Chapter 52 (unedited)

3880 Words
Pumunta ng hospital na magkasama sina Yasmin at Arthur. Ito ang unang beses namagpapa-ultrasound si Yasmin para sa magdadalawang buwan nitong pagbubuntis. Kahit hindi pa matukoy ang gender, excited pa rin sila na makita ang nabuong bata. "Congratulations!" bati ng doctor nang ibinigay ang mga larawan ng nasa tiyan ni Yasmin. Nakahiga ang dalaga habang full support ang binata. Hawak nila pareho ang larawan at nakita ang maliit na mukhang butil na siyang baby nila. "Ang cute.. ang liit.."nakangiting sabi ni Yasmin na nakasandal sa balikat ng fiance. "Oo nga, di ko nga siya gaanong makita," pabirong sabi ni Arthur. "Ano ka ba, maliit pa kasi siya." Nagsalita ang doctor," Magdadalawang buwan na ang pagbubuntis mo. Sasunod nito, malalaman na ninyo kung babae ba o lalaki. Sa ngayon, ang liit pa nito." Kaya pala hindi pa gaanong halata ang tiyan ni Yas. Sa katunayan, napakasexy pa rin ni Yasmin ngayon kahit buntis ito. Napatingin si Yasmin kay Arthur, "Nasabi mo na ba ang tungkol rito sa lolo mo?" "Babe, ako ng bahala. Don't worry!"" Pangiti ngiti nitong sabi. "Okay!" At nagpatuloy sa pagtitig ni Yasmin sa larawan. Tig-iisa sila ng larawan na hinawakan. -------- Pagkatapos nilang pumunta sa hospital ay nakipagkita sila sa isang wedding coordinator. Nagkita sila sa isang restaurant. Nauna ng dumating ang baklang na siyang wedding coordinator nila. Nakaupo siya at umiinom nh kape habang naghihintay. Hindi nagtagal ay dumating na ang dalawa. Nakita agad ng bakla na dumating si Sir Arthur at ang fiancee nito. Tumayo siya at kumaway sa kanila. Agad namang napansin ni Arthur at pinuntahan nila. Magkahawak nang kamay nag dalawa ng naglakad patungo kay Mr. Wresthly, the wedding coordinator. "Hello, Sir Arthur.."bati nito at nagkipagkamay silang dalawa. "Hi Mr. Wresthy, nice to see you again." "Me too." Pangiti ngiti lang si Yasmin na nasa gilid ni Arthur. Ipinakilala naman ni Arthur si Yas. "By the way, my fiancee Yasmin." "Hello, my dear! You are so pretty and sexy. I love your body!" Napangiti lang si Yasmin. Nagsalita rin si Arthur, " Siya ang wedding coordinator ng friend ko na ikinasal." "Ahhhh..." "Let's start.!" aya niya. Naupo ang tatlo at pinag-usapan ang magiging kasal. Inilapag niya sa mesa ang kanyang portfolio. Naroon ang iba't ibang style ng wedding at iba pa. "So what's your plan? Do you have your motif? What color?" "Uhmmm..." Nakasandal lang sa upuan si Arthur at relax lang ang aura nito. Si Yasmin ay nagsimulang bumukas sa mga portfolio. Medyo naguguluhan ito kung ano ang gusto. "Do you like red, pink, blue.." "Uhmmm.." Napatanong si Arthur, " Ano ang gusto mo?" Hindi rin natiis ni Yas na hindi tanungin ang kapareha, "Ikaw, ano kaya ang maganda?" "Lahat naman maganda..Basta ano ang gusto mo, ibibigay ko!" Narinig ni Mr. Wresthly ang sinabi ni Arthur at kinilig ito. "Aie, so sweet.." "Okay.." sagot ni Yasmin. "So, the wedding preparation might take a year.. so that it will be bongga!" Nagulat ang dalawa at napatingin sa bakla. "Huh, one year!?" Napabilog talaga ang mga mata nila. "Ang tagal naman non!!" reaction ni Arthur. "Bakit ganoon katagal?" Mukhang nagulat rin ang coordinator sa naging reaction ng dalawa. "Hindi ba pwedeng madaliin? I can give you money right away." Nauutal itong sumagot, " we can lessen it into 5 months." "Ang tagal pa rin!" Tahimik lamang si Yasmin habang nakikinig siya sa kanila. "If you really want to have it bongga and nice, it will really takes time." "Haist, I want it so soon already. If you cant do it, I think we need to look for another." Nakatitig si Arthur sa dalaga na mukhang sabik na namakasal sila. "Okay, let's have it two months." ani ng coordinator "Hmmm, it's better." Yasmin just agreed and nodded. Lumipas ang mga araw at ngayon ang kaarawan ng lolo ni Arthur. Umaga pa ay namumutla at walang gana ang matanda. Nasa kanyang kama pa ito at nakahiga. Matamlay siya at malungkot. Kaarawan niya pero hindi niya ito inalala. Haist, ang matanda nga naman. Dinalhan ng makakain ang matanda ng katulong. "Sir, narito na po ang inyong agahan." "Haist, ayokong kumain!!" galit na sabi ng matanda. "Sir, ang sabi po ni madam kailangan niyo pong kumain," nagmamakaawang sabi ng katulong. "Sino ka ba para pilitin ako. Gusto mo bang matanggal sa trabaho?" "Hindi po," Napaatras ang katulong dala ang tray na may pagkain. Dumating si tita Nancy. "Anong nangyari?" "Si sir po, ayaw kumain.." "Okay, ako na ang bahala. Paki lagay nalang ng mga pagkain sa mesa." "Opo." Mas lumapit si Tita Nancy sa may kama kung saan nakahiga ang matanda. May dala siyang isang regalo. "Bakit hindi po kayo kumakain pa?" "Wala akong gana!" pasigaw nitong sabi. "Kaarawan mo pa naman," "Kahit na! Ayoko! Kung ayoko, ayoko!" Nagmumukhang bata na nagtatampo ang matanda. Nakaharap ito sa may bintana at hindi tumingin kay tita Nancy. "Wala po ba kayong balak na magcelebrate man lang? This is your 75th birthday." tanong ni Tita Nancy. "Wala akong ganang magcelebrate.." pagmamatigas ng matanda. "By the way, may ipinadala si Arthur na isang regalo.. birthday gift daw nila sa inyo." Iniabot ni Tita Nancy pero hindi pinansin ng lolo. Hindi pa rin tumingin ang matanda at nagmatigas pa rin ito. "Haist, ano naman iyan? Damit? Polo? Sapatos, relo, medyas, jacket? I can buy it all! Walang silbi!" Napatingin si Tita Nancy sa kahon na maliit lamang. Mukhang hindi ito kahon para sa mga binanggit ng matanda. Mukhang kahon lang ito ng isang frame. "Hmmm... ano kaya ito?" na-curious tuloy si Tita Nancy. "Ibalik mo nalang iyan sa kanya. Sabihin mo hindi ko kailangan iyan. Makakabili ako niyan!" Pihikan sa mga gamit ang lolo ni Arthur. He is so rich kaya kaya niyang bilihin kung ano man ang gugustuhin nito. This is also the first time na nag-effort si Arthur na magbigay ng regalo na nasa kahon sa birthday ng matanda. "Bakit hindi niyo po buksan para malaman?" "Haist, mapapagod lang ako sa walang kwentang bagay na iyan!" Natahimik si Tita Nancy at mas na-curious ito. Alam niyang hindi hilig na mag -effort ng ganito si Arthur para sa lolo niya. Nang maramdaman ni Lolo na hindi na umimik si Tita Nancy ay napalingon na ito. Napatingin siya kay Nancy na hawak ang kahon. "Bakit ka ba curious sa kahon na iyan!!?" tanong ng matanda. "Curious lang ako sa binigay ni Arthur. Alam naman ninyo na hindi niya hilig ang mga ganito." "Haist, siguradong nagpapasipsip iyon!" "Bakit hindi niyo po buksan? At kung hindi niyo nagustuhan eh you are free kung ano ang gagawin ninyo. Just try it. Im really curious." "Haist!" Napaupo na ang matanda sa kama at napilitan kunin ang kahon na nasa kamay ni Tita Nancy. "Haist!" Bakas sa mukha ni Tita ang kasabikan sa kahon na mabuksan. "Sige na nga! Pinilit mo ako!" Dahan dahang ipinunit niya ang wrapper ng regalo. Pagkatapos ng ilang minuto ay nabuksan na niya. "Anong laman po?" Naiba ang expression ng mukha ng matanda. He's disappointed. "Frame? Isang frame lang?" reaction ng matanda. Hindi lang frame kundi may larawan roon pero hindi niya napansin dahil black and white ito at malabo na ang mata kapag walang eyeglasses. "Paki tapon nga nito. Ano ba iyan, frame lang na may kakaibang picture!" galit na sabi ng matanda. Ibinigay ng matanda ang frame kay tita Nancy. Napatingin siya sa frame at nanlaki ang mata nito. Nagulat siya sa kanyang nakita. Napatingin siya sa matanda na unti unting ngumingiti. Tumingin rin ang matanda sa kanya na nakakunot ang noo. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang expression ng mukha ni Nancy. Clear naman ang mukha ni Nancy para sa kanya pero ang picture ay hindi.. "Pa.." "Bakit ganyan ang mukha mo?" Ipinaharap niya ang frame sa matanda. Ipinakita niya ito. Naiiyak si tita Nancy. "Tingnan ninyo po.." "Ano ba iyan? Ano ba ang kakaiba diyan?" Hindi muna nagsalita si Nancy bagkos ay tiningnan niya ang magiging reaction nito. Kinuha niya ang kanyang eyeglasses kasabay ang nahulog na sulat sa frame. Pinulot ng matanda ang sulat at binasa pagkatapos suotin ang eyeglasses. Sa sulat ni Arthur: Lo, "Sana magustuhan ninyo ang aming simpleng regalo. Just a picture.. pero iyan ang picture ng magiging apo sa tuhod ninyo. My fiancee is pregnant at magiging daddy na ako." Talagang nagulat ang matanda at hindi na ito nakapagsalita. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari!! Hindi na maalis ang tingin nito sa larawan. "Ang aking magiging apo sa tuhod!!" Abot langit saya ng matanda na napapaluha pa. ------- Naghahalikan sa may sala sina Arthur at Yasmin. Matatamis ang binibigay nila na mga halik sa bawat isa. Nakakapit ang dalaga sa may batok ng binata habang buhat siya nito. Papunta sila sa may couch sa sala at patuloy ang mariin nitong mga halik. Hanggang pinahiga niya nang dahan dahan si Yasmin sa couch. Nasa ibabaw ni Yas si Arthur. Nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa. Umiinit ang paligid kasabay sa umiinit nilang mga katawan. Bumababa ang halik ni Arthur sa may leeg ng dalaga. Napapataas noo si Yas na nakapikit habang nararamdaman ang mga labi ni Arthur na dumadampi sa balat nito. Ang kamay ng binata ay makulit na bumababa sa may hita ng dalaga. Hinihimas himas niya ang makinis nitong balat pataas-baba. "Arthur..." Ang isa namang kamay nito ay patuloy sa pagmasahe sa may dibdib ni Yasmin na nagpapakiliti sa kanya. Halatang sabik si Arthur sa ginagawa. Dahan dahan niyang tinanggal ang butones sa blouse ni Yasmin habang hinahalikan ang leeg pati ang tenga ng dalaga. Nakilitian ulit si Yasmin pero pinigilan niya si Arthur. "Teka lang!" Napatigil si Arthur at napatingin sila sa isa't isa. "Di ba napag-usapan natin na wala munang s*x bago ang kasal.." wika ni Yasmin. "Haist! Tsk tsk!" "Para naman maexcite tayo kunti sa ating magiging honeymoon,."paliwanag ni Yas. "Haist, kahit na.. always akong maiexcite." "Arthur!" sermon ni Yasmin. "Okay okay! Kung iyan ang gusto mo. But pwede naman maghalikan tayo diba!?" Yasmin smiled and nodded. Hanggang tumunog ang cellphone ni Arthur na nasa malapit sa couch nila. May tumatawag kay Arthur. Napatingin sila at inabot ni Arthur ang cellphone sa mesa. "Sino ang tumatawag?" tanong ni Yas. "Unregistered number.." sagot ni Arthur. Nakahiga pa rin silang dalawa sa couch habang nasa ibabaw si Arthur ni Yas. Patuloy pa rin ito sa pag-iingay na tumawag sa kanila ng pansin. Sasagutin na sana ni Art ng biglang hinablot ni Yas ang cellphone.. "Akin na iyan!" Tiningnan ni Yas ang cellphone at kung kanino ang tawag galing. Unregistered nga! Binasa ni Yasmin ang numero at mukhang familiar ito. Hmmmm... Ilang minuto lang ang lumipas ay may naalala si Yas tungkol sa numero. Bigla siyang kinabahan at hindi mapakali. Ang numero ay katulad sa numero na narinig niya ang isang boses ng babae. Sigurado siyang ang numerong iyon at ngayon ay iisa. Pero hindi niya pinaalam kay Arthur ang tungkol sa numero kanina. She canceled all the calls. "Anong ginagawa mo?" "Ayokong nasa iba ang atensyon mo!" "Huh?" nagtataka si Arthur. Medyo nagtataray kaunti si Yasmin sa binata. Nakakunot ang noo nito habang nakaharap kay Arthur. "Nasa iyo lang talaga ang atensyon ko.."paliwanag ni Arthur. "Mabuti!" Tumunog ulit ang cellphone na nasa kamay ni Yasmin. Napatingin silang dalawa sa hinahawakan na cellphone. Agad kinuha ni Arthur ang cellphone sa kamay ni Yas. Nagreact agad si Yasmin. "Teka lang!" Ang hindi alam ni Yasmin na kinuha ni Arthur ang cellphone dahil tatanggalin nito ang battery para hindi na talaga mag-ingay. "Anong ginagawa mo?" napatanong si Yasmin. "Para wala ng distorbo sa atin.." Napaupo na si Arthur sa couch habang tinatanggal ang battery. Ilang minuto lang ay tuluyan ng natanggal ang battery nito at inilapag niya sa mesa. Nagulat talaga si Yas at hindi niya iyon inaasahan. Akala niya na sasagutin ng binata ang tawag. "O hayan!" Tahimik na sa wakas. Napangiti si Yasmin at agad niyakap ang binata at hinalikan sa pisngi. Medyo nagulat si Arthur sa ginawa ng dalaga. Bumulong pa si Yas sa tenga ni Arthur, " Sige na nga, payag na ako.. pero ngayon lang." "Sure?" "Sure!" At hindi na nagdalawang isip si Yasmin na maghubad sa harapan ng binata. Napatitig naman si Arthur sa katawan ng dalaga habang unti -unting tinatanggal ni Yas ang saplot nito. Napangiti si Arthur at hinawakan ang bewang ng dalaga. Agad niyang pinahiga si Yasmin at inulan ng halik. -------- "The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later.." " Haist! Ano ba iyan!? Sinasadya ba niyang hindi sagutin ang tawag ko? Kanina ay nag -ring, pero ngayon ay out of coverage na!! Anong ibig sabihin nito, off ang cellphone? Haist! Nakakaasar!!" sabi ni Marga na nakatayo. "haist! International call pa naman! Asar!" Nasa office siya nila habang tinatawagan niya si Arthur. Wala siyang pakialam kung international call pa ang ginagawa niya o hindi. "Asar!!" Naiinis na reaction nito. Umiinit na ang ulo ni Marga dahil hindi niya macontact si Arthur. "Ilang araw na siyang onleave. Ilang buwan na yata na umalis siya rito sa Pilipinas para magbakasyon... ano ba ang ginagawa niya sa abroad?" napatanong si Marga sa sarili. Dumating si Beatrix na kasamahan niya sa department. "Madam Marga!" bati niya. Napalingon si Marga sa pagpasok nito sa office niya. "Madam, gusto mo bang sumama mamaya sa bar?" tanong ni Beatrix. Napataas ng kilay si Marga sabay ngiti. "I like that. Matagal tagal na rin ang huli kong bar!" sagot ni Marga. "Sige, after work.. let's go!" __________ Naiba bigla ang ihip ng hangin para sa matanda. "Nancy, magcecelebrate ako ng birthday ko mamayang gabi. Gusto ko na tawagan mo ang mga kaibigan ko!" utos ng lolo ni Arthur. "Huh?" gulat na reaction ni Tita Nancy. Biglang nabuhayan ang matanda. "Magmadali ka at utusan mong ihanda ang malaking function hall ng hotel sa napaka bonggang okasyon na ito." "Okay pa." "Kailangan na naroon si Arthur at ang fiancee niya mamaya!" "Fiancee? tama ba ang narinig ko at tinawag niyo na fiancee?" "Haist, syempre, fiancee niya. Dapat naroon sila." Napangiti si Tita Nancy dahil sa mga ginagawa ng matanda. Mukhang excited si lolo. --------- "Pa, hindi po macontact si Arthur.." balita ni Tita Nancy. "Ano!? Anak ng ... Asan ba siya?" Galit na reaction ni Lolo. "Tawagan mo nga si Leo baka alam niya." Kahit si Leo ay hindi alam kung nasaan si Arthur. Hmmmm.. ----- Parehong nakahigang hubad sila Yasmin at Arthur sa couch. Yakap nila ang isa't isa habang namamahinga. Mukhang napagod sa kanilang ginawang gyera. "I love you babe.." bulong ni Arthur na nakapikit ang mga mata. Napangiti si Yasmin habang hinihimas ang matigas na dibdib ng binata. Pagkalipas ng ilang minuto, Nasa sala pa rin ang dalawa pero nakasuot na sila ng kanilang mga damit at nanonood sila ng isang movie sa kanilang malaking tv. Yasmin is lying on the lap of Arthur. Hinihimas himas ni Arthur ang braso ni Yasmin. "Nilalamig ka ba?" tanong ni Arthur. "Medyo.." "Are you okay?" Nag-aalalang tanong ng binata. Mukhang namumutla ang dalaga at inaantok rin ito. "Inaantok ka ba?" "Medyo.." "Magpahinga ka muna.." Yasmin smiled at pinikit niya ang kaniyag mga mata. Nakahiga pa rin siya sa lap ni Arthur. Si Arthur naman ay nagpatuloy sa panonood. Hanggang napatingin siya sa cellphone at battery na nasa mesa. Naisipan na niyang ibalik ang battery ng cellphone sa loob non. Inabot niya ang cellphone at battey at inilagay na niya pabalik. Pagkatapos ay in-on niya ito. Nabigla siya dahi sunod sunod ang pagpasok ng mga mensahe at mula lahat sa tita Nancy niya. Text messages Tita Nancy: Arthur, Bakit off ang cp mo? Tita Nancy: Nasaan ka ba? Tita Nancy: Hinahanap kayo ng lolo mo! Tita Nancy: birthday ngayon ng lolo mo... Tita Nancy: Magcecelebrate ang lolo mo sa Grand Regalia hotel mamayang gabi at iniimbitahan kayo. Pumunta kayo! Tita Nancy: Pumunta kayo. Inaasahan kayo ng lolo mo! Tita Nancy: please reply.. Tita Nancy: Arthur? Tita Nancy: 6pm! Tita Nancy: pumunta kayo. Maganda ang mood ng lolo mo.. Napaisip at napatanong si Arthur sa sarili, " Natanggap na kaya niya ang regalo namin? Mukhang nagbago ang mood ni lolo at gustong makita kami." Napatingin si Arthur sa dalagang nakahiga sa lap niya. He touches her cheeks at hinawid ang buhok ng dalaga. Tiningnan rin niya ang orasan na nasa dingding. "May tatlong oras pa bago mag 6pm..makakapagpahinga pa siya.." ________ "Nacontact mo na ba sila? Sina Arthur?" nag-aapurang tanong ng matanda. "Hindi pa pero nagtext na po ako tungkol sa birthday celebration mo, pa." "Nagreply na ba siya?" "Hindi pa po.." "Haist, ang tagal. Tawagan mo ulit." Umalis ang lolo sa sala nila at pumunta na sa kanyang kwarto para maghanda sa sarili. "Okay po." Tinawagan ni Tita Nancy si Arthur. Sa pagkakataong ito ay nacontact na talaga niya ang binata. Nag-ring ito at ilang segundo ay may sumagot, si Arthur. "Yes tita? "Sa wakas naman ay na contact na kita." "Ano po iyong mga text ninyo? Magcecelebrate ng birthday si lolo sa grand regalia hotel mamaya?" Dahil medyo malakas ang boses ni Arthur sa pag-uusap nila ni tita Nancy ay nagising si Yasmin. Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa. "Yes! Nagbago ang desisyon ng lolo mo. Kanina, ayaw niyang magcelebrate at matamlay ito. Pagkatapos niyang matanggap ang regalo ninyo sa kanya ay nabuhayan siya," paliwanag ni Tita. Napatingin si Arthur kay Yasmin na bumangon na sa kakahiga at napaupo ito sa tabi niya. Nakatingin rin si Yas sa kanya pero curious kung sino ang kausap ng binata. "Sino iyan?" "Si tita Nancy.." "Ahh.." Niloud speaker ni Arthur ang tawag para marinig ni Yas ang pag-uusap nila. "Congrats sa inyo. Hindi mo lang alam kung gaano kasaya ang lolo mo. Ako rin ay masaya para sa inyong dalawa. Gustong gusto na niyang makita kayo gayundin ako. Kaya pumunta kayo mamaya. Aasahan namin kayo." "Okay po." Call ended. "Natanggap na ng lolo mo?" "Oo at tuwang tuwa siya sa sorpresa natin. Gusto ka nilang makilala." "Ganoon ba?" Bakas rin sa mukha ni Yasmin ang kasiyahan pero hindi maalis sa isip niya kung ano ang impression ng lolo niya sa kanya." "Pero.." biglang kinabahan siya. "Magugustuhan kaya nila ako?" Hinawakan ni Arthur ang kamay ng dalaga at sinabing, " Huwag ka ng mag-alala. Siguradong magugustuhan ka nila. Syempre excited sila sa magiging apo." Napangiti si Yasmin at nawala medyo ang kaba. Alam ni Yasmin na kahit ano mang mangyari ay nariyan parati si Arthur sa tabi niya, panatag siya. Niyakap ni Arthur si Yas. "Mabubuo rin ang pamilya natin.. pamilya na inaasam ko rin na hindi ko naranasan noon." Bulong sa isip ng binata. .. Hinahahanda na ang function hall sa Grand Regalia hotel, isa sa mga hotel nila. Napakabusy ng mga employee roon sa paghahanda. Ilang oras lamang ang kanilang paghahanda para sa isang bonggang celebration. Ang mga gamit, pagkain at mga dekorasyon ay napakaelegante at pangmayaman talaga. Mukhang ito na yata ang pinakabonggang birthday celebration na gaganapin roon. Tinawagan na rin ang mga kaibigan ng matanda. Karamihan ay mga kanegosyo nila, kaibigan investors, clients at iba ibang mga personahe na nasa first class. Magiging formal ang kasiyahan. Hmmm. Excited na si lolo. He doesn't care kung may regalo man ang mga dadalo o wala basta ang mahalaga sa kanya ngayon ay makita ang fiancee ni Arthur. Hmm.. mukhang may binabalak si Lolo. Ano kaya? _____ Ilang minuto nalang at mag 6pm na. Naghahanda na rin sina Yas at Art. Nakasuot ng long dress si Yasmin na kurbang kurba ang katawan nito kahit na buntis pa siya. Napakasexy pa rin ng dalaga at hindi halatang buntis ito. Kahit na buntis ay nakasuot ng high-heels si Yas. Si Arthur naman ay naka-black suit with necktie. Both of them ay ready na. Inaayos ni Yas ang necktie ng binata. Nakatayo sila na magkaharap sa isa't isa. Nakatitig naman si Arthur kay Yasmin habang inaayos nya ang necktie nito. "Ang ganda mo.." "Talaga? O joke lang?" "Napakaganda ng magiging asawa ko.." Kinikilig habang pinapakinggan ang sinasabi ng binata. "Sos, ,bolero ka talaga Arthur.." "Ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo." "Mundo talaga?" Natawa si Yasmin. "Oo, dahil ikaw ang mundo ko." Seryosong sabi ni Arthur. Namumula ang dalaga at mukhang nahihiya. Di niya maiwasang hindi kiligin sa mga hirit. "Ikaw rin, napakagwapo mo. Ikaw ang pinaka!" Nagbabalat-kayong hindi naniniwala ang binata. " Hindi ako naniniwala. Ang raming mga lalaking gwapo." "Ang magiging asawa ko ang pinakagwapo sa lahat ng gwapo!" Nakangiting sabi ni Yas. "Hindi ako naniniwala pa rin!" "Bakit naman?" "Kung ako nga, halikan mo muna ako.." iniharap niya ang kanang pisngi nito kay Yas at handang sumalo sa halik ng dalaga. "Hm?" nagulat naman si Yasmin sa sinabi ni Arthur at ang pinagawa sa kanya. Humihirit pa ito. "Ikaw talaga! Sige na nga!" Hindi na nagdalawang isip si Yas na halikan ang pisngi ng binata. Dumampi ang labi nito sa kanang pisngi ni Arthur na nag-iwan ng lipstick rito. "O hayan na! Ikaw na ang pinakagwapo!" "Hindi pa, gwapo pa lang iyon! Isa pa para sa mas gwapo." "Huh?" Iniharap niya ang kabilang pisngi niya sa dalaga. "Haist.. sige na nga!" Hinalikan niya si Arthur sa kaliwang pisngi. "Okay na!?" "Hmmm.. para iyon sa mas gwapo." "Ano? Eh, paano ang pinaka!?" "Syempre sa labi ko.." nakangiting sabi ni Arthur. "Mamaya na! Masisira ang lipstick ko!" sermon ni Yasmin na nagpapakipot. "Haist, asar naman.." nagtatampo ang binata. " Isa nalang.." nagmamakaawang mukha ang mapapnsin sa binata. "Itigil mo na nga ang kalokohan mo.." Napabuntong hininga si Arthur sa pagkadismaya. Napansin iyon ni Yasmin at hindi niya matiis na makita na malungkot ang fiance. Mas lumapit siya rito at hinawakan ang dalawang pisngi nito. "Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Yasmin. "Wala.. wala..huwag mo ng pansinin ang pangit kong mukha." Napangiti si Yasmin habang pinagmamasdan si Arthur na nagtatampo na parang bata. "Ikaw ang pinakagwapo sa lahat. Ang magiging asawa ko ang pinakagwapo sa lahat ng gwapo sa buong mundo!" Ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinalikan niya ang labi ni Arthur na nagpagulat sa binata. Hindi niya inaasahan ang gagawin ni Yas. Nagdampi ang kanilang mga labi at binigay ang matamis na mga halik. _________ Nakasuot ng jacket muna si Yasmin. Nang -paalis na sana ang dalawa, biglang nag-iba ang pakiramdam ni Yasmin. Napatigil si Yasmin sa paglalakad sa may pinto. "Bakit?" tanong ni Arthur. Namumutla si Yasmin at ang lamig ng kanyang kamay na hawak ni Arthur. "Ang lamig ng kamay mo.. okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tahimik si Yasmin na nakatayo at mukhang pinapakiramdaman ang sariling katawan. Hanggang, napatakip siya ng bibig. Nasusuka si Yasmin kaya tumakbo ito patungo sa banyo. Sinundan naman siya ni Arthur. Sa banyo ay napasuka ng tuluyan si Yasmin sa sink. Hinahaplos naman ni Arthur ang likod ni Yasmin habang nagsusuka ito. She's not feeling well. Tumigil na rin ang pagsusuka ni Yasmin. Binuksan niya ang faucet at pinunasan niya ang kanyang bibig. "Are you okay?Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Arthur sa dalaga. "Medyo.. but Im fine." "Baka gusto mong hindi nalang tayo pumunta para makapagpahinga ka rito?" Nagulat si Yas sa suggestion ni Arthur. "Huh?" "Nag-aalala lang ako sa iyo.." To be continued.. Matutuloy kaya ang pagpunta nila sa party ng lolo ni Arthur. Omg! Bakit ngayon pa? Baby naman, huwag muna maging pasaway..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD