(Author's note: Unedited means originally kung ano ang pagkasulat ko sa watty ay ito iyon. Di ko inedit para mpost agad. So pagpasensyahan n ninyo kung may mga makikita kaung mga grammatical errors and flaws. thank u sa pagbabasa)
" Late na ba ako?"tanong ni Yasmin.
" Hindi pa naman," sagot ni Andy na nasa counter.
" Magsisimula muna ako sa paglilinis. Wala pa namang customer," sabi ni Yasmin. Kumuha siya agad ng mop at isang balde na may lamang tubig. Nagsimula na siyang mag mop sa loob ng store.
Tumunog ang windchime na nakasabit sa taas ng pinto. Sabay sa pagbati ni Andy sa customer na pumasok.
"Magandang hapon, welcome po!" bati ni Andy.
" Magandang hapon rin, " sagot ni Leo habang pinagmamasdan niya si Yasmin.
Patuloy sa paglilinis ni Yasmin at hindi napansin ang pagdating ni Leo. Kumuha ng energy drink si Leo sa shelf. Dahan dahan lamang siya sa bawat hakbang niya. Inutusan pala siya ni Arthur na bumili ng kahit na ano basta makapasok lang ito at alamin kung ano ang trabaho ni Yasmin sa store.
Binayaran na ni Leo ang biniling energy drink nang biglang may pumasok na isang matabang lalaki na may biguti. Nakasuot ito ng maong na jacket at tattered jeans. Nabigla sila!. Umastang kung sino ang lalaki at pinuntahan si Andy na nasa counter. Medyo nagulat si Leo ng nasa may harapan niya ito.
Napalakas ng boses ng lalaki ng sabihing, " Nasaan ng sinabi mo noon na ibibigay mong pera?"
" Wala po kayong makukuha uncle!!" matapang na pagharap ni Andy. Binigay na niya ang sukli kay Leo at bunalewala ang uncle
"Heto na po, salamat!" sabi ni Andy sabay yuko.
"Anong sinabi mo!!??" nagalit ang lalaki kay Andy at hinablot ang kamay ng dalaga.
Nagulat si Leo at natakot. Napaatras ito at napatingin na lamang.
Hinila ng lalaki si Andy.
"Aray, bitiwan mo ako!! Wala kang makukuha!!"sigaw ni Andy.
Nagulat si Yasmin sa nakita. " Andy!!" Agad sinugod ni Yasmin ang lalaki at pinukol niya ng mop sa ulo. Hindi ito natablan at nagalit pa ito ng husto.
Nanginginig sa takot si Leo na nasa harapan niya ang kaguluhan. Napapaatras siya para makaalis sa lugar.
Itinulak si Yasmin kaya napadapa ito sa sahig.
"Yasmin!!" sigaw ni Andy.
Sinampal ng lalaki si Andy ng maraming beses hanggang natumba na ito.
" Iyan ang napapala sa taong hindi sumusunod!!"
Bumangon ulit si Yasmin at tinulungang makapaghiganti sa kaibigan, " Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko!!" galit na sabi niya. Pinupukol ni Yas ng kahit anong mga bagay na mahawakan niya
ang katawan ng lalaki pero hindi ito nasaktan dahil malakas at malaki ang pangangatawan nito.
Dali-daling umalis at napatakbo si Leo paalis ng store.
--------
" Ang tagal naman ni Leo," naiinip na sabi ni Arthur.
Hanggang nakita na niyang tumatakbo si Leo palabas ng store. Hinihingal ito na para bang natatakot at may humahabol.
Binuksan agad ni Leo ang pinto at sinabing, " Umalis na po tayo boss!!"
"Huh? Anong nangyari?" usisa ni Arthur.
" Ka-- kasi.. Kasi.." nabubulol na wika nito.
"Magsalita ka ng maayos! Anong nangyari roon?"
" May lalaking gumagawa ng kaguluhan roon!!" kwento ni Leo.
" Ano!?"
Naalarma si Arthur at bakas ang pag-aalala. Lumabas siya agad sa sasakyan niya, "Sh*t!! Tumawag kayo ng pulis!"
Dali -daling pumunta ang binata sa store.
Napakagulo at makalat na ang loob ng store.
Kinakabahan si Yasmin nang makita niya ang kamao ng lalaki na para bang papunta sa kanya.
"Pakialamera!!" Susuntukin na sana niya si Yasmin nang may naunang sumuntok sa lalaki.
Napapikit nalamang si Yasmin habang naririnig ang lakas ng kabog ng dibdib nito.
Inunahan na ni Arthur ang suntok ng lalaki.
Natumba ang lalaki patungo sa shelf na may mga lata.
Nabigla sila sa nangyari. Hindi nila ito inaasahan. Napadilat si Yas at nagulat sa nasaksihan. Nakita niya na ang lalaking sumuntok sa masamang lalaki ay si Arthur.
"Sir Arthur?"
Tumayo ang lalaking natumba at mas umusok ito sa galit.
" Grr.. Isa ka pa!!"
Sinuntok rin niya si Arthur at nagsuntukan silang dalawa.
Napakakalat na ng store dahil sa kaguluhan. Ang ibang paninda ay nasa sahig na at nakakalat.
Walang magawa sila sa suntukan ng dalawa.
Napunta sa may mga gamit si Arthur nang sinuntok ito ng lalaki.
(police siren)
Naririnig nila ang tunog na papalapit na gawa ng mga police. Nataranta ang lalaki. " Mga pulis!"
Pagkarinig niya ay nagmamadaling umalis ito sa lugar.
"Hindi pa tayo tapos!" banta ng lalaki sabay turo kay Arthur.
Tumingin rin siya kay Andy, "Babalik ako!"
Pasa ang nakamit ni Arthur dahil sa laban nila. Dumudugo ang gilid ng labi nito.
Tuluyan ng nakaalis na ang lalaki at hindi na nila naabutan ang may kagagawan..
Pumasok si Leo at ang mga pulis. "Boss, okay ka lang po ba?
"Okay lang" sagot ni Arthur.
Ipinahid ni Arthur ang kanang kamay niya sa pisngi nito.
Napatingin si Yasmin kay Arthur pero hindi siya lumapit. Naalala niya ang sinabi ng binata tungkol sa kabayaran.
Lumingon si Arthur kay Yasmin at tinitigan.
Kinabahan tuloy si Yasmin habang nakatingin ang binata sa kanya.
Ang mga pulis ay kinakausap na si Andy tungkol sa kaguluhan at kung sino at bakit ginawa iyon?
"Tara na!" sabi ni Arthur kay Leo.
Tumalikod na si Arthur sa kanila at lumabas na ng store.
Sumunod naman si Leo sa kanya.
Napaiyak nalang si Andy at dinamayan siya ni Yasmin habang kinakausap ng mga pulis pero sinundan ng tingin ni Yasmin sina Arthur.
--------
"Akala ko ba sisingilin niya ako kapag nagkita kami ulit," wika ni Yasmin sa sarili. Nagsasalita ito ng mag-isa habang nasa dressing room.
" Sino ba ang kinakausap mo?" tanong ng isang kasamahan na babae sa bar.
" Wala," sagot ni Yasmin at tumayo na ito.
Tapos na siyang nagretach at nag-ayos at ready na sa trabaho sa bar.
Ang hindi alam ni Yas ay naroon sa bar sina Leo at Arthur..
"Boss, okay lang po ba talaga kayo?" tanong ni Leo na katabi ni Arthur.
Nakasuot sila ng black leather jacket at may sunglasses pa. Ibang iba ang aura ng suot nilang dalawa na mukhang hindi mo sila mamumukhaan. Nasa isang ordinary table lang rin sila at hindi sa vip.
Panay tingin si Arthur kay Yasmin na nagseserve ng beer sa mga customers.
"Boss, bakit ba natin siya sinusundan?" usisa ni Leo na takang - taka na.
" Wala lang.."
"Huh? wala lang? Inuubos niyo ang oras sa kasusunod sa kanya. Mas mabuti pang mamasyal kayo sa lugar," sermon at payo ni Leo.
Napalingon bigla si Arthur kay Leo at binigyan ang katabi ng matalim na tingin.
"Sino ba ang boss rito?"
Napilitang ngumiti si Leo, " Kayo po ang masusunod boss!"
---------
Kinabukasan, sa shining foundation ay may nagdonate na mga libro sa mga bata.
" Talaga? Wow!" masayang reaction ni Kara.
"Oo, maraming mga libro ang dinonate rito," sabi ni Ms. Kelly.
" Sino po ang nagdonate?" tanong ni Yasmin.
" Hmm.. Hindi sinabi ang totoong pangalan. Ang sabi Mr. A lang," sagot ni Ms.Holley.
" Kung sino man siya, magpasalamat tayo. Malaking tulong na iyon para sa mga bata," sabi ni Mrs. Agatha.
Masayang tinanggap nila ang donation mula sa isang hindi kilalang donor.
---------
Nakaupo sa couch si Arthur sa isang magarang silid. Nagpapahinga muna siya sa isang first class hotel. Nakapikit ang kanyang mga mata at nagrerelax muna roon.
Tumunog ang cellphone nito kaya napadilat ang kanyang mga mata. Tiningnan niya ang cellphone at inabot niya ito. Hindi na siya nagdalawang - isip na sagutin ang tawag.
" Hello?"
" Arthur? Arthur, kelan ka pa ba dumating? Hindi ka ba pupunta rito?. Hinahanap ka ng lolo mo!!" sabi ng babae na nasa kabilang linya.
"Tita Nancy, Ilang araw na po ako narito... "
" Hindi ka man lang nagsabi!"
" No need. Kung gugustuhin ko, I can go anywhere!"
" Paano na iyon ipinangako mo sa lolo mo!!"
Natawa nalamang si Arthur.
" I dont want to settle yet!!"
" Haist! Hindi ka pa rin nagbago!!"
((call ended))
Seryosong tiningnan ni Arthur ang cellphone. Pagkatapos ay napasandal nalang ito sa couch na inuupuan.
" Sigh!" malalim na buntong hininga nito.
-------
" Anong sabi niya?" tanong ng matanda na nakaupo sa couch. May dala itong cane dahil nahihirapan na itong makalakad.
" Wala po siyang sinabi pa.. Wala yatang planong bumisita at magpakita!!" sagot niTita Nancy na nakaharap sa harap ng matanda.
Tumaas ang boses ng matanda at nagalit, " Hays! Kailan pa ba! Kailan pa magtitino siya! Gusto ko ng magkaapo!!"
"Wala po siyang plano. Alam naman ninyo na hindi siya seryoso sa mga babae. Ang lahat ay nakukuha lang sa pera at siya rin ang hinahabol nila!!"
"Kahit na! Bahala siya, basta gusto ko magkaapo bago ako mamatay. Nasa kanya na ang lahat, pero hindi pa rin niya iniisip ang bukas at maging tunay na masaya!!" sermon ng matanda. Tumataas tuloy ang dugo niya.
----------
Samantala, inaayos ni Yasmin ang mga paninda ng kinausap niya ang kanyang sarili, " Nakapagtataka, akala ko talaga na sisingilin niya ako kahapon," hindi mawala sa, isip ni Yasmin ang nangyari sa store at ang pagdating ni Arthur sa store.
" Bakit kaya hindi? bakit napunta siya rito agad? Napadaan lang ba siya?" gulong gulo ang isip n Yas.
Hanggang nairita na siya sa kaiisip.
"Haist.. Nakakainis!"
Napatingin tuloy si Andy na nasa counter, " okay ka lang ba?"
Napilitang tumawa si Yasmin, "Okay lang! okay na okay!"
Tumunog ang windchime ng pumasok si Hero, kapatid ni Andy.
" Hi ate!" bati ni Hero. " Hi Yasmin!!"
" Hello Hero!"
Tumayo si Yasmin ng natapos na nita ang ginagawa, " Tapos na!" masayang sabi nito.
" lilinisin ko nanaman ang salamin sa labas!" wika ng dalaga.
" Huh?" nabigla si Andy. " Kakalinis mo lang iyon kahapon diba?"
Gusto ni Yasmin na maraming ginagawa sa mga oras na iyon. Ito ay para maiwasan niyang mag-isip ng kung ano ano.
" Lilinisin ko iyon!"
Kumuha ng balde ng tubig si Yasmin pati rug. Tinulungan siya ni Hero na dalhin ang balde patungonsa labas.
Nakapikit sana ang mga mata ni Arthur na nasa loob ng sasakyan niya ng biglang nagsalita si Leo, " tingnan mo sir!!"
Napadilat ang mga mata ni Arthur at napatingin sa store. Lumabas sina Yasmin kasama si Hero na dala ang balde. Nasa may salamin ng store sila nakatayo at ready ng maglinis.
Napatitig ng husto si Arthur sa dalawa.
" Thanks... Okay na ako!" sabi ni Yasmin.
" Tulungan na kita!!"
" Huwag na," nahihiyang sabi ni Yasmin.
Nagkakatuwaang nag-uusap ang dalawa sa malayo. Nasa kabila,lamang nakapark amg sasakyan nila Arthur.
Hero insisted kaya walang nagawa si Yasmin.
Bakas sa mukha ni Arthur ang selos.
" Umalis na tayo!!" utos ni Arthur sa driver.
Napansin ni Hero ang sasakyan na paratkng nakapark sa may harapan nila.
" Kaninong sasakyan iyon?" tanong ni Hero.
Napatingin rin si Yasmin sa sasakyan na puti, ang sasakyan nila Arthur.
" Hindi ko alam!" sagot niya.
Umandar na ang sasakyan at tuluyan na itong umalis. Nagpatuloy sila sa paglilinis ng salamin.
--------
Sa gabi'y naroon na sa bar si Yasmin. Nakasuot ng uniform nito na napakaikli ng skirt at napakasexy. Nagseserve siya ng mga inumin sa mga customers.
May sayawan, inuman at napakaingay ng lugar. Mostly ay mayayaman ang nasa araw na iyon. Marami ring matatanda ang naroon. Party party ang nangyayari sa lugar. Amoy ng alak ang iyong maaamoy at may sulok rin para sa usok ng sigarilyo.
Napakabusy ni Mia na magentertain ng mga customers sa isang table. Si Yasmin ay pabalik balik sa pagserve ng mga inumin nila.
Hanggang may isang lalaki ang humimas sa binti ni Yasmin ng dumaan ito sa kanila.
Nabigla ang dalaga at napatingin sa lalaki. Napatigil ito malapit sa kanila. Nakangiti ang lalaki sa kanya at ang mata ay may pagnanasa.
Kinabahan man si Yasmin pero hindi niya ito pinahalata. Isa sa rules nila na dapat gawin ay huwag pahiyain ang mga guest. Kahit ayaw ay dapat nakangiti pa rin.
Sapilitang ngumiti si Yasmin per sa kaloob looban niya ay hindi niya ito gusto.
Tumayo ang lalaki. Aalis na sana si Yasmin pero pinigilan siya nito.
Napatingin ang kasamahan ng lalaki at tinukso sila.
" You look nice together!!" sabi noong isa. Walang magawa ang nagentertain sa table na mga kakilala ni Yasmin at natutuwa nalamang.
Hinawakan ng lalaki ang bewang ni Yasmin na nagpagulat sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata.
Mas pinalapit ng lalaki ang katawan ni Yasmin sa kanya.
" Sir, let me go!" mahinahong kinausap ni Yasmin ang lalaki.
" Let's play together!?"
" Sorry sir! im just a waiter here!" sagot ni Yasmin na dahan dahang naiirita.
" Bit I want you!!"
Tumawa ang mga kasamahan ng lalaki!
Mas hinigpitan niya ng hawak sa bewang ni Yasmin at mas napapalapit ito.
" let me go!" nagpupumiglas siya.
" No! You are mine!"
" Ayoko sa iyo!" sagot ni Yasmin na pilit na tinutulak ang lalaki. Ang lalaki naman ay bumaba ang kanang kamay sa may hita ni Yasmin.
" Sexy!"
" Let me go!"
Hindi makatingin ang dalawang entertainer na nasa table nila kay Yasmin at kung paano hinihimas ng lalaki ang hita nito pababa at pataas.
" Sorry.. Yasmin," sabi noong dalawang entertainer. Sa bar na iyon, walang pakialamanan sa trabaho at paano umakit kaya kahit ayaw niya ay sa tingin ng iba ay okay lang.
Pilit pa rin niyang makawala sa kamay ng lalaki peor malakas ito at wala siyang magawa.
Inaamoy na siya ng lalaki at hindi mapigilang humalik sa leeg.
" No! ano ba!!" galit na ito pero ang lahat ay parang bingi lamang.
Hmmmm..
" I think you are delicious!!"
" I am not!" sabi ni Yasmin.
At biglang sumigaw siya, " Help!!"
" Let me go!" nagpupumiglas si Yasmin habang hinahawakan siya ng lalaki.
Hahalikan na sana siya ng biglang may sumuntok sa mukha ng lalaki na nagpatumba sa kanya. Nakawala si Yasmin sa pagkakahawak ng lalaki sa kanya. Nagulat ang mga tao. Nagulat rin si Yasmin. Dalawang lalaki ang dumating na nakasuot ng black sunglasses at black suit. Men in black lang naman ang aura ng dalawa.
Sa pagkakasuntok sa lalaki na nang bastos kay Yasmin ay tumayo na ang dalawa pa nitong kasama at sinugod ang dalawang lalaking nakablack. Naghihiganti sila sa ginawa sa kanilang kasama.
Nagtakbuhan ang mga tao palabas ng bar ng nagsimula na ang kaguluhan. Lumayo rin ang dalawang entertainer na nasa table nila. Nagsuntukan silang lima at tuluyang nagkagulo.
Nabigla ang manager at walang magawa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
" oh my gosh!" reaction ng manager. " Tumawag kayo ng pulis!!" "Guard!"
Napaupo nalang si Yasmin at tinakpan ang ulo ng kanyang braso. Napapikit ito dahil sa kaba. Nagtakbuhan ang iba pero si Yasmin ay nanatili roon. Para bang nanigas ang kanyang mga paa at tangi lang niyang magagawa ay yumuko at magtago.
Dumating ang guard para awatin pero mas matindi pa ang nangyarinh kaguluhan. Hindi nagpaawat ang mga bastos na guest.
Habang nakapikit ang mga mata ni Yasmin ay naririnig niya ang ingay ng mga mesa at boteng nababasag.
Mas kinabahan siya sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung sino ang dalawang lalaking nakablack na dumating.
Biglang..
Biglang may humablot sa kamay nito at hinila siya na nagpatayo sa kanya.
" huh?"
Isang lalaking nakasuit nag humila sa kamay ni Yasmin para makaalis sa lugar na iyon.
" teka!" sabi ni Yasmin na nakatingin lamang sa likuran ng binata.
Lumingon siya sa nagsusuntukan at naroon pa ang dalawang lalaking nakablack na mas naunang dumating.
Napadaan sila kay Leo, at sinabi ng binata, " Ikaw na bahala ryan!"
" Yes boss!" sagot ni Leo.
Napatingin si Yasmin kay Leo at napaisip, " teka, familiar ang lalaking iyon.."
Pinuntahan agad ni Leo ang manager at inabot ang malaking pera kabayaran sa lahat ng nadamage na mga kagamitan.
Yasmin's pov
" teka.. Huwag mong sabihin.." napatitig siya sa likuran ng lalaking may hawak sa kamay niya.
Nakalabas na sila ng bar at pumunta sa may parking lot.
" Ikaw?"
Nagkaharap na silang dalawa na nakatayo sa may mga sasakyan.
" Ako nga! Nagulat ka ba?" wika ni Arthur.
" Kakilala mo ba iyong dalawang lalaking nakablack suit at black sunglasses?" tanong ng dalaga.
" Mga bodyguard ko sila!" sagot niya.
Medyo na amaze si Yasmin na sarcastic na reaction, " Wow, may pa-bodyguard ka pa!"
Hindi pa rin maayos ang pakikitungo ni Yasmin sa binata. Siguro dahil na rin sa mga naranasan niya noon especially sa binata.
" Teka, sinusundan mo ba ako?" mataray nitong pananalita.
Natawa si Arthur at sinabing, " Bakit naman kita susundan?"
Chin -up si Yasmin sa pagsagot, " okay, pero bakit ka sumusulpot kapag.."
Hindi natapos ang sasabihin ni Yasmin ng magsalita si Arthur agad, " Hindi ba pwedeng napadaan lang?"
" Really? Once? twice? Thrice?" hinahamong tanong ni Yasmin. Tinatarayan na niya ang binata na unti unting naiirita na siya habang nakikita si Arthur.
Yasmin's pov
Naiinis ako kapag nakikita siya. Naiinis ako kapag nariyan siya. Naaalala ko ang ginawa niya noon sa akin at pinagsamantala ang pagkakataon na painumin ako ng pampatulog. Alam kong sinadya niya na painumin ako dahil may binanalak siyang masama. Ngayon, sigurado akong may binabalak siya. Siya ay boss ni Marga, at maaaring magkakampi sila at may gawing hindi maganda. Ayoko ng may koneksyon sa babaeng iyon. Ayoko na!
" Narito ka ba para maningil?" matapang na tanong ni Yasmin.
Hindi sumagot si Arthr at tumitig lang ito sa kanya.
"Maniningil ka na.. Huwag kang mag-alala, babayarin rin kita!"
" Talaga? Kelan?"
Napatahimik si Yasmin at napaisip. " uhmmm.."
" Iniisip mo ba talaga na narito ako dahil sisingilin kita? Hindi ba pwedeng magpasalamat ka muna sa pagkakaligtas sa iyo sa gagong lalaking iyon." seryosong sabi ni Arthur.
Bakas sa mukha ni Yasmin na nakokonsensya sa sinabi nito kanina. Napatingin sa mata ni Arthur si Yasmin. Seryoso namang nakatingin si Arthur sa kanya.
" uhm.." nabubulol na salita ni Yasmin.
" kung ganoon.. You need to pay me as soon as possible! Ang sabi ko sa iyo noon, kapag magkikita tayo, sisingilin na kita.. Tama! You are right! So I want it tomorrow!"
Nabigla si Yasmin, " What?"
" Narinig mo ako di ba? Tomorrow! Cash!!"" sagot niya.
" teka teka..tomorrow agad?"
Napangiti si Arthur and nodded.
Napailitan tuloy na sumagot si Yasmin, " sige.. Para matapos na!"
" Paano kung hindi mo ako mababayaran bukas, anong gagawin mo?"
Napaisip si Yasmin bago magsalita. " hmmm.."
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsalita si Arthur, " kung hindi mo mababayaran bukas na cash, pagtratrabahuhan mo ang dapat mong pangbayad!"
" huh?"
" Pagsisilbihan mo ako. You will be my servant!" sabi nito
" What!?"
Yasmin's pov
Ano? Pagsisilbihan ko ang lalaking ito!? Wala ng pagkakaiba sa kanya at sa mga lalaking iyon. Sigurado, sa una pa lang ay plano na niya ito. Hmp! Hindi ako papayag. Babayaran ko siya bukas!
" Babayaran kita bukas. Hindi ako magpapaalipin aa iyo!"
" okay.. No problem with me. Magkita tayo sa Winson park alas 4 ng hapon. Aasahan ko na madadala mo ang pera, walang labis walang kulang!"
Dumating ang dalawang lalaki na mga body guard pala niya at si Leo.
" Sir, okay na po ang lahat," sabi ni Leo.
" Sige, tara na!"
Umalis na sila Arthur at ang mga kasama niya. Naiwan nalamang si Yasmin roon.
" Gagawa ako ng paraan para makahanap ng pera!!"
------
" Ano? Sinabi mo iyon? " pabiglang reaction ni Mia ng ikwento niya ito sa kanya.
Yasmin nodded.
" Saan ka naman kukuha ng ganoong kalaking halaga.. Eh, ilang buwan na iyon sa isnag ordinaryong sales lady at waiter. Kahit ilang partime pa gawin mo ay hindi kaya yan!" paliwanag ni Mia.
Ipinilupot ni Yasmin ang kanyang braso sa braso ni Mia, " friend, tulungan mo ako. Ayoko magpaalipin sa kanya. Baka ano pang gawin niya sa akin." pasweet nitong sabi.
" in fairness,gwapo siya at mayaman,.. Okay lang kung may gawin siya sa akin!"
" Ano ba!" tinapik ni Yasmin ang braso ni Mia.
" Aray."
" Gwapo nga siya pero hindi mo siya kilala. Sabi nila, marami na siyang mga babaeng nakasama. Ganoon lang siya kagwapo pero ginagamit lang niya yon para pang-akit sa mga babae. Tapos pera lang ang katapat niya at papalitpalit pa."
Pumalakpak si Mia at humanga sa description ni Yasmin.
" aba, kilalang kilala mo siya!"
Nagmamakaawa si Yasmin sa kaibigan, " kaya tulungan mo ako. Ayokong magwagi siya. Baka may plano ito. Ayoko ng gulo! Ayoko ng may koneksyon kay Marga!"
" Hays, si Marga na naman!"
" May alam ka bang mahihiraman. O kahit ano para magkapera agad?" seryosong tanong ni Yasmin.
" gurl, ang easy money lang talaga ay.."
Nasense na ni Yasmin ang sasabihin at isusugest ni Mia.
" Ayoko ng iniisip mo Mia. Ayoko! Iba nalang!!"
" eh, ano ba ang gusto mo... Magkaroon ng pera agad kaya you will sacrifice yourself para hindi ka maging servant ni Sir Arthur o maging servant ka niya. Di ba, pareho lang yun??"
Hindi makatulog si Arthur dahil sa bumabagabag sa isip niya. Hindi niya maalis sa isip na maaaring gagawin ni Yasmin lahat para lang makabayad. Maaari rin niyang ipagpalit ang sarili sa pera para lang pambayad.
Napabangon ng kama si Arthur, " haist, asar! Paano kung ibenta niya ang kanyang sarili para lang sa pera. Paano kung mapahamak na naman siya dahil sa kapabayaan niya. Haist!"
Sa inis at di maintindihang inis ay tinapon niya ang unan niya sa dingding.
"s**t!"
Hindi mapakali at mapanatag si Arthur sa mga gagawin ni Yasmin kaya inutusan niya ang mga tauhan niya na bantayan si Yasmin.
------
" Sir, narito po siya sa foundation.. Hindi po siya umalis!"
Arthur's pov
May balak pa ba siyang magbayad? Saan siya kukuha ng pera?. Paano kung di ko nalang siya sisingilin? Pero, baka sabihin niya pinaglalaruan ko lang siya at joke lang ang lahat? Kung hindi siya makakabayad, papayag ba siyang maging alipin ko.. Kahit saglit?"
--------
" Namumutla ka yata Yasmin at matamlay, may problema ba?" tanong ni Ms. Holley.
Nilapitan niya si Yasmin na nasa swing. Wala ang mga bata roon dahil nasa silid at kasama ang iba pang volunteers. Naiwang mag-isa si Yasmin at napansin ito ni Ms. Holley.
" Wala po.. Marami lang iniisip kaya hindi ako nakatulog ng mabuti," sagot ni Yasmin.
"Ano ba ang bumabagabag sa iyo? Tao? Bagay? Ano? Baka makatulong ako?"
" Hindi ko po alam kung nagagalit ako, natatakot, naiinis o kinakabahan.."
" Anong ibig mong sabihin?"
" Naiinis ako sa isang tao! Nagagalit ako sa sarili ko! Natatakot ako!" paliwanag ni Yasmin na hindi alam kung paano sisimulan. " Ano ang gagawin ko? I need to do something.. I need to decide!"
" Tandaan mo, hindi tayo perpekto. Sa pagdededisiyon, maaaring mali o tama.. Ang mahalaga, tanggap mo ano ang kahihinatnan ng desisiyon mo. May matutunan ka at sa huli'y babangon ka."
------
" Still, narito pa rin siya sir!"
" Sige, sundan lang ninyo siya!"
---------
Pumunta ng convenience store si Yasmin.
" Hello Abby!"
" Hi Yasmin! Kumusta ang foundation?"
" okay lang.. Maraming volunteers ngayon. Marami ring donations!" sagot ni Yasmin.
" Magaling!"
Sa labas ng store naroon ang dalawang tauhan ni Arthur at sekretong nagmasid sila sa kinikilos at pinupuntahan ni Yasmin.
" Narito pa po siya!"
--
Lumilipas ang oras at ang dali ngpagtakbo nito.
Ilang beses ng nagbuntong - hininga ang nagagawa ni Yasmin. Hindi alam kung saan kukuha ng perang pambayad kay Arthur. Panay tingin siya sa orasan at ilang minuto nalang at mag4:00 na.
" Paano ba?" tanong ni Yasmin sa sarili.
-------
Alas 4 na ng hapon. Naroon na sa park si Arthur at naghihintay na siya na dumating si Yasmin.
Arthur's pov
" Darating pa ba siya? Sigurado hindi siya papayag na maging alipin ko. Kung hindi siya darating, ibig sabihin, wala siyang nakuhang pera at tatakasan nalang ako. Kung darating siya, possibleng nakakuha siya ng pera at kung saan niya ito kinuha, baka nangutang siya o kaya..."
Marami nang pumapasok sa ulo ni Arthur. Maraming bumabagabag sa kanya at napapaisip na ito ng kung ano ano.
" Haist!" asar sa sarili ni Arthur. Panay tingin sa relo si Arthur habang hinihintay ang dalaga.
4:30 pm.
" Wala pa siya!"
Pabalik balik ng lakad si Arthur. Hindi siya mapakali.
" Nasaan na ba siya?"
Tatawagan na sana niya ang kanyang mga tauhan na nagbabantay sa dalaga ng biglang nagpakita na ito. Napalingon si Arthur at nakitang papalapit na si Yasmin.
Agad itong sumalubong kay Yasmin. Seryosong naglalakad ang dalaga patunggo sa kanya.
Arthur's pov
Dumating na talaga siya! Nakakuha ba siya? May pambayad na ba siya?
" Narito na ako!" matapang na sabi ni Yasmin.
Nagkaharap na sila ng dalawa sa park.
" Magaling at narito ka na! Mabuti at nakahanap ka at makakabayad ka na sa akin! Pero saan ka naman nakakuha ng ganoong pera?"
Hindi sumagot si Yasmin kundi tinitigan lang niya ang binata.
" Okay.. akin na ang pera," iwas tingin agad si Arthur sa dalaga at tumalikod.
" Wala akong perang dala!" wika ni Yasmin.
Nabigla si Arthur at napalingon ito sa kanya. " Anong ibig mong sabihin?"
" Pumapayag na akong maging alipin mo!"
" Totoo ba ang sinasabi mo?"
She nodded.
Natatawa si Arthur at hindi makapaniwala. " Nagbibiro ka ba?"
Bakas sa mukha ng binata ang kasiyahan.
" Sige, pitong araw! Isang linggo mo akong pagsisilbihan!!" utos niya.
" Pumapayag ako pero may kondisyon!!"
" Huh? Ano naman?"
" Di ba pagsisilbihan kita at magiging alipin ako. Ang kondisyon ko ay.."
Masinsinang nakinig si Arthur sa seryosong sasabihin ni Yasmin.
" No kisses and no touching!!" matapang na proposal niya. "
" Anong ibig mong sabihin?"
" Pagsisilbihan kita bilang alipin mo but walang halikan o kaya bawal dumampi ang balat mo sa aking balat o simply means, hindi mo ako pwedeng mahawakan."
" Ano?"
" Mahirap na at baka ano pang gawin mo sa akin at ipagawa!" mataray na sabi nito.
" Aba.. advance mag-isip."
" Kung gagawin mo iyon kahit kunti, bayad na ako sa utang mo at ititigil na ang kasunduan!"
" Eh paano kung ikaw ang naunang humawak, ano ang mangyayari?"
" Ikaw, ano ang gusto mo?"
" Maeextend ang service mo!"
" Deal!" sabi ni Yasmin.
" Deal sige payag na ako!" sabi ni Arthur.
"but ..." may sasabihin pa si Arthur, " Aalis ka na sa trabaho mo sa bar! Hindi ka na magtratrabaho roon!!"
Yasmin's pov
Pumayag ako sa gusto niyang tumigil na sa bar. Pumayag na ako na maging alipin niya pero naisip ko ang mga kondisyong iyon para narin sa safety ko. Hindi ko alam ang iniisip ng lalaking ito. Kung nagawa niya noon iyon sa akin, maari rin niyang gawin iyon sa akin. Titiisin ko nalang ang isang linggong kasama ko siya. Pagkatapos nito, ayoko ng makita siya.
---------
Nakiusap si Fara kay Marga na manatili siya sa tabi ng kuya niya. Kailangan ni Xian ng taong gagabay sa kanya. Nanatili si Xian sa kanyang condo na mag -isa kahit bulag. Bumibisita rin naman si Fara pero kailangan rin niyang alagaan ang lolo nila. Kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Marga since asawa naman niya ito at habang nagproprocess ng annulment.
Dahang - dahang naglalakad patungo sa kusina si Xian. Kailangan niyang uminom ng mga gamot kaya kukunin niya ang gamot na nasa mesa.
Kinakapa niya ang mesa para hanapin ang gamot para mahawakan hanggang may umabot ito sa kanya.
" thank you!" pasasalamat ni Xian. Nasa kamay na ni Xian ang gamot. Hindi niya alam na nasa harapan niya si Marga.
" Fara, ikaw ba iyan?"
Nagsalita na ang dalaga, " Hindi! Si Marga ito!" Walang bakas na awa ang nasa mukha ni Marga. Seryoso lang itong nakatingin sa kanya na may halong galit. Hindi niya makakalimutan nag narinig niyang pag-uusap nila ni Fara.
Marga's pov
Ayaw mo akong kasama pero narito ako at ako ang kasama mo. Gusto mong mag-isa pero hindi mo kaya Xian sa kalagayan mo. Sino na ngayon ang nasa tabi mo,.. Hindi ba ako at hindi si Yasmin. Wala na si Yasmin. Huwag ka nang aasa na babalik siya.
" Bakit ka narito?"
" Kailangan mo ako!:
" Hindi kita kailangan! Umalis ka na!"
" Kasal pa rin tayo, tandaan mo yan!"
" Mawawalang bisa pa rin ang kasal natin!" inaabot na naman ni Xian ang baso at natapig lang niya ito hanggang nahulog sa sahig. Nabasag ang baso at nagmamadaling pinulot niya ito kahit hindi niya ito nakikta. Tuloy nasugatan siya.
" haist! Ang tigas ng ulo mo Xian!" sermon ni Marga.
Tinulungan ni Marga na makatayo si Xian.
"Tingnan mo may sugat ka tuloy! Gagamutin muna kita at ako na ang bahala sa nabasag na baso sa sahig!" sabi ni Marga.
Sumama naman si Xian kay Marga sa sala.
---------
Binigyan ng card ni Arthur si Yasmin kung saan nakasulat ang address ng bahay niya.
" Bukas magsisimula ang trabaho mo. Isang linggo kang mananatili sa amin at pagsisilbihan ako at magiging katulong!"
" Sige, darating ako!" matapang na sagot ni Yasmin na nakataas noo.
-----
Nag.impake na si Yasmin sa mga gamit niya.
" Tuloy na ba talaga ito?"
Yasmin nodded.
" So it means, mananatili ka roon ng isang linggo. Makakasama mo iyong gwapong iyon," excited na pananalita ni Mia.
" Katulong ako roon Mia," sabi ni Yasmin.
" Pwede sumama?"
" Ano ba, naroon ako para magtrabaho at mabayaran iyon!"
" Tutulungan kita na mabayaran iyon. O di ba may extra service pa siya," nagbibirong sabi ni Mia.
Natawa nalamang si Yasmin sa kalokohan ni Mia.