Nilapitan ni Pete si Yasmin sa kanyang mesa. Mag-isa lang ang dalaga dahil masayang nagsasayaw ang dalawang kasama.
Napakapresko magsalita ni Pete sa dalaga, "Mag-isa ka lang ba? Baka gusto mong samahan kita?"
"Paumanhin, pero may mga kasama ako.." mataray na sagot ni Yasmin.
"Ahh ganoon ba. Kung ganon, maaari ba tayong maging magkaibigan?"
Nakakunot noong tumingin si Yasmin kay Pete ng biglang hinawakan nito ang kamay niya. Inalis agad ni Yasmin ang kamay nito sa mesa.
"Mukhang nagkamali kayo ng pinuntahang mesa ginoo! Naligaw yata kayo."
Natawa si Pete sa sagot ni Yasmin na nagtataray sa kanya.
"Naligaw nga ang puso ko at dumapo ito sa iyo.." pasweet nitong mga salita.
Nagtitimpi lamang si Yasmin sa mga birit ni Pete. Nagsimula na siyang mainis.
"Maaari bang malaman ang iyong pangalan magandang binibini?" Mas lumapit si Pete kay Yasmin at tumabi pa ito. Iwas naman si Yasmin at umuurong papalayo. Napapatingin siya kung nasaan ang dalawa na busy sumasayaw.
"Bakit ka ba lumalayo? Natatakot ka ba?" Tanong ni Pete na nakatitig sa mukha pababa sa katawan ng dalaga. Hindi naman niya nahalata ang tiyan nito dahil sa shoulder bag na dala.
"Sorry mister, hindi ako nakikipag-usap sa mga hindi ko kilala.."
"Hard to get talaga kapag pinay.." natutuwang wika ni Pete.
"Umalis nalang kayo!"nagtitimping sabi ni Yasmin. But he insisted to stay. Mas ginanahan ito na manatili dahil sa pinapakitang kaastigan ni Yasmin.
"I like you.." bulong ni Pete sabay hawak sa hita ng dalaga.
Namilog ang mga mata ni Yasmin ng maramdaman ang kamay ng binata. Nagulat siya kaya itinaas niya ang kanyang kanang kamay at ..
Sinampal niya si Pete sa mukha.
Nagulat si Pete.
Napatayo si Yasmin agad. Naiinis siya sa ginawa ng binata. Geez!
Kinuha ni Yasmin ang kanyang bag at pumunta siya sa ladies room. Nakita naman ni Mia na umalis si Yasmin sa kanilang upuan. Napabagal ang indak niya habang pinagmamasdan si Yas na papuntang ladies room. Bumalik ang tingin niya sa mesa nila at nakita na may lalaki roon.
"Sino kaya iyon?"
Napahawak sa pisngi si Pete dahil sa lakas ng sampal ng dalaga.
"What the!!" Namumulang pisngi ang natanggap ni Pete.
Nakapasok na sa ladies room si Yasmin.
Bumalik na sina Mia at Danessa sa kanilang mesa at dinatnan ang binata roon.
"Sino ka?"
"Hi, kayo ba ang kasama ng babaeng narito kanina?" tanong ni Pete na patuloy sa paghawak sa pisngi.
"Kami nga!" Nakataas kilay nitong sagot at nakacross ang mga kamay.
"Nakikipagkaibigan lang naman ako.."paliwanag ni Pete sa dalawa. Pero alam ni Mia na mukhang may kakaibang nangyari sa kanila kanina dahil sa napansin niya kay Yas pag-alis. She's very protective sa kaibigan dahil alam niya ang hirap nito.
"Hi!" Bati ni Danessa sa binata. "Ako nga pala si Danessa.." Nakipagkamay pa ito sa binata.
"Ano ginawa mo sa kaibigan ko?" Seryosong tanong ni Mia kay Pete.
"Nothing.." patay mali lang itong sumagot na mukhang inosente.
Lumabas na rin si Arthur sa comfort room ng mga lalaki. Inabangan pala siya ng babaeng kasama at biglang pumulupot ang kamay sa kanyang braso.
Nagulat si Arthur.
"Teka, ano ba!" Pilit niyang tinatanggal ang nakakapit na mga kamay ng dalaga habang patuloy sa paglalakad patungo sa upuan nila.
"Tanggalin mo nga iyang kamay mo sa braso ko!" galit na sabi ni Arthur.
"Eh, kung ayoko!" Pagmamatigas ng babae. Mas kumapit pa ito.
"s**t! Alisin mo iyan!"
Mahina lamang ang boses ni Arthur pero galit at naiinis na ito. Ayaw lang niyang mag-iskandalo sa lugar.
"Gusto mo ba talagang mag-iskandalo rito?"seryosong tanong ni Arthur.
"Hmmm.." napapaisip ang babae.
"Tanggalin mo iyan!"
"Halikan mo muna ako!"
"Never! Huwag ka nang umasa na hahalikan kita!!"
Tumaas ang kilay ng babae at mas hinigpitan pa ang pagkapit rito. "Ganon!"
"Gusto mo talagang masaktan, ano?" Hamon ni Arthur.
Nakatingin lang ang isang babae na kasama ni Pete kanina. Nakangiti habang pinagmamasdan ang dalawa.
Napalingon si Mia sa may mesa nila Pete. Nagulat siya sa kanyang nakita.
"Sir?"
Napatingin rin si Pete kay Arthur at natutuwa sa nakitang pagdikit ng babae sa binata.
"Okay fine!" napabitiw na ang babae sa braso ni Arthur at humarap na ito sa kanya.
"Ayaw mo ba talaga sa akin?"tanong ng babae kay Arthur.
"Get lost!" sagot ni Arthur na napakaseryoso. Aalis na sana siya ng biglang hinawakan ng babae ang dalawang pisngi nito at pinalapit ang mukha niya sa mukha nito.
At ...
At hinalikan.
Nagdampi ang mga labi ng dalawa. Gulat na gulat si Arthur. Napatigil siya.
Napatakip bibig si Mia habang nakatingin. Omg!
"Ano iyon Mia?" Dumating na si Yasmin sa lugar nila Mia. Na-curious ang dalaga at napalingon ito.
Kaya..
Nakita ni Yasmin na may kasamang babae si Arthur at magkadikit ang mga labi nila. Napatigil si Yasmin at natahimik.
May biglang pumasok sa utak ni Yasmin na mukha ni Marga at silang dalawa ni Arthur ang naghahalikan.
Naitulak naman ni Arthur ang babae palayo kaya humiwalay ang kanilang mga labi.
"Ano ba!? Bakit mo iyon ginawa?" Pasigaw na wika ni Arthur. Pinahiran niya agad ang kaniyang labi na mukhang ayaw sa nangyaring pagdampi ng kanilang labi.
Natawa ang babae sa ginawang reaction ng binata.
Hanggang..
"Excuse me!" Boses ng isang babae sa may gilid ng babae na kaharap ni Arthur. Napatingin si Arthur kung sino ang nagsalita at nagulat ito.
Lumingon ang babae ng marinig niya ang tinig
"Excuse me!"
Pagkalingon niya ay nakita ang isang babaeng nakatayo na nakangiti pero seryoso ang mukha.
"Masarap ba?" tanong ni Yasmin.
"Yasmin, babe?" wika ni Arthur.
Ngumiti ang babae kay Yasmin.
Kaya mas lalong nainis si Yasmin. Itinaas niya agad ang kanyang kamao at..
"Eh, heto.. masarap kaya?"
Sinuntok ni Yasmin sa mukha ang babae.
Nagulat ang lahat.
Oh my!
Napatayo ang isang babaeng kasama nila sa mesa.
Natumba ang babaeng sinuntok ni Yasmin sa sahig. Agad pinuntahan siya ng babaeng kasama.
"Okay ka lang sis?"
Dumugo ang ilong nito at mukhang natamaan ng sobra. "Oh my,ang ilong ko. Bago ko pa ito pinaayos!"
Hindi pa nakontento si Yas at sinabunutan pa niya ang babae.
"Malandi ka!"
"Aray! Ahhh!!"
Inawat ni Arthur si Yasmin. "Tama na!"
Napatingin si Yasmin na nagkasalubongg ang mga kilay kay Arthur habang hawak ni Arthur ang braso ni Yasmin. Nakakunot noo itong tumitig sa binata. Nag-iinit sa galit ang dalaga.
"Tama na! Nakakasama sa iyo ito!" Sermon ni Arthur.
Biglang..
Sinampal ni Yasmin si Arthur na napakalakas.
Tumulo ang luha ni Yasmin na hindi niya namamalayan.
Sinampal ni Yasmin si Arthur. Bakas sa mukha ng dalaga ang sakit na nararamdam ng puso. Hindi niya inaasahan ang mga makikita. Bakit ngayon pa nangyayari ito kung kailan nalulumbay ang puso niya sa mga nalaman kanina?
Napapaluha si Yasmin na nakaharap sa binata. Nakatayo si Arthur at tila napatigil rin. Nagulat ito. Walang salitang lumabas sa bibig ng dalaga pero nanggigigil ito sa sama ng loob.
Humarap si Arthur at sinabing,
"Magpapaliwanag ako.."
Hinawakan niya agad ang kanang kamay ng dalaga pero hindi pumayag siya. Iniwakli lang niya ito kahit pilit na hinahawakan ni Arthur.
"Yasmin, mali ang iniisip mo.."
Napapaiyak lalo si Yasmin.
"Magpapaliwanag ako.." nagmamakaawa si Arthur kay Yasmin. Nakakunot noong napatingin kay Yas na napatingin sa babaeng haliparot na nasa sahig.
Hindi na napigilan ni Yasmin at agad itong umalis sa lugar.
"Yasmin!" sigaw ni Arthur at hinabol niya ito.
Tumakbo si Yasmin palabas ng bar na nakasunod naman si Arthur.
"Yasmin!"
Patuloy sa pagtulo ng luha ng dalaga. Pinapahiran ni Yasmin ang kanyang mga mata ng kanyang kamay pero patuloy pa rin ang kanyang mga luha sa pagdaloy sa kanyang pisngi.
Yasmin's pov
Nakalabas na ako sa bar. Pagkatapos ng pagtakbo ay binilisan ko nalang ang lakad. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha. Parang sasabog ang aking puso sa sakit. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito. Masakit ba dahil sa nakita ko o dahil sa mga nalaman ko kanina?
"Yasmin!"sigaw ni Arthur na nakasunod sa akin.
Nasa may likuran si Arthur. Hinahabol niya ako.
Bakit ba ako tumatakbo?
Bakit ako umiiwas?
Napatigil ako sa may tulay. Hindi ko akalain na mararating ko ito. Napatingin tuloy ako sa may hawakan.
"Yasmin!"
Napatigil na rin si Arthur at nasa likuran ko na siya.
Kung tatalon ako, ano kaya ang mangyayari? Magbabago kaya ang lahat!?
---------
Sa bar kung saan naiwan sila Mia at Danessa pati si Pete...
Nakangiti si Pete habang pinagmamasdan niya ang pag-alis ni Yasmin at paghabol ni Arthur.
"Siya ba ang fiancee ni Arthur? Siya yata..hmmm..." Bulong ng isip ni Pete. "Mukhang may nagpatino sa iyo Arthur..tsk tsk.. at hindi ko akalain, tinamaan rin yata ako."
Sinugod ni Mia ang babaeng haliparot. Kakatayo palang ng babae ay agad dumapo ang sampal ni Mia sa kanya. Hindi pa nakontento si Mia at sinabunutan pa niya ito.
"Bruha ka! Malandi ka!!"
"Aray!!" Sigaw ng babae na namimilipit sa sakit ng buhok na sinasabunot ni Mia.
" Lumalandi ka pa sa lalaking taken na!!"
"Tama na iyan!!" awat ng isang babae.
Sumugod na rin si Danessa at inaway rin ang isa pa nitong kasama. Nagkasabunutan na ang apat habang pinapanood sila ng mga tao roon. Ang iba naman ay nagpatuloy sa pagsasayaw at pag-iinom. Hanggang dumating na ang guard at napahinto.
Nagmukhang bruha ang apat dahil sa mga nangyari sa kanilang mga buhok. Hinihingal si Mia na patuloy na umuusok sa galit.
"Hoy babae,.layuan mo ang boyfriend ng kaibigan ko! Napakakati mo!!" Sigaw niya habang hawak at pinipigilan siya ng isa pang guard.
Napapaiyak nalang ang babae dahil na rin sa nangyari sa ilong nito. Napakadungis ng mukha niya at ang buhok ay parang na electric shock ang dating, napakagulo.
"Buti nga sa ilong mo!!"
-----------
Samantala..
Yasmin's pov
Nakatalikod pa rin ako kay Arthur. Nasa may likuran ko lang siya at nagpapaliwanag. Pero hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.
Kung tatalon kaya ako? Ano ang mangyayari? Mababawasan kaya ang sakit ng nararamdaman ko? Mawawala na ba ang lahat?
Hanggang..
Mas lalo akong napaiyak. Bakit ko ba iniisip ang ganitong mga bagay? Napatakip nalang ako ng bibig ng ma-realize ko na mali ito. Mali ang mga iniisip ko.
"Yasmin.."
Nagsimulang magsalita si Arthur.
"Magpapaliwanag ako.."
Napahawak ako sa tiyan ko. Mali ito.. maling mali ito. Hindi ito tama! Kung susuko ako ngayon, parang sinabi na nila na talunan ako!!
"Yas, hindi ko ginusto ang ginawa niya. Nabigla talaga ako. Siya ang humalik sa akin!"
Naaalala ko ang sinabi ni Ms. Odette. Kailangan maibagsak si Marga. Kailangan hindi siya magrereynahan. Kailangan kong maghiganti sa lahat ng ginawa niya! Hindi ko siya hahayaang maging masaya! Hindi niya makukuha si Arthur sa akin!
"Yasmin, sorry.. sorry sa nangyari. Hindi ko talaga ginusto iyon. Siya ang lumapit at dumidikit. Umiiwas nga ako pero siya ang namimilit. Bigla nalang niya akong hinalikan."
Dahan dahan akong lumingon kay Arthur. Napakaseryoso ng aking mukha ng humarap sa kanya.
"Sorry babe sa nangyari... Ikaw lang ang mahal ko. I love you so much!" wika ni Arthur.
Lumapit si Arthur sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para sa iyo.. "
Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha.
Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Ms. Odette na may balak si Marga. Gusto niyang makuha si Arthur. Hindi ako magpapatalo sa iyo. Its enough already na hinayaan kita noon! Hindi mo makukuha si Arthur sa akin. Kung siya ang paraan para umangat ka, hindi ko hahayaan iyon. Humanda ka Marga!
"Arthur..."
Napangiti si Arthur ng magsalita ako.
"Ano iyon babe?"
"Sabi mo gagawin mo ang lahat para sa akin.."
"Yes, I can do whatever you want. Hindi ka na ba galit?"
"Nasaktan ako sa nakita ko..."
"Siya ang humalik sa akin.."
"Okay, naniniwala ako."
"Salamat naman." Parang nabunutan ng tinik si Arthur ng marinig niya ang aking sinabi.
"Mahal mo ba talaga ako?" Tanong ko.
"Oo naman. Ibibigay ko ang lahat lahat para lang sa iyo. I love you so much Yasmin!"
"Kung mahal mo talaga ako at gagawin mo ang lahat para sa akin,.."
He nodded.
"Pakasalan mo ako bukas na bukas!"
Nagulat si Arthur. "Huh?" Hindi niya inaasahan ang request ko sa kanya.
"Magpakasal na tayo bukas!"
Napangiti man si Arthur pero bakas ang pagkabigla at pagkabahala.
"Ano na?" Tanong ko ulit
"Ikakasal naman talaga tayo diba...after Two months."
"Gusto ko bukas!" Pamimilit ko sa kanya.
Alam kong impossible pero pinilit ko siya. Hindi makapagsalita si Arthur o di kaya hindi niya alam anong sasabihin.
"I want it tomorrow!"
"Yasmin? Nagbibiro ka ba?"
"Mukha ba akong nagbibiro at hindi seryoso?"
"Di ba ang sabi ng event coordinator na ang pinakamalapit na araw lamang will take two months to prepare..."
"Kahit simple lang.. kahit ang consol o di kaya judge o kung sino man ang magpakasal sa atin. Pwede ba iyon?"
"Yasmin.."
"Di ba ang sabi mo mahal mo ako.. ang sabi mo ibibigay mo ang lahat.. "
Napaiyak ako ulit. Bakit kaya? Am I so aggressive at padalos dalos sa pagdedesisyon? Nakakahiya ba ako?
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang aking mga luha.
Nakakahiya ang ginawa ko! Nakakahiya! Iminudmod ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Para bang wala akong mukhang ihaharap sa kanya. Sana bangungot lang ito. Wala akong sinabi, wala kang narinig. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko.
------
Umuwi kami ni Arthur sa bahay niya at hindi sa condo namin.
Nakakahiya ang sinabi ko at request ko sa kanya. Nagmukha akong desperada sa ginawa ko. Haist. Naku naman Yasmin, ano ba ang iniisip mo. Oo na, maghihintay nalang ako sa araw na iyon na sinet namin. Dalawang buwan pa!
Haist.. nakakainis nga lang, wala man lang siyang reaksyon.
Sana panaginip nalang ang mga nangyari.
--------
Mahimbing yata ang tulog ni Yasmin sa guest room. Malaki ang kama at napakalambot pa. Ang bahay kung saan naging alipin siya ni Arthur at kung saan nabuo rin ang kanilang relasyon.
Nagising na si Yasmin. Dahan dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata at agad nagstretching habang nakahiga pa rin.
Humikab siya na nakapikit ang mga mata pa
Hanggang..
Nagulat siya ng makita sina Fritz at iba pang mga katulong na nakatayo sa gilid ng kama niya. Lahat sila ay nakatingin sa kanya at nakangiti.
Napaupo siya sa kama dahil sa gulat.
"Anong ginagawa ninyo rito?" tanong ni Yasmin.
Sabay sabay na binati nila ang dalaga, "Magandang umaga Miss!"
"Ah, eh, magandang umaga rin.." napilitan siyang ngumiti sa kanila. Hindi maalis sa kanya ang pagtataka. Kinabahan tuloy si Yasmin.
"Ano na ba ang oras?"
"Mag aalas otso ng umaga po."
"Ahhh..ganoon ba?"
Nagtataka pa rin si Yasmin kung bakit naroon ang limang katulong nila Arthur. Hindi ba sila aalis?
"Wala ba kayong gagawin at tatayo lang kayo riyan?"Pagtataka ng dalaga
Ngumiti lang sila sa kanya.
May kumatok sa pinto at bumukas ito. Napalingon si Yasmin sa pinto at nakitang pumasok si Mia.
"Mia?"
Nakangiting pumasok si Mia sa kwarto at at may dala itong malaking box.
Napatingin si Yasmin sa suot ni Mia na isang pink long gown. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik sa ulo.
"Bakit ganyan ang suot mo?"
"Maganda hindi ba?"
"Maganda! Pero anong okasyon? Mukhang dadalo ka yata sa isang kasalan!"
"Tumpak girl!" Pabiglang sagot ni Mia. Inilagay niya ang box sa kama.
"Huh? Really? Sino ang ikakasal?"
Napatawa ang mga katulong. Napalingon si Yasmin sa kanila. Natawa na rin si Mia sa reaksyon ni Yas.
"Anong nakakatawa?"
"Ikaw ang ikakasal!"
Nagulat si Yasmin sa narinig. "Huh!?"
Ang lakas ng pintig ng kanyang puso nang marinig niya ang sinabi ni Mia. Hindi niya inaasahan ito.
"Ano? Ako? Ikakasal?"
"Yes girl!"
"Totooo ba ito?"
"Oo, Yasmin...totoo ito!"
Napatakip ng bibig si Yasmin at napaluha siya.
"Bakit ka umiiyak?" Napapaiyak tuloy si Mia.
Hindi na mapigilan ni Yasmin ang kanyang mga luha.
Napaupo si Mia at tinabihan ang kaibigan.
"Ano ba! Huwag kang umiyak!"
Napapaiyak lalo si Yasmin at nahawa na rin sila.
"Hindi ko mapigilan ang aking mga luha eh..kusa silang tumutulo.."
Pinapahiran na niya ang kanyang mga mata pero patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.
"Nakakaasar naman.. bakit hindi niya sinabi na gagawin niya? Para mapaghandaan ko!"
"Gusto ka niyang sorpresahin Yas. Ang swerte mo sa kanya. Huwag mo na siyang pakakawalan pa!"
Napangiti si Yasmin habang kausap si Mia.
"Tingnan mo nga ang itsura at mata mo Yasmin. Tama na nga iyang iyak mo. Ang pangit kaya kapag may eyebags pag ikinasal. Tingnan mo tuloy, nasira rin ang make up ko."
Natawa si Yasmin sa sinabi ni Mia. Niyakap ni Mia si Yasmin at ngumiti.
"I'm so happy for you..."
"Miss, kailangan na po ninyong mag-ayos. Ready na po ang bath tub. Pwede na po kayong maligo at aayusan namin kayo. Nakaready na rin ang inyong almusal, baka gusto ninyong kumain."
"Salamat."
-----------
This is it. Ang inaasam nila. Ang hinihintay nila. Magaganap sa isang function hall ang pag-iisang dibdib nila Arthur at Yasmin.
Nasa harapan nakatayo si Arthur na nakasuot ng black suit. Naghihintay sa pagdating ng dalaga. Naroon rin ang judge at limang saksi sa araw na iyon na kasama sina Tita Nancy at Leo.
Maliit lamang ang function hall pero puno ito ng bulaklak sa paligid at mga palamuti.
Nasa gilid ni Arthur si Leo na tuwang tuwa sa mga nangyayari.
"Kinakabahan ka ba sir?" tanong ni Leo.
"Medyo.."
"Ayiee.. Tuloy na tuloy na talaga ito. Tuloy na rin ang honeymoon.." panunukso ni Leo.
"Haist, loko ka talaga!"
Tahimik naman si Tita Nancy na naghihintay rin.
Hanggang..
Naunang pumasok si Mia sa silid.
"Narito na siya!!" Sigaw ni Mia.
Bakas sa mukha ni Arthur ang kasiyahan at excited ito. Napapangiti siya habang binubuksan nila ang pinto kung saan papasok si Yasmin.
She's here!
She's wearing a white wedding gown.
Finally, she's here!
Nagtitigan ang dalawa habang dahan dahang naglalakad si Yasmin na may dalang bouquet patungo sa harapan.
Hindi nila maitago sa mukha nila ang kasiyahan.
"Yasmin.."
Napangiti si Yasmin at nagsimula ng maluha.
"Arthur.."
((Music! Your love by Jim Brickman)) ????
------------
Nagkaharap na sa wakas ang dalawa malapit sa judge. Hinawakan ng binata ang kamay ni Yasmin.
"Yasmin.."
"Arthur"
"Simulan na natin.."wika ng judge.
-----
"I DO!"
Ang salitang binitawan nila Yasmin at Arthur sa harap ng judge at saksi ang mga kakilala nila sa sandaling iyon.
"I pronounce you man and wife!"
Napaluha sila pareho ng marinig nila ang judge. Parang panaginip na hindi mo akalain na magkakatotoo. Arthur never expected na mangyayari ito since he was a different kind of guy before. Hindi niya inakala na ang babaeng makakapagbago sa kanya ay ang babaeng minsan na niyang tinangkaan ng masama noon. Hindi niya naisip na siya pala ang babaeng ihaharap niya sa lahat at masasabing kanyang magiging asawa. He never believe about true love at balewala lang ang pag-ibig but all of it change.
Hindi mapigilan ni Yasmin na umiyak. Hindi niya naisip na mangyayari ito sa buhay niya na ikakasal siya. Sa lahat ng naranasan niya, she never thought that this will happen. She is so happy. Hindi mapaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman. Arthur have alot of surprises na kahit kasal nila ay sinorpresa siya nito.. Pinaramdam ni Arthur sa kanya ang pagmamahal, alaga, seguridad at kung ano man na hindi niya naramdaman noon. She thought na mananatili nalang siya sa kadiliman at kalungkutan at hindi na niya maranasang magmahal muli. Durog ang puso niya noong hindi pa sila tuluyang magkakilala pero pinadama ni Arthur na pwedeng magbago ang lahat. Pinunan niya at ibinalik ang puso na minsan na hindi na naniniwala sa pag-ibig.True love na gagawin ang lahat para sa minamahal. True love na tanggap ka kung sino ka at kung ano ang iyong nakaraan. Iyan ang pinadama ni Arthur..
"Thank you.. thank you for loving me.."bulong ni Yasmin.
"I love you Yasmin!"
Napapaluha rin sina Leo at Mia na alam kung ano ang mga pinagdaanan ng dalawa. Kinilig at masaya ito.
"You may now kiss the bride!"
Nanonood ang lahat at kinikilig.
Nakangiti si Yasmin pero naluluha pa rin. Pinahiran ng daliri ni Arthur ang luhang tumulo sa pisngi ng dalaga.
"I love you Yasmin.. my wife!"
Dahan dahang lumapit ang ulo nito sa may ulo ng dalaga. Hinawakan niya ang pisngi ni Yasmin para sa gagawing halik. Ipinikit ni Yas ang kanyang mga mata habang hinihintay na dumampi ang labi ng binata.
At..
Dumampi na rin sa wakas ang labi nila sa isa't isa. Mariing hinalikan ni Arthur ang labi ni Yasmin habang ang lahat ay nanonood. Yumakap rin si Yasmin sa asawa.
Nilasap nilang dalawa ang halik ng kanilang pagmamahalan. They never mind those people that are looking at them. Naghalikan sila.. what a passionate kiss! Tumagal ng ilang segundo bago iniwalay nila ang kanilang mga labi sa isa't isa.
Pagkatapos ay nagsipalakpakan ang kaunting guest.
"Congratulations!!"
Nakangiti silang dalawa na humarap sa kanilang mga panauhin. Hawak nila ang kamay sa bawat isa.
Masayang binati nila ang bagong kasal.
Napatitig si Arthur sa asawa gayundin si Yasmin. Hindi na maalis sa paningin ang asawang napakaganda. Hinalikan niya ang kamay ni Yas na hawak-hawak niya.
"I love you!"
"I love you too.."
((Music.. ?? I do.. 98 degrees??))
----------
"Congratulations!" Bati ni Tita Nancy sa bagong kasal.
Nasa reception area na sila. Kahit kaunti lamang ang bisita ay inexclusive ang isang class A restaurant.
"Thanks po maam.."sagot ni Yasmin.
"Ano ka ba Yas, tawagin mo nalang akong Tita. You are part of the family. "
Medyo nahihiya si Yasmin but she's happy na tanggap siya ng tita Nancy ni Arthur.
"Sige po tita.."
"Hayan, mas gusto ko iyan."
Bumabalot sa buong lugar ang napakaromantic na musika na gamit ang violin, cello at piano.
"Pasensya na at hindi nakadalo ang lolo. Gustuhin man niya pero talagang sumakit ang mga paa nito na hindi niya kayang lumakad."
"Ganoon ba tita. Kaya pala wala si Lolo rito. Akala ko nagtampo na naman."
"Sayang.."nalulungkot na reaction ni Yasmin.
"Oo nga. Sigurado, nagsisisi na iyon. Nagmamadali kasi siya kanina at naexcite. Kaya sumakit bigla ang tuhod na hindi niya inaasahan. Gustong gusto niya talaga pumunta pero iyon ang nangyari."
"Kumusta po siya?" tanong ni Yasmin.
"Nagpapahinga sa kwarto niya."
"Sana okay lang siya.."
"Kayo kasi, pabigla bigla kayo! Talagang nabigla kami sa pagbalita mo na bukas na ang kasal ninyo. " Sermon ni Tita Nancy.
"Huh?"
Napayuko ng ulo si Yas. Medyo nahihiya siya dahil siya naman talaga ang gusto nito.
"Tita, ito ang gusto ko. Niyaya ko si Yasmin na ngayon na ang kasal kaya ganon. Pumayag naman siya."
Mas hinigpitan ng hawak ni Arthur ang kamay ni Yasmin. Nabigla siya sa paliwanag ni Arthur kaya napatingin ito sa asawa.
"Arthur.."
Napatingin rin si Arthur sa asawa at ngumiti. "Hindi na kasi ako makapaghintay.."
Ngumiti ang tita Nancy nila at kinilig sa dalawa na nauwi sa pagtitigan. Hindi na nila maalis ang paningin sa isa't isa.
"By the way.." interruption ni Tita Nancy.
"Ano iyon tita?"
"Pinabibigay ng lolo mo.." inabot niya ang sobre.
"Ano po ito?"
"Wedding gift niya raw."
"Ahhh..."
Tinanggap nila ang sobre at binuksan ito. Isa palang plane ticket at hotel accomodations.
"Wow!"
Tinawagan ni Tita Nancy sa videochat ang matanda para sabihin na natanggap na nila ang regalo.
Nasa kabilang linya na ang matanda.
"Pa, ibinigay ko na.."
"Congratulations Apo!!"
Humarap ang dalawa sa screen na naroon ang lolo nito.
"Salamat sa regalo. Sayang at hindi kayo nakadalo." Wika ni Arthur.
"Thank you po.." wika naman ni Yasmin.
"Pang honeymoon niyo yan. Para naman hindi na sa sala ng unit ninyo kayo gumagawa ng milagro!" Sermon ng matanda.
Narinig ng karamihan ang nakaloudspeaker na salita ng matanda.
Namula ang mukha ni Yas at pareho silang medyo nahiya.
" Lolo naman!"
Natawa ang tita Nancy nito. Palihim naman na tumawa si Leo na katabi ni Mia. Nakataas kilay agad ang dalaga na tumingin sa binata kaya napatigil si Leo.
Napapatakip ng mukha si Yasmin.
"Sige na lolo, I will turn this off."ani ni Art.
"Teka lang hindi pa ako tapos..."
"Haist.."
"May payo pa ako.."
"Ano po iyon?"
"Hmmm.. akala ko hindi ka magaling pagdating sa kama.. kaya pala may nabuo agad."
"Geez!"
Ang daldal talaga ng matanda. Hindi na nakapagpigil si Arthur at ni dismiss na niya ang videochat.
Para maiba ang timpla at mabago ang aura ay biglang sumigaw si Leo, "Mabuhay ang bagong kasal!!" Itinaas niya ang wine glass niya. Napalingon si Mia at sumunod na rin.
"Mabuhay ang bagong kasal!!"
"Cheers!!"
"Cheers!!"
Bumalot ang kasiyahan sa buong lugar. Nakangiti, nagtatawanan, masayang nag-uusap at nagkwewentuhan. Simple lang ang selebrasyon na dinaluhan ng iilan lamang na kakilala.
"Kiss! Kiss!!"
Panay pinapatunog ang kutsarang tinatama sa wine glass nila.
Nakangiti ang bagong kasal na medyo nahihiya sa mga panauhin.
"Kiss!! Kiss!!"
Paulit ulit nilang sinasabi.
"Ano na? Pagbigyan na natin sila."
"Sige na nga."
Then they kiss!!
Aiyee!!
Kinilig silang lahat.
Si Leo na naman ay bumulong sa katabi na si Mia, "Walang kiss ryan?"
Napalingon si Mia na nakakunot noo. "Hihirit ka rin!? Tadyak gusto mo!"
Inapakan niya ang isang paa ni Leo na nasa ilalim ng mesa.
"Aray!"
"Buti nga!"
"Ang sungit nito. Ano ba ang ginawa ko sa iyo?" tanong ni Leo na namimilipit ang sakit sa paa. Pasulyap sulyap naman si Mia sa binata.
"Wala naman.."
"Haist.."
Hindi maalis ang mga tingin ni Arthur sa asawa.
"Yasmin, I love you! I will love you forever!"
"Arthur, I love you too.. thank you for everything. You made me feel that I'm precious and special."
Bumabalot sa buong hall ang kasiyahan at kilig. Kinikilig ang mga panauhin habang pinagmamasdan ang bagong kasal na sumasayaw sa gitna. Nakahawak si Arthur sa bewang ni Yasmin at nakapulupot naman ang braso ni Yas sa may batok ng asawa. Nagkatitigan ang dalawa habang sumasayaw sa tugtog ng mala romantikong musika.
"I love you my wife!" bulong ni Arthur kay Yasmin.
"I love you too.." sagot niya.
Aiyee.. so sweet!
Hindi nakatiis si Arthur at hinalikan bigla ang asawa sa harap ng marami. Nagulat si Yasmin sa binigay na halik ng asawa. Just a split of seconds na dumampi ang mga labi nila.
"Arthur.." nahihiyang reaction ni Yasmin na pasulyap sulyap sa mga panauhin. Nagsipalakpakan ang mga bisita at kinilig lalo sa dalawa.
Namula ang pisngi ni Yasmin at napayuko ito. Niyakap ni Arthur ang asawa para lambingin.
"Sorry, nabigla ka ba?" pabulong na tanong ni Arthur sa tainga ni Yas.
"Ginulat mo kasi ako.."
Mas niyakap pa niya ng husto ang asawa. "Mahal na mahal kasi kita.. kayo ng baby natin."
"Marami kasing nakatingin.."
"Huwag kang mag-alala, araw natin ito kaya wala silang pakialam.."
"Kahit na.."
Pagkatapos nilang sumayaw ay pinapunta sa harapan ang dalaga na si Mia. Dahil kakaunti lang ang bisita ay ibinigay nalang ni Yasmin ang bouquet nito sa kaibigan.
------