Napakaraming reporters at media sa labas ng hospital. Pinagkakaguluhan ang balitang na-hospital ang CEO dahil sa kidnapping na naganap. Hindi pinapasok ang mga media at sa labas na sila naghihintay sa makakalap na balita.
"We are infront of St. Dominic Hospital where the CEO of Royal Group confined. They said, there was a kidnapping happened awhile ago........"
Nanonood si Tita Nancy sa television nang lumabas ang balita na na-hospital ang pamangkin na si Arthur.
" tsk tsk tsk.." reaction ni Tita Nancy. Hindi nagustuhan ang balita.
" They said that a CEO was kidnapped and they asked for six million dollars for his freedom. They were not contented and they hurt the young man."
Hmm.. Naiba yata ang balita!
" Kailangan na talagang mag-ingat ni Arthur!" wika ni Tita Nancy.
" Maraming naglilipanang mga masasama!"
Pumasok ang matanda sa sala na gumagamit ng tungkod.
" Ano ba ang mga bagong balita ngayon?" tanong ng matanda.
Agad in-off ni Tita Nancy ang television. " Wala naman pong bago.."
Umupo na ang matanda sa couch. " Ahh, ganoon ba!"
Palihim na tinawagan ni Tita Nancy si Leo na patahimikin ang mga reporters. Kailangan walang lumabas na balita tungkol sa pagkakahospital ni Arthur. Hindi nila hahayaang makarating ang balita sa Pilipinas at maapektuhan ang kanilang negosyo at status.
" Leo, anong nangyari? Ano itong nabalitaan ko na nahospital si Arthur dahil na kidnap siya? Totoo ba?"
" Totoong na-hospital po siya pero hindi po siya ang kinidnap po. Iniligtas lang po niya ang girlfriend niya sa kamay ng kidnapper." paliwanag ni Leo.
Nagulat si Tita Nancy, " Girlfriend?"
" Opo madam!"
" Hay naku! Itong si Arthur talaga. Mukhang patay na patay siya sa babaeng iyan. Tapos, hindi nag-iisip na maaari siyang mapahamak!"
" Ganoon lang siguro magmahal si Sir, hahamakin ang lahat para sa minamahal."
" Haist! Basta Leo, kailangan mong patahimikin ang mga reporters. Gawan mo ng paraan para mawala ang balitang kumakalat!"
" yes maam!" Napatingin ang matanda.
" Sino ba ang kausap mo?"
Napalingon si Nancy kay lolo, " Wala po.."
-------
Naroon sa isang kwarto si Arthur at nakahiga sa kama. Magkaiba ng kwarto sina Yasmin at Arthur. Isa itong private room. Magkatabi lamang ang kanilang mga kwarto. Naroon sa loob ng kwarto si Leo at may dalawabg bodyguard sa loob na nakatayo at dalawa pa sa labas ng kwarto nito. Nagising si Arthur at naramdaman ang sakit sa pangangatawan. May dextrose siya sa kanyang kamay. May mga bandage rin siya at ang mukha ay may mga band-aid. Dahang-dahang napadilat ng mata si Arthur at hinanap agad ang kanyang mag-ina.
" Na-nasaan ako? Nasaan si Yasmin?" pautal na tanong ni Arthur.
Sinagot siya ni Leo, " Nasa hospital po kayo boss."
" Huh?"
Biglang bumangon at napaupo si Arthur sa kama nito at pumalibot ang mga mata sa buong kwarto. Hindi niya inantana ang sakit ng katawan niya. Hinahanap pala niya si Yasmin.
" Nasa kabilang kwarto po."
" Si Yasmin, nasaan?" bakas sa mukha ng binata ang pag-aalala. Nang nalaman na nasa kabilang kwarto ay agad nagmadali itong pinagtatanggal ang mga nakatusok sa kanya kagaya ng dextrose. Nabigla sina Leo at pinigilan ang pinaggagawa ni Arthur.
" Sir! Teka lang po!"
" Gusto kong makita si Yasmin!" wika ng binata na marahas na hinablot ang mga karayom sa kamay.
" Sir naman!" Nang malaya na ito, tumayo na siya sa kanyang kinahihigaan. Pagiwang giwang man ang paglakad pero pinilit niya pa rin. Nanghihina man ang buong katawan pero sa kagustuhan niyang makita si Yasmin ay nakatayo ito.
" Yasmin!"
Pinigilan ng mga bodyguard at aalalayan na sana nila pero hindi nagpapigil ang binata.
" Tumabi kayo ryan!" sigaw nito. Nakalabas siya ng kwarto nito.
----------
Nakaupo sa kama si Yasmin kasama niya si Mia na naroon sa gilid ng kama ng dalaga. Hinahaplos-haplos ni Yasmin ang tummy nito.
" Mabuti naman at ligtas kayo!" masayang sabi ni Mia. Yasmin nodded. Hanggang, binuksan ni Arthur ang pinto ng kwarto ni Yasmin nang pabigla. Medyo napalakas niya ang pagtulak na nagpagulat sa dalawa.
" Yasmin!"
Napalingon ang dalawang dalaga.
" Arthur.." sambit ni Yasmin.
Nagkatitigan ang dalawa at napangiti. Dahan- dahan ng pinuntahan ni Arthur si Yasmin kahit mahina pa ito. Tumayo si Mia at pumunta sa gilid para bigyan ng lugar si Arthur para mapalapit sa dalaga. Napaiyak si Yasmin habang pinagmamasdan ang binata na maraming band-aid at bandage.
" Arthur.."
Napaluhod si Arthur malapit kay Yasmin at hinawakan ang kamay ng dalaga.
" Salamat ligtas ka!"
Hinahalikan ni Arthur ang kamay ni Yasmin at niraramdam ang init ng kamay nito. Lumabas na si Mia para maiwan nalamang ang dalawa sa loob. Sa paglabas niya ay naroon sa labas si Leo. Hindi na ito tumuloy sa loob para sundan ang boss. Alam niyang kailangan nila ng oras na magkasama.
" Nandito ka pala.." wika ni Mia ng makita si Leo sa harap ng pintuan.
Mukhang nagkakahiyaan sila.
--------
" Kumusta ang baby?" Tanong ni Arthur. Nahihiyang magtanong si Arthur tungkol sa bata. Gusto niyang marinig mula kay Yasmin na totoo na siya ay buntis at siya ang ama. But still he is so concern. Yasmin smiled na ibig sabihin ay okay ang baby.
" Masaya ako at ligtas ka na at ang baby mo.."
" Baby natin." Nakangiting sabi ni Yasmin and she touches Arthur's cheeks.
Tumulo bigla ang luha ni Arthur.
" Magiging daddy na ako?"
" Yes!" masaya nitong pinaalam.
Hindi talaga makapaniwala ni Arthur. Napakasaya nito na ang ngiti niya'y abot tenga. Mas hinahalikan niya ang kamay ni Yasmin. Mas napapangiti ang dalaga habang pinagmamasdan si Arthur.
" Salamat. You save us!"
Nagkasalubong ang kanilang mga tingin sa isa't isa.
"As I promised, I will protect you both!" At hindi napigilan at hinalikan ni Arthur ang mga labi ng dalaga. Mas lumapit siya sa dalaga na nakaupo sa kama. Nagkadikit ang kanilang mga labi sa isa't isa. Mariing naghahalikan ang dalawa na bakas ang kasabikan.
" I love you!" bulong ni Arthur ng nagkahiwalay ang mga labi nito.
Pero nagpatuloy ang kanilang maiinit na halik sa isa't isa. Napapakapit nalang sa may batok ni Arthur ang dalaga. Niraramdam nila ang bawat halik.
" Arthur.."
Kumatok ang doctor sa pinto at pumasok ito. Nakita niyang naghahalikan ang dalawa kaya napatigil ito sa may pinto.
" Ehem!" napaubo ito. Napatigil ang dalawa at napalingon. Nakita nila ang doctor kaya medyo naging nakakailang at nahihiya sila.
" May bisita ka pala Miss Yasmin.. Mukhang magaling ka na sir!"
Lumapit ang doctor sa kanila. Napaupo naman si Arthur sa kama ni Yasmin. Magkalapit silang dalawa at magkahawak ng kamay.
" Congratulations. okay si Baby! You are 3 weeks pregnant."
Masayang masaya ang dalawa. Nagkatinginan sina Yasmin at Arthur. Hindi na yata maalis sa paningin ni Arthur si Yasmin.
" Huwag lang gaanong magpapastress! Iwasan ang mga bagay na magpapastress sa iyo!"
" Yes doc!"
Napasandal si Yasmin sa balikat ni Arthur. Mas hinawakan ni Arthur ang kamay ni Yasmin.
Nakalabas na rin sa hospital ang magkasintahang Yasmin at Arthur. Kahit na masakit ang pangangatawan ng binata ay minabuti na niyang magpahinga at magpagaling sa bahay. Nakauwi na sila sa mansion ni Arthur kasama si Yasmin. Isinama na talaga niya ang binata sa kanila at hindi na siya papayag na may mangyaring masama sa mag-ina niya.
Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Yasmin habang papunta sa loob ng bahay. Kahit nahihirapang maglakad at masakit ang katawan ay hindi niya ito pinahalata sa iba.
" Okay ka lang ba?" tanong ni Yasmin. Tinulungan niya at inalalayan ang binata.
" Okay lang ako."
Binati sila ng mga katulong pagpasok ng bahay.
"Magandang hapon po!"
Napatingin si Yasmin sa dalawang katulong na minsang nakasama niya.
Nakasunod rin sa dalawa ang mga bodyguard pati si Leo.
"Ihanda ninyo ang guest room para kay Miss Yasmin," utos ni Leo sa katulong.
Nagsalita si Arthur, " Huwag na! Sa kwarto ko siya matutulog!"
Nagkatinginan sina Fritz at Mrs. Chona sa isa't isa. Bakas sa mukha ang pagtataka.
" Yes sir!" sagot ni Leo at yumuko ito.
Nagulat rin si Yasmin na medyo nahihiya sa sinabi ni Arthur sa harap ng iba,
"Arthur!" palihim na reaction ng dalaga.
Umalis na rin ang dalawang katulong at ang mga bodyguard. Natawa si Leo sa reaction ni Yasmin.
" Anong masama roon?"
Napasulyap ang binata sa tiyan ng dalaga. " Eh, mommy ka ng magiging baby ko."
" Haist!"
Napangiti si Arthur habang nakasimangot si Yasmin.
----------
Tinulungan ni Yasmin na kumain si Arthur sa kwarto. Pagkatapos ay dahang dahang pinaupo na ito sa kama.
" Huwag kang magpapastress Yasmin!"
" Okay lang ako," sagot ng dalaga.
Nilinis ni Yasmin ang mesa na pinagkainan nila.
" Ipagawa mo na iyan sa katulong," sabi ni Arthur.
"Kaya ko naman ito. Maliit na bagay lang 'to!"
" Ikaw bahala."
Napapikit ng mata si Arthur habang nakaupo at nakasandal sa unan. Lumabas muna si Yasmin ng kwarto dala ang mga pinagkainan nilang dalawa.
Pagkatapos ng sampung minuto ay bumalik na ito sa kwarto.
Napatigil si Yasmin sa may pinto ng makita niyang mahimbing na natutulog ang binata. Napangiti ang dalaga habang tinititigan si Arthur.
Yasmin's pov
"Sa una ay hindi na maganda ang pagkikita natin. Naaalala ko ang mga malagkit mong titig sa akin at ang pagbigay mo ng inuming may pampatulog. Kaya nasusuklam ako sa iyo dahil sa pagiging mapusok sa mga babae. Ang pangahas mong mga halik na nag-udyok sa akin na sampalin ka. Pero habang tumatagal ay naiba ang Arthur na nakilala ko noong una. Napakasweet, maaalalahanin, mapagmahal at matapang. Gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang kanyang minamahal. Handa siyang isakripisyo ang lahat."
Hinihimas ni Yasmin ang tiyan nito habang nakatingin sa binata na nasa kama.
"Salamat Arthur sa lahat. I felt secure kapag kasama kita. Nawawala ang lahat ng pangamba ko kapag kasama ka. Salamat sa pagmamahal mo na binibigay mo. I am happy to know you better."
Lumapit si Yasmin kay Arthur at humiga ito katabi ng binata. Niyakap niya si Arthur and feel his chest. Napangiti si Yasmin at ipinikit na ang kanyang mga mata.
" Im happy to be with you!" bulong ni Yasmin.
Naalimpungatan si Arthur. Napalibot ang kanyang mga tingin sa buong kwarto at nakita si Yasmin na yakap siya nito.
" Yasmin?"
Nakangiti ang dalaga na natutulog habang yakap si Arthur.
Hindi maiwasang hindi titigan ni Arthur ang dalaga. He touches her cheeks with his hand while staring at her. Natutuwa ito na makita ang dalaga na masaya.
Nagising si Yasmin at nabigla ng malaman na gising na si Arthur.
"Arthur? Nagising ba kita?"
" Hindi naman. Ang sarap nga ng yakapsule mo!"
" Bolero!"
Hanggang biglang hinalikan ni Yasmin ang mga labi ni Arthur na nagpagulat sa binata. Namilog ang mga mata ni Arthur sa biglaang ginawa ni Yasmin. Hindi niya inaasahan ang gagawin. Nagdikit ang mga labi nila ng ilang segundo.
"Wow!" reaction ni Arthur na nakatitig sa dalaga.
"Kisspirin na naman!" wika ni Yasmin.
Mas napangiti si Arthur na abot na yata sa tenga nito. " Parang gusto ko iyan ah. Siguradong gagaling ako agad."
" Talaga?"
Mas lumapit ang binata sa dalaga. Mas napahiga si Yasmin sa kama at umibabaw si Arthur sa kanya.
" Teka, anong binabalak mo?" tanong ni Yasmin na namumula na ang mukha at nakatitig kay Arthur.
" Ibigay mo na kaya.."
" Ang alin?"
" Ang biogesex!"
" Huh?"
" Mas tatalab agad!" At hinalikan niya si Yasmin sa labi patungo sa leeg nito.
" Teka teka teka.." reaction ni Yasmin.
" Mas gusto ko ang pangatlo!" sambit ni Arthur.
" Akala ko ba masakit katawan mo!?"
"Bahala na!"
Hinalikan niya ulit ang dalaga. Mariing naghahalikan ang dalawa na nasa ibabaw si Arthur.
Tinakpan nila ang kanilang mga sarili ng kumot habang ginagawa ang malamilagrong pangyayari.
Gumagalaw ang kumot kung saan nasa loob ang dalawa pati ang kama. Kung ano man ang ginagawa nila ay nasa kanila iyon.
Tahimik ang gabi pero may kunting ungol ang iyong maririnig.
"Uhh--"
Nagtatalik silang dalawa sa ilalim ng kumot. Hindi iniinda ng binata ang sakit ng katawan para lang matikman ang gamot na bioges*x. Para sa kanya ay mas lalakas at madaling gagaling siya kapag iyon ang gamot nito. Pinagbigyan ni Yasmin ang binata at ginawa nila ito sa ilalim ng kanilang kumot. Mukhang hindi napapagod si Arthur sa kanyang ginagawa na halatang nasasabik sa bawat ungol ng dalaga.
" uhhh---"
-----------
Natapos ang magdamag na milagro sa kama ng dalawa. Mahimbing na natutulog na magkayap ang magkasintahan. Hindi halata na nanggaling sa isang gyera ang binata at bubog pa ang katawan nito.
Maaliwalas ang kanilang mga mukha kasabay ang umagang kay ganda.
Lumipas ang mga araw at tuluyan ng gumaling si Art.
Hindi pa rin tumigil ang pagiging volunteer ni Yasmin sa foundation kahit umalis na roon ang kaibigan nitong si Kara.
Masayang nakikipaglaro si Yasmin sa mga bata. Kahit buntis ito ay napakasexy pa rin at hindi halata. Walang nakakaalam sa foundation na buntis ang dalaga.
Pinapanood nila Mrs. Agatha at Ms. Holley si Yasmin habang nagkukulitan sa mga bata.
" Masaya ako na nakikita siyang masaya.."
" Ang ganda ni Yasmin. Isang simpleng babae na may magandang puso. Sigurado, maraming magkakagusto sa kanya.."
" Sana makahanap na siya ng tunay at totoong pag-ibig. Iyong hindi siya paiiyakin at sasaktan. Hindi siya iiwan kahit ano mang mangyari."
" Talagang maswerte ang mapapangasawa niya."
" Sana biyayaan na naman siya ng baby."
" Oo nga. Naawa nga ako nong nalaman ko na nakunan pala siya noon.."
" kaya ganoon lang kalapit siya sa mga bata. Nakikita niya sa kanila ang baby niya.."
Pinagmasdan nila si Yasmin at mga bata sa may puno.
Hanggang lumapit si Ms. Kelly sa dalawa.
" Madam, may mga dumating po. May dala po silang mga kahon ng mga libro at iba pa."
" Donation?"
" Yes madam!"
Pinuntahan nila agad sa may lobby ang mga taong sinasabing nagdala ng mga kahon.
" Sino kaya iyon?"
Napalingon si Yasmin kina madam na pumasok sa loob ng gusali. Nagtataka man siya pero pinagpatuloy niya ang kulitan nila ng mga bata.
----------
Nagulat sila Mrs.Agatha sa mga kahon na puno ng libro at school supplies.
" Ang rami nito!" reaction ni Ms. Holley.
Lumapit ang isang binata sa kanila.
" Goodmorning po madam!" bati ng binata.
" Good morning!" bati ni Mrs. Agatha. " Napakarami naman nito?"
Silang lahat ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita.
" By the way madam.."
" Mrs. Agatha," sambit ni Madam Agatha.
" Mrs. Agatha.. Ako nga po pala si Leo, ang secretary ni Sir Arthur na CEO at president ng Royal groups and companies.."
Namangha ang tatlo habang nagsasalita si Leo.
Nagbubulungan sina Ms. Kelly at Ms. Holley, " Ang yaman niya!"
" Gwapo kaya siya?"
" Siguradong gwapo siya!"
" May asawa na ba siya o girlfriend kaya?"
Natawa si Leo habang naririnig ang bulungan ng dalawang single.
"Pst! Tumigil nga kayo. Nakakahiya!" sermon ni Madam.
Nagpatuloy ang pagsasalita ni Leo. " By the way narito kami para magdonate ng mga school supplies, gamit, damit at iba pa. Kasama ko rin ang engineer at contractor para sa gagawing renovation sa inyong gusali. Napansin namin na medyo luma na ito at mas mabuti ng mapaayos ito."
" huh? Really?"
Natuwa sila sa kanilang narinig. Ito ang talagang gusto nila na mapaayos ang gusali. Dahil sa kapos sa budget ay nagtitiis sila sa luma.
" Ang galing naman!" napalakpak si Ms. Holley dahil sa tuwa.
" totoo na ito sir?" tanong ni Ms. Kelly.
" Totoo po ito. Utos po iyon ng boss ko!"
" Gusto naming makilala ang boss mo!" sabi ni Ms. Kelly na talagang excited.
" Maaari ba naming makilala ang iyong boss at para mapasalamatan namin siya," wika ni Mrs. Agatha.
Napalingon si Leo at iyon rin ang pagpasok ni Arthur. Nakasuot ito ng blue suit with white na under. Napakaformal nito at napakakisig. Nakasuot rin siya ng sunglasses ng pagpasok sa gusali.
Napatulala ang mga single na babae.
" Ang gwapo!"
Tinanggal ni Arthur ang kanyang suot na sunglasses. Napapalingon-lingon siya sa paligid na mukhang may hinahanap.
Lumapit siya kay Leo na kasama ang may-ari at kasamahan nito.
" Kumusta Leo, sinabihan mo na ba sila sa mga idodonate natin at gagawin?" tanong ni Arthur na panay lingon.
" Yes sir!" sagot ni Leo.
" Ikaw pala si Sir Arthur na tinutukoy niya. Salamat po at naisipan ninyong magdonate rito. Napakabait ninyo." Mrs. Agatha was so grateful.
" Oo nga, ang laki ng puso mo sir! Gwapo na, mabait pa." sabi ni Ms. Holley na nakatitig sa binata.
Tinanong ng diretso ni Ms. Kelly si Arthur about his personal life," Sir, may asawa na ba kayo o girlfriend man lang?"
Nagulat sila sa tanong ni Ms. Kelly na napakatapang.
Dumating si Yasmin para rin malaman kung ano ang kaguluhan sa may lobby.
" uhmm.."
Napalingon si Arthur at nakita si Yasmin na dahang dahan sa paglapit. Nagulat ang dalaga ng makita si Arthur roon.
" Arthur?"
Napalingon sila Mrs. Agatha at iba pa kay Yasmin na napatigil sa paglalakad.
" Kilala mo sila?" tanong ni Ms. Kelly.
Lumapit si Arthur kay Yasmin na nakangiti.
" Anong ginagawa mo rito?"
Nasa harapan na ni Yasmin si Arthur. Nakangiti itong nakatingin sa dalaga. Napansin ni Yasmin sina Mrs. Agatha na nakatingin sa kanila. Tuloy unti - unti na siyang nahihiya.
" Binibisita ko ang reyna ko!"
" huh?" namula ang mukha ni Yasmin.
Biglang hinablot ni Arthur ang kamay ni Yasmin. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga.
Iniharap niya si Yasmin sa kanilang lahat.
" By the way, Yasmin is my girlfriend!" he said it proudly.
Wow!!
------
Pinagtulungan nilang ilagay sa loob ng office ang mga kahon kahong mga gamit. Nagtulong-tulong silang kargahin ang mga kahon.
Tutulong na sana si Yasmin at kukuha na sana ng isang maliit na kahon ng biglang may pumigil rito. May humawak sa may pulso nito.
" hm?"napatingin siya sa kamay na nakahawak sa kanya. Pagkatapos ay napalingon si Yasmin.
" tsk tsk" reaction ni Arthur na nakasalubong ang kilay.
" Arthur? Bakit?"
Humarap si Yasmin sa napakaseryosong binata. Nagtataka si Yasmin sa facial expression nito.
" Bakit?" tanong ni Yasmin.
" Ano ka ba! Hindi mo pwedeng buhatin ang mabigat na bagay na iyan!" sermon ni Arthur. " Alam mo naman na buntis ka.."
" Pero kaya ko naman. Maliit lang naman iyan!"
" Kahit na!"
Mas lumapit si Arthur sa dalaga at hinawakan ang pisngi ito. Naka-pout lips naman si Yasmin habang nakatingin kay Arthur.
" Ayoko lang masaktan ka at mapagod."
" Pero gusto ko lang tumulong.."
" Huwag na matigas ang ulo. Kailangan mo rin alagaan ang sarili mo. Kaya na nila iyan at marami na sila. Sila na bahala."
Nakangiti si Arthur habang tinititigan ang dalaga na mukhang nagtatampo.
" Grabe naman, para ganoon lang.." pagtatampo ni Yasmin.
" Ayoko mapano kayo ni baby.." paglalambing ni Arthur. " Both of you are my treasures!"
Napangiti si Yasmin, " Sige na nga, basta ililibre mo ako ng shake!"
" huh?"
" Gusto ko ng shake!" nakangiti nitong sabi.
" Sige, utusan natin si Leo na bumili."
" Durian na shake tapos halo halo!"
" Durian?"
" Masarap iyon!"
Kumikinang ang mga mata ni Yasmin dala na rin sa excitement niya na kumain. Tinawag ni Arthur si Leo na busy sa pagkakarga ng mga kahon kasama ang mga bodyguards ni Arthur.
" Leo, halika nga rito!"
Napalingon si Leo ng tawagin siya ni Arthur. " Sir? yes sir!"
Agad inilapag niya ang kahon na dala at pinuntahan ang boss.
" sir, tinawag niyo po ba ako?"
" Oo, may iuutos lang ako."
" Ano naman po sir?"
Nakangiti na si Yasmin habang nakikinig sa dalawa.
" Gusto kasing kumain ng halo - halo ni Yasmin. Bumili ka nga ng halo - halo at shake! " utos ni Arthur.
" Okay sir!"
Nagsalita si Yasmin, " Durian shake at halo - halo!"
Napakamot ng ulo si Leo. Mukhang mahihirapan si Leo sa paghahanap ng durian shake.
" Durian po ba talaga?" napatanong si Leo. " Mango shake nalang kaya Ms. Yasmin, tapos halo-halo."
" Ai!!"
Humawak si Yasmin sa braso ni Arthur at sumandal ito. " Arthur, gusto ko ng durian shake.. " nagpapacute ang dalaga sa kasintahan.
" Gusto ni baby ng durian shake.. Kaya iyon ang ipabili mo kay Leo."
" Leo, narinig mo.."
" Okay sir.."
Walang magawa si Leo at sinunod ang gusto ng buntis. Masayang malaman ni Yasmin na maghahanap at bibili na si Leo.
Nakikinig naman sina Mrs. Agatha at ang dalawa.
" Buntis si Yasmin?" nagulat si Ms. Holey.
" Buntis yata, sabi nga nila." sagot ni Ms. Kelly. " At ang gwapong mayamang iyan ang ama..."
Natuwa naman si Mrs. Agatha ng malaman iyon. Masaya sila para kay Yasmin.
" Ang swerte niya.."
--------
Nakaupo si Yasmin sa isang bench na nasa playground. Minamasdan niya si Arthur na nakikipaglaro ng habulan sa anim na bata. Natutuwa siyang makita ang binata na masayang nagtatakbuhan kasama ang mga bata. Ang mga bata ay nasa apat hanggang anim na taon. Hinahabol niya sila pagkatapos ay kinakarga. Ang maliliit na bata ay ginagawa niyang eroplano o superman na paikot. Ang saya saya nilang lahat. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan.
Yasmin's pov
Ang ganda nilang tingnan at pagmasdan. Ang saya ni Arthur at ang mga bata. Nakakatuwa sila. Hindi ko pa siya nakita na ganyan kasaya. Siguro mas sasaya siya kapag ang anak na niya ang kalaro niya.
Hinihimas himas ko ang tiyan ko habang nanonood kay Arthur. Sinasabihan ko ang baby namin kung gaano kaalaga ang ama niya at kung gaano ka gwapo rin nito. Nakakatuwa siyang tingnan habang naglalaro sila ng mga bata. Ang isang matipunong lalaki na ubod ng yaman ay nakikipaghabulan sa mga batang walang magulang.
" Itaas niyo pa po ako tito!" utos ng bata na karga nya na parang si superman.
" heto na!" sambit ni Arthur na nakangiti.
Paikot ikot si Arthur karga ang bata habang ang iba ay nakapalibot sa kanya at naghihintay na sila na naman ang kargahin.
" Ako naman tito!"
" Gusto ko rin tito!"
Natutuwa ako kay Arthur. Nagbago na talaga siya. Sana tuloy tuloy na ang lahat. Sana ganito nalang parati. Sana ang inaasam - asam ko na perfect family ay mabuo na.
Napatigil si Arthur at napatingin sa akin. Nakangiti siya na nagpabilis ng pintig ng puso ko. Napatitig rin ako sa kanya. Kahit malayo man, napakalinaw sa akin ang kanyang mukha. Mas gumagwapo siya habang tumatagal. Napapangiti niya ako pati puso ko.
Hanggang dahan - dahang naglakad si Arthur patungo sa akin. Patungo siya sa akin?
Namumula na yata ang pisngi ko nito. Ang bilis ng pag t***k ng puso ko.
" Arthur..."
Natutunaw ako sa titig at ngiti niya. Kinakausap ko na tuloy ang sarili ko.
" Oh.. Arthur.. Bakit ka ganyan!? Parang magnet ang charm!"
Nang malapit na si Arthur ay.. Iyon ang oras na dumating na si Leo.
" Sir!"
Si Leo talaga, nakakasira ng eksena.
Napatigil kami at napalingon kay Leo.
--------
Lumapit si Leo na dala ang pinag-utos nila. " Wheew, ang hirap hanapin nag durian na shake pero sa wakas nakahanap rin."
" Mabuti naman at nakahanap ka!" wika ni Arthur. Mas lumapit si Arthur sa kinaroroonan ni Yasmin. Tumayo naman si Yasmin sa kinauupuan niya.
" Heto na po Miss!"
Iniabot ni Leo ang shake at ang halo-halo kay Yasmin.
Inamoy ng dalaga ang shake pero biglang umiba ang expression ng mukha nito.
" Hmmpp.. Ayoko ng amoy nito!" sabi ni Yasmin at ibinigay niya ang durian shake kay Arthur na katabi nito.
" Huh?" reaction ni Arthur.
Nabigla rin si Leo.
"Kainin mo na lang iyang halo-halo, " sabi ni Arthur.
" Hindi na ako gutom.."
" huh?"
Nagkatinginan ang dalawang binata sa isa't isa. Pareho silang nabigla.
" Akala ko ba gusto ni baby na kumain?" tanong ni Arthur.
Sumagot si Yasmin, " Ayoko na kasi!"
" Patay!" reaction ni Leo.
" Okay, ikaw ang masusunod."
Ngumiti si Yasmin at humawak sa braso ng kasintahan.
" Kainin mo nalang ang mga ito Leo," sabi ni Arthur.
" Sabi ko na nga ba..sigh!" buntong - hininga ni Leo.
Naglalambing si Yasmin kay Arthur ng paalis na sila ng foundation . Nakahawak ito sa bisig ng binata at nakasandal ang ulo sa kanya. Masaya naman si Arthur na makitang ganoon si Yasmin sa kanya.
" Arthur.."
" Hmm?"
Nasa harap na sila ng sasakyan nila at binuksan ang pinto ni Leo. Napatigil sila sa harapan ng pinto.
Nagtaka si Arthur ng tumigil ang dalaga tuloy napatingin ito kay Yasmin.
"May problema ba?" tanong ni Arthur.
" Gusto kong maglakad lakad muna." Bakas sa mukha na nagmamakaawa.
"Huh?" nagulat si Arthur. " Bakit?"
" Gusto ko lang.."
" Hmmm...sige."
Napangiti si Yasmin sa kagalakan.
" Saan tayo?"
" Gusto kong pumunta sa amusement park. Malapit lang naman." sabi ni Yasmin.
" Sige.."
Dahan dahang itinanggal ni Arthur ang pagkakahawak ni Yasmin sa bisig nito. Medyo nagulat si Yasmin pero hindi niya inaasahan ang susunod na gagawin ng binata.
Hinawakan ni Arthur ang kamay ng dalaga. Napatigil si Yasmin at napatitig sa kamay nila.
" Tara!" aya ni Arthur.
" hm?"
Ang lakas ng t***k ng puso ni Yasmin at di niya maiwasang mapatitig sa binata na kasama nya.
Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.
Magsisimula na sana sila sa paglalakad ng suminyas si Yasmin kay Arthur tungkol sa mga bodyguard at si Leo na sumusunod sa kanila.
" Susundan ba talaga nila tayo?"
" Bakit, ayaw mo ba?"
" Uhmm.. Kasi.."
Hindi masabi sabi ni Yasmin dahil nahihiya ito na gusto niya na sila lang at walang nakasunod. Gusto ni Yasmin na iwan sila para may privacy sila.
Nagets din agad ni Arthur at pina-stay sila Leo sa loob ng sasakyan na nakapark sa may foubdation.
" Huwag muna kayong sumunod.." seryosong utos ni Arthur sa kanila.
" Yes sir."
Nagsimula na silang maglakad habang nakahawak kamay. Hindi maalis ni Yasmin ang mga tingin sa mukha ng binata.
Yasmin's pov
Hawak ni Arthur ang kamay ko. Naglalakad kami habang hawak niya ang kamay ko. Ramdam ko ang init ng kamay niya.
" Arthur.."
Sana ganito nalang..
Walang tinatago..
Walang pangamba..
Walang kinatatakutan..
Magkahawak ang kamay sa harap ng iba.
Malaya..
Sana huwag mong bibitawan ang kamay ko.. Kung darating man ang araw na mapagod ka..