Mag aalas sais na ng gabi. Naiinip na ang lolo ni Arthur sa kahihintay sa dalawa. Nagsiratingan na ang mga bisita, mga kaibigan, mga kanegosyo at iba pa sa bulwagan. Nakakamangha ang naging dekorasyon ng bulwagan. Napakaelegante nito dahil sa mga kumikinang na mga palamuti.
Napapamangha talaga ang pumapasok. Ang iba ay nagpapapicture na rin sa lugar.
"Happy birthday!" Bati nila sa matanda.
Kinamayan nila ang matanda sabay bati rito.
"Happy birthday!!"
Binigyan nila ng regalo ang matanda nang lumapit sila sa kanya.
"Thank you!"
Pero hindi maalis sa matanda na mapasulyap sa pinto kung dumating na ba ang hinihintay niya.
Lumapit ang mga kaibigan ng matanda sa kanya na mga Pilipino rin.
"Happy birthday!" bati ng isang matandang lalaki na kaibigan niya.
"Salamat!"
"Long time no see.. anong bago?"
Napatanong rin ang isa, "Nasaan ba ang apo mo na si Arthur? Darating ba siya? May iaalok sana ako sa kanya na negosyo.."
"Siya ang hinihintay ko.."
Naiinip na yata ang matanda.
Hindi pa rin nagsisimula ang party. Tuloy ang paghihintay niya.
Lumapit si Tita Nancy.
"Hindi pa ba tayo magsisimula?"
"Mamaya na! Kailangan narito sila. Tawagan mo kaya?"
"Sige po.."
Napansin ng kaibigan ng matanda ang kasabikan nito.
"Anong meron?"
Ngumiti lamang ang matanda sa kanila.
Tinawagan ni Tita Nancy si Arthur but unfortunately ay hindi niya ulit macontact. Nasa tabi niya si Leo na wala rin kaalam alam kung nasaan tumutuloy ang dalawa.
"Haist, bakit hindi na naman siya macontact? Nasaan ba siya?" naiinip na reaction ni Tita Nancy.
Pabulong naman na nagreact si Leo, "Heto na naman kami..ano kaya ang nangyari sa dalawa?"
________
Pinunasan ni Yasmin ang mukha niya.
"Huwag na tayong tumuloy!" wika ni Arthur.
Lumingon si Yasmin sa binata na nakasalubong ang kilay nito. "No!!"
Medyo nagulat si Arthur sa sagot ni Yasmin.
"Pupunta tayo!!" determinadong sabi ni Yasmin.
"Pero masama ang pakiramdam mo.."
"Ito na ang pagkakataon na makikilala ko ang lolo mo. Sasayangin pa ba natin to? Ayoko ng matulad sa dati at baka mas magalit pa siya. Ayaw mo bang magkasundo kayo at makipagkita sa kanya?"
"Inaalala ko ang kalagayan mo.."
"Huwag kang mag-alala, kaya ko naman. Medyo bumubuti na ang pakiramdam ko."
"Sure?"
"Basta pumunta tayo!" pilit ni Yasmin.
_____
"Haist! Anong silbi ng party na to kung wala sila!" Unti unti ng umiinit ang ulo ng matanda. Naiinip na siya at nawawalan na siya ng pasensya.
"pa, baka na -traffic lang."
Nasa isang silid sila Tita Nancy at ang matanda. Nakaupo ang matanda sa isang couch habang nakatayo si Tita Nancy na kinakausap ang ama nito. Iniwan nila ang mga bisita sa hall. Tumataas na yata ang pressure ng matanda. Malapit na siyang sasabog sa galit.
"Natraffic.. bla bla bla.. kahit anong dahilan.. walang kwentang party!"
"Pa naman.. birthday mo ngayon.."
"Haist! Itigil na ang party. Ayoko na ng party! Sabihin mo sa mga bisita na tapos na ang party!!"
"Pa, ano ba,.. pinapunta natin sila rito tapos papauwiin agad. Ang iba ay talagang nageffort na pumunta kahit nasa ibang bansa pa para makadalo sa birthday mo."
"Wala akong pakialam!!"
Biglang may kumatok sa pinto.
Binuksan ni Tita Nancy ang pinto. Naroon si Leo nakatayo at may dalang isang magandang balita.
"Yes Leo?"
Ngiti ang sumalubong kay Tita Nancy.
Napalingon ang matanda sa may pinto.
Pumasok si Leo at may ibinalita siya sa kanila.
"Sir, dumating na po sila!"
Nagulat ang matanda at napatayo ito.
"Talaga?" Tuwang tuwa siyang marinig ang balita ni Leo na dumating na sa wakas sina Arthur at ang fiancee nito na si Yasmin.
________
May mga reporters na nasa labas ng hall para icover ang birthday ng isa sa mga pinakakilalang business tycoon.
Napalingon ang mga reporters ng makita ang apo at ang isa sa mga young tycoon na si Arthur. Hawak ng binata ang kamay ni Yasmin. Medyo kinakabahan si Yasmin at hindi siya sanay sa ganitong mga pagtitipon.
They were curious kung sino ang kasama ng binata. Pupuntahan sana nila sila Arthur pero pinigilan na sila ng mga bodyguard at security guards ng hotel.
Nakapasok na rin ang dalawa sa hall.
Namangha talaga si Yasmin sa ayos ng hall. Para siyang nasa isang fairy tale kung gaano ito ka bongga.
"Ang ganda!" kumikislap kislap ang mga mata ni Yas na lumibot sa buong paligid.
"Masanay ka na.." pabirong bulong ni Arthur.
Napalingon ang ibang mga panauhin.
"That's Arthur..his grandchild.."
"Sino ang kasama niya?"
Lumapit ang kumapare ng lolo niya sa kanila ni Arthur. "Arthur!"
Lumingon silang dalawa at nakita ang isang matandang lalaki na kumpare ng lolo niya.
"Hi po tito!" bati ni Arthur.
"Matagal na ang huli nating pagkikita sa mga pagtitipon.. kumusta ka na? May asawa ka na ba?" tanong ng lalaki.
"Soon.." sagot nito.
"Oh really?"
Nababalitaan kasi nila ang pagiging chick boy ni Arthur at kung sino sino lang na mga babae ang nakakasama.
Napatingin ang matanda kay Yasmin. Ningitian naman ng dalaga na siyang pagbati nito.
"Is she the one?" Napatingin ito mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo.
"Yes, tito."
"She's pretty and sexy.."
"Thank you.." wika ni Yasmin.
"Nice lady. Good choice."
Biglang may tumawag sa may likuran nila.
"Arthur!!" malakas na tawag ng matanda.
Napalingon sila Arthur at Yasmin at napatingin rin ang kumpare nito.
Paparating na ang lolo ni Arthur kasama ang tita Nancy nito. Naroon rin nakasunod si Leo.
Yasmin's pov
Habang lumalapit sila ay unti unting lumalakas ang pagtibok ng puso ko. Para yata akong mahihimatay at hindi makahinga. Kinakabahan tuloy ako. Mas napapahigpit ang hawak ko sa braso ni Arthur. Omg! Ano ang dapat kong gawin? Paano ko siya iaaproach? Babatiin ko ba siya agad? Naku naman.. mukha pa ng lolo niya ay nakakatakot na. Sa tita niya naman, napaka-stricta? Ano kaya ang sasabihin nila? Magugustuhan kaya nila ako?
Hindi na mapipigilan ang pagkikita ng lolo ni Arthur at ni Yasmin.
Yasmin's pov
Papalapit na ang lolo ni Arthur kasama ang isang babaeng sexy at si Leo. Ang tita kaya niya iyan?
Napahawak ako ng husto sa braso ni Arthur pero pinalakas niya ang loob ko
"Huwag kang matakot.." bulong ni Arthur sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko na mas nagpanatag sa loob ko.
Binigyan ko ng matamis na ngiti ang lolo niya at tumingin ito sa akin. Napakaseryoso niya habang naglalakad. Napalunok nalang ako pero hindi ko inalis ang ngiti ko.
Tumigil sila sa harap ko.
Mukhang hindi na ako makapagsalita at umurong yata ang dila ko. Gusto ko siyang batiin pero walang boses ang lumabas sa bibig ko dahil siguro sa kaba.
Nagsalita si Arthur at binati niya ang lolo nito.
"Happy birthday lo!" seryosong bati niya.
"Salamat!"
Napatingin ang lolo niya sa akin.
Nasa likuran niya si Leo na para bang may sinisenyas sa akin..ano raw? Ahh.. Gusto niya na batiin ko ang matanda.
Nagsalita bigla ang matanda, "Siya na ba Arthur?"
"Happy birthday po.."bati ko. Sa wakas, nabati ko na rin siya.
Sumagot si Arthur, "Yes, lo."
Napatingin ako kay Arthur. Napakaseryoso ng mukha niya. Bakit kaya? Napapahigpit ang hawak niya sa akin.
"Mabuti at nakarating kayo.."
Mag aala syete na ng dumating kami. Hindi pa pala nagsisimula ang party.
Inutusan niya si Tita Nancy na simulan na ang party.
"Simulan na!"
Umalis na ang matanda at pumunta roon sa may harapan, sa may stage. Sumunod rin ang tita nito. Hindi man lang ako nakapagpakilala.
Wheww.. pero pagkaalis ng matanda ay para bang nabunutan ako.
"Sir,madam, dito po tayo.." wika ni Leo na inihatid kami sa aming mesa.
May mga malalaking hugis pabilog ang mesa sa bulwagan. Nasa VIP na mesa kami ni Arthur.
Nagsimula ng magserve ng pagkain ang mga waiter sa mga mesa habang may nagsasalita na emcee sa stage.
Ako, hindi ko mapigilan ang sarili na hindi pa kumain. Ang sarap tingnan ang mga pagkain kaya tumikim na ako.
"Okay lang ba?" Tanong ko kay Arthur na palihim.
"Okay lang, kumain ka lang.."sagot niya.
May isang babae na nasa edad 50 ang umupo katabi ni Arthur sa kabila. Napakasexy rin niya pero medyo seryoso at mukhang maldita.
"Hi tita!" bati ni Arthur.
Tita? Nagulat ako. May isa pa pala siyang tita maliban kay Tita Nancy na palagi niyang binabanggit.
"Mabuti naman at nakarating ka!"sabi ng babae.
"Kayo rin po, salamat naman at nakadalo kayo sa birthday ni lolo."
"Talagang biglaan ito na magpaparty ang lolo mo. Amazing! Anong okasyon? Just birthday?"
Tumayo na ang lahat para kumanta ng happy birthday. Tumayo kami at kumanta rin.
"Happy birthday to you!" Happy birthday to you!!
Lahat kami ay masayang kumakanta para sa matanda, sa lolo ni Arthur. Ang saya ko rin para sa kanya. Kahit ganoon lang ang paghaharap namin, sapat na iyon.
Inihipan na niya ang kandila na nasa blue cake na may isang layer lamang. Nasa stage siya pati ang cake. But may isa pang cake na nasa gilid na may apat na layer. Kulay puti na may mga flowers ang cake. Ang nilalagyan na mesa nito ay may gulong na mukhang ililipat pa ito. Kung saan, hindi ko alam. Para saan ang isang cake? Mukhang hindi siya para sa birthday.
Nagsalita ang lolo ni Arthur sa stage.
"Salamat sa inyong lahat na nakadalo sa aking kaarawan. Salamat sa inyong presensya. Hindi ninyo alam kung gaano ninyo ako pinasaya."
Nagpalakpakan ang mga tao. Pati ako ay napilitan na ring pumalakpak at sumunod sa iba. Patingin -tingin ako sa paligid at talagang lahat ay mga mayayaman. May cameraman at videoman sa gilid at live ang celebrasyon.
"Gusto kong tawagin at papuntahin dito sa harapan ang aking apo na si Arthur..."
"Huh?"
Nabigla kami pareho. Napatingin sila sa kanya.
"Arthur come here!" nakangiti itong tinawag si Arthur. Napatingin rin ako kay Arthur gayundin sa akin.
"Arthur!" tawag ni Tita Nancy.
"Pupunta muna ako roon," wika niya sa akin.
I just nodded na ibig sabihin ay pinapayagan ko siya. Tumayo si Arthur at pumunta sa stage. Naiwan nalang ako sa mesa kasama ang isa pa niyang tita.
Nang nasa stage na si Arthur kasama ang lolo niya, maraming sinabi ang matanda.
"Alam kong kilala na ninyo ang aking nag-iisang apo, si Arthur. Ang pinakagwapo na apo ko na katulad ko. I am so proud of him dahil siya ang nagpatuloy sa lahat ng aming negosyo sa pamilya at nagpalago nito. He is so responsible..He is really like his father, the best of all the businessman. He started as young as a teenager and stood like a man.."
Napamangha ako sa mga sinasabi ng lolo niya.
Biglang kinausap ako ng tita ni Arthur na kasama ko sa mesa, "Miss,"
Napalingon ako sa kanya. "Po?"
"May I know who you are?"
Natahimik ako. Hindi ako nakasagot agad.
Nagpatuloy ang matanda sa pagsasalita," He is perfect man for me.. my grandson!. But then, It is much more perfect if he has her queen as perfect as him. Ang isang lalaki ay kailangan ng isang babae na mamahalin siya at papaligayahin. A woman who will be with his side forever.."
Biglang nagsitinginan sila sa isa't isa na para bang nabigla sa sinabi ng matanda. They were curious kung ano ang ibig sabihin non. Bumalot ang ingay sa bulwagan. Nagtatanong sa bawat isa.
"Miss, I'm asking you.. may I know who you are? Why are you with Arthur?" napakasarcastic nitong tanong sa akin.
Napatingin lang ako sa tita niya na...Hmm..ano ba ang dapat kong sabihin? asar!
Sa stage, bakas sa mukha ng matanda ang kasiyahan. Sinabihan niya si Arthur na tawagin ang kasama niya na babae. Ibinigay niya ang mic sa kanya pero ..
"Arthur, call her at papuntahin rito.."
"Po?"
"Call her.."
"She is Yasmin lo.."
Hindi tinanggap ni Arthur ang microphone. Kaya ang lolo nito ang nagsalita sa harapan. Medyo nahihiya ito but nagpatuloy siya.
"May I call the beautiful lady in the middle table to come here on stage ..."
Napalingon lahat ng bisita patungo sa akin.. wait.. anong nangyayari? Tinatawag ba niya ako? Ang tanga yata ng mukha ko sa mga oras na ito.
"Don't be shy..come and join us here on stage, Yasmin "
Huh? Talagang nabigla ako! Tinawag niya ang pangalan ko. Nakatingin si Arthur sa akin na nakangiti. Lahat yata sila ay nakatingin sa akin. Ang tita niya na kasama ko sa mesa yata lang ang nakataas ng kilay.
Napatayo ako ng dahan dahan sa kinauupuan ko.
Bakit niya ako tinawag?
Tumayo ako ng dahan dahan ng marinig ko na tinawag ang aking pangalan ng lolo ni Arthur. Totoo ba ito? Bakit ba niya ako tinawag? Walang ibang pumasok sa isipan ko kundi na baka ipahiya lang niya ako sa harapan ng maraming tao. Alam kong mayaman si Arthur at ako ay isa lamang ordinaryong babae. Baka isipin nila na ginagamit ko lang siya.
Napatingin ako sa tita niya na kasama ko sa mesa. Ang seryoso niya na nakatingin sa akin na para niya akong kakainin. Nakatingin rin ang ibang mga panauhin at hinihintay yata nila akong pumunta sa stage.
Ano ang gagawin ko?
Mukhang ayaw gumalaw ang aking mga paa. Nanginginig kaunti ang kamay ko.
Kinakabahan tuloy ko.
Napalunok nalang ako ng aking laway.
Bumaba sa stage si Arthur at pinuntahan ako. Napalingon ako sa kanya.
"Arthur.."
Inabot niya ang kanyang kamay sa harapan ko.
"Tara.."
"Huh? Pero.."
Bumulong ako sa kanya.
"Natatakot ako.."
"Magtiwala ka lang sa akin."
Gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam. Para akong nabunutan ng tinik o kung ano man. Hinawakan niya ang aking kamay at nagtungo kami sa stage na magkasama.
Bakas sa mukha ng pagtataka sa mukha ng isa na tita ni Arthur. Nakita ko naman na ngumiti ang lolo nito at ang tita Nancy niya na nasa stage.
Ang lahat ay nakatingin sa amin. Bumalot ang katahimikan sa buong bulwagan.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa stage at sa harap ng matanda. Hawak pa rin ni Arthur ang aking kamay at ang kabila kong kamay ay nakahawak sa braso niya.
Nagsalita ulit ang matanda sa gitna at sa harap ng maraming bisita.
"Ito na yata ang pinakamasayang kaarawan ko. At dahil dito, pinapunta ko kayong lahat para samahan ako na ipagdiwang ito. Hindi lang kaarawan ko ang gusto kong masaksihan ninyo at ipagdiwang sa araw na ito. Ngayon, gusto kong ipakilala sa inyo ang babaeng nagpatino sa aking apo at nagpatibok sa puso niya.."
Nagulat ako sa sinabi ng matanda.
"You know my grandson, he is a workaholic man and habulin ng babae..maraming nagkagusto but none of them stole his heart."
Napatingin ako kay Arthur at gayundin siya sa akin.
"I want you to meet her fiancee, Yasmin!!"
Nagpalakpakan ang mga bisita. Napilitan namang pumalakpak ang isa niyang tita.
Lumingon ang lolo nito sa akin at tumingin kay Arthur.
Humakbang kami ni Arthur patungo sa may kinatatayuan ng matanda sa gitna.
"She is Yasmin, the fiancee of my grandson Arthur."
Ngumiti ako sa lahat na nasa baba.
Nakangiti rin sila sa amin.
Binigyan ng wine glass ng waiter si Arthur at ang lolo nito pati si Tita Nancy. Ang lahat ay humawak ng wine glass. Ako naman ay isang water goblet ang ibinigay sa akin. Bawal ang wine kasi sa akin.
Itinaas ni lolo ang wine glass at sinabing, "I want you all to witness.. My grandson, Arthur and Yasmin are now officially engaged! Cheers!!"
"Cheers!!"
Nagulat ako. Totoo na ba ito?
Kakaiba ang naramdaman ko. Ang saya ko. This is my first time na makaramdam ng ganito kasaya. Sa harap ng maraming tao, sa lolo, sa mga tita niya, sa mga kaibigan nila.. ipinaalam at ipinakilala ako. Ganito pala ang feeling kapag malaya kayong ipahayag ang nararamdaman. Iyong, walang tinatago, walang bawal, walang pinagtataguan.. ang sarap pala.
Nagsiinuman ang lahat.
At may mga confetti pa.
Ang isang cake pala ay para sa amin at hindi para sa birthday.
Nagpatuloy ang lolo nito sa pagsasalita ng matapos na nilang ininum ang wine. May sasabihin pa yata siya.
"Thank you.."sabi ng lolo nito sa mga panauhin.
Nagpalakpakan ulit sila.
"Hindi lang iyon ang announcement ko ngayon. Gusto ko rin na ipaalam sa lahat... Ito na ang pinakahihintay ko.. natupad na rin. This is the best gift na marinig at matatanggap ko.."
Natahimik ang lahat. Na-curious sa gustong sabihin ng matanda. Napalingon-lingon sila at nagbubulungan..
"Ano kaya?"
Seryoso silang humarap at nakinig sa matanda. Mukhang hindi na sila makapaghihintay sa sasabihin niya.
"Tell us!"sigaw nila na excited. Ang iba yata ay nakahalata na at alam na. Ang iba mukhang walang kaalam alam o walang ka ideya man lang.
"Tell us now!!"
Sasabihin kaya niya ang tungkol sa magiging baby namin ni Arthur. Kinakabahan tuloy ako.
But..
Bakit unti -unting lumalabo ang paligid? Gumagalaw ito. Napatingin ako sa mga tao pero lumalabo sila. Wala na akong marinig. Tumingin ako sa lolo nito pero malabo na siya. Anong nangyayari?
Lumingon ako kay Arthur na nasa tabi ko at nakatingin rin siya sa akin.
"Okay ka lang ba,babe?"
Nakita niyang namumutla ako at ang aking mga mata ay papikit pikit na.
Wala akong marinig sa sinasabi niya.
"Babe?"
Napasandal na ako kay Arthur. Nanghihina ako.
"I want you to know that my grandson and her fiancee.."patuloy sa pagsasalita ng matanda.
Hanggang tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagulat ang lahat. Napasigaw sila ng tuluyan na akong nahimatay. Bumagsak man ako pero nakaalalay si Arthur sa akin.
Napatigil ang matanda at agad na lumapit sa amin.
"Tumawag kayo ng doctor!!"
-------
Nanonood ng tv si Odette sa sala ng kanyang unit. Umiinom siya ng red wine habang nakaharap sa television. Nakaupo siya na nakanumber four ang mga paa sa isang couch sa sala nito.
Nasa tv ang celebrasyon ng kaarawan ng matanda sa isang international channel. Nacover rin ang pagpapakilala kay Yasmin sa lahat bilang fiancee ng kilalang young Ceo and tycoon.
Pangiti ngiti si Odette habang hawak ang baso ng wine.
"Nice news!!"
Samantala, nasa isang bar si Marga kasama ang mga kaibigan niyang babae. Nagsasayawan sila na sumasabay sa mga tugtugin. Nagdidisco habang umiinom ng beer. May mga lalaki rin na kasama nila sa pagsasayaw. Pumapalibot ang mga ilaw na sumasabay sa tugtugin.
"Let's dance!!" sigaw ni Marga sabay taas sa isang bote ng beer. She was wearing a sleeveless dress and very short skirt. Napakasexy ng suot ni Marga sa mga oras na iyon. Mukhang lasing na ito na sumasayaw sa dance floor. Pasigaw sigaw habang umiinom sa bote.
-------------
"Kailangan lang niyang magpahinga.
"payo ng doctor. "Nahimatay siya dahil na rin sa pagbubuntis nito."
Nasa isang kwarto ng hotel sina Arthur at ang lolo niya kasama si Tita Nancy. Nakahiga naman si Yasmin sa kama na hindi pa nagkakamalay.
"Kumusta ang baby na dinadala niya?" tanong ng matanda na bakas ang pag-aalala.
"Okay naman ang baby. Huwag kayong mag-alala."
"Maselan ba ang pagbubuntis niya?" tanong ni Tita Nancy.
"Hindi naman pero kailangan lang niya talaga ng pahinga at iwasan na mastress."
Lumapit si Arthur sa may kama at umupo sa upuan na nasa tabi nito. Nag-aalala sila pareho sa kalagayan ng dalaga.
"Mauna na po ako sir.." wika ng doctor.
"Ihahatid ko na po kayo," sabi ni Tita Nancy. Sinamahan ni Tita Nancy ang doctor paalis ng kwarto.
Hindi mapakali at sobrang nag-aalala ng matanda sa dalaga.
Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Yasmin at tinitigan niya ang mukha ng kanyang fiancee.
"Yasmin.."
Napaupo ang matanda sa isang couch sa may harapan ng kama. Mukhang gusto rin niyang bantayan si Yasmin habang nagpapahinga. Gusto niyang makitang gumising ang dalaga pagkatapos ng nangyari.
Nagpatuloy ang party kahit wala sila roon. Medyo nag-aalala rin ang mga bisita at nag-uusap usap sila.
"Ano kayang nangyari?"
"Okay lang kaya siya?"
Hindi maalis sa isip nila kung bakit nahimatay ang dalaga.
"Bakit kaya siya nahimatay?"
"Naku naman.."
"Kumusta naman siya?"
Pumunta sa stage si Tita Nancy para ipaalam ang kalagayan ni Yasmin.
"Pasensya na po sa mga nangyari kanina. Paumanhin." humingi ng pasesnya ni Tita Nancy.
"Kumusta na siya?" sigaw ng isang bisita.
Sinagot siya ni Tita Nancy, "She's okay now. She will be okay kaya huwag na kayong mag-alala." paliwanag ni Tita Nancy.
"Ahh.."
"But you can still stay here if you want. Just enjoy the food and music."
Nagpatuloy ang pagtutugtog ng orchestra sa may gilid ng stage para ientertain ang mga tao.
Bumaba sa stage si Tita Nancy at sinalubong siya ng isa pang tita ni Arthur na kasama sa mesa ni Yasmin kanina.
"Grace.." wika ni Tita Nancy na nakaharap si Tita Grace. Nakataas ang kilay nito na humarap sa kanya.
"Bakit nahimatay ang babaeng iyon?"
Hindi sinagot ni Tita Nancy at binalewala niya ito. Umalis siya sa bulwagan pero sinundan siya nito.
"Nancy! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!!" pasigaw nitong sabi kay Tita Nancy.
Napatigil si Tita Nancy at hinarap si Tita Grace.
"Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo. Nakita mo naman na nahimatay ang dalaga."
"Is she really her fiancee?"
"Yes and narinig mo naman kanina na iniannounce ni papa.."
"Wow, u called him papa?"
Napaekis ng braso si Grace na nakaharap kay Tita Nancy
"May problema ba na tawagin ko siyang papa?"
"Anyways, bakit nga ba siya nahimatay? Dont tell me, she's pregnant?" Nakataas ng kilay si Grace
Hindi sumagot si Tita Nancy.
Natawa lang si Grace. "Tama ako hindi ba? At siguro dahil buntis siya, iyon ang dahilan kung bakit naging madali ang pagpasok niya sa buhay ni Arthur. Am I right?"
"Isipin mo na ang dapat mong isipin."
-------
Dahan -dahang iminulat ni Yasmin ang kanyang mga mata.
"Nasaan ako? Ano ang nangyari?"
Nakita niya na nasa kanan nya si Arthur at napahiga ang ulo sa kama. Natutulog pala ang binata. Nasa couch naman ang matanda at natutulog rin.
"Arthur.."
Medyo bumangon si Yasmin at napaupo sa kama.
"Arthur.."
Pagkarinig ni Arthur sa boses ni Yasmin ay nagising na siya at napatayo.
"Yasmin?"
"Arthur.."
Hinawakan ni Arthur ang pisngi ng dalaga na halatang kinabahan sa nangyari.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?"
She nodded.
"Anong nangyari?"
"Hinimatay ka kanina?"
"Huh? Ganoon ba?"
"Kinabahan ako kanina.."
Hinawakan rin ni Yasmin ang pisngi ng binata. Nagkatitigan ang dalawa.
"Pasensya na. Hindi ko ginusto iyon. Naging malabo at nagdilim ang paningin ko at wala na akong maalala pagkatapos."
"Sabi ng doctor kailangan mong magpahinga.."
"Pero.."
Nalungkot ang mukha ni Yasmin.
"Bakit?"
"Alam mo, nanaginip ako.."
"Ano naman?"
"Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. May isang babae raw ang sisira at manggugulo sa atin.." kinakabahan na sabi ni Yasmin.
"Ano? Sino naman?"
"Hindi ko namukhaan pero pakiramdam ko kilala ko siya o kilala mo."
Umupo sa tabi ni Yasmin si Arthur para pagaanin ang pakiramdam ng dalaga.
"Huwag mo ng isipin iyon. Walang makakasira sa ating pagsasama. Sisiguraduhin kong mabubuo ang pamilya natin. Tutuparin ko ang hinihiling mong isang masayang pamilya."
"Talaga?"
"Kaya magtiwala ka lang sa akin." Seryosong sabi ni Arthur.
Hindi nagdalawang isip na hinalikan ni Yasmin ang binata sa labi. Nabigla naman si Arthur sa ginawa ng dalaga.
Nagtaka naman si Yasmin sa reaction ni Arthur.
"Bakit?"
Natahimik itong nakatitig kay Yas.
"Bakit ganyan ang reaction mo? Ayaw mo bang halikan kita?"tanong ni Yas.
"Nabigla lang ako. Hindi ko kasi inaasahan na hahalikan mo ako."
Napangiti si Yasmin.
"Eh, gusto kitang halikan kasi.."
Dahan dahan namang tinatanggal ni Yas ang butones sa damit nito. Binihisan nila si Yas ng comfortableng damit ng nahimatay ito.
Napatingin si Arthur sa ginagawa ni Yasmin sa pagtatanggal ng butones. Mukhang may binabalak si Yasmin.
"Teka lang... kailangan mong magpahinga muna." wika ni Arthur.
"Hmm..eh, kung ayaw ko." Patuloy ito sa pagtanggal ng damit nito.
"Ang tigas ng ulo mo.." wika ni Arthur na nakatitig sa katawan ng dalaga. Tuluyan ng hinubad ni Yas ang damit niya.
"Ayaw mo ba?" seductive na tanong ni Yas. Hinablot niya ang isang kamay ni Arthur at pinahawak sa dibdib niya.
Napakalambot ng kanang bundok ni Yas na minamasahe ni Arthur habang hawak ni Yas ang kamay ng binata. Pakagat labi ang dalaga habang nakatitig sa binata.
Napalingon si Arthur sa kanyang lolo na humihilik sa couch.
"Tulog pa siya.."
Unti unting umiinit ang paligid ng kwarto nila sa hotel kung saan naroon ang dalawa at ang lolo nilang natutulog.
Mukhang napagod ang matanda sa naganap na celebrasyon sa bulwagan sa baba.
"Arthur.." pabulong nitong sabi.
Bumalik ang tingin ng binata sa dalaga na katabi nito. Mas lumapit si Arthur ng kaunti at mas minasahe niya ang dibdib ni Yasmin na siyang mas nagpa-init sa dalawa. Bumaba ang tingin ni Arthur sa dibdib ni Yasmin at napatitig rito. Nakatitig pa rin si Yas sa binata na nasa harapan nito.
Hanggang..
Sinunggaban ng halik ni Arthur ang labi ni Yasmin. Nagtagpo ang kanilang mga labi sa isa't isa. Mariin nilang nilasap ang mga halik nila. Napakapit ang braso ni Yas sa may batok ng binata. Nakapikit ang kanilang mga mata habang nakadikit ang kanilang mga labi.
Ilang minuto lang ay tumigil si Arthur sa binibigay na halik at napadilat siya ng dahan dahan. Dumilat rin si Yasmin ng maramdaman na tumigil ang binata.
"Magbihis ka na.."
"Arthur..."
Kinuha ni Arthur ang damit ni Yasmin at tinulungan ang dalaga sa pagsuot nito.
Napatitig ulit si Yasmin sa seryosong mukha ng binata.
"Bakit?"
"Hm?"
"Bakit hindi natin ituloy? Ayaw mo ba?"
"Inaalala ko lang ang kalagayan mo. Ngayon pa na bago ka lang nawalan ng malay. Kailangan mong magpahinga. Para sa baby natin at sa iyong kapakanan."
Yasmin's pov
Sa mga oras na iyon, humanga ako kay Arthur. Napapatitig ako sa kanyang gwapong mukha at mas gumwapo pa ito lalo ng sabihin niya ang mga iyon. He cares about me at sa magiging anak namin. Nasa harapan ko siya at nagbubutones sa damit ko. Lumalakas tuloy ang pintig ng puso ko. Napangiti ako at kinilig. Alam kong nagpipigil lang siya sa gusto niya pero humanga ako at napigilan niya. Kahit itago niya, pinapawisan talaga siya. Hindi na siya katulad noon, hindi makatiis pagdating sa s*x.
"Thank you."
"Hmm?"
Napayakap ako kay Arthur.
"Thank you for being with me.."
Napangiti ang binata habang yakap ang dalaga. Bumulong si Arthur, "Ituloy nalang natin sa unit natin. Narito si Lolo at baka magising at makita pa tayo."
Nabigla si Yasmin sa sinabi ni Arthur at napatapik ng likod ito ng binata.
"Akala ko!" Nakakunot noong sagot nito. Humiwalay si Yas kay Arthur.
Natawa si Arthur pagkakita sa reaction ni Yasmin.
"Arthur!"
"Shhhh..."
Niyakap ulit ni Arthur si Yasmin.
"Tatabihan nalang kita ngayon."
"Aie.."
Napahiga ang dalawa habang magkayakap.
"I can't wait that you will be my wife.."
Napangiti nalang ako at sinabing, "Matulog na tayo.."
________
Naalimpungatan ang matanda kaya ito nagising.
"Nasaan ako?" tanong nito sa sarili.
Pumalibot ang kanyang tingin sa buong kwarto. Medyo madilim pero may kaunting liwanag mula sa mga lampshades.
"Ahhh..tama, naalala ko na. Kumusta na ba?"
Tumayo ito at tumungo sa may kama.
Nagulat siya sa nakita niya. Naroon si Arthur sa kama at yakap niya si Yasmin. Parehong mahimbing na natutulog ang dalawa na walang bahid sa mukha na pag-aalala. Napangiti ang matanda habang pinagmamasdan ang dalawang nakahiga sa kama.
"Bumuo ka ng isang perpektong pamilya na hindi mo naranasan noon, apo.. Hindi kita pipigilan kung ano man ang gusto mo..basta masaya ka lang."
Bumalik si Tita Nancy sa kwarto. Napansin niya na medyo madilim na ang kwarto at mukhang tahimik na roon. Nakita niya ang matanda na nakatayo sa may paanan ng kama nila Arthur at Yasmin.
"Pa?"
Nilapitan niya ito.
"Anong ginagawa ninyo pa?"
"Shhhh.. huwag kang ma-ingay. Natutulog sila."
Napatingin sa kama si Tita Nancy at nakita ang dalawa.
"Huh?"
"What a perfect couple!" sabi ng matanda na may mahinang boses.
"True. Salamat at natagpuan na niya ang babaeng para sa kanya... ang iibigin nya at magmamahal sa kanya. Hindi katulad noon na kung sino sino lang ang naging babae niya at ang iba ay pera lang ang habol."
"Gusto kong mapakasal na sila sa lalong madaling panahon. Ayokong mapanganak ang apo ko sa tuhod na hindi pa sila kasal. Kailangan madala na nya ang apelyido ng pamilya!"
Dahan dahang umalis ang dalawa at iniwan sina Yas at Arthur na natutulog.
-------------
------to be continued...