Chapter 14

1773 Words
Isinuot ni Yasmin ang kanyang damit at shorts. Hindi na niya ginising si Xian na mahimbing na natutulog. Isinara niya ang pinto sa kwarto pero hindi na niya ito inilock. Habang papalapit siya sa pinto sa sala, napatanong siya sarili, "Sino kaya 'yan? ang aga naman.." Hindi niya maiwasang kabahan. Ding dong! Binuksan niya ang pinto. Pagkabukas niya sa pinto ay nagulat siya sa kanyang nakitang tao na nakaratayo sa likod ng pinto. "Yasmin!" pasigaw ng taong kaharap ni Yasmin. " Harrold?" laking gulat niya. Niyakap siya ni Harrold, ang kaibigan niyang bakla na designer ng wedding gown ni Marga. " Napadalaw ka!?" pagtataka ni Yasmin. "Ano ka ba! Bawal ba?Hindi mo ba ako papapasukin?" pabirong sabi ni Harrold. " Tuloy ka," aya ni Yasmin. Hindi nagdalawang isip si Harrold na pumasok. Wala namang magawa ang dalaga. Pagkapasok nila ay isinara na ni Yasmin ang pinto. Tinanong ulit ni Yasmin, " Napadalaw ka Harrold.." Lumibot ang paningin ni Harrold. Pinagmasdan niya ang ayos ng bahay ni Yasmin. "Bakit ka ba napadalaw?" "May ibabalita ako sa iyo..." " Ano naman?" Habang tumatagal ay kinakabahan si Yas at pasulyap - sulyap siya sa pinto ng kwarto. " Magkakaroon ng reunion ang batch natin sa elementary. Pumunta tayo!" balita ni Harrold na super excited. " Huh? ah, sige," sagot ni Yasmin. " Excited na ako! Sana dumalo ang crush ko noon. Gusto ko siyang makita." kinikilig ang bakla. Palihim na natawa si Yasmin pero napansin pa rin ito ni Harrold. "Anong nakakatawa Yasmin? Eh, sabihin mo, gusto mo rin na dumalo si Xian.. your ultimate crush mo!" tinutuksong sabi ni Harrold. " Hindi ah.. Naka-move on na ako, " pagtanggi ni Yasmin. "Weh? Aminin mo na nga!" giit nito na napapahakbang papasok sa may sala. Agad nagmamadaling binuksan ni Yasmin ang pinto pagkatapos masabi na ni Harrold ang sadya niya sa dalaga. "Iyon lang ba? Ok na!" ani ni Yasmin na napipilitang ngumiti. "Di ba busy ka? Baka ma-late ka pa sa trabaho mo!" Hindi na nakapagsalita si Harrold na napansing pinapaalis na siya ni Yasmin. Wala siyang magawa kundi umalis na lang ito. Paalis na sana si Harrold ng mapansin niya ang pares ng sapatos ng isang lalaki sa sa gilid.Nagtaka siya at napatigil. " Kaninong sapatos iyan?" usisa ni Harrold na tinuturo ang sapatos. " Huh?" nabigla si Yasmin sa tanong ng kaibigan. Sumagot siya na nauutal halatang nagsisinungaling. "Naiwan ng isang kaibigan ko. Pero nakaalis na siya." Napasingkit ang tingin ni Harrold sa kanya. "Hmm.. May tinatago ka ba?" "Huh? Ako? Wala!" Pinapawisan tuloy si Yasmin. Hindi nakatiis si Harrold at agad ito nagtungo sa sala. Hindi inaasahan ni Yasmin ang gagawin ng kaibigan. "May tinatago ka!" "Wala!" Sinundan ni Yas ang kaibigan na nagtungo sa sala. " Teka lang Harrold, wala talaga akong tinatago!!" "Hmm.. Sigurado akong may tinatago ka!" Patingin - tingin siya sa paligid kung may kakaiba ba. Wala naman siyang nakita sa sala kaya pumunta siya agad sa kwarto. Pinigilan ni Yas si Harrold na pumunta sa kwarto niya. "Hindi ba may trabaho ka pa? Baka ma-late ka!" "Huwag kang mag-alala, ako ang may-ari ng shop. Pwede akong pumunta kahit anong oras!" " Harrold!" biglang kinabahan si Yasmin. Pilit niyang pinigilan si Harrold pero diretso na itong nagtungo sa kanyang kwarto. Pagkabukas niya sa pinto ng kwarto, nagulat siya sa kanyang nakita. Nanlaki ang mga mata ni Harrold ng makita niya si Xian na nakadapa sa kama na walang saplot ang pang itaas habang may kumot ang pang ibaba. " OMG!" Gulat na reaksyon ni Harrold na napatakip siya sa kanyang bibig. Hindi niya inaasahang makikita si Xian sa kwarto ni Yasmin. " Patay!" Napakagat sa ibabang labi si Yasmin at para bang wala siyang mukhang ihaharap sa kaibigan. "Anong ginawa ninyo kagabi?" ------ Samantala, dumilat ang mga mata ni Marga ng dahan - dahan. Nasa isang kwarto siya at nakahiga sa isang kama. Bumangon siya ng dahan-dahan at napaupo. Sumasakit ang kanyang ulo na para bang nabibiyak dahil sa kalasingan kagabi. Hindi niya namamalayan na tinatakpan niya ang kanyag katawan ng kumot habang hinahawakan ng isang kamay ang kanyang ulo. " Ano bang nangyari? Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. Pagkalipas ng ilang minuto, natauhan na ito at nagulat. Nakita niyang nakahubad siya. Tiningnan niya ang sarili at tinakpan niya ulit ito. " OMG! anong nangyari?" nagtatakang tanong sa sarili. Inalala niya ang mga nangyari pero hindi niya matandaan. May lumabas sa comfort room na malapit lamang sa kama. Napatingin si Marga sa taong lumabas. Nagulat siya. " Bert?" laking gulat niyang makita siya na nakatowel lamang ang pang ibaba at kitang kita ang abbs nito. " Gising ka na pala!" nakangiting sabi niya. " Paanong?" hindi makapaniwala si Marga. " Siguradong nagustuhan mo ang nangyari sa atin kagabi!" kwento ni Bert. Pataray na tanong ni Marga sa binata, "Anong nangyari sa atin?" "Hindi mo ba natatandaan.. We had s*x yesterday," sagot niya. " What!?" laking gulat ni Marga. -------- Idinilat ni Xian ang kanyang mga mata at nasa harapan niya ang mukha ni Harrold. Hindi na naiwasang hindi magulat ni Xian sa kanyang nakita. " Anak ng ***!!" napasigaw na mura si Xian at napabangon ito ng biglaan.Sa pagkagulat niya ay hindi sinasadyang nahulog tuloy si Xian sa kama. Natawa si Harrold na nasa kama. " Xian!" sigaw na nag - aalala ni Yasmin. Pagkakita ni Harrold sa binata sa sahig ay nakahubad ito na nakatakip ng kaunti ang ibabang bahagi. " Wow! Sexy!" pakagat labi si Harrold na titig na titig sa may binti ng binata. Mas tinakpan ni Xian ang sarili ng kumot. Nilapitan ni Yasmin si Xian. " Okay ka lang ba?" nag - aalalang tanong ni Yasmin. " Tsk tsk.. May sasabihin ba kayo sa akin na hindi ko alam?" sabi ni Harrold na napakrus ang mga braso sa may dibdib. Napatingin sila Xian at Yasmin sa isa't isa. -------- " Kalimutan mo ang nangyari sa atin Bert! Huwag mong ipagsasabi sa iba!" mataray na sabi ni Marga kay Bert habang sinusuot ang damit nito. " Okay!" saad ni Bert at lumabas na ito ng kwarto. Sa labas, sinalubong ng isang babae na nakasunglasses si Bert. May ibinigay si Bert sa babae. Naiwan si Marga sa kwarto na nag - iisa. Hindi pa rin siya makapaniwala na may nangyari sa kanila ni Bert. Medyo kinakabahan siya sa mga nangyayari. Naiinis siya sa sarili at lalo na sa binata. "Asar!" Hindi na mapakali si Marga at inaalala na baka malaman ni Xian. Sa kakaisip niya, biglang sumama ang pakiramdam niya at mukhang masusuka ito. Agad siyang tumakbo patungo sa comfort room at sumuka sa kubeta. ilang minuto rin ang pagsusuka ni Marga roon. Pagkatapos, pinunasan niya ang bibig nito at pumunta sa harapan ng salamin. "Lasing ako kagabi kaya nangyayari ito!" sabi niya sa sarili. Taas noo siyang kinakausap ang sarili sa salamin. "Hindi dapat ito malaman ni Xian!" ------ Sa sala, nag - uusap sina Yasmin at Harrold. Si Xian ay nasa kwarto at nagbibihis pa. " Anong ibig sabihin ng aking nakita kanina? May lihim na relasyon ba kayo ni Xian?" seryosong usisa si Harrold. Hindi makasagot si Yasmin at hindi alam kung paano sisimulan. Ilang minuto lang, lumabas na rin ng kwarto si Xian. Pinuntahan niya ang dalawa at umupo katabi ni Yasmin. " In fairness, boto ako sa inyong dalawa!" nakangiti si Harrold sa kanila. Nabigla ang dalawa. " Huh?" Biglang nag-alala si Harrold. "Xian, paano na ang kasal mo? Matutuloy pa ba? Sinabi na ba ninyo sa kanya?" Napayuko si Xian habang nakatingin naman si Yas sa binata na bakas ang lungkot sa mga mata. "Nagmumukhang tinataksilan ninyo siya kapag hindi ninyo sasabihin sa lalong madaling panahon."dagdag ni Harrold Umangat ang ulo ni Xian at napalingon sa dalagang katabi. Napatingin sila sa isa't isa. Hinawakan ni Xian ang kamay ni Yasmin na nasa hita nito. " Sasabihin namin kay Marga," seryosong saad ni Xian. " So, hindi na matutuloy? Kung ganoon, kung kayo ang ikakasal, ako na ang bahala sa wedding gown mo Yasmin at libre na ito!" masayang sabi ni Harrold. Natuwa ang dalawa. Hindi na umusisa pa ng husto si Harrold sa dalawa. Sapat na ang kanyang nakita. Tumayo si Harrold at tumayo rin ang dalawa. " Pumunta kayo sa reunion okay?" " May reunion?" tanong ni Xian. " Oo, sa makalawa. Dumalo kayo!" sagot ni Harrold. " Pupunta kami!" Masayang malaman ni Harrold na nagmabutihan na ang dalawa. Pero hindi maalis sa isip niya at kaba ang tungkol kay Marga. Umalis na ng tuluyan si Harrold. Napalalim ng hinga nalang si Yasmin. Hinarap ni Xian si Yasmin at tinanong. Pinaharap niya ito sa kanya. " Kailan natin sasabihin?" tanong ni Xian. Sumagot si Yasmin, " Siguro pagkatapos ng reunion kung okay lang ba sa iyo?" Ngumiti si Xian at tumango. Napangiti rin si Yasmin. Kahit may kaba man ang nararamdaman ng dalaga, tumatalon pa rin sa tuwa ang puso niya. Niyakap ni Xian si Yasmin at pinasandal ang ulo sa kanyang dibdib. Napayakap na rin si Yas sa binata. "Malalampasan rin natin ito! We will be together!" pangako ni Xian. ------- Dumating na ang araw ng reunion. Binisita ni Marga si Yasmin sa unit niya. Habang nagluluto si Yasmin ay naroon si Marga sa sala nakaupo. Nakita niya ang invitation na nasa mesa. "Dadalo ka rin mamaya?" tanong ni Marga habang hinahawakan ang invitation. " Dadalo ako!" sagot niya. " Dadalo rin si Xian. He ask permission already from me," balita ni Marga. " Ganoon ba," sabi naman ni Yasmin. Nagluluto pa rin si Yasmin sa kusina. " Sigurado, maraming mga babae roon. Paki-bantayan mo nalang siya para sa akin friend. Baka may umaaligid na mga babae. Balita ko sikat siya sa school ninyo," sabi ulit ni Marga. Napatigil si Yasmin. Lumingon siya at napatingin sa may sala kung saan naroon si Marga. " By the way, anong susuotin mo?" tanong ni Marga. "Hindi ba dapat long gown ang susuotin ninyo. Meron ka na ba?" " Meron na, nariyan sa box," sagot niya. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Tumayo si Marga at nakita ang isang box. Binuksan niya ito at nakita ang yellow na gown. " Maganda ang damit mo," ani ni Marga at kinuha niya ito sa loob ng box. "Salamat. Binili ko iyan kahapon," kinwento ni Yasmin. Nagsalita ulit si Marga. "But mukhang kailangan itong plantsahin. Medyo-" " huh?" " Tulungan na kita. Ako na ang gagawa. Okay lang ba?" Marga offered some help. Napatigil ulit si Yasmin at napatitig sa niluluto. Walang magawa si Yas kundi punayag. Nahihiya siyang tanggihan ang kaibigan. Para sa kanya, marami siyang kasalanan dito. " Sige," sagot niya. Pinalantsa ni Marga ng dahan - dahan ang gown. Nakataas ang kilay nito habang ginagawa ito. Bakas sa mukha nito na naiinis siya pero nagpipigil lamang siya. She placed the flat iron on the dress na mainit pa ito at naka-on. It takes 5 seconds bago siya tumayo at sinabing, "Yasmin, naiihi na ako. Makikigamit muna ng comfort room!" dali -daling pumunta ng CR si Marga. "Okay!" " Yasmin, paki tingnan nga ng gown mo. Nakalimutan ko yatang-" in a panic voice at nag -aalala. " Sige," dali daling pinuntahan ni Yasmin ang kanyang gown na nasa sala. Nagulat siya! The flat iron was on the gown. Dali - daling kinuha niya ang plantsa paalis sa damit. " OMG!" Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang may nasunog na parte at ito'y nasa harapang bahagi. Itinaas nya ang gown at talagang napuruhan ang harapan. Nalungkot si Yasmin at wala na siyang magawa. Dali-daling bumalik si Marga. Nagpanggap ito na nagulat, " Oh my!! anong nangyari?" napatakip ng bibig ang dalaga. Nilapitan niya ang kaibigan na nakaupo sa sahig. " Yasmin, sorry..-" " Okay lang yun. Hindi na siguro ako pupunta," malungkot na sabi ni Yasmin. "No! pupunta ka. Gagawa ako ng paraan. Hahanap ako ng gagamitin mong gown," saad ni Marga na napakaseryoso. Hinawakan ni Yasmin ang kamay ni Marga, " huwag ka ng mag -abala.. " " Kasalanan ko.." humingi siya ng kapatawaran. Bakas sa mukha niya ang pagsisisi pero sa loob ay sinadya nya talaga ito. "Hindi mo naman sinasadya. Talagang hindi yata para sa akin ito," paliwanag ni Yasmin. " Ano ka ba! Tutulungan kitang maghanap dahil kaibigan kita. What are friends are for?" giit ni Marga. Napatitig si Yasmin sa kaibigan. Bigla nalang siyang kinakabahan at medyo nakokonsensya siya tungkol sa kanilang dalawa ni Xian. Napakabuti ni Marga sa kanya. Napapaisip siya kung anong ginawa niya at magugulo ang kasal ng kaibigan niya. Napakamaalalahanin ni Marga sa mata ni Yasmin. Tumayo si Marga. " Maghintay ka rito at maghahanap ako ng damit na susuotin mo," pangako ni Marga. " Salamat!" napangiti siya. Lumilipas ang oras. Naghihintay si Yasmin na dumating si Marga. It's 5 o clock na at wala pa rin siya. 6 pm magsisimula ang event na magaganap sa isang hotel. She tried to call her but out of coverage. Kinakabahan na si Yasmin. Bibili na lang sana siya pero baka ma-offend si Marga at dumating ng bigla kaya naghintay na lamang siya. After how many minutes, she decided not to go. Tumawag si Xian, " Hello! Yasmin?" " Yes, Xian.." " Susunduin kita. May dinaanan lang ako. Are you ready?"tanong ni Xian na nasa kabilang linya. " Huwag mo na akong sunduin. Hindi kasi ako pupunta," wika ni Yasmin na malungkot ang boses. Nabigla si Xian, "Huh? Bakit?" " Medyo masama ang pakiramdam ko," paliwanag ni Yasmin. " Ano? Uminom ka na ba ng gamot?" " Uhm.. Yes, " sabi niya kahit hindi totoo. " Magpapahinga na ako Xian. Enjoy the night." Ibinaba na ni Yas ang tawag. Malungkot si Yasmin habang pinagmamasdan ang kanyang cellphone. Napaupo nalang siya sa couch sa sala. Napatingin siya sa orasan at tumayo. Matamlay na nagtungo sa kwarto ito. Biglang may nagtext, si Marga. Nasa kwarto na si Yasmin at nakaupo sa kama habang nagbabasa ng text. Napabuntong hininga na lamang si Yasmin pagkatapos niyang basahin ang text message ni Marga: " Sorry Yasmin, may emergency meeting kami kanina at nag overtime kami ngayon. Hindi na ako nakapunta ng mall. Sorry.. Paano na ang reunion ninyo? May susuotin ka na ba? Sorry talaga. Babawi ako next time." Napahiga si Yasmin sa kama at binitawan ang cellphone na dala. Napapikit na lang siya at bakas sa mukha ang paghihinayang. ----- " Hindi pala siya pupunta. Bakit pa ako pupunta?" pabulong ani ni Xian sa sarili. Nakaupo si Xian sa kanyang sasakyan. Ginamit niya ang kanyang white toyota vios. Naka-formal na suot with black coat si Xian. Nakaparada ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan habang nag -iisip kung dadalo ba siya o hindi. Sa mga nalaman, nagdadalawang isip na tuloy ito. " Haist.." Nag - aalala rin siya kay Yasmin na ang sabi ay masama ang pakiramdam. Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan at humarurot paalis sa lugar. -------- Ding dong! Napadilat ang mata ni Yasmin nang marinig ang tunog ng doorbell. " Sino kaya 'yan?" Bumangon si Yasmin at pumunta sa pinto para buksan ito. Pagkabukas niya ay naroon si Harrold. "Harrold?" Nabigla si Harrold sa kanyang nakita. " Gurl, bakit hindi ka pa nagbihis?" tanong ni Harrold na ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang cellphone na malapit sa tenga. " Huh?" Tiningnan niya si Yasmin from head to feet, feet to head. "Bakit naka-pambahay ka pa?" " Hindi kasi ako pupunta," sagot ni Yasmin. " Why?" nabigla si Harrold. " Hindi sinasadyang nasunog ang damit ko. At ngayon wala akong susuotin," paliwanag nya. " Eh iyan lang ba ang pinoproblema mo. Tinawagan mo sana ako agad. Ang rami kong bagong designs sa boutique ko," sabi ni Harrold. Nabigla si Yasmin at di na nakapagsalita. " Tara na! Pumunta tayo sa boutique ko!" nagmamadaling sabi ni Harrold na hinila ang kamay ni Yasmin. Napilitan si Yasmin na sumama kay Harrold. Inilock niya agad ang bahay at umalis na ng tuluyan. After 10 minutes, dumating si Xian sa unit ni Yasmin. Nag - door bell siya but walang nagbukas. He tried many times but then mukhang walang tao. Xian tried to call Yasmin. Nagring ito but no one answered. Nag riring ang cellphone ni Yasmin at napakaingay nito sa kwarto. Naiwan ni Yasmin ang phone niya sa kama dahil sa pagmamadali nila. "Please answer the call.. " pag - aalala ni Xian. " Tulog na kaya siya? o di kaya nasa reunion? Pero impossible.. " Naguguluhan at nag - aalala si Xian. Hindi mapakali si Xian. Pabalik-balik ang lakad ng binata sa harapan ng pinto habang tinatawagan si Yasmin. " Baka pumunta siya sa reunion. Pumunta kaya siya?" napatanong siya sa kanyang sarili. Kaya naisipang umalis na si Xian sa condo at pumunta na sa hotel kung saan ang reunion nila. Hindi nagtagal, nakarating na si Xian. Hindi pa nagsisimula ang programme. Ito ang panahon para mangumustahan silang lahat o fellowship time. Nagmamadaling pumasok sa loob ng function hall si Xian. Marami - rami rin pala ang dumalo. Nasa 100 lang naman ang ka batchmate nila sa elementary. Makulay ang paligid with chandelier sa gitna. May mga pabilog na table na covered with white and red table cloth. Sa gitna ng mesa ay may flower at kaunting palamuti. May space sa may harapan at may projector screen. Kaaya - aya naman ang mga suot nila. Ang mga babae ay nakasuot ng long gown at ang mga lalaki ay naka formal, ang iba ay may coat pa. Palingon - lingon si Xian na halatang may hinahanap. "Narito kaya siya?" Sinuyod niya ang lugar. May mga kinilig na makita si Xian na mga babae. " Di ba si Xian yan, ang varsity player!?" sabi ng isang babae na nakatingin sa kanya.. " oo, siya nga!" Masaya ang mga babae na makita siya. " Ang gwapo niya talaga hanggang ngayon!" May mga bumati sa kanya, " hi Xian!" Pero hindi na napansin ito ni Xian. Busy siya na hanapin ang isang taong napakahalaga sa kanya. Naalala niya si Harrold at hindi pa niya ito nakikita roon. Tinawagan niya ito. But... " The number you have dialed ia either unattended or out of coverage area, please try again later!" " Asar! Bakit hindi siya macontact!?" nawawalan na ng pasensya si Xian. May lumapit na dalawang lalaki kay Xian. Mga kakilala ni Xian noon. "Xian, kumusta bro?" he tap Xian's shoulder. Napalingon si Xian sa kanila. "Kayo pala." "Long time no see bro!" sabi ni Rico. "Kumusta na?" tanong ni Karl. "okay lang ako. By the way, nakita ninyo ba si Yasmin?" tanong ni Xian. "Yasmin? Sinong Yasmin? Sikat ba siya noon?" napatanong rin si Rico. Nag - iisip naman si Karl. "Aahh.. Si Yasmin 'yung four eyed girlie noon, tama ba?" patawang sabi ni Karl. Medyo hindi nagustuhan ni Xian ang sagot nila. Nagsalita rin si Rico, " Ahh, naaalala ko na siya... Yung pangit este not so pretty girl na nakasuot ng eyeglasses." Seryosong nakatingin sa kanila si Xian. "Xian, hindi namin siya nakita. Wala pa kasing medyo ---" hindi matuloy -tuloy ang sasabihin ni Rico. A girl interrupted sa pag -uusap, "wala pa kasing pangit ang narito sa party! Iyon ang gusto mong sabihin di ba Rico?" mataray na sabi ni Helen. Kasama ni Helen ang dalawa pang babae. Sila iyong mga kikay noong mga bata pa sila at crush si Xian. Lahat yatang mga babae noong elementary sila ay crush na si Xian. "Hindi pa rin kayo nagbabago!" naiinis na sabi ni Xian na nagpipigil lamang sa kanyang galit. Lait laitin ba naman si Yasmin. Umalis si Xian sa kinatatayuan nila Rico at iba pa. "Xian!" sabi ni Helen na gustong pigilan si Xian sa pag - alis. Nakasalubong ni Xian ang tatlong bully noon: sina Oscar, Thomas and Troy. Still, ang aura nila ay astig at maangas. Sa suot nila kahit formal ay maangas pa rin. "Narito pala ang Well -known Varsity player!" maangas na ngiti ni Oscar. Nagkaharap - harap silang apat. "Sinong hinahanap mo, Varsity?" tanong ni Troy. "Hinahanap ko si Yasmin," Sagot niya. Natawa silang tatlo. "Ang sikat na varsity player na si Xian, hinahanap si Yasmin, the ugly duckling!!?" sarcastic na sabi ni Thomas. They cannot believe. Nagpipigil si Xian na suntukin ang mga kumag na ito. Hindi pa rin sila nagbabago at bully pa rin. Kung wala lang sila sa pagsalu-salong ito, matagal na niyang nasuntok itong tatlo. "Bakit mo ba siya hinahanap? May utang ba siya sa iyo?" patawang sabi ni Oscar. Tumatawa silang tatlo. Ang iba ay pinag -uusapan siya at pinagtitinginan silang apat. Natatawa rin ang iba. Pinipigilan lang talaga ni Xian na magalit kaya naisipan na niyang umalis but... but papasok na si Harrold sa hall... "Harrold!" napahinto si Xian. "Xian!!" nakangiting bati ni Harrold. Nakasuot ng slacks si Harrold at nakablouse ito with 6 inches na sandals. Talagang fashionista ang dating niya. Pinuntahan niya si Xian. Sinalubong agad ni Xian si Harrold. Ang iba ay nabigla sa fashion ni Harrold. Tinanong agad ni Xian si Harrold. " Nakita mo ba si Yasmin? Hindi ko kasi siya macontact! Nag - aalala ako sa kanya. Ang sabi niya masama ang pakiramdam niya tapos wala naman siya sa bahay niya--" Hindi na sana siya titigil sa pagsasalita pero pinigilan na siya ni Harrold. " Sshh--- okay okay.. Don't worry!" sabi ni Harrold na pinakalma si Xian. " huh?" Ngumiti si Harrold. Lumingon si Harrold sa may pinto ng hall. Tumingin siya roon at tumingin rin si Xian. " Narito siya.." sabi ni Harrold na nakangiti. Nakatingin silang dalawa sa may pinto. Ilang minuto ay may pumasok na isang dalaga. Nakasuot ito ng black sexy fish-tailed long gown. Napalingon ang lahat. Napamangha! Napatulala! Natahimik! "She's gorgeous!" "She's like a goddess!" "oh my!" "So sexy!" "She's beautiful!" Mga salitang nababanggit nila habang nakatitig sa dalaga na naglalakad papasok. "Gosh! Who is that pretty lady!?" tanong ni Oscar. "She's hot and sexy!" natutulang sabi ni Thomas. "Sino yan? Schoolmate ba natin siya?" tanong ni Rico. "transferee?" "Sinong babaeng iyan? Hindi ko pa siya nakikita noon!" nagtatakang tanong ni Helen. Ngumiti si Xian ng papalapit ang dalaga sa kanya. Nagkita ulit sila at nakaharap sa isa't isa. "Yasmin." "Xian." Nagkatitigan ang dalawa. Hindi na maalis ang mga mata ni Xian kay Yasmin. Nagulat sila sa nalaman. Hindi maalis ang tingin ng lahat kay Yasmin. Hindi makapaniwala ang mga classmates at schoolmates niya dahil ibang - iba na talaga siya. "Siya ba talaga si Yasmin, she looks different!" hindi makapaniwala si Helen. "Ibang - iba na talaga siya!" sabi ng isa. "Hindi ko talaga siya nakilala!" "She's so pretty!" Nakikinig lang si Harrold sa mga sinasabi ng iba na nasa malapit niya. Pabulong niyang sabi sa sarili, "mainggit kayo sa friend ko! The ugly duckling na inyong inaaway turns into a beautiful swan!" Nagkaharap na sina Xian at Yasmin. Xian was smiling at talagnag hindi maalis ang mga mata kay Yasmin. Nahihiya tuloy si Yasmin dahil lahat ay talagang nakatingin sa kanya. She felt awkward. Naaalala tuloy niya kung paano siya binubully noong bata pa siya. Flashback Pinapaalis siya sa upuan at pinapalipat sa iba. "Doon ka umupo." Yasmin was sad at lumioat sa ibang upuan. Pinagtatawanan siya. Nagbubulungan ang ibang bata, " Ang pangit niya!" "Gaganda pa kaya ang ganyan?" "Tingnan mo ngipin may wires!" Tumatawa sila habang naglalakad si Yasmin. They bullied her. End of flashback-- Napatanong siya kay Xian, "Pangit ba? Hindi ba bagay sa akin ang damit ko?" nag - aalalang tanong niya. He smiled and said, "You are so gorgeous!" "Huh?" Namumula tuloy ang pisngi ni Yasmin. Mas lumapit si Harrold sa kanila. "Ang ganda mo Yasmin!"sabi ni Harrold na proud na proud sa kaibigan. "Talaga?" Hindi makapaniwala si Yasmin. "Totoo ang sinasabi ni Harrold. You are so pretty. Mas gumanda ka!" Xian said. Yasmin smiled. Lumapit si Helen at ang dalawa niyang side kick, "Hindi kita nakilala Yasmin, you look so different!" Sumagot si Yasmin na medyo sarcastic, "You look so familiar.. But sorry, hindi kita kilala." Then umiwas tingin si Yasmin. Na-offend si Helen. "Wait, hindi mo ako kilala?" hinawakan niya ang braso ni Yasmin kaya napatingin ito ulit sa kanya. Yasmin's pov Kilala ko si Helen. Isa siyang cheerleader at president ng fans club ni Xian. She's popular sa mga lalaki dahil sa kagandahan niya. Medyo maarte at sosyal. Ang hindi ko makakalimutan sa kanya, hindi niya ako pinasali sa club. Flashback-- "Sorry pero hindi kami tumatanggap ng mga.. You know--" pasikot - sikot na sabi ni Helen. But her side kick said directly, "mga pangit--" "When I heard it, talagang nasaktan ako.. Hindi ba pwedeng humanga ang isang kagaya ko?" End of flashback-- "Nagpapatawa ka ba? You mean, you don't know me? Ako lang naman ang presidente ng fans club ni Xian remember?" naiinis na sabi ni Helen na mukhang uusok na sa galit. Napakaseryoso nilang dalawa. "Tama na yan!" awat ni Xian. Nagpagitna ito. Hinawakan agad ni Helen ang braso ni Xian at pumulupot ito sa kanya. " Okay Xian. Tara, umupo na tayo roon." Hinila niya ang binata. Nabigla sina Harrold at Yasmin. "Aba naman tong Helen na ito!" naiinis na sabi ni Harrold. Nabigla si Xian sa ginawa ni Helen sa paghatak sa kanya patungo sa mesa. "Maaari na kayong pumunta sa mga mesa," sabi ng emcee na nasa harapan." Magsisimula na tayo!" "Helen! Ano ba?" tinanggal niya ang kamay ni Helen na nasa braso nito. "Dito ka na umupo katabi ko," pasweet na sabi ni Helen. Lumingon si Xian kung nasaan si Yasmin. Nasa may likuran sila ni Harrold. "Bro, umupo ka na!" sabi ni Aljun, kasamahan niya sa basketball team. Sa isang mesa, may walong mga upuan. Sa mesa kung saan uupo si Helen ay naroon ang apat niyang kasamahan sa varsity. Nakatayo si Xian at pinagmasdan si Yasmin na nakaupo na kasama pa ang pito pa. Nakatingin rin si Yasmin sa kanya. Gusto man na magkatabi sila ni Yasmin pero parang hindi na mangyayari ito. Pinaupo na si Xian ni Kurt. "Umupo ka na!"at umupo rin siya. Katabi ni Xian si Helen at sa kabila ay si Kurt. The programme started already. Si Kurt na nasa kaliwa niya ay napakadaldal. Panay kwento ito. Si Xian naman ay mukhang nakikinig pero hindi pala. Nagkaroon ng mga mensahe ang ilang tao para masimulan ang kasiyahan. Sumunod naman ang salu- salo na nakaplate in ang mga pagkain. Habang kumakain, naka-play ang isang slide show sa projector screen ng mga larawan nila noong elementary pa sila. Nagtatawanan sila habang pinapanood nila ito. Talagang malaki ang mga pinagbago ng lahat. Napakadungis nila noon at mukhang mga nanglilimos. Hindi mo akalain na sila 'yon noon. Kahit si Yasmin ay iba na talaga. Ang ibamg babae ay walang suklay at make - up. Ang boys ay naka- sando at hawak - hawak ang mga polo nito na napakarumi. Ang badoy ng mga suot nila noon. Ang payat payat ni Harrold na parang liliparin na sa hangin. May mataba noon na ngayon ay slim na. May payat noon na may laman at chubby na. Ang maliit noon sa grupo ay siyang matangkad na ngayon. Si Xian naman, gwapo na siya noon at mas gumawpo pa ngayon at macho na. He is neat since then kaya maraming naaattract sa kanya. Lumipas ang mga taon at talagang malaki ang pinagbago ng nakararami. Ang iba sa kanila may asawa na at mga anak. Kaunti nalang ang hindi pa at isa na roon si Yasmin. Pagkatapos ng palabas, nagkaroon sila ng palaro. Mahirap man na maglaro dahil sa mga suot nila na gown, ito ay challenge nila and for fun! "Maglalaro tayo ng paper dance! So look for a partner. Dapat girl.amd boy ang mag partner!" Agad nagjanap sila ng partner. Ngumiti si Helen at aalukin sana niya si Xian pero tumayo ito bigla at umalis, " Xian..magpartner tay--" hindi na ito natuloy. Pinuntahan ni Xian si Yasmin sa may likuran. Nainis si Helen. Napatingin rin sina Kurt kay Xian ng umalis ito at napahiya si Helen. "Yasmin, pwede ba kitang mapartner?" tanong ni Xian. "Huh?" Harrold push her to agree, "pumayag ka na.." "pero.." Xian holds her hand at pinatayo niya si Yasmin. Pumayag rin siya sa wakas. "Aiyee," kinikilig si Harrold habang pinagmamasdan ang dalawa. Pumunta na ang lahat sa harapan. May labing-limang pares lamang ang sumali at isa na roon sina Xian at Yasmin. Ang gagawin ay Paper dance na ang gamit ay newspaper. The emcee said the mechanics: Sasayaw kayo habang may musika. At kung wala ay kailangan ninyong apakan ang papel na hindi lalagpas ang mga paa sa papel. Maaari niyong kargahin o kahit anong gawin ninyo basta hindi mawawala ang inyong paa sa papel. Matatanggal kapag may lalagpas at wala sa papel. Pipiluin ito ng paliit ng paliit hanggang may magwawagi. Ready? Ready! Nagsimula na ang musika. Madali ang mga unang bahagi na malaki ang papel. Ang napakahabang gown nila ang nagpapahirap sa mga babae kaya hawak - hawak talaga nila ito. It was so challenging. Music please! Stop! May natanggal na pares. Music!! Nakatitig sa isa' t isa sina Xian at Yasmin. Nakangiti habamg sumasayaw. Hawak ni Yasmin ang dulo ng gown niya para hindi ito gaanong balakid. Sumasayaw sila sa tugtog ng musika. Naka- 1/4 na ang newspaper. Medyo challenging ito but kaya pa sa tatlong paa. Stop! Agad humawak si Yasmin sa batok ni Xian habang ang isang kamay sa gown niya. Niyakap ni Xian si Yasmin sa bewang at likod. Nakahakbang ang dalawang paa ni Xian at ang isang paa ni Yasmin sa papel habang ang isa ay nakataas ito. Nagkadikit ang mga katawan nila. Napakalapit ng kanilang mga mukha. Nakatitig ang mga mata nila sa isa't isa. Mas hinigpitan ni Xian ang pagkakayakap kay Yasmin kaya mas napapadikit ito sa katawan ng binata at napalapit ang mukha nito. Laking gulat ng lahat. Nakatitig sa kanila at mukhang kinikilig sa mga nangyayari. Bumulong si Xian, "You are so beautiful mula noon hanggang ngayon." Mas namula si Yasmin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD