Naibigay na ni Yas ang bouquet sa kaibigan. "Teka, anong ibig sabihin nito?" pagtataka ni Mia. "Wala ka ng choice Mia. Sa iyo na iyan!" Nakangiting sabi ni Yasmin na pataas-taas ang dalawang kilay. "Huh? Ano?" Gulat na reaction ni Mia na hawak ang bouquet ni Yasmin. "Teka teka lang.." Nagsalita rin si Arthur, "Syempre, tawagin nalang rin natin ang partner mo." Napatingin si Arthur sa secretary niyang si Leo. Walang kaalam alam si Leo sa mga pinaggagawa ng boss. "Leo!" tawag ni Arthur. "Yes boss?" Napatingin lahat kay Leo. Mukhang napakainosente ni Leo sa mga mangyayari. Nagulat si Mia sa mga nangyayari. "Anong ibig nitong sabihin? Sabotage?" Natawa si Yasmin, "parang ganon na nga." "Huh?" "Ano pala ito?" tanong ni Leo. Napatingin si Mia kay Leo na nakakunot noo. Nainis ito

