Chapter 51 (unedited)

2076 Words
"Saan tayo pupunta Mia?" tanong ni Yasmin sa kaibigan. "Sumama ka nalang sa akin..tara!" sagot ni Mia. Agad niyang hinawakan ang kanang kamay ni Yasmin at umalis na sila sa lugar. Napilitan naman si Yasmin na sumama. -------- Sumakay nang taxi sina Mia at Yasmin patungo sa lugar na pupuntahan nila. Saan kaya sila pupunta? Ilang minuto ang nakaraan ay dumating na rin sila. It seems familiar.. napalingon si Yasmin sa labas ng bintana. Naunang lumabas si Mia pagkatapos nilang nagbayad. Sumunod naman si Yasmin na lumabas sa taxi. Nagtaka si Yasmin kung bakit sila pumunta roon. Nasa harapan sila sa amusement park. Nakatayo sila sa may gate. " Anong ginagawa natin rito?" napatanong si Yasmin. Bukas man ang gate pero medyo madilim ang paligid. Tahimik ang lugar at walang senyales na bukas ang park. May mga ilaw pero kaunti lamang. "Tara!" yaya ni Mia. "Huh?" pagtataka ni Yasmin. " Sarado ang park. Tingnan mo nga.. " "Bukas naman ang gate," pagkapilosopong sagot ni Mia. " Bukas ito kaya pwede tayong pumasok." Ang pagkakaalam ni Yasmin ay under renovation pa ang park at may inaayos pa ito. Dahil sa kulang ng budget ay medyo matatagalan ang pagbukas uli. Hindi rin pinapapasok ang mga tao sa lugar. "Teka lang Mia, baka mapagbintangan tayo na trespassing.." "Wala namang nakasulat na do not enter.." pakumpas kumpas pa ng kamay ang dalaga. "Kahit na!" Nagmamatigas ni Yasmin. "Haist!" Nagpatuloy si Mia sa paglalakad at napilitan nalamang na sumunod si Yas sa kanya. Naglalakad sila sa sementadong daan patungo sa isang ferris wheel. Sa kalayuan ay may nakikita si Yas na isang taong nakatayo roon sa harapan ng ferris wheel. Madilim ang lugar kung saan nakatayo ang tao kaya mas natakot si Yasmin. Kahit madilim ay kitang kita na may tao roon. Napahawak sa braso si Yas kay Mia para pigilan ito. "Teka lang Mia, parang may tao roon.." nanginginig na boses ni Yas. Hindi na sumagot si Mia pero nakangiti itong nagpatuloy sa paglalakad. "Mia!" "Magpatuloy ka lang Yasmin!" Bakas sa mukha niya ang kaba. Palapit nang palapit sila sa lugar. Hanggang.. Tumigil si Mia kahit hindi pa sila nakakaabot talaga sa ferris wheel kung saan naroon ang tao. Nasa labing limang metro ang layo nila. Napatigil rin si Yasmin at nagpapasalamat dahil hindi na sila tumuloy. "Tara na, uwi na tayo," aya ni Yas kay Mia habang nakatingin sa kaibigan. Nakangiti si Mia kay Yasmin. Nagtataka naman si Yasmin sa expression ng mukha ng kaibigan. "Bakit?" Bakas ang kalituhan... Hanggang.. Sunod sunod na umilaw ang daan na kanilang dinaanan. Napalingon si Yasmin sa likuran at sinundan ang pag-ilaw nito. Namangha siya sa napakagandang ilaw. Napatingin na siya sa harapan at umilaw ang mga bombilya sa harapan. Lumiwanag ang buong paligid. Napaatras si Mia nang umilaw na ang nasa harapan na mga ilaw. Naaninag na ang taong nakatayo roon sa may ferris wheel. Nanlaki ang mga mata ni Yasmin ng makita niya kung sino ang taong nakatayo roon. "Arthur?" Napangiti ang binata na nakatitig sa dalaga. Hindi inaasahan ni Yasmin na makikita si Arthur sa lugar na iyon. Lumapit sila sa isa't isa. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Yasmin. "Hinihintay ka.." "Bakit dito?" "Di ba gusto mong sumakay sa ferris wheel?" "Gusto ko nga pero..." napatingin si Yas sa taas ng ferris wheel at naghihinayang na hindi ito gumagana. "Under renovation ang amusement park at under maintenance kaya hindi tayo makakasakay.." "Paano kung pwede?" confident na sinabi ni Arthur. "Pwede tayong sumakay ngayon.." "Ano?" Natawa tuloy si Yasmin. "Nagbibiro ka ba?" "Hindi ako nagbibiro." Hinawakan bigla ni Arthur ang dalawang kamay ni Yasmin. "Sorry,.." "Huh?" "Sorry kung may hindi ako sinabi.. secret ika nga.." pagpapaliwanag ni Arthur. "So, may secreto nga kayo ni Leo.." "Para ito sa iyo.." At umilaw ang mga ilaw na pumapalibot sa ferris wheel. Gayundin ang ferris wheel ay umilaw ng makukulay na ilaw. Napamangha ulit si Yasmin. "Wow!" Napakaganda ng mga ilaw. "Ang ganda!" Paghanga ni Yas. Sumunod ay umandar ang ferris wheel. "Huh?" Mas nagulat si Yasmin. Hindi niya inaasahan ito. "Teka.." Napatingin ito kay Arthur. "Paanong.." Ngumiti lang si Arthur. Lumingon si Yasmin para sabihan sana si Mia pero wala na ang kaibigan sa likuran niya. "Mia?" Niyaya ni Arthur si Yasmin na sumakay. "Tara!" Hinigpitan niya ng hawak ang kanang kamay ng dalaga. She just nodded and smiled. Napatakbo kaunti patungo sa sakayan. Naroon ang isang tao na aasist sa kanila. Pumasok na sila sa loob na sila lang dalawa. Napaupo si Yasmin at sumunod si Arthur sa tabi nito. Isinara na ng lalaki ang pinto at nagsimula ng umandar ulit. Napahawak si Yas sa braso ni Arthur. "Natatakot ka ba?" tanong ng binata. "Medyo.." "Ito ba ang sinasabi mong secreto?" Sumagot naman siya na hindi seryoso,. "siguro.. sa tingin mo?" Pero hindi pa alam ni Yasmin na may iba pang secreto at surprrea ang inihanda ni Arthur. Pinamasdan nila ang paligid na magkasama na sakay sa ferris wheel. Mahina lamang ang pag-ikot nito. Dahil dito ay mas namamasdan nila ang kagandahan ng mga ilaw. Sa dilim ng gabi ay nakikita ang mga ilaw sa amusement park. Sari saring ilaw ang nagpapaakit rito. Napakagandang pagmasdan ang lugar kapag gabi. "Yas.." bulong ni Arthur. Napalingon si Yasmin sa binata. Kinakabahan naman si Arthur sa mga oras na iyon. Pinapawisan na tuloy ito. Napansin ni Yasmin ang mga pawis ni Arthur. "Pinapawisan ka yata.. okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Yasmin. "Okay lang ako.." Sa kanyang bulsa ni Arthur ay naroon ang isang maliit na kahon. Kung ano ito, malalaman ninyo. Pinunasan ni Yas ang pawis sa mukha ni Arthur gamit ang sariling panyo. Nakatitig naman si Arthur sa dalaga habang ginagawa niya iyon. Medyo nahihiya naman na nakangiti si Yasmin. Biglang tumigil ang pag-andar. Nagulat si Yasmin. "Anong nangyayari?" kinakabahang sabi ni Yasmin. Medyo nagpanic ito kaya napatayo siya. Tumigil sa may itaas na bahagi ang sinasakyan nila Arthur at Yasmin. Napatingin si Yasmin sa ibaba. Hindi umimik si Arthur bagkos alam niya ang mangyayari. "Anong nangyayari Arthur? Bakit tumigil? Nasira ba?" Nagsisimula ng magpanic si Yasmin. Napahawak na ito sa salamin ng sinasakyan at nakatingin sa ibaba. "Stranded yata tayo! Omg!" sambit ni Yas. Nakaupo lamang si Arthur at pinagmasdan ang dalaga. "Naku baka nasira na ito! Anong gagawin natin!?" Hindi na natiis ni Yas at sumigaw na ito.. "tulong!! Tulong! Narito kami!!" At biglang Dumilim ang paligid ulit. Pinatay lahat ng ilaw sa amusement park pati sa loob ng sinasakyan nila Mas lalong kinabahan si Yasmin. Hanggang, ilang segundo lang ay may umilaw na may pormang mga letra sa ibaba. Nagulat si Yasmin ng basahin niya ito.. "YASMIN.." May kasunod na umilaw... Naguguluhan si Yasmin sa mga nangyayari at mga mangyayari. At laking gulat niya ng basahin niya ang kasunod na mga salitang umilaw. "WILL YOU MARRY ME?" Napatakip ng bibig si Yasmin at ang lakas ng kabog ng dibdib nito. Is this for real? Umilaw na ang sinasakyan nila. Lumuhod sa may likuran si Arthur habang nakatingin pa si Yasmin sa ibaba. Kinuha niya ang maliit na kahon na nasa bulsa nito. "Anong ibig sabihin nito.." pabulong ni Yasmin. Napalingon si Yasmin kay Arthur at nakitang nakaluhod ang binata. Hindi siya makapaniwala. Speechless ang dalaga. Iniharap ni Arthur ang maliit na kahon na dala at binuksan sa harap ng dalaga. Sa loob nito ay isa palang singsing. "Yasmin, will you marry me?" Napaluha si Yasmin habang nakatingin kay Arthur. Kinakabahan ang binata kung sasagutin ba siya o hindi. Hmmm.. "Yasmin?" Tahimik ang dalaga na nakatingin sa binata kaya mas lalong kinabahan ito. Napangiti si Yasmin habang napapaluha. At hindi na siya nag-atubiling sabihin ang kanyang sagot... "Yes! Yes Arthur!" Napangiti hanggang tenga si Arthur. This is it! Ipinasuot na ni Arthur ang singsing sa palasingsingan ni Yasmin. Saktong sakto ang singsing sa palasingsingan ni Yasmin. Napakagandanh tingnan rin ang kamay nito na may blue diamond ring. Tumayo si Arthur at agad na niyakap nila ang isa't isa. They were both happy. Hindi inexpect ni Yasmin na aabot lahat sa ganito. He is with Arthur at sinagot niya na ang binata. Nakangiti sila pareho na bakas ang kasiyahan. Hinawakan ni Yasmin ang bewang ng binata habang si Arthur ay ang pisngi ng dalaga. "Alam mo ba kung gaano mo ako pinasaya.. thank you.." wika ni Arthur. "Ako nga ang dapat magpasalamat.. for loving me. for protecting me.." wika ni Yasmin. At di na nila napigilan na maghalikan na nakatayo roon. "I love you.." "I love you too.." Theme song.???? (Arthur and Yasmin) "I Do" 911 My whole world changed from the moment I met you And it would never be the same Felt like I knew that I'd always love you From the moment I heard your name Everything was PERFECT, I knew this love is worth it Our own micracle in the makin' 'Til the world stops turning I'll still be here waiting and waiting to make that vow that I'll... I'll be by your side, 'til the day I die I'll be waiting 'til hear you say I Do Something old, something new Something borrowed, something blue I'll be waiting 'til I hear you say I Do Smiles by the thousands, ya tears have all dried out 'Cos I won't see you cry again Throw pennies in the fountain, and look at what comes out Sometimes wishes do come true Everything was perfect, I knew this love is worth it Our own micracle in the makin' 'Til the world stops turning I'll still be here waiting and waiting to make that vow that I'll... I'll be by your side, 'til the day I die I'll be waiting 'til hear you say I Do Something old, something new Something borrowed, something blue I'll be waiting 'til I hear you say I Do Always better than worse, protect you from the hurt I'll be waiting 'til I hear you say I Do I Do love you, yes I Do love you I'll be waiting 'til I hear you say I Do Coz I love you, love you ... I'll be by your side, 'til the day I die I'll be waiting 'til I hear you say I Do Something old, something new Something borrowed, something blue I'll be waiting 'til I hear you say I Do We're shining lie a diamond, just look at us now, I wanna hear you say I Do. ------ Bumalot ang kilig sa gabi sa buong amusement park. Nagpropose na si Arthur at sinagot naman ni Yasmin nang matamis na Oo. Hindi matutumbasan ang kanilang kasiyahan ng kahit na ano mang bagay. ------ Umalis na sila sa lugar. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Yasmin na nakaupo katabi ni Arthur na nagmamaneho ng sariling sasakyan. Nakangiti lamang si Arthur habang seryosong nagmamaneho ito. Hindi na nagpumilit si Yasmin na tanungin ang binata at nagtiwala nalang ito sa kanya. Ilang minuto ay nakarating na sila sa wakas sa pupuntahan. Pumunta sila sa isang first class condominium. Nagtataka si Yasmin kung bakit sila pumunta roon. Anong dahilan? ---- Binuksan ni Arthur ang pinto ng unit na pinuntahan nila. Pinagmasdan lang ni Yas ang binata habang pinipihit ang knob. "Tara!" aya ni Arthur papasok sa unit. Sumunod naman si Yasmin sa sinabi ni Arthur. Binuksan ni Arthur ang ilaw at laking gulat ni Yasmin sa ganda ng unit. "Wow!" Malaki ang unit na ito. May magandang couch sa sala at mga muwebles. May mga palamuti rin na mas nagpapaganda rito. It was so elegant. May kusina rin at dinning area na napakakintab at malinis. May malaking bintana na natatabunan ng napakahabang kurtina. Mukha yatang isang luxury hotel ang condominium na ito. May pinto para sa kwarto na siguradong maganda rin. "Ang ganda! Kaninong condo ba ito? Mukhang pangmayaman!" wika ni Yasmin na hindi maalis sa kalilibot ang mata sa buong lugar. Niyakap ni Arthur si Yasmin mula sa likod. Pabulong nitong sabi sa tenga ng dalaga, "Nagustuhan mo ba?" "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Hinawakan rin ni Yasmin ang kamay ni Arthur na nakapulupot sa kanyang tiyan. "Isa rin ito sa sorpresa ko sa iyo," sabi ni Arthur habang inaamoy amoy ang hibla ng buhok ng dalaga. "Huh?Weh?" Hindi makapaniwala si Yasmin. "Binili ko ito para sa iyo.. sa ating dalawa... Sa ating tatlo." "Talaga?" Napangiti at kinilig si Yasmin habang patuloy sa pangingiliti ni Arthur sa may batok ni Yas. "So, dito tayo titira?" Pakagat labi itong nagtanong kay Arthur. "Kung okay lang sa iyo..okay lang ba?" "Hmm.. pag-iisipan ko.." Tinanggal ni Yasmin ang kamay ni Arthur na nakapulupot sa kanyang tiyan. Nagulat ang binata sa ginawa ng dalaga. "Huh?Bakit?" Naglakad si Yasmin patungo sa may sala na palihim na kinikilig at nakangiti. "Maganda ang napili mo.." "Syempre.." Lumapit si Arthur ng dahan dahan kay Yasmin at napapahimas sa may baba nito. Humarap si Yasmin sa binata at nakitang papalapit ito sa kanya. Gusto niyang tuksuhin ang binata kaya habang pahakbang si Arthur patungo sa kanya ay dahan dahan naman siyang humahakbang patalikod. "Ganon ba.." Nakangiti silang nagtinginan sa isa't isa. Mukhang nagpapahabol si Yasmin sa binata. Nagpapaikot sila sa couch at sa maliit na mesa. Dahan dahan lamang si Yas sa paghakbang patalikod at sumulyap sa likuran kong may mga bagay na nakaharang. Nakangiti si Arthur habang pinagmamasdan niya ang ginagawa ng dalaga. Alam niyang tinutukso siya nito na nagpapahabol. Tumigil si Arthur sa may mesa malapit sa couch kaya napatigil rin si Yas sa may bintana. "Mukhang gusto mong habulin kita?" wika ni Arthur. Natawa si Yas sa sinabi ni Arthur. "Huh? Anong nagpapahabol?" tukso ni Yas. Kanina pa sila paikot ikot sa sala at di man lang naaabutan ni Arthur dahil mahina lamang ang kanilang lakad. "Ahh, ganoon pala.. hindi nagpapahabol!" "Yes.." nakangiting sabi ni Yas. Kinuha ni Arthur ang cellphone niya sa pocket nito, susi at wallet at inilapag sa mesa. Mukhang naghahanda ang binata sa gagawin. Nagtataka si Yasmin kung bakit inilapag ni Arthur ang mga gamit nito. "Anong ginagawa niya?" Napatingin si Arthur na napakaseryoso sa dalaga. "Humanda ka!" "Huh?" Humakbang papunta sa kanya si Arthur. "Teka teka lang!" sambit ni Yasmin. Nakangiti na si Arthur at napasingkit ng mga mata. Biglang tumakbo si Yasmin papalayo kay Arthur. Hinabol naman ng binata si Yasmin. "Ahhh!!" Mukhang naglalaro sila nang habulan sa loob ng bahay. Ayaw magpahuli ni Yas kay Arthur. Nakangiti sila pareho habang tumatakbo. Hanggang.. Naabutan talaga ni Arthur ang dalaga. Napasandal si Yasmin sa dingding na kaharap si Arthur. Napasandal ang kamay ni Arthur sa dingding para pigilan ang dalaga na makawala. "Huli ka ngayon!" Pareho silang hinihingal at medyo kinabahan. "Papahirapan mo talaga ako?" tanong ni Arthur. Ngumiti lamang si Yasmin sa kanya. "Pilya mo talaga!" sabi ni Arthur na nakakunot noo. Biglang hinalikan ni Yasmin ang labi ni Arthur na nasa harapan nito. Nagulat ang binata. Hindi niya inaasahan iyon na naunang humalik si Yasmin sa kanya. Pagkaalis sa labi ni Yasmin ay natahimik si Arthur. Nakatitig lang ito sa dalaga. "Hindi ka na galit?" paglalambing ni Yas. "Galit pa ako.." Hinalikan ulit ni Yasmin sa labi ang binata. Palihim na napapangiti si Arthur habang ginagawa iyon ni Yasmin. "Galit pa ako!" Kahit alam ni Yasmin na pinagtritripan lang siya ni Arthur ay ginawa niya pa rin ang paghalik sa labi ni Arthur. "O hayan! Galit ka pa!?" "Hmmmm..." "Isa pa, galit pa ako!" "Hmp!" Hinalikan ulit ni Yasmin. Naghalikan ang dalawa na nakapikit ang mga mata. Nilalasap nila ang bawat halik. Tumagal nang ilang minuto ang kanilang halikan. Mas hinawakan ni Arthur ang bewang ng dalaga at napapadiin na ito sa kanya. Nakahawak naman si Yasmin sa may dibdib ng binata. Pagkaraan ng ilang minuto, humiwalay na ang kanilang mga labi sa isa't isa. Napangiti at natawa sila sa pinaggagawa nilang dalawa. Namumula si Yasmin habang tinatakpan ang mga labi ng kanyang sariling kamay. Medyo nahihiya. Pagkatapos ay biglang binuhat ni Arthur si Yasmin. Nagulat si Yasmin sa biglaang ginawa ni Arthur. "Teka.." "Walang makakadistorbo sa atin rito!" wika ni Arthur. Dinala ni Arthur si Yasmin sa couch at inihiga roon. "Arthur.." Nagkatitigan ang dalawa. Nasa ibabaw si Arthur habang nakahiga si Yasmin sa couch. Hinahaplos ni Arthur ang pisngi ni Yasmin at tinitigan ito. Hinawid rin niya ang buhok ni Yas sa likod. "Arthur.." "Yasmin.." Nagsimula na ang init ng gabi na bumalot sa buong unit. Hinawakan ni Yasmin ang pisngi ng binata at nagpapaakit na halikan siya. Titig na titig sila sa isa't isa na mukhang natutunaw na. "Arthur.." seductive na pagkakasabi ni Yasmin. Then, unti -unti niyang inilabas ang dila nito. Mas lumapit ang mukha ni Arthur at inabot ng kanyang bibig ang dila ni Yasmin. Inilabas rin ni Arthur ang dila niya. Hanggang nagkadikit ang kanilang mga labi kung saan naglalaro ang kanilang mga dila. Mariin ang bawat halik nilang dalawa na nagpapainit sa buo nilang katawan. "Ughh---" Di na makatiis, napapahimas si Arthur sa hita ni Yasmin. Napakinis ng balat ng dalaga at maputi pa. Itinataas ni Arthur ang dress ni Yas para mas mahimas pa niya ng todo ang hita nito. Pataas pababa niya itong ginagawa. Mas napapakapit naman sa may batok ng binata ang dalaga habang patuloy ang kanilang mga halik. "Let's get married soon.." bulong ni Arthur. Bumaliktad agad sila ng position at nasa ibabaw si Yasmin. "I love you Yasmin!" At nagpatuloy ang init ng halik nila habang nasa ibabaw si Yasmin. She was so seductive that night. Pareho sila na umiinit at nasasabik. "Buohin mo ang pinapangarap ko, Arthur... " "Anong pangarap mo?" "Ang makasal, magkaanak at magkaroon ng sariling pamilya. Isang buong pamilya.. isang masayang pamilya." "Ikaw ang masusunod mahal kong reyna!" ------ Kinabukasan, mahimbing na natutulog si Arthur sa kama sa kwarto nila na walang pang-itaas at nakakumot nalang. Mukhang may ginawang kababalaghan ang dalawa kagabi dahil nakakalat ang mga damit nila sa sahig. Bumangon si Yasmin na may kumot na binalot sa katawan. Wala rin pala siyang saplot sa katawan. Pinulot niya ang mga nakakalat na mga damit nila at inilagay sa silya. Naalala ni Yasmin na wala pala siyang ibang damit sa mga oras na iyon at mga panloob. "Tama pala.." Napatingin siya sa kabinet at naghanap man lang ng tuwalya. Fortunately, nakakita siya ng tuwalya at tinapis niya ito. Pumunta siya sa kusina at naghanap ng pwedeng maluluto. Pagkabukas niya sa refregirator ay puno ito ng gulay, karne at iba pa. "Wow!" Hindi niya inakala na ganoon ka ready ang ref. Kaya naisipan ni Yasmin na ipagluto ang binata ng agahan. ------------- Nagising na si Arthur. Pabiglang napadilat ang kanyang mga mata. Mukhang may masamang napanaginipan ang binata. Napalingon -lingon siya at napansin niyang wala na ang dalaga sa tabi niya. "Yasmin!?" pag-aalala niyang wika. Napabangon siya sa kahihiga. "Yasmin!!" Pagbangon niya ay nakalimutan niyang wala pala siyang saplot sa ibaba. "Haist!" Agad siyang kumuha ng tuwalya na nasa kabinet at tinapis niya ito sa ibabang bahagi niya. Nagpatuloy sa paghahanap niya sa dalaga. "Yasmin!" Napunta siya sa may kusina at napatigil roon. Nakita niyang nagluluto si Yasmin. Nakahanda na rin ang mga plato at iba pa sa mesa. Napalingon si Yasmin kay Arthur at binati ito. "Goodmorning!" Nakangiti itong bumati. Seryoso naman ang mukha ni Arthur na sumalubong sa kanya. "Huh,?" Napansin ni Yasmin ang expression ng mukha ng binata. Nagtaka ito. Agad lumapit si Arthur kay Yasmin at niyakap ang dalaga. "Bakit? May problema ba?" tanong ni Yasmin. "Akala ko mawawala ka na sa akin!!" Napapahigpit ni Arthur ang yakap sa dalaga. Nakapikit ito at nakasubsob ang mukha sa may buhok at batok ni Yasmin. Napayakap naman si Yasmin pero bakas sa mukha ang pagtataka. "Ano?" "Ayokong mawala ka.." Pinapawisan rin si Arthur habang nagsasalita. "Narito lang ako...Arthur, huwag kang mag-alala." Gumaan kaunti ang pakiramdam ni Arthur nang makaharap si Yas. Hinawakan ni Yasmin ang pisngi ng binata at tinitigan ang mga mata nito. Niyakap ulit ni Arthur si Yasmin. Panatag na ang kanyang kalooban ng makitang kasama niya si Yasmin. Arthur's mind: Hindi ko hahayaang may aagaw sa iyo Yasmin. Kahit panaginip lang iyon, hindi ko hahayaang mangyari iyon. Kung kanino mang anino ng lalaki na nasa panaginip ko na aagaw sa iyo, hindi ako papayag. Bubuohin natin ang ating mga pangarap na magkasama. Walang makakahadlang sa ating pagsasama kahit sino pa sila. ----------- Sa mansyon ng matanda. "Ano pong plano ninyo pa sa birthday ninyo sa makalawa? Saan niyo po gustong magcelebrate?" tanong ni Tita Nancy sa matanda. Nakaupo ang matanda na lolo ni Arthur sa couch habang nagbabasa ng diyaryo. "Hay naku! Wala akong ganang magcelebrate ng birthday ko. Napakaboring! Mamamatay nalang yata ako na hindi pa nakikita ang apo ko sa tuhod. Siguro mabuti pang mamatay nalang ako!" pagtatampo ng matanda. "Pa, huwag ka ngang magsabi ng ganyan..." "Haist napakahina talaga ng pamangkin mo!!" "Pa, hindi mo mapipilit ang isang bagay na hindi pa napapanahon. Balang araw mabibigyan ka niya." "Haist, kailan, kung patay na ako?" galit na sagot nito. "Hayan na naman kayo." Tumunog ang cellphone ni Tita Nancy na may mensaheng dumating. Binasa niya ang mensahe at mula pala ito kay Arthur. Arthur: Tita.. Free ba kayo ni Lolo mamaya? Nagreply si Tita Nancy: hindi ko alam kung gusto ba ng lolo mo na makipagkita sa iyo. Arthur: Ganoon ba? Tita Nancy: Hmmm.. Bakit? Arthur: Gusto kong ipakilala sa inyo ang fiancee ko. Tita Nancy: Fiancee? Arthur: yes tita, Fiancee. I proposed to her already at sinagot na niya ako. Tita Nancy: what!? Hindi man lang namin siya nakilala. Nabigla si Tita Nancy sa nalaman. Tita Nancy: Pabigla - bigla ka yata! Napasalita ng malakas si Tita Nancy at narinig ito ng matanda. "Ano? Pabigla bigla siya!" Napatanong ang matanda, " Sino ba ang ka text mo at mukhang gulat na gulat ka?" Napatingin si Tita Nancy sa matanda. "Si Arthur po.." "Haist, si Arthur na naman. Ano na naman ang sinabi niya?" "Gusto niyang makipagkita sa atin. Gusto niyang ipakilala ang fiancee niya." Nagulat ang matanda ng marinig ang sinabi ni Tita Nancy. "Anong fiancee?!" "Siguro iyong babaeng gusto niyang ipakilala noon."sagot ng tita. "Nababaliw na ba siya!! Hangga't walang formal na pagpapakilala, hindi pa niya masasabing fiancee niya ang babaeng iyon." Paunti unting tumataas ang boses ng matanda. "Gusto niyang ipakilala sa atin." "Ayokong makita si Arthur! Sabihin mo na busy ako!" . --------- Nagkukulitan ang dalawa at nagkikilitian sa kama habang hinihintay ang reply ni Tita Nancy. "Tama na," Nagtatawanan ang dalawa at nagyayakapan sa kama. Walang iniintinding problema sa mga oras na iyon. Pinauulanan ng halik ni Arthur ang leeg at pisngi ng dalaga. Mwahhh.. Nanggigigil ang binata sa dalaga na kasama sa kama. Niyayakap niya si Yasmin sabay halik sa braso nito. Hinahalikan rin niya ang balikat at kahit saang parting dumampi ang labi niya. "Nakikiliti ako.." Hmmm.. Hanggang nakatanggap na ng mensahe si Arthur kaya napatigil ang dalawa. Tita Nancy replied: busy ang lolo mo. Huwag mo muna siyang distorbuhin Natanggap ni Arthur ang mensahe mula sa tita nito. Naiba ang expression ng mukha niya. "Ano na?" tanong ni Yasmin. "Busy daw sila.." seryosong sagot ni Arthur. Nalungkot si Yasmin sa balita. Medyo kinakabahan tuloy ang dalaga dahil sa mga nangyayari. "Ganoon ba.." Walang magawa sina Arthur at Yasmin kung ayaw makipagkita ng lolo nito sa kanila. Ang mahalaga para sa dalawa ay magkasama sila. Ang kanilang mga plano ay matutuloy. "Paano na iyan?" nangangambang sabi ni Yasmin sa binata. Bakas sa mukha ni Yas ang pag-aalala. "Anong problema Babe?" Napatanong si Arthur. "Paano kung hindi ako magustuhan ng pamilya mo.. ng lolo at tita Nancy mo? Ayaw nilang makipagkita sa atin." "Huwag ka gaanong mag-isip at mag-alala. Nakakasama ang stress sa pgabubuntis mo." "Pero.." Hindi maiwasang mag-alala ni Yasmin. Marami na siyang napagdaanang problema at ayaw na niyang maulit ito. Arthur comforted her and touches her cheeks. "Babe, huwag kang mag-alala, narito ako. Kahit ayaw nilang magpakita at makilala ka, nandito pa rin ako. Kahit itakwil pa nila ako, hindi kita iiwan at ipagpapalit sa iba. Kayo ang buhay ko at ang pinakaimportante sa buhay ko. Kayo ang tunay kong kayamanan." "Talaga?" "Promise ko iyon. Kahit anong mangyari.. Kahit mamatay ako, ikaw lang at wala ng iba." Napangiti na si Yasmin at panatag na ang kanyang kalooban. Niyakap ni Arthur si Yasmin para maramdaman ng dalaga na seryoso siya sa sinabi nito. _________ Bumisita si Yasmin sa bahay nila niMia. Kukunin rin niya ang kanyang mga gamit roon. Nauna na siyang pumunta at susunod lang si Arthur dahil may dinaanan muna. Sa sala ay nag-uusap sina Mia at Yas. "So tuloy na talag!" sabi ni Mia na tuwang-tuwa na makita ang kaibigan na engaged na. "This is it!" Yasmin nodded na may ngiti sa mga labi nito. Kinilig si Mia at di maiwasang maiyak. "Ito na iyon Yas. Im so happy for you! Nakahanap ka na talaga ng isang prince charming!" "Thank you.." Niyakap ni Mia ang kaibigan. "Wish you all the best. Maging masaya kayo ni sir. Masaya ako sa inyo." "Salamat ulit." Ngumiti si Mia sa kaniya. "Hindi ko talaga inexpect ang ganoon. Nagtulungan pa kayo." "Sorry kung hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol sa gagawin ni Sir. Gusto ko ring sumaya ka kaya pumayag ako na tumulong na mapatupad ang plano." "Salamat.." Naalala bigla ni Mia na gusto niyang makita ang singsing nito. "Teka, patingin ng ibinigay na singsing..' "uhmm?" Ipinakita ni Yasmin ang singsing na suot niya sa mga oras na iyon. "Heto.." Namilog at kuminang ang mga mata ni Mia ng makita ang kumikinang na blue diamond ring. "OMG! Ang ganda!" "Ang ganda nga.." "Talagang ang ganda Yasmin! Napakaswerte mo. Bkue diamond ring, napakamahal niyan, super!" "Talaga?" "Yes! Over na over! Kaya ingatan mo iyan. Sayang!" "Hindi naman sa halaga ng pera nababasi kung iingatan mo ang isang bagay kundi pinapahalagahan mo ito dahil sa halaga nito na hindi matutumbasan ng pera." "Wow! Clap clap clap!! Ang galing! Ikaw na!" Natawa at tinukso ni Mia ang kaibigan. Natawa na rin si Yasmin at kinilig. Napapahawi niya ang kanyang buhok sa may likod ng tenga nito. Ilang minuto ay dumating na si Arthur para sunduin ang dalaga. Pinapasok ni Mia si Arthur. Mag-isa lang itong dumating sa bahay. "Hello po sir!" Bati nito na may kaway pa. Ngumiti naman si Arthur na nakatayo sa may pinto. Lumapit si Yasmin at tumabi sa binata. "Ready na ba ang mga gamit mo?" She nodded. "Pero iniwan ko muna ang ibang gamit na hindi ko masyadong ginagamit. Babalikan ko nalang." "Okay!" Pasulyap sulyap si Mia sa may likuran ni Arthur na parang may tinitingnan. Napansin naman ito ng dalawa. "Bakit Mia?" tanong ni Yas. "Uhmm.." Madaling nahulaan ni Arthur kung sino ang hinahanap at tinitingnan ni Mia sa may labas. Nagsalita ang binata, "Hindi ko kasama si Leo." Napatingin ang dalawang dalaga kay Arthur. "Huh?" reaction ni Mia na namumula sa hiya. Napatingin naman si Yasmin sa kaibigan. Nagreact agad si Mia sa sinabi ni Arthur. " Ano po sir? Hindi ko hinahanap si Sir Leo!" Defensive labg ang peg nito. Natawa lamang ang dalawa. "Bakit hindi mo sinama si Sir Leo?" tanong ni Yas na nakakapit sa may braso ni Arthur. Sinagot naman niya ito, " Babe, hindi na. Alam mo naman na palaging nangdidistorbo iyon." Natawa nalang si Yasmin. ----------- Pagkatapos nilang dalahin ang mga gamit ni Yas sa condo ay bumili rin sila ng kanilang mga gamit. Nagshopping ang dalawa sa isang malaking mall. Hindi nila alintana ang mga tao roon. Walang bodyguard si Arthur at hindi niya kasama si Leo. It seems they are dating like an average class couple. Magkahawak ng kamay ang dalawa na malayang naglalakad sa mall. Si Arthur naman ang may mga dala ng mga paperbag na ang laman ay mga gamit at damit nila. Hmmm.. naghahanda na yata sila sa bagong pahina. Bumili rin si Yas ng mga maternity dresses. Mamahalin man ang mga damit ay okay lang. Pumunta rin sila sa isang restaurant na malapit sa mall. Hindi na mapigilan ni Yasmin na hindi kumain dahil nagugutom na siya. Mukhang matakaw ang baby nila. Hindi na pinalagpas nito na kumain ng marami. Kahit mahilig kumain si Yas ngayon na buntis ito ay sexy parin ang dalaga. ----------- Umuwi muna sila sa kanilang condo para iuwi ang kanilang mga pinamili. Nagbihis sila agad dahil pupunta sila sa doctor. Magpapacheck up si Yasmin sa doctor. Sinamahan ni Arthur ang dalaga roon. This time, magpapaultrasound na si Yasmin. Excited na ang dalawa. To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD