Nagulat si Andy sa dalawang tao na dumating. Pumasok ang tito niya at may kasama pa itong isang binatilyo na puro tattoo ang kanang braso. .
Itinago niya agad ang pera sa ibaba ng mesa pero nakita parin nila ito.
"Anong ginagawa ninyo rito?" nakakunot-noong tanong ni Andy sa tito nito.
Lumapit ang tito ni Andy sa kanya at biglang hinila ang buhok ng dalaga.
" Anong tinatago-tago mo sa ilalim? Akala mo ba hindi ko alam?" nagmumukhang demonyo ito na nakangisi.
" Aray!" pumipiglas si Andy sa kamay ng tito niya. " Bitawan mo ako!"
Ang isa nitong kasamang lalaki ay panay tingin sa mga paninda na nasa istante. Pumipili ito pagkatapos ay binubuksan niya ang mga chichiria at kinakain. Isa isa nitong tinitikman ang mga naka-display.
" Hmmm...masarap!"
Napansin ito ni Andy at sinermon ang lalaki," Hoy, bayaran mo ang lahat ng kinain mo!"
Natawa lang ito at binalewala.
Napahila ang tito sa buhok ni Andy at sinabing, " Ibigay mo lahat ng pera na nasa iyo!" utos niya na medyo malumanay pero nakangisi at natutuwa. .
" Ayoko! Manigas ka!" matapang na sagot niya.
" Matapang ka na!?" galit na wika ng tito ng dalaga..
Tinitigan niya ng nakasalubong ang kilay ang tito niya. Naiinis siyang makita ito.
"Ang sabi ko, ibigay mo lahat ng pera mo!" pasigaw nitong sabi.
Nanggigigil sa galit si Andy at matapang pa rin itong hinarap ang tito niya.
" Hindi ko ibibigay!"
Inilabas na ng tito ang dalang kutsilyo.
" Heto, gusto mo ba ito?"
Nagsimula ng kabahan si Andy at nanahimik nalang ito.
Lumabas na rin si Yasmin mula sa storage.
Laking gulat niyang makita na tinutukan ng patalim si Andy ng lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa kanila.
" Anong nangyayari rito?"
Napalingon sila lahat kay Yasmin na nakatayo malapit sa kanila.
Lumapit agad si Yasmin kay Andy na kasama ang tito niya.
"Bitawan mo siya!"
Sinubukang iligtas ni Yasmin si Andy sa kamay ng tito niya. Hinahawakan ng tito niya ang kamay ni Andy habang pilit naman ni Yasmin na pakawalan siya.
" Let her go!!"
" Haist!"
Nagsimula ng uminit ang ulo ng tito ni Andy at itinulak si Yasmin. Napatapon si Yasmin pero nasalo naman siya noong isang lalaki kaya napasandal na ito. Nahawakan tuloy ng lalaki ang mga kamay ni Yasmin.
"Let me go!"
Mas hinigpitan pa niya ang hawak.
Napatitig ang tito ni Andy kay Yasmin. Nakasalubong naman ang kilay ng dalaga habang nakatingin sa lalaking patungo siya.
" Teka teka.."
Unti-unti ng kinakabahan ang dalawang dalaga.
Palapit ng palapit ang tito hanggang nasa harapan na ito.
" Teka, ikaw iyong girlfriend ng lalaking iyon. Boyfriend mo ang mayamang lalaking iyon na nagpapulis sa akin noon!"
Yasmin's mind: " Si Arthur kaya ang tinutukoy nila?"
"Ikaw nga!" nakangising wika nito. He had a demonic smile that time.
Yasmin's mind: " May binabalak siya! Ano ang gagawin niya kay Arthur.?"
Hinawakan niya ang pisngi ni Yasmin ng mahigpit.
" Mapapakinabangan ka namin! Youre shining like a diamond!"
" Anong binabalak ninyo sa kaibigan ko!" sigaw ni Andy na nakatayo kaya nilapitan niya sila. Pinilit rin niyang pakawalan si Yasmin sa kamay ng dalawa. " Huwag na huwag ninyo siyang sasaktan!"
Pero itinulak lang siya ng tito niya kaya natumba ito sa may istante. Nahulog ang mga gamit roon. Napakalat na ng store.
Nakatingin ang tito ni Andy kay Yasmin at sinabing,
"Magiging mayaman ako dahil sa iyo!!"
Tumawa ito ng malakas.
--------
Dali daling pumunta si Arthur sa store. Malayo palang ay napansin na nila ang katahimikan sa lugar. Mukhang close yata ang convenience store. Pagkarating nila ay bumaba na sila sa kotse. Nagtaka ang dalawa.
Nakita nilang ang naka-hang na karatula ay " Close!"
" close?"reaction ni Leo.
"Bakit close?"
Napatingin sila sa loob at mukhang may isang tao.
Hinawakan ni Leo ang doorknob at nalamang bukas pala ito. Binuksan na niya ang pinto at pumasok sila. Napatingin - tingin sila sa paligid at ang kalat nito. Mukhang dinaanan ng bagyo.
"Anong nangyari rito?" tanong ni Arthur.
Nakaupo si Andy sa sahig na nakatalikud sa kanila. Sila lang ang nasa loob ng store sa mga oras na iyon
" Miss?"
Napatlingin si Andy sa kanila.
Pagkakita nIya sa dalawa ay tumulo ang luha nito. Kaya mas nagulat sina Arthur. Mukhang may problema.
Tumayo si Andy at agad lumapit kay Arthur.
" Sir, si Yasmin--" hindi matuloy tuloy na sasabihin ni Andy.
" Anong nangyari kay Yasmin? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong ni Arthur. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hinawakan niya ang dalawang braso ni Andy ng nagtanong na siya tungkol kay Yasmin. Dala ito sa sobra nitobg pag-aalala sa dalaga.
" Nasaan si Yasmin? May nangyari ba?"
" Si Yasmin, kinuha siya!" sagot ni Andy.
" Ano?"
" Kinidnap siya ng tito ko!"
Nagulat si Arthur. Nanlaki ang mata nito na may halong galit.
Nagsalita si Leo, "Siya ba iyong gagong tito mo rito noon?"
" Siya nga! Kinidnap niya si Yasmin."
" s**t!" galit na reaction ni Arthur. Napahilamos siya ng mukha habang nagpipigil sa galit.
"Anong kailangan niya? Bakit niya kinidnap si Yasmin!?"
Sumagot si Andy na medyo nahihiya sa pinaggagawa ng tito niya, " Baka dahil sa pera.."
Napalingon si Arthur pati si Leo kay Andy.
" Ano!?"
" Nanghihingi siya ng pera sa akin. Katulad ng dati kailangan niya ng pera at nalaman niyang mayaman ang boyfriend ni Yasmin kaya kinuha siya nila. Baka maya -maya ay tatawag sila."
" Haist!"
" Leo, tawagan mo ang pwedeng makatulong sa atin sa paghahanap sa kanila. Pati police ay tawagan mo!" utos ni Arthur.
" Yes sir!"
Napatitig si Andy kay Arthur at pumasok sa isip niya ang sinabi ni Yasmin tungkol sa dinadala nito. Nagdadalawang isip siya na sabihin sa binata pero sa loob niya ay sinasabi na kailangang malaman ng ama para maligtas sila pareho sa lalong madaling panahon.
" Sir Arthur.."
Napalingon si Arthur kay Andy na napakaseryoso.
" Kailangan ka ni Yasmin.. Pakiusap protektahan mo sila.."
" huh?" medyo naguguluhan ang binata sa salitang sila, pero binalewala pa niya ito.
Lumapit si Leo sa boss nito. " Sir, papunta na po ang mga police.."
"Okay!"
" Sir, kung kinidnap si Miss.. Sigurado hihingi sila ng ransom!"
" Sige, kung iyan ang gusto nila.. Ibibigay ko basta huwag lang nila saktan si Yasmin."
" Pero dapat tumawag na sila ngayon!" reaction ni Leo.
Mas kinabahan si Arthur at di na siya mapakali. Habang tumatagal ay nag-aalala siya ng husto.
" Sir?"
" Bakit Miss Andy?" bakas sa mukha niya na may gusto siyang sabihin.
" Iligtas mo sila!"
Nabigla amg dalawang binata.
" Sila?"reaction ni Andy.
Natahimik si Andy.
" Ano ang ibig mong sabihin? May kasama pa siya na kinidnap?" tanong ni Arthur.
Nagpipigil ang dalaga pero hindi na niya ito natiis. Para sa kanya, ito ay para sa kapakanan nila.
Seryosong humarap si Andy sa binata.
" Sana mapatawad ako ni Yasmin kung sasabihin ko ito sa iyo.."
" Ano iyon?"
"Kailangan mong malaman sir.."
Seryosong nakikinig si Arthur at naghihintay sa sasabihin ni Andy.
" Sir, buntis po si Yasmin!"
Nagulat si Arthur sa kanyang narinig. Speechless!
------
Nalaman ni Arthur na buntis si Yasmin. Isang magandang balita ang nalaman niya kahit hindi maganda ang mga nangyayari.
" Yasmin is pregnant!" sabi ni Andy.
" She's pregnant?" pa-unti -unting pagngiti ng binata. Hindi mapinta sa kasiyahan ang nararamdaman ni Arthur ng malaman niya ito. Sa wakas, ang pinapangarap ay nabuo na rin.
Bakas sa mukha ni Arthur ang kasiyahan. Napakasaya niya, " She's pregnant.. Magiging daddy na ko.." Nakangiti itong nagsasalita.
Masaya rin si Leo ng marinig niya ito.
" Narinig mo iyon Leo.. Buntis daw si Yasmin.." wika ni Arthur kay Leo.
" Congrats sir!"
Hanggang naging seryoso agad ang mukha ni Arthur at mas magpupursige sa pagprotekta kay Yasmin.
" Kailangang maligtas ang mag-ina ko! Hindi ko hahayaang may mapahamak sa kanilang dalawa."
--------
Nagising na si Yasmin at pumalibot ang mga mata sa paligid. Nakita niyang nasa isang lugar siya na parang isang bodega. Naupo siya sa sahig na may tali sa likod sa isang tubo. Nakatali ang kamay niya, paa pati ang katawan. Hindi siya gaanong makagalaw sa pagkakatali nito. Pawis na pawis rin siya at ang dungis ng buhok.
Pumasok ang isang lalaki kung saan naroon si Yasmin. May dala itong isang plato ng kaunting pagkain.
" Kumain ka na!" pabagsak nitong sabi at inilagay sa sahig katabi ng dalaga.
" Ayokong kumain!" sagot ni Yasmin na nakasalubong ang mga kilay.
" Kumain ka!"
"Nasaan ako? Anong binabalak ninyo?"
" Kumain ka dahil maghihingi kami ng pera sa boyfriend mong mayaman! Sa pagkakaalam namin ay mayaman siya at marami siyang mga negosyo at kompanya sa buong mundo. Kayang kaya ka niyang magbigay ng pera!" paliwanag ng lalaki.
" Wala kayong makukuhang pera sa kanya! Hindi siya magbibigay kahit sentimo!" galit na sagot nito.
Natawa lamang ang lalaki.
Dumating ang tito ni Andy.
" Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong nito.
" Ang sabi ng babaeng ito, hindi raw magbibigay ang boyfriend niya.."
Tumaas ang kilay ng tito ni Andy, " Anong sabi mo!? Maya - maya ay tatawagan na namin siya at maghihingi ng dalawang milyong dolyar!"
" Ano! Dalawang milyon?"
" Medyo maliit nga iyan! Pwede na rin na tatlo!"
Nakangiti ang isang lalaki at halatang excited sa matatanggap.
Nagsalita ulit si Yasmin, " Wala kayong makukuha sa kanya! Hindi niya aaksayahin ang pera niya para sa akin! Mali ang iniisip ninyo!"
" At bakit!?"
" Dahil wala na kami ng lalaking iyon!! Hindi ko na siya boyfriend! Huwag na ninyo siyang guguluhin at idamay sa kalokohan ninyo!"
" Ano!?" nagulat sila.
" Wala na kami!" sigaw ni Yasmin.
"p*tang *na!!" galit na reaction ng tito at sinipa ang platong nasa harapan ni Yasmin. Natapon ang pagkain at nagkalat na ito.
Uminit ang ulo ng tito.
Napapikit nalang si Yasmin at mas kinabahan ito sa pwede nilang gawin.
" So ano na ang gagawin natin sir? Mawawalan ng saysay ito!!" sabi ng isang lalaki.
" Wala akong pakialam kung hindi na sila. Hihingi parin tayo ng pera sa kaanak nito."
Napadilat si Yasmin.
Napatingin ang dalawang lalaki kay Yasmin. " kung hindi tayo makakahingi, ibenta natin siya!"
Yasmin's pov
Bakit ba ganito ang buhay ko? Ang raming mga pagsubok!
Ngayon, kinidnap nila ako at may balak silang humingi ng pera kay Arthur. Ayokong mapahamak si Arthur. Baka may gawin din sila sa kanya! Ayoko ring mapahamak ang baby namin.
" Baby, just hold on! Huwag kang susuko okay." Sigurado, may magliligtas sa atin. Alam kong gagawa ng paraan si Andy.
Naghihintay sila Arthur na tumawag ang mga kidnapper. Kasama nila ang mga pulis sa sala ng bahay ng binata. Matiyaga silang naghintay. Hindi na mapakali si Arthur at pabalik balik ito sa paglalakad. Nakahanda na ang tracking device para malaman kung saan nagtatago sila.
" Haist! Ang tagal namang tumawag nila!" naiinip na si Arthur. Parang isnag linggo na siyang naghihintay. Nag-aalala na siya sa kanila.
" Wala na ba tayong pwedeng gawin? Kailangan bang maghintay lang sa tawag non?" tanong ni Arthur na sadyang nag-aapura na. " Asar naman!"
Hanggang nag-ring ang phone ni Andy.
May tumatawag na isang unregistered number..
" Sagutin mo na miss!" payo ng police.
Kinakabahan si Andy pero hindi ito hadlang sa lahat.
Sinagot niya ang tawag na naka loud speaker ito.
" Hello?" malumanay na sabi nito.
" Andy!" pasigaw ng lalaking nasa kabilang linya.
" Tito?"
Nagsitinginan silang lahat habang nakikinigsa usapan nila.
" Alam mong hawak namin ang kaibigan mo!"
" Tito, pakawalan mo si Yasmin!"
Gustong sugudin ni Arthur at agawin ang phone mula kay Andy pero pinigilan siya ng police.
" Shhh..."
" Sabihan mo ang boyfriend ng kaibigan mo na tawagan ako sa numerong ito. Kung gusto pa ninyo na iligtas siya, kailangang sundin ninyo ang gusto namin!" utos niya.
" huwag mong sasaktan si Yasmin!"
" Sundin mo na!" huling hirit na sigaw nito.
" Haist! Kakausapin ko siya!" wika ni.Arthur na nanggigil sa galit.
" Teka lang po sir. Huwag po tayong padalos dalos."
Hindi alam ng tito ni Andy na kasama na ni Andy si Arthur at alam na ng police ang mga nangyayari.
(call ended)
Agad pinuntahan ni Arthur si Andy at kinuha ang cellphone nito.
" Tatawagan ko na siya!" pagmamadali ng binata.
" Teka lang sir!" pagpipigil ulit ng mga police.
" Ano pa ba ang hinihintay natin, kailangan ko ng mailigtas si Yasmin. Baka ano pa ang mangyari sa kanila."
" Limang minuto sir! Maghintay ng ilang minuto bago siya tawagan ulit. Makakahalata po siya kapag padalos dalos tayo at mas lalong malalagay sa panganib ang biktima."
" Nakuha po namin ang location ng tawag sir!" balita ng isang IT expert.
"Magaling!"
" Kailangan nalang malaman kung ano ang hihingin ng mga kidnapper.."
Inilipas muna nila ng sampung minuto bago pinatawag si Arthur sa tito ni Andy.
Pagkatapos ng sampung minuto, tinawagan na niya ito.
(cellphone ringing!)
-------
Nag-uusap ang tito ni Andy at ang isang lalaki.
" Ang boyfriend ba nito ang tumawag ng police noon at muntik ka ng makulong?"
" Oo, siya nga! Kaya pagdating niya rito at makuha na natin ang pera, ihanda ninyo ang mga sarili! May paglalaruan tayo." sagot ng tito.
" Sige, matagal tagal ng hindi nakakatikim ang mga kamao ko!" sabi nong isa.
Kinakabahan si Yasmin habang nakikinig sa usapan nila. " Arthur.."
Nagring ang cellphone at sinagot ng tito ni Andy. " Heto na!" Nakangiti sila.
" Hello!" galit na pagbati ni Arthur.
Sumagot ang kabila, " Ikaw ba ang boyfriend ng babaeng ito?"
Nakikinig si Yasmin sa pag-uusap nila Arthur.
" Ako nga!" sagot nito.
Mas nag-aalala si Yasmin kay Arthur. May binabalak ang mga lalaki sa kanya. Maghihiganti ito.
" Ano ang kailangan ninyo!? Pakawalan mo siya!!"
" Pakakawalan lang namin siya kapag ibibgay mo amg gusto namin!"
" Ano ang kailangan ninyo!? Pera? Name it!"
" Oo, pera nga! Tatlong milyong dolyar!"
" Sige!"
Nakangiti na ang mga lalaki.
" Gusto kong makausap si Yasmin."
" okay, no problem!" agad itong pinuntahan si Yasmin at ibinigay ang cellphone sa dalaga.
" Kausapin mo na ang love mo!"
" Yasmin!"
" Arthur huwag kang magbibigay!" sigaw ni Yasmin na nagpupumiglas sa pagkakatali rito. Napapaiyak ito habang naririnig ang boses ni Arthur.
" Yasmin.."
" Arthur, huwag kang pupunta, mapapahamak ka!"
" Tumahimik ka!" sinigawan si Yasmin ng tito nito.
" Huwag ninyong sasaktan si Yasmin! Ibibigay ko ang gusto ninyo!" seryosong sabi ni Arthur.
" Sige, mas mabuti! Pumunta ka rito!"
" Arthur huwag kang pupunta! Huwag mo silang bibigyan!!" sigaw ulit ni Yasmin.
"Haist!"galit na reaction ng tito.
" Arthur!"
Hindi sinasadya na nasampal niya ang dalaga.
" Ahh!"
Nagulat si Arthur sa narinig nitong ingay at boses ni Yasmin. " Yasmin!!"
" Huwag mong sasaktan ang mag-ina ko! Kahit doblehin ko pa, ibibigay ko!"
Nagulat ang tito sa sinabi nito.
" Doble?"
Napatingin ang tito kay Yasmin. " Kung siswertehin ka nga naman. Doble ang isdang nasungkit ko!"
Sa isip ni Yasmin, " Alam na ni Arthur? Alam na kaya niya?"
" Sige, six million dollars para sa dalawang taong kailangan mung tubusin!"
Napaiyak nalang si Yasmin. Pawis na pawis ito at basang basa ang mukha sa luha na rin.
Nakuha na nila ang address kung saan nagtatago ang mga kidnapper. Pero lahat ng kanilang kilos ay dapat pag-isipan dahil para sa kaligtasan ni Yasmin at ng baby niya. Ibinigay ng kidnapper ang address kay Arthur kung saan sila magkikita. Magkikita sila bukas ng hapon.
" Napakalaki nang hinihingi nila sir!" reaction ni Leo.
Sinagot ito ni Arthur at sinabing, " Wala akong pakialam kung malaki man iyon. Ang mahalaga ay mailigtas ko sila. Kahit maubos man ang pera ko basta maging okay silang dalawa. Aanhin ko pa ang pera kung sa huli ay mapapahamak pa rin sila. Sila ang kayamanan ko kaya gagawin ko ang lahat para sa mag-ina ko!"
Leo was so amazed.
" Huwag po kayong mag-alala sir, gagawin namin ang lahat para mailigtas sila."
Tumawag ulit ang tito ni Andy.
" Huwag na huwag mong ipapaalam sa mga pulis! Kailangan ikaw lang ang maaaring pumunta roon! Maliwanag!?"
Napatingin si Arthur sa mga pulis na kasama.
" Kailangan mong sumunod dahil nakasalalay ang kaligtasan nila sa iyo!" babala ng kidnapper.
Sumang-ayon si Arthur sa sinabi ng kidnapper. Ano ang gagawin nila?
--------
Binigyan ng pagkain si Yasmin pero tumanggi pa rin ito.
" Kumain ka na!" pilit ng mga lalaki.
" Ayoko!" sagot ng dalaga.
" Kailangan mong kumain para sa six million dollars na ibibigay ng kasintahan mo!"
" Hindi ako kakain kaya huwag na kayong umasa!"
" Haist!" naiinis na siya sa katigasan ni Yasmin.
Biglang kinuha ng lalaki ang maliit niyang patalim sa bulsa at itinutok sa mukha ni Yasmin.
" Hindi ka pa rin kakain!"
Kinabahan si Yasmin pero hindi ito pinahalata sa lalaki. Napalunok siya habang pinagmamasdan ang patalim.
" Ayaw mo pa rin?"
Hindi nagsalita si Yasmin dahil baka mas magalit pa ang lalaki.
Hanggang itinutok niya ang patalim sa tiyan nito.
Nanlaki ang mga mata ni Yasmin ng makita niya ang patalim sa tiyan nito.
" Eh, kung dito na lang ito. Ayaw mo pa rin!?" hamon ng lalaki.
Nagpipigil si Yasmin. Kinakabahan siya sa maaari niyang gawin. Mas itinutok niya ng malapit sa tiyan nito.
Napaiyak si Yasmin. " No please!"
" Pwede naman na tatlong million nalang ang kukunin namin!" nakangiti ito na parang addict.
" Please, huwag ninyong idamay ang baby ko!" paiyak nitong sabi. Nagmamakaawa si Yasmin sa lalaki.
" Ang tigas ng ulo mo, di mo pala kayang isakripisyo ang batang ito!"
" Please..please.."
Inilayo niya ang patalim kay Yasmin at dinilaan niya ito.
" Hmmm.."
Halatang addict yata itong isang lalaki dahil sa namumulang mga mata. Napatitig ito sa hita ng dalaga na nakasuot naman ng pantalon.
Mas kinabahan si Yasmin sa mga kinikilos ng lalaki.
" Please.." pakiusap ni Yasmin.
Napahawak ang lalaki sa hita nito.
Nabigla si Yasmin.
Sinimulan niyang himasin ang hita ng dalaga. Inaamoy amoy rin niya ang buhok at leeg ni Yasmin.
Gustong makaalis ni Yasmin at matanggal ang tali nito. Pumipiglas ito pero mahigpit ang tali sa kanyang mga kamay, paa pati katawan.
Yasmin's pov
Kailangan kong makaalis rito. Kailangan kong makatakas. Kailangan kong makawala sa pagkakatali. May masamang balak ang lalaking ito sa akin.
Nilalayo ko ang aking ulo sa kanya pero pilit pa rin niyang inilalapit at inaamoy. Ang kanyang mga kamay ay makulit na humihimas sa aking hita paitaas pababa. Kailangan kong makapag-isip ng paraan paano ako makaalis rito. Paano ba?
" Ang bango mo kahit hindi naliligo!" sabi niya.
Kailangan maisahan ko siya. Kaya gagamitin ko ang pagiging manyak niya sa pagtakas ko!
Baby, kailangang makatakas tayo rito! Please cooperate muna, okay? Kailangan nating magpakatatag. Dapat maging matapang!
At may naisip si Yasmin.
Tinitigan niya ang lalaking nasa harap nito at inakit niya ang lalaki.
" Hanggang amoy ka nalang ba?" pang-akit ni Yasmin.
Nakakunot noong tinitigan ng lalaki ang dalaga. " Anong ibig mong sabihin?"
" Nakakaawa ka naman!"
Mas nagiging seductive si Yasmin. " You want to taste my kiss?"
" huh?"
Sa isip ni Yasmin, " Kailangan kong gawin ito..nakakasuka pero wala akong magagawa."
" What do you mean?"
" I can give you some happiness for awhile.. Kung gusto mo.."
Nakangiti ang lalaki sa kanya.
" Good timing dahil wala sina boss at yong isa rito."
" So ano pa ang hinihintay mo?" hamon ni Yasmin.
" What do you want?"
" Pakawalan mo ako rito at ibibigay ko ang kaligayahan na gusto mo!" wika ni Yasmin.
Napa-isip ang lalaki at napatulo laway habang pinagmamasdan ang dalaga.
" Ano na?"
Nakangiti ito at agad tinanggal ang tali ng dalaga sa katawan.
Hindi pa natatanggal ang tali sa paa at kamay ay hinalikan niya ang leeg ni Yasmin.
" Sh*t!"
Dinilaan niya ng marahas ang leeg ng dalaga at hinawakan ang pisngi nito.
"Tanggalin mo muna ang tali sa paa ko at kamay!" demand ni Yasmin.
" Sige sige!" agad nitong tinanggal ang tali sa mga paa ng dalaga at sinunod ang mga kamay. Wala ng tali ang dalaga.
Inihiga ng lalaki si Yasmin sa sahig at inulan ng halik ang leeg at pisngi nito.
Hmmmm..
Naghubad agad ng polo shirt ang lalaki habang seryosong nakatingin si Yasmin sa kanya. Hinihintay niya ang magandang pagkakataon.
But hindi niya inaasahan na hahalikan siya ng lalaki sa labi. Marahas na hinalikan ang labi nito. Namilog ang mata ni Yasmin at mas ginusto nang makawala sa kamay ng addict na lalaki.
Kaya nilakasan niyang tinuhod ang gitna ng lalaking nasa ibabaw niya. Natamaan ang alagang junior nito na nagpabaluktot sa lalaki.
" Ahhh!!" sadyang masakit ang naramdaman ng lalaki. Napahawak siya sa alaga at hindi na ito makatayo.
Kinabahan si Yasmin pero kailangan niyang maging matapang sa mga oras na iyon. Dali dali siyang bumangon at tumayo.
" Ahhhh! Anong ginawa mo?"
Umalis siya sa kwarto at iniwan ang lalaki roon na nasa sahig at iniinda ang sakit. Tumakbo siya papalayo sa kwarto kung nasaan ang lalaking muntik na siyang gahasain. Habang tumatakbo ay napapalingon siya at hinahanap ang labasan sa gusali. Bawat hakbang niya ay mas lalong kinakabahan ito.
Tumatakbo si Yasmin sa hallway ng isang gusaling abandunado. Hinahanap niya ang labasan para tuluyan na siyang makatakas at maging malaya.
" Kapit lang baby, makakatakas rin tayo!" kinakausap niya ang kanyang baby na nasa tiyan niya. Habang mabilis itong naglalakad at patakbo paminsan minsan ay hinahawakan niya ang kanyang tiyan. Habang tumatagal ay kinakabahan ito.
Hanggang..
Napatigil si Yasmin at nagulat. Nasa harapan niya ang tito ni Andy at ang isa pang lalaki. Napaatras si Yasmin. Bakas sa kanya ang takot pero nilakasan parin nya ang kanyang loob.
" Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong ng tito.
Hinablot agad niya ang kamay at hinila ang buhok ng dalaga para hindi ito makatakas.
" Tatakas ka!?"
" Aray!" nasasaktan si Yasmin ng hilahin ang buhok nito.
Pumipiglas siya pero hindi niya magawang makawala sa tito ni Andy.
" Anong akala mo, mapipigilan mo ang pagyaman namin!?"
Nakasalubong ang mga kilay ni Yasmin habang nakatingin sa dalawa. Galit itong humarap sa kanila.
" Magsisisi kayo sa pagkidnap sa akin. Humanda kayo!"
" Tinatakot mo ba kami?"
" May araw rin kayo!"
Hindi natuloy ang pagtakas ni Yasmin dahil naabutan siya ng tito ni Andy at isa pang kasama nito. Itinali siya ulit at napagalitan ang lalaking muntik ng gumahasa sa kanya.
" Huwag mong gagalawin ang babaeng iyon gago! Nakasalalay sa kanya ang pagyaman natin!" sermon ng tito!"
-------- Yasmin's pov Ibinalik nila ako sa loob at itinali ulit. Bihag ulit nila ako.
" Sorry baby at binigo kita." Napaiyak nalang ako habang iniisip ko ang mga pwedeng mangyari sa amin. Habang tumatagal ay nanghihina ang loob ko. Maililigtas pa ba kami? Ililigtas ba kami ni Arthur? Kinakabahan ako. Maaari ring mapahamak si Arthur kung pupunta rin siya. Malaki ang hininhingi nila sa kanya. Maari ring pabayaan nalang niya kami rito. Anong gagawin ko?
-------
Dumating na rin ang oras kung saan magkikita sila ni Arthur. Magkikita sila sa isang lumang talyer na malapit rin sa bodegang kanilang pinagtataguan. Dinala nila si Yasmin na nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay habang pinalakad siya patungo sa lugar.
" Saan ninyo ako dadalhin?"
" Ito na ang oras madam!"
Pagkarating nila sa talyer ay pinaupo nila si Yasmin sa isang upuan at itinali ang mga paa nito.
" Anong ginagawa ninyo?" Mas lalong kinabahan ang dalaga.
" Maghintay kalang mahal na reyna! Darating na ang iyong hari para kunin ka!"
" Si Arthur ba?"
Hindi na kinausap ng mga lalaki si Yasmin bagkos naghihintay na sila sa pagdating ng nobyo. -
----
- Sinabihan si Arthur ng mga pulis na mag-ingat sa pagtransact sa mga kidnapper. Maaring may binabalak pa ito at mag-iba ng desisyon. Maghihintay ang mga pulis sa labas ng talyer. Hindi sila magpapahalata na naroon para hindi mapahamak ang biktima katulad ng sonabinng mga kidnapper. Sa isang hudyat, papasok lang sila kapag mailigtas na ang dalaga pero kapag hindi bumalik at lalabas ang binata kasama si Yasmin pagkatapos ng sampung minuto, susugod sila sa lugar.
" Mag-ingat po kayo sir!" wika ni Leo.
Nakaabang rin ang mga bodyguard ni Arthur kasama ang mga police. Kailangang mag-isang humarap si Arthur sa mga kidnapper para lang mailigtas si Yasmin. May dalang dalawang suitcase ang binata na ang laman ay six million dollars.
-----
Seryosong pumasok si Arthur na dala dala ang hinihingi nila.
" Narito na po siya!" sabi noong isang lalaki.
" Magaling at sumunod ka!" wika ng tito.
Nagsalita bigla si Yasmin, " Sinong dumating? Anong nangyayari?"
Nakita ni Arthur si Yasmin na nakaupo sa isang silya na nasa likuran ng tito ni Andy.
" Hoy Gago! Pakawalan mo na si Yasmin. Dala ko na ang hinihingi ninyo!"
Nakangiti ang dalawang lalaki ng marinig n
ang sinabi ni Arthur.
Sumigaw si Yasmin, " Arthur! Ikaw ba iyan!?"
" Yasmin!"
" What a nice reunion!" sabi ng tito.
" Arthur!"
Kinuha ng isang lalaki ang piring niya sa mata. Napaiyak si Yasmin ng makita ang binata na nakatayo at nakaharap sa kanya.
" Yasmin.."
" Arthur.. Narito ka talaga.."
" Mamaya na iyang drama ninyo! Akin na ang mga suitcase!" kinuha pa ng isang lalaki ang dalang suitcase ni Arthur. Binuksan niya ang suitcase at dinala sa tito ni Andy.
" hmmm.. Real money!"
" Pakawalan na ninyo si Yasmin!" sigaw ni Arthur. Isinara na nila amg suitcase.
Pabulong na sabi ng isang lalaki, " Mayaman na tayo!"
Sinagot ng tito si Arthur, " sige, ikaw na ang magpakawala sa kanya. Ikaw na ang magtanggal sa tali niya. Do it!"
Hindi na nag-atubili si Arthur na puntahan ang dalaga. Tumakbo siya patungo kay Yasmin. Pagkarating nito sa harapan ng dalaga ay hinawakan niya agad ang pisngi nito.
" Arthur.."
" Yasmin.." Hindi rin napigilan nila at nag-abot ang kanilang mga labi sa isa't isa.
" How sweet.." sabi noong isa.
Sinenyasan ng tito ang isa pang lalaki ng mga mata nito na may hudyat na gagawin.
" Arthur.." hinalikan ni Arthur ang labi ni Yasmin.
" Huwag na kayong mag-alala, narito na ako! Proprotektahan ko kayo!"
" Arthur.."
Dali-daling tinatanggal ni Arthur ang tali sa paa ng dalaga. She was touched. Hindi mo talaga ako binigo. Napangiti si Yasmin habang pinagmamasdan ang binata.
--
Tinatanggal na ni Arthur ang mga tali sa paa ni Yasmin. Bakas sa mukha nila ang kasiyahan na makita ang isa't isa. Ang akalay napakatagal na pagsasama nila ay ilang segundo at minuto pa pala. Nagmamadali si Arthur sa napakahigpit na pagkakatali sa paa ng dalaga. Hanggang tumayo sa may likuran ang isang lalaki na may dalang kahoy na bat. Nang napatingin si Yasmin sa lalaki ay nagulat ito. In a split of seconds ay biglang ipinukol ito kay Arthur sa likod. Nanlaki ang mga mata ni Yasmin na nakitang tinamaan ang binata. Namilog rin ang mata ni Arthur sa pagkabigla. Sadyang napakasakit ang pagtama kay Arthur na hindi nila inaasahan. Natumba ito sa harapan ng dalaga.
" Arthur!" sigaw ni Yasmin.
Hindi na natuloy ang pagkalas ng tali sa mga kamay ni Yasmin. Nagpupumiglas si Yasmin at gustong yakapin ang binata.
May malay pa si Arthur na nakahiga sa sahig na talagang nasaktan sa nangyari.
Napaiyak si Yasmin, " Arthur!"
" Ahh--"
Lumapit ang tito nito at kinwelyuhan niya patayo si Arthur.
" Pasensya na at naalala ko ang ginawa mo noon na muntik na akong makulong!" pagsusumbat ng tito ni Andy.
" Kaya heto ang paghihiganti ko!"
Sinuntok niya sa may tiyan si Arthur na mas lalong nagpahina sa binata.
" Arthur!"
Hindi pa nadala ay sinuntok pa siya sa mukha ng ilang beses.
" Ang sama ninyo! Wala kayong awa! Ibinigay na niya ang gusto ninyo tapos gaganituhin ninyo pa rin kami!" galit na sabi ni Yasmin.
Natawa at napangiti lamang ang mga lalaki pati ang tito ni Andy.
Nakahiga sa sahig si Arthur na duguan at pasa ang mukha.
" Arthur.."
Pilit na dumidilat ang isang mata ni Arthur at napatingin kay Yasmin. Napanood niyang umiiyak ang dalaga na nakaharap sa kanya.
" Ano kaya kung ang babae na naman po?" suggested noong isang lalaki na muntik na gumawa ng masama kay Yasmin.
Narinig ito ng dalawa na talagang nabigla sila. Mas kinabahan si Yasmin sa binabalak nila sa kanya. Gugulpihin rin ba siya?
" Ikaw na bahala! Nakuha na natin ang pera kaya pwede na ninyong gawin kung ano man!" utos ng tito.
Napangiti na parang demonyo ang isang lalaki at kinuha ang isang kahoy sa gilid. Sa kaba ay napapikit nalang si Yasmin. Hindi niya mapigilan ang kanyang mga luha na dumaloy sa kanyang pisngi.
" Ready na ready na!" sabi noong lalaki na papunta na kay Yasmin. But hindi hahayaan ni Arthur na may mangyari sa mag-ina nito. Pinilit ni Arthur na tumayo at puntahan si Yasmin. Agad niya itong niyakap. Nagulat si Yasmin sa ginawa ni Arthur. Hindi niya ito inaasahan dahil alam niyang masakit at nanghihina na ang binata.
" Arthur.."
" Proprotektahan ko kayo.." mahina nitong sabi.
Nagulat ang lalaki at ang tito ni Andy.
" Ang sweet.." reaction ng isang lalaki.
" Kung iyan ang gusto mo na ikaw ang sasalo, pagbibigyan ka namin!"
Aaksyon na sana na patatamaan ang binata ng biglang sumugod na ang mga pulis. Lumipas na ang sampung minuto na palugit at pinuntahan na nila.
" Itaas ninyo ang inyong mga kamay!" sigaw ng isang pulis.
Napalingon silang tatlo at nakitang pinapalibutan na nila ang lugar. Gusto pa nilang tumakas pero wala na silang magagawa. Dinakip sila agad ng mga pulis at pinusasan.
" Haist!"
Napangiti si Yasmin na nakaharap sa binatang mukhang nanghihina.
Nakapagsalita pa si Arthur bago ito tuluyang nawalan ng malay, " Ligtas na tayo.."