(warning!!) babala.. spg alert Pumunta ang mag-asawa sa puntod ng kanilang anak. First time nilang dumalaw na magkasama. Alam nilang masaya ang kanilang anak sa langit. Dinalhan nila ng isang basket ng bulaklak at isang laruang robot. Inilagay nila ito sa may puntod. Pagkatapos nila ay pumunta sila sa selda kung nasaan si Marga. Nakakulong na ito roon. Inalalayan ni Arthur si Yasmin at hinawakan ang kamay nito. Pinagmasdan lamang nila si Marga sa malayo na nakaupo sa sahig sa may sulok. Kitang kita nila na nagdurusa ito. Ibang iba ang itsura niya na walang make up o kahit anong palamuti. Hindi maiwasang malungkot at maawa si Yasmin sa kaibigan. Pero wala siyang magawa dahil dapat rin niyang pagbayaran ang kanyang mga kasalanan. "Masakit man ang nangyari sa kanya pero mas masakit a

