mind: "Aaminin ko.. Hiniling ko na sa labi. Pero hindi ko pwedeng aminin sa iyo na gusto ko dahil baka isipin mo.. Super obsess ako! Nakakaasar!! Bakit mo ba ako inaasar ngayon.
Biglang hinawakan ni Xian ang magkabilang pisngi ni Yasmin paharap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Yasmin na direktang nakatingin sa binata.
Umamin si Xian na napakaseryoso," alam mo.. Ako? Aaminin ko, gusto ko na halikan mo ako sa labi at makita nilang lahat.. sa harap nila."
"Huh? Seryoso?" palakas ng palakas ang kabog nang dibdib ni Yasmin na para bang sasabog.
"Seryoso! Gusto kong halikan mo ako.. sa labi," he said it na mahina.
Natawa na lang si Xian, "But unfortunately, nabitin yata ako.. hindi mo nabunot."
Medyo nalungkot ang mukha ni Yasmin.
"Kaya, hahalikan nalang kita ngayon.. " pagkatapos niyang sabihin ay hinalikan niya ang labi ni Yasmin.
Nagulat ang dalaga. Talagang hindi niya ito inaasahan. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakapikit si Xian. Dumampi ang kanilang mga labi sa isa't isa pero saglit lang ito at naitulak niya ang binata.
Nagulat si Xian sa reaction ni Yasmin.
Both of them were shocked!! Nagkatinginan sa isa't isa at bakas sa mukha ang pagkagulat. Wait.. What's going on??
"Sorry.. " sabi ni Xian na mahina ang boses na may halong lungkot. "Srry kung nabigla kita.."
" Xian.. " nakatitig si Yasmin sa binata habang hindi na makatingin si Xian sa kanya. Halatang nahihiya sa ginawang biglaang paghalik nito.
" Bumalik na tayo sa hall.. " sabi niya na tumalikod na siya kay Yasmin.
" Wait.. " sigaw ni Yasmin at hinarang niya ito. Nasa harapan ni Xian si Yasmin.
"Huh?"
Hinawakan ni Yasmin ang mga balikat ng binata at itinaas ang takong nito. Pilit niyang inaabot ang mukha ni Xian..
At..
At hinalikan niya ang labi ng binata. Dumampi ang labi ni Yas sa labi ni Xian na halatang hindi inaasahan ng binata.
Laking gulat talaga ni Xian. Bigla nalang lumakas ng sobra ang kabog ng dibdib niya.
Ilang sigundo ay humiwalay na ang labi ni Yasmin sa labi ni Xian.
" Yasmin.. "sambit ng binata.
"Di ba sabi mo na gusto mong ako ang humalik sa iyo..." nakangiting sabi ni Yasmin.
Nakangiti silang dalawa na nakatitig sa bawat isa.
Then..
Sa pangalawang pagkakataon, naghalikan na sila ng tuluyan.
They kiss intimately! Pinagsaluhan nila ang tamis ng kanilang mga halik.
She wrapped her hands sa shoulders ni Xian habang nasa bewang naman niya ang isang kamay ni Xian. Ang isang kamay naman ay nasa likuran niya.
" Xian.. "
"Yasmin.."
Nakapikit ang kanilang mga mata habang naghahalikan. Nilalasap ang bawat halik na ginagawa nila. Umiinit lalo ang bawat halik nilang dalawa.
Mas hinigpitan pa ni Xian ang pagkakahawak sa bewang ng dalaga kaya napapadikit ito lalo sa katawan niya.
Pabaling-baling ang kanilang mukha sa iba't ibang direksyon at naglalaro ang mga dila nito.
Ang mga kamay na nasa bewang ni Yasmin ay bumababa sa may pwet niya.
Hmmmm...
(camera click!!)
Walang tigil parin sila sa paghahalikan.
Napapalakad sila patungo sa pader hanggang napasandal si Yasmin roon habang nasa harapan niya ang binata. Unti unting bumababa ang halik ni Xian sa leeg ni Yasmin. Naamoy niya ang bango ng dalaga na nagpapainit sa kanya.
Napapatingala si Yasmin habang nakapikit ang mga mata. Nakikilitaan siya sa ginagawa ni Xian na tuloy tuloy ang paghalik sa may leeg nya kaya napapakagat-labi nalang siya.
" Xian.. "
He's pressing Yasmin more against the wall.
"Xian.."
But then he stops! Napatigil ito sa ginagawa. Napadilat si Yas. Nagkatinginan ang dalawa na nakangiti.
"Bumalik na tayo.. " ani ni Xian.
"Baka saan pa ito mapunta at hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Natawa si Yasmin.
" tara!"
But may huling hirit na kiss sa labi si Yasmin bago tuluyang bumalik sila sa hall. Mas natuwa si Xian kaya pangiti ngiti itong naglalakad.