Nakarating din sila Yasmin at Arthur sa sinasabing amusement na malapit sa foundation but unfortunately sarado ito.
" Close?"
" Bakit close?" tanong ni Yasmin. Hindi niya matanggap na close ang amusement park.
May nakasulat sa may gate na under renovation ang amusement park.
" tsk tsk... Paano iyan, close sila.."
" Nakakainis naman gusto ko pa namang sumakay sa ferris wheel dito." Nalungkot si Yasmin.
Bakas sa mukha ng dalaga ang kalungkutan at paghihinayang.
" Sasusunod nalang kapag bukas na sila.."
" Sigh!" buntong-hiniga ni Yasmin.
Nang paalis na silang dalawa at pagkalingon nila ay nasa harapan nila si Andy.
" Andy?"
Naiiyak ang mata ni Andy habang nakaharap sa magkasintahan.
Nagpaalam si Yasmin na lalapitan niya ang kaibigan kaya binitawan ni Arthur ang kamay nito.
" Yasmin.."
Lumapit si Yasmin kay Andy.
Napaiyak si Andy at humingi ng kapatawaran. " Sorry..sorry.."
Ngumiti si Yasmin at niyakap ang kaibigan.
" Hindi mo kailangang magsorry.."
" Muntik na kayong mapahamak dahil sa tito ko. Naiinis ako dahil tito ko pa ang gumawa sa inyo ng ganoon. Patawad Yasmin, sa baby mo at kay sir."
" Wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto ang mga nangyari. Ang tito mo ang gumawa no'n.."
" Pero kahit na, tito ko iyon at nahihiya ako sa ginawa niya sa inyo."
" Andy, huwag ka nang mag-alala. Sa awa ng Diyos, lahat kami ay okay."
" Patawad talaga."
Nagsalita si Arthur, " Huwag kanang mag-alala, hindi ka na guguluhin ng tito mo."
Napangiti si Andy sa kanila, " salamat.."
Nagpatuloy si Arthur, " By the way, hindi na magtratrabaho sa store si Yasmin."
" huh?"
Nabigla pareho sina Yasmin at Andy. Napalingon si Yasmin kay Arthur at takang taka kung bakit.
" Arthur, bakit?" tanong ni Yasmin.
Speechless si Andy.
" Dahil ba sa nangyari kaya pinapahinto mo ako sa trabaho sa store nila Andy. Ganoon ba iyon?"
" Hindi naman sa ganoon.. Kasi.." pilit na pagpapaliwanag ni Arthur na hindi matuloy tuloy dahil sa pagsasalita ni Yasmin.
" Okay na tayo di ba. Wala na rin ang tito ni Andy. Bakit pa ako titigil?"
Walang magawa si Andy kung iyon ang desisyon ni Arthur. Alam niya na pinoprotektahan lang niya ang kanyang mag-ina.
" Yasmin, ayokong mapagod ka. Hindi mo kailangan magtrabaho. Magpahinga ka nalang at alagaan ang sarili mo. O di kaya mamasyal at magshopping.." paliwanag ni Arthur.
Biglang nainis si Yasmin sa binata. " So iiwan ko nalang si Andy na mag-isang magtaguyod sa store? Ganoon ba iyon?"
" Yasmin, you need to rest para rin ito sa baby.."
" Tapos paano na ako, saan ako kukuha ng pang-araw araw na panggastos?"
" Narito naman ako, ako ang bahala sa iyo. I can give what you want!"
" hmmp.."
Agad nag walk-out si Yasmin at naglakad ito papalayo sa dalawa. Iniwan niya si Arthur at ang binata ay nakatayo ito habnag pinagmamasdan ang dalaga na medyo nagdadabog. Ang preggy nga naman!
Sinundan naman ni Andy ang dalaga. " Yasmin!"
" Haist!" reaction ni Yasmin habang naghihintay ng taxi.
" Sorry Yasmin.. Nag-away tuloy kayo.." malumanay na wika ni Andy kay Yasmin. Nakokonsensya siya sa nangyayari. " Okay lang kung magreresign ka. Naiintindihan ko. Makakahanap rin ako ng bagong kasama."
Dumating na ang isang taxi at tumigil ito sa kanilang harapan.
Nang buksan na ni Yasmin ang pinto ay naalala niya na wala siyang gaanong perang dala pang taxi. Kaya bumalik ito patungo kay Arthur. Napasunod ng tingin si Andy kay Yasmin.
Nakatingin si Arthur sa dalaga na papunta sa kanya. Nang nasa harapan niya si Yasmin ay tinanong niya ito.
" Yes?"
Mukhang alam na ni Arthur ang gusto ni Yasmin.
" Di ba sabi mo kanina na ikaw bahala sa akin, so.." Nakataas kilay itong nakipag-usap kay Arthur.
" Yes, what do you want?" nakangiting tanong ni Arthur.
" I need money now. Wala akong gaanong pera pang-taxi. Kaya uutang nalang ako sa iyo at babayaran ko kahit may interest pa."
Pabulong na sabi ni Arthur sa sarili, " heto na naman kami.." but nakyukuytan si Arthur kapag ganoon si Yasmin. Iyong away bati nilang dalawa.
" Sige, pahihiramin kita pero may isang kondisyon.."
" huh?"
" May kondisyon ako.."
" Okay, pero ibigay mo muna ang pera!" inilapad ni Yasmin ang palad niya sa may harapan ni Arthur. Seryoso na ang binata na nakatingin sa kanya. Nakataas kilay naman si Yasmin habang hinihintay si Arthur.
But..
But biglang hinawak at hinablot ni Arthur ang kamay ni Yasmin patungo sa kanya. Mas napalapit ang dalaga sa binata.
At mas nagulat si Yasmin ng..
Biglang dumampi ang labi ni Arthur sa labi niya. Hinalikan ni Arthur ang mga labi ni Yasmin. Namilog ang mga mata ni Yasmin dahil sa gulat. Nagulat rin si Andy at patay mali itong umiwas ang tingin.
Hindi napilgilan ni Yasmin na sapakin ang balikat ng binata.
" Ano ba!"
Nagkahiwalay ang mga labi na nila.
" Bakit?" tanong ni Arthur.
" Binigla mo ako!"
" So dahan dahan nalang?" lumapit medyo ang mukha ni Arthur sa mukha ni Yasmin. Hinawakan ng isang kamay ni Arthur ang bewang ng dalaga at ang isa ay sa pisngi nito.
" I love you.. And I dont want to lose you.." pabulong ni Arthur.
Napangiti si Yasmin sa sinabi ni Arthur.
Dahan -dahang lumapit at nagkadikit ang mga labi nila sa isat isa. At ilang segundo lamang ay nilasap na nila ang halik ng bawat isa. Tuluyan ng naghalikan ang dalawa na nasa gilid ng daan.
------
Sinamahan ni Yasmin si Mia na makipagkita sa kaibigan niya sa Harrison Golf place kung saan naglalaro ang mga mayayamang tao ng golf. Ang kaibigan ni Mia ay nagtratrabaho roon kaya madali silang nakapasok.
Hinintay nila sa may kainan kung saan katabi lang nito ang waiting area ng mga naglalaro. Kitang kita rin roon ang lawak ng lugar.
" Matagal pa ba siya?" tanong ni Yasmin.
" Tinitext ko na," sagot ni Mia.
" Baka busy pa siya.."
" Sabi niya ganitong oras ang break niya."
" Bakit pala kayo magkikita?"
" May order kasi siya sa online shop ko kaya narito ako at ibibigay ko na sa kanya."
" Ganoon? May online shop ka pala?"
" Sideline lang. Kahit papano may kita."
" Kung sa bagay, pera na rin iyon.."
"Maiba tayo Yasmin, nasaan si Arthur at bakit di ka niya sinamahan? Akala ko nga sasama siya sa atin ngayon."
" May pupuntahan at aasikasuhin daw sila ni Leo. Hindi ko lang alam kung ano."
" Hmmm... Well, busy person talaga kapag mayayaman."
" Teka Mia, curious lang ako.. anong status na ninyo ni Leo?" tanong ni Yasmin.
Napaubo si Mia.
" Huh? kami ni Leo?"
Yasmin nodded, " Kayo nga.."
Natawa ang naging reaction ni Mia sa tanong ni Yasmin.
" It's complicated! We don't have commitments!" sagot ni Mia.
" Huh?Anong ibig sabihin iyan?"
" Hay naku! Huwag mo na kaming alalahanin. Basta ako, I can do whatever I want. Ayoko pa ng commitment kung sakasakali.. crush crush lang.. " pabiro nitong pagpapaliwanag.
Mas naguguluhan si Yasmin sa mga sagot ni Mia. Nakakalito kung ano ba talaga sila ni Leo.
--------
Meanwhile, nasa isang mall sina Arthur at Leo at papunta sa pinakakilalang jewelry shop sa lugar. Sa jewelry shop na ito binbenta ang pinakamahal na mga alahas at palamuti. Ano kaya ang ginagawa nila roon?
" Masaya po ako sa inyo ni Ms. Yasmin sir. Huwag na po ninyo siyang pakakawalan." payo ni Leo.
" Hindi ko na talaga siya papakawalan.." sagot ni Arthur.
Naglalakad sila papunta sa shop.
Nang makarating na sila at pumasok sa shop ay sinalubong agad sila ng isang sales lady para sila'y batiin. May pinapaorder na pala si Arthur na isang singsing. Kinuha ng saleslady ang isang kahon.
" Narito na po sir.."
Kilalang kilala si Arthur sa shop na iyon na bumibili ng mahahalin na mga alahas.
Iniabot kay Arthur ang isang box kung saan naroon sa loob ang isang singsing. Para kanino kaya ito?
Binuksan ni Arthur ang box at kitang kita ang kumikintab na blue diamond ring. Napakamahal ng singsing na ito na nagkakahalaga ng 9.8 million dollars.
Napangiti si Arthur habang pinagmamasdan ang singsing at bakas sa mukha nito ang kasiyahan. Hindi na siya makapaghintay na ibigay ito sa isang tao.
--------
Dumating na rin ang kaibigan ni Mia.
" Pasensya na.."
" Okay lang.."
Nagsimula ng mag-usap ang dalawa at natatahimik na si Yasmin. Hindi kasi siya makasabay sa dalawa sa kanilang pinag-uusapan. Napalingon si Yasmin at napatitig siya sa lalaki na nasa waiting area. Inaayos niya ang kanyang gamit pang-golf. Mukhang tapos na ito maglaro dahil sa itsura nito. Nakasleeveless ang lalaki na may tattoo sa braso.
Sandali'y napalingon ang lalaki sa direction nila at nagulat si Yasmin.
" oh my.."
Nagpatuloy ang lalaki sa kanyang ginagawa.
Napatanong si Yasmin habang nakatingin pa rin sa lalaki, " Sino siya?"
Napalingon ang dalawa kay Yasmin at tiningnan kung sino ang tinutukoy niya.
Sinagot siya ng kaibigan ni Mia, " Ahh, siya ba.. Siya si Sir Leam Foster. VIP costumer rito."
" Leam Foster?" nakatulalang reaction ni Yasmin.
Nagsalita si Mia, " Wow ang gwapo!"
" Sinabi mo pa.. Crush ko nga siya," kinikilig ang kaibigan ni Mia.
Yasmin's pov
Leam Foster.. Siya iyong tumulong sa akin na dalahin ako sa hospital. Siya ang nagbayad sa lahat ng bayarin sa hospital.
At..
At..
At kamukha ni Xian. Kahawig niya si Xian. But, may tattoo lamang siya sa braso nito na wala naman si Xian. Pareho silang gwapo, matangos ang ilong, maputi.. Ang mga mata.. Para talaga siyang si Xian.
Nagsalita ulit ang kaibigan ni Mia, " Hanggang crush nalang ako kasi may asawa na siya at may isang anak."
Nagulat ako sa narinig ko.. May asawa rin siya. Si Marga kaya?
Napatingin ako lalo sa lalaki.
Hanggang may isang batang nasa edad dalawa ang lumapit rito.
Tinawag niya ang lalaki ng " dada!"
Lumingon ang lalaki at sinalubong ang bata pagkatapos ay kinarga ito.
" Baby!"
Anak kaya niya?
" Dada!"
Anak yata niya!
Nagreact si Mia sa sinabi ng kaibigan, " Ay, sayang .. May asawa na pala!"
Hindi ko namalayan na tumulo ang aking luha. Bakit kaya?
Napansin ito ni Mia. " Yasmin? Umiiyak ka ba?"
Sumagot naman ako sa kanya, " Hindi ah, napuwing lang." Napipilitan na yata akong ngumiti at tumawa. Bakit?
" Hayan, ang asawa niya!" sabi ng kaibigan ni Mia.
Napalingon kami ni Mia at tiningnan ang asawa nito.
Si Marga kaya?
But..
Hindi!
Maganda ang kanyang asawa at mukhang sophistikada. Maganda manamit at kaakit akit. Talagang halata na mayaman. Sa aura palang ng babae ay pangmayaman na. Akala ko si Marga. Ibig sabihin nito ay hindi siya si Xian. Iba siya at siya si Leam. Kamukha lamang niya si Xian. Iba sila, iba!
Napanatag ang loob ko. Para akong nakunan ng tinik. Hindi ko man maintindihan pero masaya ako.
-------
Pinaghanda ni Yasmin si Arthur ng hapunan sa kwarto nila. Inihahanda niya ang mesa at mga pagkain.
Bumukas ang pinto at pumasok si Arthur.
Lumingon si Yasmin at nakita si Arthur na papasok sa kwarto. Pinuntahan nila ang isa't isa. Napakapit sa may batok ni Arthur si Yasmin.
Ngiti ang sumalubong sa bawat isa.
" Ang ganda ng ngiti mo ngayon!" ani ni Arthur na nakatitig sa dalaga.
" Ikaw nga, ang gwapo ngayon!"
" Always na ako gwapo.." pabiro nitong sagot.
" Ang yabang nito!"
Natawa lang si Arthur habang tinititigan ang dalaga.
" Kumain ka na ba? Pinagluto kita ng hapunan. Sabay na tayo!"
Itinanggal na ni Yasmin ang kamay niya sa may batok ng binata.
" Gutom na talaga ako!"
" Gutom na ang bulate mo?" pabirong tanong ni Yasmin.
" Gutom na pero mas gutom yata ang baby ko!"
Napaluhod si Arthur at humarap sa may tiyan ni Yasmin. Hinawakan niya ang bewamg ng dalaga at nagtanong, " Gutom ka na ba baby?"
Napangiti si Yasmin habang pinagmamasdan si Arthur na kinakausap ang baby nila.
" Gutom ka na siguro.. Huwag kang mag-alala, kakain na tayo."
" Sige na kumain na tayo!" sagot ni Yasmin.
Tumayo si Arthur at pumunta na sila sa mesa nila na inihanda ni Yasmin.
-------
Nakayakap si Yasmin kay Arthur habang nakahiga sila sa kama. Malalim na ang gabi pero gising pa si Arthur. Si Yasmin naman ay nakapikit na ang mga mata habang nakayakap sa binata.
" Yasmin, bukas may pupuntahan tayo.."
" hmmmm" nakapikit itong sumagot. Tulog na yata siya.
He touches her cheeks while sleeping.
" Hindi na kita pakakawalan pa!"
Mahimbing na natutulog si Yasmin ng naisipanni Arthur na bumangon. Kinuha niya ang cellphone nito at dianial siyang numbero. May tinatawagan si Arthur sa mga oras na iyon.
" Hello,.tita?" bati ni Arthur sa kabilang linya.
" Napatawag ka.." sagot ni Tita Nancy.
" Gusto ko sanang bumawi sa nangyari noon. Gusto kong makausap kayo pati si Lolo."
" Tungkol ba ito sa girlfriend mo?"
"Ganoon na nga!"
"Gusto kong makilala ninyo siya..."
"Sa ngayon ay ayaw kang kausapin ng lolo mo. Alam mo naman ang lolo mo na ang tigas nito. Hindi mo maaring pagsabihan. Ang masusunod lang ay siya lang."
"Pero kailangan ninyo siyang makilala!"
Sa kabilang linya ay narinig ni Lolo na may kausap si Tita Nancy sa cellphone.
" Si Arthur ba iyan?" striktong tono ng boses ng matanda.
"Opo.."
"Sabihin mo sa kanya na huwag siyang tatawag kapag wala siyang magandang balita!"
"Ayaw ba niya talaga kahit may maganda akong balita?" tanong ni Arthur.
"Bigyan mo nalang ng panahon ang lolo mo na mapawi ang pagtatampo niya." paliwanag ni Tita Nancy.
"Sige, kung iyan ang gusto niya!" sagot ni Arthur na nagmamatigas na rin.
Nagising si Yasmin dahil sa medyo napalakas ang boses ni Arthur.
"Sino ba ang kausap mo? Ang lolo mo ba?"
Napalingon si Arthur sa dalaga na nakaupo sa kama.
"Sinabi mo ba?" napahawak sa tiyan si Yasmin habang napatanong ito.
" Hindi... Hindi pa."
----------
Kinabukasan, masinsinang nag-usap sina Leo at Arthur sa library.
"Handa na ba ang lahat?" seryosong tanong ni Arthur na may halong kaba.
" Handa na ang lahat sir. Kayo nalang ang kulang!" sagot ni Leo na nakangiti.
Ipinaghanda ni Yasmin sina Leo at Arthur ng merienda kaya papunta siya sa library. Dala dala ng dalaga ang tray na may dalawang sandwich at juice. Nakangiti itong naglalakad patungo sa library. Sa kalayuan ay nakita na niya na bukas ang pinto.
" Mabuti naman!"
" Huwag po kayong kabahan sir," payo ni Leo.
"Haist.."
Pumasok agad si Yasmin sa library na hindi na kumatok dahil na rin sa dalang tray.
" Mas kinakabahan yata ako.." wika ni Arthur.
"Anong kinakabahan?" tanong ni Yasmin na nakatayo sa may pinto.
Napalingon ang dalawang binata at nagulat na naroon ang dalaga.
" Wala.." sagot ni Arthur at lumapit ito sa dalaga. Inilagay naman ni Yasmin ang pagkain sa mesa.
" Anong wala? Ano pala ang pinag-uusapan ninyo?"
Iwas tingin si Leo at hindi na nagsalita. Agad nilalambing ni Arthur si Yasmin at iniiba ang topic.
" Ang sarap yata ng inihanda mong merienda.." napalapit si Arthur sa mesa kung saan naroon si Yasmin at ang inihandang pagkain.
" Arthur, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko?"nagsisimula ng magtampo si Yasmin. Umiiba na naman ang timpla ng mood ng dalaga.
Sumagot si Arthur, " tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan namin ni Leo."
Napatingin si Leo sa kanila pati si Yasmin ka Leo.
" Tama po Miss, " sapilitang ngumiti si Leo sa dalawa.
"See.."
Nakataas kilay na tumingin si Yasmin kay Leo. Mukhang walang tiwala si Yasmin sa secretary ni Arthur.
" Hindi ako naniniwala!" matapang na sinabi ni Yasmin.
" Yasmin naman.. "
Humarap si Yasmin kay Arthur na nakataas noo.
" May nililihim kayo! Ayaw niyo lang sabihin!"
" Yasmin.."
Dahan dahang umalis si Leo sa library para makapag-usap ang dalawa.
" Patay si Sir!" pabulong na pagkausap ni Leo sa sarili.
Nakaalis na si Leo sa library pero nanatili ito sa labas lamang. Naghihintay sa susunod na mangyayari.
"Tsk tsk.."
Nilalambing at niyakap ni Arthur ang dalaga.
"Hindi ko magagawa na maglihim sa iyo. Importanteng mga bagay ang aming pinag-usapan sa trabaho."
" Bakit ayaw mong sabihin nang direkta... Nakakainis ka. Feel ko may nililihim ka!"
Arthur's mind
"Yasmin, sorry.. hindi ko pwedeng sabihin ang binabalak kong pagpropose sa iyo. Kung sasabihin ko, wala ng excitement. Magtampo ka man ngayon, para rin ito sa iyo. Patawad..hintay hintay lamang. Huwag ka namang gaanong magalit sa akin!"
" Nakakainis ka!" sigaw ni Yasmin sa harapan ni Arthur.
"Naiinis ka? Sige, sigawan mo pa ako. Kahit anong gawin mo, okay lang sa akin. Kung iyan lang ang makakapagaan sa loob mo.."
" Haist!"
Hinawakan ni Arthur ang kanng kamay ni Yasmin at pinaharpa sa mukha nito.
" Kung gusto mo akong sampalin, sampalin mo ako. Okay lang basta para sa iyo!"
Biglang tumunog ang cellphone ni Arthur. Nag-ring ito.
Napalingon silang dalawa sa cellphone nasa study table.
" Sino ang tumatawag?" tanong ni Yasmin.
" Hindi ko alam.."
Binalewala ni Arthur ang tawag.
" Bakit ayaw mong sagutin?"
" Makapaghihintay naman iyan.."
Mas niyakap niya si Yasmin at inaamoy amoy pa ang buhok ng dalaga.
Medyo pumiglas si Yasmin at napakawalan siya ni Arthur. Pinuntahan ng dalaga ang cellphone at sinagot ang tawag.
Pinanood ni Arthur ang dalaga na hawak ang cellphone. Hindi rin alam ni Arthur kung sino ang tumawag.
Unregistered number
" Hello?" bati ni Yasmin.
"Hello.." bati rin sa kabilang linya. Nanlaki ang mata ni Yasmin ng marinig niya ang isang boses ng babae.
" Sir Arthur?" wika ng babae.
Hindi na nagsalita si Yasmin. Bigla siyang nakaramdam ng takot at pangamba.
Agad niyang ini-off ang cellphone para maputol ang linya.
"Sino ang tumawag?" tanong ni Arthur.
"Hindi ko alam!" pasigaw niyang sagot. Ibinigay niya agad kay Arthur ang cellphone.
" Off?"
"Lowbat!" sabi ni Yasmin.
Paalis na sana si Yasmin ng pigilan siya ni Arthur.
"Teka lang, saan ka pupunta?"
"Pupuntahan ko si Mia," sagot ni Yasmin.
"Sasamahan na kita."
"Huwag na! Siguradong busy ka sa trabaho mo di ba?!"
"Huh?
"Samahan mo na lang si Leo at kayo ang magsama!"
Iniwan ni Yasmin si Arthur sa library.
Yasmin's pov
May tumawag kay Arthur na isang babae. Ako ang sumagot. Ang boses niya ay pamilyar sa akin... Familiar ang boses ng babaeng tumawag. Bakit hindi ko sinabi kay Arthur ang tungkol sa tawag? Sino kaya iyon? Bakit ako kinabahan ng marinig ko ang boses nito?
-----
Nakasalubong ang kilay ni Marga ng tingnan ang cellphone nito. Naiinis siya ng pinutol ang linya ng tawag niya.
Nagtataka rin siya sa narinig na boses ng babae.
" Boses ba ng babae iyon?"
Napasandal lalo siya sa upuan niya sa kanyang opisina. Kinakagat niya ang kanyang kuko habang nag-iisip.
"Sino kaya iyon?"
Pumasok ang ka-workmate ni Marga sa opisina niya. Napansin niya ang kakaibang facial expression nito.
"Anong problema Marga?" tanong ni Reina.
"Wala naman," nakangiti nitong sagot.
"So ano na? Natawagan mo na ba si Sir?"
Lumapit si Reina sa may mesa ni Marga at umupo sa upuan sa may harapan nito.
" Yes!"
"Then?"
"I talked to him..."
"Wow! So.. ano na ang next level ninyo?" excited na tanong nito.
"Secret muna kung ano ang pinag-usapan namin. Basta ang masasabi ko lang ay He's mine. Malapit na."
"Ang swerte mo naman Ms. Marga at si boss pa ang magiging partner mo. Kakainggit!"
Nakangiti si Marga na sumagot kay Reina, " Mainggit lang kayo,.. talagang patay na patay siya sa akin." Pagmamayabang nito.
Sa labas ng opisina ni Marga ay naroon si Odette at nakikinig sa usapan nila. Nakakunot noo itong nakikinig sa dalawa. Nagtatawanan sila Marga sa loob.
"Don't worry Reina, hindi kita kakalimutan kapag ako na ang madam sa kompanya."
"Talaga? Thank you!"
Seryosong seryoso si Odette at hindi nagustuhan ang sinabi ni Marga. May binabalak pala si Marga. Ano kaya?
"Hindi ko hahayaang mangyari iyan, Marga!"
--------
Binisita ni Fara si Xian sa Home for the blind. Nakaupo si Xian sa kanyang wheelchair na nasa veranda. Pinapakinggan nalamang niya ang mga huni ng ibon sa paligid at ang musika ng hangin. Nakadilat ang kanyang mata at mukhang napakalayo ng tingin pero sa kasamaang palad ay hindi pa rin siya nakakakita. Simula ng naaksidente siya ay ayaw niyang magpagamot. Kailangan rin niya ng donor pero kahit meron man ay tinatanggihan niya. Nawalan siya ng ganang makita ulit ang mundong ginagalawan. Para sa kanya ay parusa na ang lahat ng ito dahil sa kanyang ginawa. Karma!
Knockin!
Pumasok si Fara sa loob ng kwarto ni Xian na may dalang mga prutas.
"kuya!"
Alam ni Xian na dumating si Fara. Mas matalim na ang pakiramdam ni Xian sa mga bagay na nasa paligid.
"Fara, napadalaw ka.."
"Syempre naman kuya, na miss na kita."
Inilabas ni Fara ang mga prutas sa basket at inilagay sa may tray na nasa mesa.
Napalitan ng lungkot ang mukha ni Fara habang pinagmamasdan niya ang kanyang kuya. Naaawa siya sa nangyari rito na alam niyang hindi naman noya ginusto.
"Kuya.." sambit ni Fara na napapaluha na.
Napatigil at nakiramdam si Xian sa paligid at tinanong si Fara, " Fara, umiiyak ka ba?"
"Huh?" nagulat siya sa tanong ng binata. Napapunas siya ng sipon nito.
"Hindi po kuya.."
"Ganoon ba. Teka, ano naman ba ang dinala mong mga prutas? May mangga ka ba?"
" Meron po!"
Dali daling kinuha ni Fara at pumunta sa banyo para hugasan ito.
"Huhugasan ko muna.."
Naaalala ni Xian ang pagtatampo ni Yasmin noon. Naaalala niya pa ang mukha ng dalaga habang nakasimangot at wala sa mood. Iyon ang mga araw na naglilihi ito sa kanilang anak. Napapangiti si Xian habang inaalala niya ang mga panahon na magkasama sila ni Yasmin. Tanda pa niya ang itsura ni Yasmin na nakaukit sa kanyang isipan.
Hindi man niya nasisilayan ang liwanag, pero alam pa rin niya kung gaano ito kaganda.
Bumalik na si Fara sa kwarto dala ang nahugasang mangga. Hawak-hawak niya ito noong tumigil siya malapit sa binata. Pinagmasdan niya si Xian.
" Kuya, nakita ko pala si Ate Marga.."
Naiba bigla ang expression ng mukha ng binata.
" Anong ginawa sa iyo? May ginawa ba siya?" galit na tanong ni Xian. Halatang nag-aalala sa pinsan.
"Wala naman. Tiningnan lang niya ako na parang hindi kami magkakilala," sagot ni Fara.
" Hayaan mo na lang siya.."
" Talaga bang hiwalay na kayo?" bakas sa mukha ni Fara ang paghihinayang. Hindi siya naghihinayang na nagkahiwalay sila ni Marga at ang kuya niya kundi ang pagkakataon na sanay si Yasmin nalang ang nakatuluyan ng kuya niya kung ganito nalang ang mangyayari at iiwan lang siya ni Marga.
"Oo, wala na kami. Malaya na siya at malaya na ako.."
Agad nilapitan ni Fara si Xian. Napaluhod ang dalaga habang kinakausap si Xian.
"Kuya, bakit hindi mo hanapin si ate Yasmin?"
" Paano ko siya hahanapin kung hindi ako nakakakita!!"
Natahimik saglit si Fara.
"Edi, ipahanap natin siya kuya. Baka may alam ang mga kaibigan niya. I search rin natin sa social media, sa facebook..baka may makapagturo sa atin, diba?"
Binibigyan ng pag-asa ni Fara ang kuya Xian niya.
"Ano kaya ang reaksyon ni Yasmin kapag nakita niya ako na ganito? Pagtatawanan kaya niya ako? isusumbat niya kaya lahat o kaya pagtatabuyan katulad ni Marga dahil sa kapansanan ko?"
"Siguradong hindi magagawa ni Ate Yasmin yan. Mahal ka non!!"
"Pero sinaktan ko siya, iniwan.. ipinagpalit."
"May dahilan ka naman kung bakit mo iyon ginawa. Nagsakripisyo ka at nasaktan rin. Kaya maiintindihan ka niya!"
"Pero paano kung hindi! Paano kung kinasusuklaman niya ako. Mapapatawad kaya niya ako."
Napaluha si Fara habang pinagmamasdan si Xian.
"Kaya kuya, kailangan mong magpaopera. Pumayag ka na kapag may bagong donor. Kailangan mong itama ang mga bagay na nawala."
Nanahimik si Xian na parang may malalim na iniisip.
Xian's pov
Namiss ko na si Yasmin. Namiss ko na titigan ang kanyang mukha. Gusto kong masilayan ang kislap ng kanyang mga mata, ang tangos ng ilong, at ang mapupulang labi. Gusto ko siyang makita. Pero paano kung ganito ako? Makikita ko pa ba siya? Maibabalik pa ba ang mga nasira? Mapapatawad ba niya ako?
Yasmin, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Patawarin mo ako kung naging duwag ako. Patawad kung iniwan kita sa oras na kailangan mo ako. May dahilan ako kung bakit ko iyon ginawa. Alam kong galit ka at isumbat mo lahat sa akin, tatanggapin ko iyon basta makaharap lang kita. Pinagsisihan ko ang mga nangyari sa nakaraan at handa akong pagbayaran iyon. Karma na ang nangyayari sa akin. Heto na ang parusa, ang parusang hindi kita makita at makasama. Hanggang kailan ito? Kailan ko pa ba makikita ang iyong mukha? Kailan ko pa ba mahahawakan ang iyong kamay at matapang na ipagsigawan na ikaw lang ang mahal ko? Kailan ba kita mayayakap na hindi nagtatago? Kailan ba ako mawawala sa anino ng dilim?
----
Nasa isang restaurant sina Mia at Yasmin. Nag-uusap sila roon. Nag-order ng marami si Yasmin na halos mapuno ang mesa habang si Mia naman ay coffee lamang. Pinagmasdan at pinakinggan lamang ni Mia si Yasmin habang nagsasalita. Hindi maiwasang magsalita ni Yasmin habang sumusubo ng pagkain. Inilalabas lang niya ang inis.
"Nakakasar!"
"Bakit naman, nagtatalo na naman kayo ni sir Arthur?"
"Eh kasi, mukhang may sinesekreto sina Arthur at Leo!" wika ni Yasmin habang ngumunguya.
"Ano naman?"
"Hindi ko nga alam.."
"Ahh"
Napatingin na napakaseryoso ni Yasmin at tinanong si Mia, "Wala bang nabanggit si Leo sa iyo?" Nakataas kilay nitong humarap sa kaibigan.
"Huh, wala naman!"
"Siguradong may sekreto sila. Nararamdaman ko!"
Natawa si Mia sa mukha ni Yasmin na talagang nagtataka at di mapakali.
" Di ba sekreto, eh hindi talaga nila sasabihin sa iyo!" sermon ni Mia.
Napatigil si Yasmin at napatingin kay Mia.
"Pero.."
"Ano na naman?" napipikon na tanong ni Mia. Napatanong nalang siya sa sarili, "Ganito ba talaga kapag buntis. Nakakalito!"
"Baka kasi may iba siya.."
Nanlaki ang mata ni Mia ng marinig ang sinabi ni Yasmin. "Huh? Paano mo naman nasabi?"
"May tumawag kanina na babae. Tapos unregistered ang numero nito..."
"Tsk tsk.."
"Hindi kaya may iba pa siya..."
Yasmin's pov
Maraming pumapasok sa isip ko tungkol kay Arthur. Kung may iba ba siyang babae...Sino ang babae.. May kinalaman ba iyong babaeng tumawag.. sino iyon?
Haist! Nakakainis!
Teka teka.. nagseselos ba ako?
Alam kong maraming mga babae talaga si Arthur kahit noon pa.. kaya kapag ganoon pa rin ngayon, hindi na bago.
Haist! Nakakaasar!
Teka teka.. dapat pagkatiwalaan ko si Arthur. Nagbago na siya! Dapat siya ang pakikinggan ko.
Nagsalita si Mia.
"Hay naku, ang rami mong iniisip Yasmin. Mas mabuti pa, sumama ka sa akin. Magpakasaya tayo."
"Saan tayo pupunta?"
"Akong bahala sa iyo.."
Nakangiti si Mia ng sabihin niya ang mga bagay na iyon kay Yasmin. Nagtataka naman si Yasmin. May binabalak ba si Mia? Hmmm...
Abangan.
To be continued. Pls drop ur reaction in d comment below. Thnks