(Author's note: Unedited means originally kung ano ang pagkasulat ko sa watty ay ito iyon. Di ko inedit para mpost agad. So pagpasensyahan n ninyo kung may mga makikita kaung mga grammatical errors and flaws. thank u sa pagbabasa)
Pagkaraan ng dalawang buwan, ang simpleng Yasmin na kilala ng lahat ay ibang - iba na manamit at mag - ayos. Napakapula ng kanyang labi sing pula ng mansanas. Ang pisngi niya na may makapal na make - up at blush on.
Nagreready na si Yasmin sa kanyang ayos at isinuot na rin niya ang black stocking and two-inch high heels. Suot niya ang kanyang new uniform na isang itim na maikling skirt at white blouse na backless at nakikita ang pusod nito.
Nakaharap sa salamin si Yasmin habang kinakausap ang sarili.
I am working in a bar kung saan nagtratrabaho si Mia. Ipinasok niya ako roon not an entertainer but a waiter. Hindi niya ako pinilit na magtrabaho roon pero nagdesisyon ako na pumasok sa ganitong trabaho. Hindi ko alam kung bakit, basta gusto ko lang. Sa tingin ko ay may hinahanap ako na hindi ko alam kung ano. Ang alam ko lang ay kailangan kong mag move on at isipin lamang ang sarili.
"Yasmin!" tawag ng manager.
Agad nagtungo roon si Yasmin at ginampanan ang kanyang naatas na gawain. Nagseserve ng mga drinks si Yasmin sa mga costumers. Kung sexy man ang damit niya, mas sexy pa ang entertainer na katulad ni Mia sa kanya. Kinakausap nila ang mga customer at nakikipag-inuman sa mga kanila.
Nanonood na lang si Yasmin sa mga ginagawa ng mga customer at ibang babaeng kasamahan roon. Ang iba ay lantaran ang halikan at paghihimas ng hita ng babae.
Sa two months ni Yasmin ay nasanay na siyang makakita roon na naghahalikan sa harap ng ibang tao.
"Hey!" biglaang sabi ni Mia kay Yasmin sabay tapik sa likod. Nasa may counter si Yasmin ng nilapitan siya ng kaibigan.
" Ano ba ang tinititigan mo ryan?" tanong ni Mia.
" Wala...." sagot nito.
" Iyon bang naghahalikan na nasa table 8?"
" Ano ka ba! Ang lakas ng boses mo!"sermon ni Yasmin.
" Mas masarap pa rin ako pagdating sa halikan!" pagmamayabang ni Mia.
" Ikaw na!"
" Wait, tingnan mo ang nasa table 5, lakas maghimas ang lalaki!" bulong ni Mia.
" Oo nga.."
Nanonood sila sa may edad na lalaki na hinihimas ang hita ng isang entertainer at ang isa pang kamay ay nasa dibdib nito habang naghahalikan sila.
" Masanay ka na rito.. Basta hindi kita pinilit na magtrabaho rito, okay?!" wika ni Mia.
"Alam ko. Gusto kong lang malaman kong ano ang buhay ng ganito.."
"Curious lang ang peg?" biro ni Mia.
Nakatitig si Yasmin sa naghahalikan na mga tao.
" Kaya mo ba na gawin iyan?" napatanong si Yasmin.
" Alin dyan? Maghalikan?"
She nodded.
" Syempre, basta pera. Gurl, nasa lugar tayo na not conservative! You're not yet immune?!"
" Eh, paano ka irerespeto ng lalaki kung ganoon!?"
"Haist.. Ano bang mga tanong iyan!?Mahirap na maghanap ng lalaking matino at irerespeto ang p********e mo!! Iyong iibigin ka hindi dahil maganda ka, sexy at sa s*x!!"
" Mia, come here..!" tawag ng manager nila.
" Sige, tinatawag na ako.. Maiwan na kita."
" Sige."
Pinagmasdan ni Yas ang kaibigan na naglalakad palayo sa kanya. Bakas pa rin sa mukha niya ang kalungkutan sa mga naranasang panyayari.
"Ganito ang buhay ni Mia. Ito ang pinili niya. Pero sa tingin ko, kahit ganito man, masaya siya! Masaya nga ba siya?"
------
KInabukasan, tumunog ang alarm clock ni Mia na nasa mesa malapit sa kama niya.
" Ang ingay naman!!" sabi ni Mia na nakahiga pa sa kama. " Ano na bang oras!?"
Umaga na at nakahiga pa rin si Mia.
Kumatok si Yasmin sa kwarto ni Mia at nagpaalam, " Aalis na ako! Ipinagluto na kita ng agahan mo. Nasa mesa na. Kita nalang tayo mamaya sa trabaho!"
"Sige, ingat ka!"
Nakangiting naglalakad si Yasmin. Malayo-layo man sa kanilang bahay ang pupuntahan ay masaya itong nagcommute. Every morning kapag weekdays ay pumupunta siya sa isang foundation. Naging volunteer siya roon. Isa itong foundation at bahay para sa mga kawawang mga bata. Tumutulong siya roon at ibinibigay niya ang oras niya sa umaga sa mga bata.
Nakarating na rin Yasmin sa Shining Rainbow foundation.
" Ms. Yasmin!!" bati ng mga bata at agad tumakbo patungo sa kanya. Tuwang tuwa ang mga bata na makita ang dalaga. Gayundin si Yasmin ay masayang masaya. Nawawala ang kanyang pagod at lungkot kapag nakikita niya ang mga bata.
Ang mga bata ay nasa edad 3 hanggang 13. Sila ang mga bata na wala ng mga magulang, iniwan o sinaktan ng sarili nilang mga kapamilya.
They hugged her and kiss her cheek.
" What do you want me to do?"
" Read a story!!" sabi ng mga nasa 6 below na mga bata.
"Let's go!!" nakangiting sagot niya.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ng dalawang bata habang ang iba ay pinaligiran siya habang naglalakad.
Natutuwa namang panoorin ng nagmamahala ang mga bata kasama si Yasmin. Si Mrs. Agatha ang namamahala kasama ang matabang si Ms. Holley at nerd na si Ms. Kelly. May iba rin na mga volunteers pero si Yasmin at Kara ang palaging naroon sa kanila.
" I hope that she will move on of what happened to her. I hope that these little smiles can help her to lessen her pain and wash all her heartaches," sabi ni Mrs. Agatha.
" I agree. I know she will be a strong woman!" Pagsang - ayon ni Ms. Holley.
-------
Pag-hapon ay nagmamadali na pumunta si Yasmin sa convenience store.
Tumunog ang windchime na nakasabit sa may pinto ng store.
" Sorry Andy, I'm late!" hinihingal na sabi ni Yasmin. Agad siyang pumunta sa employees room para magbihis ng uniform.
"Okay lang! Wala namang gaanong tao!" sagot ni Andy na nasa counter. She is also a friend of Yasmin na may-ari ng conveneience store. Siya ang namamahala roon at katulong niya si Yasmin.
Lumabas na ng room si Yasmin na nakasuot na ng uniform. Nakapants ito at rubber shoes.
" Sorry talaga.. Hindi na mauulit," Sinusuyo ang kaibigan.
"Okay lang iyon. By the way, kumusta ang mga bata roon?"
" Okay lang naman sila. Kaya ako nalate kasi tatlong stories ang pinakwento nila sa akin.." paliwanag ni Yasmin.
" Nakakatuwa naman sila."
Yasmin's pov
Ito ang bagong takbo ng buhay ko. Sa umaga, nasa foundation ako at isa akong volunteer para sa mga bata. Sa hapon, nagtratrabaho ako sa convenience store ng kaibigan ko. Sa gabi ay nasa bar at isa akong waiter. Nakakapagod man ang mga ginagawa ko pero ginusto ko ang lahat ng ito. Umuuwi kami mula sa bar ng 2 ng umaga at gigising ulit ako ng 5 am para sa panibagong araw.
Habang tumatagal, gumagaan ang pakiramdam ko. Unti -unti akong nakakahinga at nararamdaman kong malaya na ako... Malaya sa problemang naranasan ko noon.
-------
" Bro, sigurado akong magugustuhan mo ang lugar na pupuntahan natin," pagmamayabang ni Kevin sa kaibigang si Arthur.
Pinasyal ni Kevin sa lugar si Arthur. Galante rin si Kevin pero mas mayaman si Arthur sa kanya. Mahilig rin siya sa mga babae katulad nila ni Pete. Gwapo rin siya at matipono kaya maraming nagkakagusto sa kanya.
" Siguraduhin mo.." seryosong sabi ni Arthur.
Nasa sasakyan sila Arthur at Kevin kasama ang secretary ni Arthur na si Leo. Nasa front seat si Leo habang nagmamaneho ang kanilang driver.
" Sayang at wala rito si Pete. Sisiguraduhin ko na magiging unforgettable ang bakasyon mo rito," sabi ni Kevin.
Napakaseryoso ni Arthur na nakatingin lamang sa daan habang nagsasalita ang binata. Panay tingin naman si Leo sa dalawa at nakikinig.
"Bakit ka ba biglaan ang pagbakasyon mo? Noon eh once in a bluemoon ka lang magbakasyon dahil mas gusto mong mag work work work! Wala kang ngang pakialam kung may event o holiday. What makes you change? Ika ilan mo na itong vacation leave?" curious na tanong ni Kevin.
" Kevin, kung gusto kong magbakasyon.. magbabakasyon ako!" nakakunot - noong sagot ni Arthur.
"Tama! Kung iisipin, eh ikaw naman ang may -ari ng kompanya ninyo!"
"Buti at alam mo!"
"Nagtataka lang ako. Kung hindi lang kita kilala, sigurado aakalain ko na nagkakaganyan ka dahil sa isang babae. But impossible, ikaw pa eh ang babae ang humahabol sa iyo!"
Hindi na sumagot si Arthur sa mga pinagsasabi ni Kevin.
--------
Sa bar, inihanda ng manager ang pinaka-outstanding na entertainer ng bar dahil sa mga VIP na tao na darating.
" Jen and Jazzy kayo na ang bahala sa vip natin na darating,"utos ng manager.
"Yes po boss!" sagot ng dalawang babae.
Nagmamadali sina Jen and Jazzy na nag-ayos ulit at mas lalong nagpaganda. Nasa dressing room silang dalawa at nakaharap sa salamin.
NIlapitan ni Mia ang dalawang dalaga.
" Wow, may Vip yatang darating!" sambit ni Mia.
" Oo, meron daw. Kaya kailangan maging ready. Sabi eh pihikan daw yun. Mapili sila sa mga babae!," sagot ni Jazzy.
" Mayaman daw yun kaya nakaVip talaga sila. Ubod ng yaman!" dagdag naman ni Jen.
" Halata nga. Pinaghandaan ni Boss. Inihanda ang mesa nila roon sa labas."
Ilang minuto lang ay dumating na rin sina Kevin at Arthur sa bar. Sinalubong sila ng manager at nina Jazzy at Jen.
"Welcome!"Nakangiting pagbati nila.
Pinagmasdan ni Arthur ang paligid.
So seductive ang mga ilaw na nasa paligid. Paikot- ikot ang mga makukulay na mga ilaw. May mga table na may lalaki at babaeng magkasama. Nakalapag ang mga bote ng alak sa mga mesa. Mayroon ring naghahalikan sa mga upuan nila.
" Siya nga po pala, sila sina Jen and Jazzy, ang makakasama ninyo ngayong gabi rito."
" Hi" bati ng dalawang dalaga. Agad hinawakan ni Jen ang braso ni Kevin habang si Jazzy ay kay Arthur. Nasa likuran naman si Leo nila.
"Dito po tayo!" aya ng manager. Inihatid ng manager sila sa kanilang lugar, isang malaking coach na may mesa sa gitna na may mga inumin.
Umupo silang apat at si Leo ay nasa gilid nakaupo at tahimik lang ito.
" Maiwan ko na kayo."
Umalis na ang manager at naiwan na lamang sila.
" What can you say? Maraming magaganda diba?" tanong ni Kevin.
" Marami ngang magaganda rito, isa na kami roon!" pagmamayabang ni Jen na binubuksan ang bote ng wine.
" Mas maganda nga lang kami!" sabi ni Jazzy. She is touching the face of Arthur but wala man lang reaction ang binata.
"Cheers!"
Sa di kalayuan ay nanonood si Mia sa kanila kasama si Yasmin.
" Ang swerte ng dalawa," bulong ni Mia na nakatingin kina Jazzy at Jen kasama ang dalawang mayamang lalaki at ang secretary.
" Bakit naman?"
" Mukhang mga gwapo at mayaman ang mga vip na iyon! Kung sususwertehen, baka mahulog pa sa kanila sila. Haist!"
" Di ba, sabi mo pa nga pare pareho ang mga lalaki. Pagkatapos ng lahat, iiwan ka parin. Paaasahin at sasaktan sa huli!"
" Nagsalita! Base sa experience mo yan, Yasmin!" sermon ni Mia. "Iba ang ibig kong sabihin... malaking isda sila."
Lumapit ang isang isang kasamahan nila at inutusan si Yas.
" Yasmin, bring this to VIP 1."
"Okay!" sagot ni Yasmin pero pinigilan siya ni Mia.
" Wait!" pigil ni Mia. " Ako na ang maghahatid!"
Nagulat si Yas sa biglaang pagpigil ng kaibigan.
"Sige na, gusto ko lang makita ang mukha nila, payagan mo na ako Yasmin! Bossing!"
" Hay naku, ito talagang si Mia," sabi ni bossing. " Sige na, ihatid mo na iyan dahil hinihintay na nila iyan."
" Yes sir!"
Pumunta si Mia sa Table ng VIP kung saan naroon sina Kevin at Arthur. Inihatid niya ang ininorder na mga pagkain at inumin.
"Pupunta muna ako sa comfort room," paalam ni Yasmin kay bossing.
" Sige Yasmin!"
Nakarating rin si Mia sa mesa nila Kevin. Napatulala si Mia nang makita ang mga binata.
Mia's pov
Ang gwagwapo nilang dalawa. Ang katawan nila ay halatang kaakit akit. in short yummy! Aiyee.. Nakakainggit nilang dalawa at sila ang pinaharap sa kanila.
" Magsi-CR muna ako," wika ni Kevin at tumayo ito.
"Sige..." sagot naman ni Arthur at naiwan roon sa couch kasama ang dalawang babae.
Sa isip ni Mia,
"Kababayan pala namin sila. Ang swerte naman." Kinikilig ito at napapakagat - labi.
Inilagay ni Mia ang inorder sa mesa at bumulong ito kay Jen na malapit sa kanya.
" Ang swerte ninyo, huwag na ninyong pakawalan!"
Jen nodded.
Si Arthur naman ay seryoosng umiinom. Hindi man lang pinapansin si Jazzy na kanina pa inaakit siya. HInihimas ni Jazzy ang parte ng dibdib ng binata pero ni hindi man lang tumingin si Arthur sa dalaga. Napansin ito ng dalawa na kanina pa nanonood.
" Tingnan mo ang kasama ni Jazzy, parang hindi naaakit kay Jazzy. Kanina pa siya umiinom, eh ni hindi niya tinitigan si Jazzy at hinawakan," bulong ni Jen.
Bumulong rin si Mia, " Challenge iyan kay Jazzy na maakit ang gwapong lalaking iyan!"
Hanggang palihim silang nagtatawanan.
Nakatingin naman si Leo sa dalawang babae na nagbubulungan. Inaayos niya ang kanyang salamin sa mata habang nakikinig sa kanila.
Yasmin, paki deliver ito sa table 4," utos ni Bossing.
" Opo!"
" Balikan mo na ang iba."
Kinuha ni Yasmin ang tray na may tatlong baso ng beer. But she insisted to bring 5 of it.
" Kaya mo ba iyan!?" nag-aalalang tanong ni bossing.
" Syempre ako pa!" sagot ni Yasmin.
Dahan - dahang dinala ni Yasmin ang tray.
" Dahan - dahan lang," nakangiting kinakausap ang sarili.
Palabas na ng comfort room si Kevin. Taas noong naglalakad ang binata. Napakagalanteng maglakad nito mula sa CR pabalik sa kanilang lugar pero napalingon siya sa nakitang sexy legs ng isang entertainer na nakaupo sa isang stool. Napatitig siya rito habang naglalakad at kagat labi rin siya. Hindi maalis ang tingin ni Kevin sa ng babae. Habang nakatitig ay hindi na niya namamalayan na naiiba na ang direksyon niya sa paglalakad.
Hindi sinasadyang papunta siya sa naglalakad na Yasmin na may dalang tray.
May nakapansin man at napasigaw ito. "Look out Yasmin!!"
Pero huli na ang lahat. Pagkalingon ni Yasmin at Kevin
Ay biglang ..
Nagbanggaan sila na di sinasadya.
Nahulog ang tray at natapon ang beer sa kanilang dalawa. Pagkahulog sa sahig nito'y nabasag ang mga ito. Sa lakas ng banggaan nila ay napaupo si Yas sa sahig.
Nagulat ang lahat sa ingay. Napalingon sila.
Napatingin si Kevin sa damit nito at sapatos. Basang -basa siya sa natapong beer. Unti -unting umuusok sa galit si Kevin dahil sa nangyari sa kanyang gamit.
" Anong nangyayari roon?" tanong ni Mia. Na-curious tuloy sila.
Tinulungan ng kasamahan ni Yasmin si Yasmin na makatayo. Dumating rin ang manager nila at nabigla siya sa nakita.
" Oh my god!" nabigla siya ng malaman niya na isa sa ViP na tao ang natapunan ng beer. Agad siyang humingi ng sorry.
" Sorry, sir.. Sorry sir!" sabi ng Manager. Agad niyang pinunasan ang damit nito. Pero bakas sa mukha ni Kevin ang galit.
" Humingi ka ng sorry!" utos ng manager kay Yasmin.
" Sorry sir!" sabi ni Yasmin.
" Anong sorry? Alam mo ba kung magkano itong polo ko at sapatos?" pagmamayabang ni Kevin.
" Sorry po.. Hindi ko po sinasadya. At kung tumingin ka rin po sa dinadaanan ninyo eh sana.." naudlot na pagpapaliwanag ni Yasmin ng biglang hinawakan ni Kevin ang kanyang braso.
" Aba! Kasalanan ko pa?" galit na sabi niya. Nahihigpitan niya ang pagkakahawak ng kanang braso ni Yasmin.
Nabigla silang lahat na nanonood.
" Bayaran mo ito!!"
" huh?"
" Ang sabi ko bayaran mo ito!!"
Mas hinihigpitan ni Kevin ang pagkakahawak at pinapalapit niya si Yasmin sa kanya. Walang magawa ang iba kundi manood nalamang. Pumipiglas at lumalayo naman si Yasmin pero pilit siyang hinihila ni Kevin.
Napapatingin si Kevin sa hita ni Yasmin habang naghihintay sa sagot ng dalaga.
" Ano na!?"
" Babayaran mo ako o hindi? Kung hindi mo ako babayaran ng cash.. Edi..." nakangiti itong nagsabi sa harap ng lahat. Malagkit na tinitigan niya ang katawan ng dalaga mula dibdib hanggang sa hita.
Kinabahan si Yasmin nang makita niya sa mga mata ng binatang titig na titig sa katawan niya,
" Sige, babayaran kita ng pera, magkano ba? "matapang na tanong ni Yasmin.
" I change my mind.. Gusto ko..."
Dumating si Arthur at Leo pati na rin sina Mia, Jazzy at Jen.
" Oh my!" reaction nila ni Jazzy.
"Yasmin!" gulat na reaction ni Mia na may halong pag-aalala. Nilapitan niya agad ang kaibigan.
" Anong kaguluhan ba ito Kevin?" tanong ni Arthur.
" Ito kasing waiter na ito, tinapunan ba naman ako ng beer. Kaya heto, gusto ko siyang magbayad," paliwanag ni Kevin. " Ayaw niyang magbayad kaya..."
Napalingon si Yasmin sa taong kinakausap ni Kevin na katabi nila Jazzy.
Nabigla siya sa kanyang nakita.
Nabigla rin si Arthur.
Hindi inaasahan ni Arthur na makikita niya roon si Yasmin. Gayundin si Yasmin ay nagulat rin.
"Anong ginagawa niya rito?" tanong sa sarili ni Yasmin.
Nagkatinginan sina Yasmin at Arthur na pawang nabigla sa pagkikita.
Yasmin's pov
Di ba siya iyong boss ni Marga? Anong ginagawa niya rito? Bakit siya narito?
Arthur's pov
Anong ginagawa niya rito? Bakit ganyan ang damit niya? Nagtratrabaho ba siya rito sa bar?
Nagsalita si Kevin, " Tingnan mo Arthur kung ano ang ginawa niya? Marumi na tuloy ang polo ko at sapatos ko!"
Hindi pa rin maalis ang tingin ni Arthur sa dalaga. Nagpatuloy sa pagsasalita si Kevin para kunin ang panig ni Arthur, " Bago ko pa nabili ito at napakamahal pa.. Kaya.."
Mashinigpitan niya ang hawak sa braso ni Yasmin. Nasasaktan tuloy si Yasmin sa pagkakahawak niya.
Napapasingkit ang mata ni Yasmin dahil sa sakit, " Aray!"
" Dapat mo itong bayaran!!"
Umaapoy sa galit at pagnanasa ang nasa mata ni Kevin na nakatingin kay Yasmin.
Walang magawa ang manager nila at hindi alam kung paano awatin si Kevin na isa nilang VIP costumer.
Biglang, " Tama na iyan Kevin!" pagpigil ni Arthur sa kaibigan. Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Kevin na nakahawak kay Yasmin.
" Arthur, kailangan niyang bayaran ang ginawa niya sa akin!!"
Mas hinigpitan niya ito.. " Aray! Nasasaktan ako!!" sabi ni Yasmin.
" Tama na iyan! Ang sabi ko tama na iyan!!" pasigaw na sabi ni Arthur. Hinablot niya agad ang kamay ni Yasmin na hinahawakan ni Kevin. Nabigla si Kevin.
" Arthur!"
Nagulat si Yasmin. Napatingin ito sa binata. Napakaseryoso ng mukha ni Arthur na nakaharap kay Kevin.
" Anong ginagawa mo?" tanong ni Kevin na takang - taka.
" Magkano ba dapat niyang bayaran?"
" huh?"
Nabigla silang lahat sa tanong ni Arthur.
" Teka Arthur.." natatawa si Kevin na para bang hindi makapaniwala. " Nagbibiro ka di ba?"
Kinuha ni Arthur ang kanyang wallet na nasa pocket niya. Binuksan niya ito at nagbilang ng bills sa wallet nito.
Nakatingin sila kay Arthur.
" Gosh. Anong ginagawa niya?" bulong nila ni Jazzy.
" Kumukuha siya ng pera.."
Arthur suddenly showed the bills, " Heto Kevin, kasya na ba ito?"
Nagulat sila Jen at iba pa..5 thousand dollars!??"
Hindi talaga makapaniwala si Kevin. Ano ang dahilan ni Arthur ay bakit niya ginawa ito?
Nabigla si Yasmin sa nakitang pera na ipinakita niya kay Kevin.
" haist!:
Sa huli'y natawa si Kevin at natuwang tinanggap ang pera na ibinigay ni Arthur. "Okay na ito!" Binilang niya ito sa harap ng marami at ginawang pamaypay.
" Teka, bakit mo siya binigyan!?" naiinis na tanong ni Yasmin.
Tiningnan lamang ni Arthur si Yasmin habang sinesermonan siya.
" Hindi mo dapat siya binigyan!! Siya ang may kasalanan!!" galit na sabi ng dalaga habang tinuturo si Kevin. But mukhang hindi nakikinig si Arthur sa kanya.
" Huwag mo na siyang guguluhin Kevin! Bayad na siya!" sabi ni Arthur at umalis na ito sa kanyang kinatatayuan.
" okay, basta ikaw Arthur!!" nakangiting sumagot ito at sumunod na ito kay Arthur paalis sa lugar.
Hindi gusto ni Yasmin ang ginawa ni Arthur para sa kanya.
Nakalabas na ng bar sila Kevin at Arthur. Nagpatuloy ang mga sa kanilang mga ginagawa. Nilapitan naman ni Jazzy, Jen at Mia si Yasmin.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Mia.
" Nakita ninyo iyon, binayaran niya iyon ng ganoong halaga!?" wika ni Jen na talagang namangha at di makapaniwala.
" Ang yaman yaman pala non!!" reaction naman ni Jazzy. " I like him na!"
" VIP nga diba?" sabi ng boss nila na nakikinig sa usapan pala. " balik na sa trabaho.
Hindi nakapagpigil si Yasmin at lumabas siya ng bar para habulin si Arthur.Hindi niya matanggap na ganoon nalang niya ibigay ang pera sa lalaking siya naman ang may kasalanan.
Tumakbo palabas si Yasmin para maabutan siya. Pasakay na sana si Arthur ng tawagin siya ni Yasmin.
" Mister!!" sigaw ni Yasmin.
Napalingon si Arthur..
Nasa loob ng sasakyan na si Leo at Kevin.
Lumapit pa si Yasmin kay Arthur. Nakatayo sila sa may sasakyan. Isinara niya muna ang pinto ng sasakyan. Napatingin sila Leo at Kevin na nasa loob sa kanila.
" Bakit mo binayaran ang lalaking iyon!!? Hindi ko kasalanan iyon!!" mataray na pagpapaliwanag niya si binata.
" Para matapos na! Hindi ka titigilan non!"
" So what? Kahit na, dapat hindi ka nagbayad ng ganoong kalaking halaga!! Ganon ba talaga kamahal ng ganoong polo at sapatos?" tanong ni Yasmin.
Mas lumapit si Arthur sa kanya at bumulong, " Ano ba ang mas importante sa iyo, babayaran mo ng salapi, o ibigay ang sarili mo sa kanya?"
Nagulat si Yasmin at natahimik ito.
" huh?"
Napangiwi ng ngiti si Arthur, " Hindi ka makasagot?"
" Babayaran ko iyon!" matapang na sagot ni Yasmin. " Babayaran kita!!"
Hindi na nagdalawang -isip si Arthur sa sasabihin niya kay Yasmin, " Malaki laki rin ang perang ibinigay ko.. Kaya huwag mo ng bayaran sa ngayon, pero kapag magcro-cross pa ang ating landas, iyon na ang oras na sisingilin kita."
" Huh?"
" So, dapat ipagdasal mo na hindi na tayo magkita pa!!"
Pagkatapos ay binuksan ni Arthur ang pinto ng sasakyan at pumasok na ito.
Gulat pa rin si Yasmin sa mga sinabi ni Arthur. Pinaandar nila ang sasakyan at tuluyan ng umalis.
" Haist! Hihilingin ko talaga na hindi na tayo magkita!!" naiinis na sigaw ni Yasmin. " Huwag ka ng magpapakita!!"
-----
" Ano ang pinag-usapan ninyo ng babaeng iyon?" tanong ni Kevin na katabi lang niya.
" Wala.." sagot nito.
" para bang magkakilala na kayo noon pa.Kilala mo ba siya?"
" Hindi!" napalingon si Arthur sa may bintana pagkatapos sumagot.
---------
Kinabukasan, pumunta ng gym si Arthur at Kevin. Nakasuot ng sando at shorts at rubber shoes ang dalawa. Pinaandar nila pareho ang isang running machine.
" Saan mo gusto pumunta mamaya?" tanong ni Kevin kay Arthur na seryosong tumatakbo.
" May isa pang kilalang bar rito. Baka gusto mong pumunta roon. May magaganda at sexy na chicks roon!!" suggested by Kevin but still hindi siya pinansin ni Arthur.
Napatingin si Kevin kay Arthur at mukhang hindi siya interesado. Naoakalayo ng tingin ng binata.
" May ipapakilala ako sa iyo, maganda at sexy pa at iyong may malalaking breast at butt. Di ba iyon ang tipo mo sa babae?" panay salita si Kevin..
" HAIST!!" napasigaw si Arthur na para bang may kagalit. Sinuntok niya ang control ng machine at tumigil ito sa pag-andar.
Nagulat si Kevin at pinatigil rin niya ang sa kanya.
Bumaba si Arthur at pumunta sa mesa kung saan naroon ang kanyang bottled water. Pawis na pawis ang dalawa. Uminom kaagad ng tubig si Arthur at pagkatapos ay binasa ang sarili ng tubig mula sa bote. Wala siyang pakialam kung mabasa man ang sahig. Mukhang may gumugulo sa isip niya.
" Are you okay?" tanong ni Kevin.
Arthur's pov
Sh*t!! Bakit hindi siya maalis sa isip ko? Bakit pa siya nagpakita? Bakit bakit bakit? Asar!!
Dumating si Leo.
"Sir, heto na po iyong pinaresearch niyo po.." sabi ni Leo at ibinigay ang folder na may lamang papeles.
Binuksan ni Arthur ang folder at binasa ito.
" Shining rainbow foundation?" wika ni Arthur na may mahinang boses.
Nasa loob ng kanyang sasakyan si Arthur kasama si Leo na kanyang sekretarya at ang kanyang driver.
" Narito na po tayo boss!" wika ni Leo.
Nakatingin si Arthur sa building ng Shining foundation. Seryoso itong pinagmasdan ang gusali mula sa bintana ng kanyang sasakyan.
" Isa pong volunteer si Ms. Yasmin rito kapag umaga. Marami pong mga bata ang narito. Sila ang mga batang walang mga magulang o kaya mga pinagkaitan ng tadhana. Marami ring mga sponsor ang foundation na ito mula sa iba't ibang kompanya o mga tao," paliwanag ni Leo.
" Volunteer?" pabulong na sabi ni Arthur.
----------
Nagtuturo ng alphabets si Yasmin sa mga batang nasa taong 5.
Nasa isang kwarto sila at kumakanta.
" A b c d e f g..h..i j.. K lmn.. O ..p!!"
Pinapaligiran si Yasmin ng mga bata. Nakaupo lamang sila sa sahig habang kumakanta.
"q r s t. U.. V.. W.. X.. Y.. and Z.."
Bakas sa mukha nilang lahat ang kasiyahan. Pumalakpak si Yasmin at natutuwang magturo sa kanila.
" Ang galing ninyo!" nakangiting papuri ni Yasmin.
---------
"Ito naman boss ang convenience store ng kanyang kaibigan. Nagtratrabaho siya rito kapag hapon," kwento ni Leo.
" hmmm" nakatulalang pinagmasdan ni Arthur ang convenience store. Nasa harapan ng store sila nakapark, sa kabila.
Tumatakbong papunta si Yasmin sa store at pumasok roon.
Nabuhayan kunti si Arthur ng makita si Yasmin na pumasok sa store. Tinted naman ang bintana nila kaya hindi sila nakikita sa labas.
Takang taka si Leo kung bakit pinaresearch pa ni Arthur ang pinagkakaabalahan ng dalaga.
.-----