"This is a night to celebrate the birthday of one of the most known business tycoons in the world. The owner and the CEO of the company! The grandson of the chairman! The handsome and charming Arthur!" pahayag ng emcee. Umakyat na sa stage si Arthur pero palingon lingon siya at hinahanap ang asawa. Nagpalakpakan ang lahat. Nasa gilid malapit sa stage nakaupo sina tita Nancy at ang lolo. Napakasaya ng lolo niya na makita ulit ang apo niya. "We will also call, the beautiful wife of our birthday celebrant, Yasmin!" Nagpalakpakan sila at napalingon -lingon. Hinahanap si Yas. "Nasaan si Yasmin?" tanong ng matanda. "Hindi ko po alam.." sagot ni Tita Nancy. "Hindi ko pa siya nakikita!" ani ng lolo ni Arthur. Dali-daling pinuntahan ni Fatty sina Yasmin at Jess na nasa loob ng ladies

