Chapter 47

3943 Words
Kinabukasan.. Nagising si Yasmin ng marinig niyang may tumatawag sa kanyang pangalan sa labas. "Yasmin! Yasmin!" sigaw ng isang lalaki. Napadilat ng mata si Yasmin at napatanong, " Sino ba iyon? Ang aga naman.." Napaupo si Yasmin sa kama at napatingin siya sa bintana. " Yasmin!" "Sino ba ang sumisigaw?" pagtataka ng dalaga. Binuksan ni Mia ang kwarto at sinabing, "Nasa labas si Sir Arthur. So, ano ang plano mo?" "Si Arthur?" "Yasmin, mag-usap naman tayo!" sigaw ulit ng binata. Napatingin sa bintana si Yasmin habang nasa kama pa ito. "Ako pa sa iyo, kausapin mo na siya. Kailangan ninyong mag-usap para maliwanagan ka na at siya rin." payo ni Mia na napapasandal sa pinto. Natahimik lang si Yasmin. "Yasmin!" sigaw ulit ng binata sa labas. " lAno na, papasukin ko na ba?" tanong ni Mia. " Teka lang.." " Hay naku Yasmin. Ikaw na nga gumawa. Basta pag-isipan mo ang mga desisyon mo!" At lumabas ng kwarto si Mia. Iniwan na niya ito para makapag-isip. Tumayo si Yasmin sa kama at pumunta sa may gilid ng bintana. Nagtatago ang dalaga sa likod ng kurtina habang nanonood kay Arthur na nasa bakuran nila. "Arthur..." Nanatili si Arthur sa labas ng bahay nila Yasmin. Lumilipas ang oras at hindi lumabas ang dalaga. Nakatayo si Arthur at nagtiis na maghintay sa dalaga na pansinin ito. Bumalik sa paghiga si Yasmin na paharap sa bintana. Yakap nito ang unan habang nakatingin sa bintana. " Mapapagod rin siya.." bulong ni Yasmin. Nagtanghali na at hindi pa rin umalis si Arthur. Pumasok si Mia at tiningnan ang kaibigang nasa kama at nakahiga. " Tsk tsk tsk.." Inilagay lang niya ang makakain ni Yasmin sa mesa. But walang ganang kumain ang dalaga. Umalis sa kwarto si Mia na tahimik. Hindi na siya nakialam kung ano man ang desisyon ng kaibigan. Dahan dahang pumikit ang mga mata ni Yasmin pero agad namang napadilat ito nang marinig niya ang patak ng ulan. Agad siyang bumangon at napaupo sa kama. Bumagsak ang malakas na ulan. Napatingin si Yasmin sa bintana na halatang nag-aalala. Hindi niya alam kung naroon pa ba si Arthur sa labas. " Siguro naman magpapasilong muna siya." Kaya humiga ulit ang dalaga. Hindi na niya namalayan na nakatulog na siya. Lumipas ang apat na oras at nagising na ito. Medyo inaantok pa siya. Napahikab pa siya at inunat ang mga braso. Patuloy pa rin ang pag- ulan at madilim na ang labas. Bumangon sa kama si Yasmin at napasilip sa bintana. Laking gulat niya na naroon pa rin si Arthur sa labas. " Arthur?" Hindi niya inaasahan iyon. Basang basa ang binata na nakatayo sa labas. Nainis si Yasmin na may halong pag - aalala. " Ano ba ang ginagawa niya? Bakit siya hindi nagpasilong man lang!? Haist!" Nagmadaling lumabas ng kwarto at bumaba si Yasmin. Napalingon si Mia na nasa sala. "Saan ka pupunta?" tanong ni Mia. Kinuha ni Yasmin ang payong na nakasabit sa gilid. " Si Arthur kasi.." " Akala ko ba wala kang balak puntahan siya!" " Eh kasi naman umuulan tapos basang basa na siya." " tsk tsk. Hay naku." reaksyon ni Mia na palihim na ngumiti. -------- Nakatayo pa rin si Arthur at nanginginig na ito sa lamig sa labas. Basang basa na siya. Tinitiis niya ang lamig at hindi nagpapahalata sa tunay na nararamdaman. Bumukas ang pinto at napatingin ang binata. Nakita niyang lumabas ang dalaga at binuksan ang payong. " Yasmin.." Bakas sa mukha ng binata ang kasiyahang makita si Yasmin. Lumapit si Yasmin na may hawak na payong. Dahan dahang humakbang papalapit si Arthur kay Yasmin. " Yasmin.." Napatitig ang dalawa sa isa't isa. She had teary eyes while looking at Arthur. Talagang basang basa na ang binata na kanina pa nakatayo habang umuulan. Agad lumapit si Arthur at niyakap niya ng mahigit ang dalaga. " Yasmin!" Nahulog ang payong na dala ng dalaga. Basang-basa na tuloy siya sa mga oras na iyon. " Arthur.." Hinawakan ni Arthur ang pisngi ng dalaga. " Bakit hindi ka nagpakita kahapon?" " Ka-kasi..." " Tungkol ba ito kay Marga?" " Paanong?" " Gusto mong malaman ang tungkol kay Marga?" Napatitig si Yasmin sa mga mata ni Arthur na napakaseryoso. " Naging kayo di ba?" " Hindi ko masasabing naging kami dahil ang lahat ng iyon ay may dahilan." " Anong ibig mong sabihin?" " I never love her!" " Pero bakit? Hindi ba..." " Aaminin ko, We had s*x! We did!" Umamin si Arthur kay Yasmin sa mga nangyari sa kanila ni Marga noon. Gusto niyang maging totoo kay Yasmin na walang nililihim. Hindi na makatingin si Yasmin sa binata. Napapayuko nalang ang dalaga.. " Yasmin please listen to me.." Inangat niya ang pisngi ng dalaga para iharap ito sa kanya. " Totoong hindi ko siya minahal. I never feel like this before. Mahal kita Yasmin. Ikaw lang ang nagpatibok sa puso ko." " So ano kayo ni Marga?" " Walang kami ni Marga... " " Pero bakit nangyari iyon!?" napaluha si Yasmin. " Para sa posisyon!" Patuloy sa pagdaloy sa pisngi ni Yasmin ang kanyang mga luha kasabay sa buhos ng ulan. "I am not like this before. Marami akong babae at alam mo iyon!" dagdag ni Arthur. " Pero bakit sa lahat lahat, siya pa! Bakit si Marga pa!?" Hinawakan ni Arthur ang balikat ni Yasmin at nagpatuloy sa pagsasalita. " Hindi ko alam. Noon iyon! Noon iyon noong ibang Arthur pa. Ang Arthur na hindi pa kilala si Yasmin. Ang Arthur na hindi pa umibig. Pero iba na ngayon!" " Arthur.." " Mahal kita Yasmin. Gagawin ko ang lahat lumigaya ka lang. Ayokong mawala ka." Hinahaplos niya ang mukha at pisngi ng dalaga. Pagkatapos ay hinalikan niya ang labi nito ng ilang segundo lamang. Basang basa na sila pareho. " Mahal na mahal kita!" bulong ni Arthur. Hanggang dumilim ang paningin ni Arthur at napasandal ang ulo nito sa balikat ni Yasmin at tuluyan ng natumba ito. " Arthur!"sigaw ng dalaga. Nahimatay si Arthur. Napaupo tuloy sa lupa si Yasmin habang yakap ang binatang walang malay. " Arthur, gumising ka!" "Arthur!!" Dinala nila si Arthur sa kwarto ni Yasmin. Nagpatulong siya kay Mia para buhatin ang binata. Inaapoy nang lagnat si Arthur. Sino ba ang hindi magkakasakit kapag nakababad sa ulan buong maghapon? Ilang minuto pagkatapos nilang mahiga si Arthur sa kama ay nagkamalay na ito pero napakahina niya. "Yasmin..." "Huwag ka ng magsalita!" sermon ni Yas na nag-aalala. Pinikit ulit ni Arthur ang kanyang mga mata. Binabantayan ni Yasmin ang binata na nakahiga sa kanyang kama. Pinupunasan niya ang mga kamay ni Arthur ng bimpo. Sa noo nito ay may tuwalyang nakapatong. " Sana bumaba na ang lagnat niya.." nag-aalalang sabi ni Yasmin. Dumating si Mia na may dalang gamot. " Painumin mo muna si Sir ng gamot at pakainin ng mainit na lugaw. Siguradong gutom na siya dahil hindi siya kumain mula kanina pa." sabi ni Mia. Nakokonsenya tuloy si Yasmin sa mga nangyayari. Ibinigay ni Mia ang gamot pati ang lugaw. Pagkatapos ay umalis na ito. Naiwan na lamang sila sa kwarto. " Arthur.." pabulong nitong tawag niya sa pangalan ng binata para gisingin. Dumilat ang mga mata ni Arthur ng kaunti. Talagang napakahina niya sa mga oras na iyon. Gustuhin man niyang idilat ng todo pero hindi niya magawa. " Yasmin.." napakahinang wika ni Arthur. " Arthur, uminom ka muna ng gamot.." dahan dahan niyang inalalayan na makaupo si Arthur. Umupo na rin si Yasmin sa kama na malapit sa binata. Napasandal sa may balikat ng dalaga si Arthur. Nanghihina ang katawan ng binata dahil na rin sa lagnat. " Heto, inumin mo.." pinilit ni Arthur na inumin ang ibinigay ni Yasmin na gamot. Pagkatapos lunukin ng binata ang gamot ay binigyan ni Yasmin ng tubig. " Magiging okay ka na.." " Basta nandyan ka lang sa tabi ko, magiging okay ako." "Kumain ka muna.." Sinubuan ni Yasmin si Arthur ng lugaw. Kumain naman ang binata pero kaunti lang. At least kumain. Bumalik sa paghiga si Arthur at nakatulog agad. Maaliwalas na ang mukha nito at bumaba na rin ang temperatura niya. " Salamat naman.." Nakatulong talaga ang gamot pati ang pagkain. Binantayan ni Yasmin ang binata magdamag. Tinititigan niya ito habang natutulog. Hanggang binangongot si Arthur at tinatawag ang kanyang pangalan, "Yasmin, huwag mo akong iwan.." " Arthur.." agad niyang hinawakan ang kamay nito. Yasmin's pov Minamasdan ko si Arthur na natutulog. Habang minamasdan ko siya ay may mga pumapasok sa isipan ko. Arthur patawarin mo ako. Talagang natatakot ako. Dahil na rin sa traumang naranasan ko kay Marga. Bakit kasi sa lahat ng babae sa mundo ay si Marga pa? Napakaliit ng mundo. Pinaglalaruan lang tayo ng tadhana. Kung matapang lang ako, siguro hindi mangyayari ito. Napakaduwag ko. Kapag tungkol na kay Marga ay umiiwas ako. Ayoko ng koneksyon sa kanya. Gusto kong putulin lahat ng may koneksyon sa babaeng iyon. Gusto ko mabuhay ng payapa at may magandang buhay. Arthur, salamat sa lahat. You made me feel special. Pinadama mo ang iyong pagmamahal sa akin. Paano ko masusuklian iyon kung sa ngayon palang ay natatakot na ako?. Natatakot akong masaktan. " Siguro, I need time to think Arthur.." Ang hindi alam ni Yasmin ay narinig ito ni Arthur kahit ang mga mata nito ay nakapikit. -------- Nakatulog na si Yasmin habang binabantayan ang binata. Nagising na si Arthur at nakitang natutulog ang dalaga. " Sige Yasmin, kung iyan lang ang pwedeng makapagpanatag sa iyo, I will give you time. But it doesn't mean na susuko na ako. Maghihintay ako hanggang maging ready ka na. Hihintayin ko ang araw na magiging okay na tayo." wika ni Arthur. Bumangon si Arthur at kinarga ang dalaga para ihiga sa kama. Pagkatapos non ay umalis na si Arthur kasama si Leo. -------- Tanghali na gumising si Yasmin. Nagtaka ito kung bakit siya nakahiga sa kama. " Teka.." Naalala niyang nakahiga pa roon kagabi si Arthur dahil sa may lagnat. " Teka, nasaan na si Arthur?" Tuloy nag-alala na ito. Agad bumangon ang dalaga at hinanap si Arthur palabas ng kwarto. Nalasalubong niya si Mia. " Nasaan si Arthur?" " Umalis na!" " Huh?" Nabigla ito. " Bakit siya umalis? Hindi pa siya gaanong magaling!" pasigaw nitong sabi. " Di ba ayaw mo siyang makita tapos ngayon hinahanap mo siya.."mataray na sagot ng kaibigan. " Concern ako sa tao dahil may sakit siya!" " Hay naku, nakakalito ka Yasmin." Iniwan niya si Yasmin sa may sala. " Bakit hindi siya nagpaalam.." Napatanong siya sa sarili. Bumalik nalang sa kanyang kwarto si Yas. ----- May kumakatok sa bahay nila at binuksan ni Mia. Isang kartero ang dumating at may dalang isang envelope. Mukhang important document ito. " Miss Yasmin?" Nasa loob bakit? " May nagpadala po nitong documents mula sa St. Anne hospital." " Ganoon ba. " " Maaari niyo po bang ireceived?" "okay.." Inireceived ni Mia ang pinadala. Ibinigay na ng kartero ang document na nakasealed pa kay Mia. Pumasok siya sa loob at tinitingnan ang envelope. She's so curious. Sumigaw si Mia para ipaalam kay Yasmin ang dumating na envelope. " Yasmin, may dumating na padala sa iyo!" Sumagot ito, " Ano naman?" Sa mga oras na iyon ay nasa shower room pala siya. " Hindi ko alam. Mukhang importante. Nakasealed pa ito." " Ganoon ba! Paki-open naman Mia. Please!" " Okay lang ba na buksan ko?" "Sure!" Kumuha na ng gunting si Mia para simulang buksan ang natanggap na padala. Nasa loob ng shower room pa rin si Yasmin. Napatigil siya at natahimik. Biglang may pumasok sa isipan niya na bumabagabag sa kanya. Sumigaw ulit si Mia, " Bubuksan ko na!" Sumagot naman si Yasmin, " Sige!" Hindi alam ni Yasmin kung ano ang ipinadala sa kanya. She just let Mia to open it. Ano kaya ang laman at nakasulat sa document na pinadala? Habang natahimik ito na hindi alam kung bakit ay napahawak si Yasmin sa kanyang tiyan. Nakatayo lamang si Yasmin sa loob ng shower room. Agad kinuha ni Yasmin ang box na nasa kabinet. Ito ang mga itinatago na supply ni Mia. Ang box na iyon ay isang pregnancy kit. May itinatago si Mia na mga ganito para na rin for future use at ma-monitor rin niya ang sarili dahil na rin sa klase ng trabaho na meron siya. But all of these are secret pero hindi niya alam na alam ni Yasmin na may itinatago siya roon. Kinakabahan si Yasmin habang nasa kamay na niya ang pregnancy kit. Magkahalo ang emotion ang kanyang nararamdaman.Natatakot siya na subukan pero kailangan. Marami na siyang kakaibang naramdaman at pagbabago sa sarili at mukhang hindi ito normal. Buntis ba siya? Nilakasan nalang niya ang loob na gamitin. ------- Nabuksan na sa wakas ni Mia ang padalang documents. Hawak hawak na niya ito. " hmmm.. Ano ba ito?" Sinimulang basahin ni Mia ng tahimik. " Resulta pala ito mula sa hospital.. Para kay Yasmin." bulong nito sa sarili. " ... Fainted.." Sumigaw ulit si Mia para ipaalam ang mga documents, " Yasmin, mula pala ito sa hospital. Result mo yata. Na-ospital ka pala?" Nagpatuloy siya sa pagbabasa hanggang sa dulo kung saan naroon ang test result. Isang minuto ang nakakaraan, nanlaki ang mga mata ni Mia. Nagulat siya sa kanyang nabasa. --------- Hawak hawak ni Yasmin ang kit at hinihintay kung ano man ang lalabas. Naka-upo ito sa kubeta. " Yasmin!" sigaw ni Mia. Mas kinabahan tuloy si Yas. Tinutukan niya talaga kung lalabas ba ang isang linya o dalawa. Hanggang... " Oh my!" napatakip ng bibig si Yasmin. Nagulat siya sa kanyang nakita. Dalawang linya ang lumabas sa test. " Am I?" Hindi siya makapaniwala. " I'm pregnant?" Mas lumakas ang pagkabog ng dibdib nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat na reaction. " Totoo ba ito?" Sa baba ay di mapakali si Mia. Mukhang may nalaman siya. Pabalik balk siya sa paglalakad sa living room at hinihintay ang paglabas ni Yasmin sa shower room. Kinakagat kagat pa niya ang kanyang kuko sa daliri. Ilang minuto ang nakaraan, dahan dahang lumabas si Yasmin sa shower room na nakabath robe lang. Nag-aalala siya kung paano niya sasabihin sa kaibigan at ano ang magiging reaction nito. Napalingon si Mia at pinagmasdan si Yasmin. Patay mali muna si Yasmin na para bang walang nangyari sa shower room. Ngumiti siya sa kaibigan na napakaseryoso ng mukha. " Ano ang laman ng document? Saan nga iyon galing?" tanong ni Yasmin. " Sa hospital. Result mo pala iyon.." " Huh?" gulat na reaction ng dalaga. Ibinigay ni Mia ang papel kay Yasmin at tinanggap naman niya ito. Binasa niya ang nilalaman at nalaman ang resulta. Nagulat ng kaunti si Yasmin. " Pregnant: Positive" Nagsalita si Mia at sinabing, " Buntis ka Yasmin." In Yasmin's mind: "Totoo na ba ito? Buntis ako? Buntis nga ako! " Napatingin si Yasmin sa kaibigan na nasa harapan. Nag-aalala si Yasmin kung ano ang sasabihin ni Mia tungkol sa balita. Magagalit ba siya at sesermonan siya? " Mia.." Kinakabahan ang dalaga sa reaction ni Mia. Napakaseryoso ng mukha ng kaibigan niya. Biglang natawa si Mia sa reaction ng mukha ni Yasmin. " Bakit ganyan ang mukha mo Yas?" " Huh?" Nakangiting nilapitan ni Mia ang kaibigan. " Dapat maging masaya ka!" Sinabi niya sabay hawak sa balikat ni Yasmin. " Kinakabahan ako sa iyo!" sagot ni Yas. " Ano!? sa akin?" " Baka sermonan mo kasi ako!" " Ano ka ba!! Masaya nga ako. Congratulations!" Biglang napaiyak si Yasmin, " Mia, Buntis ako.." " Bakit ka umiiyak?" Pinunasan naman ni Yasmin ang mga luha niya. " Bawal ka umiyak!" " Di lang ako makapaniwala.."ani ni Yas. Umupo sila sa sofa at nagpatuloy sa pag-uusap. " Teka, Sino ang ama nang dinadala mo? Huwag mong sabihin.." Napatingin si Yasmin pero hindi ito sumagot. " OMG!" mukhang alam na niya kung sino. " Si Sir?" She just nodded. Biglang tinapik niya ang braso ni Yasmin, " Pilya ka pala!" " Aray!" " May nililihim ka pala sa akin na kapilyahan. Matagal na kayo ano!? Matagal na may ginawa kayong kababalaghan! Aminin mo!" "Uhm--kasi.." namumula ang pisngi ng dalaga. " Ang dali naman ninyo makabuo. Super! Kailan lang nag-aaway kayo tapos mababalitaan ko na lang na kayo na tapos buntis ka kaagad!" " Sorry.. Hindi ko ginusto ito.." " Haist, ginusto ninyo iyan! Kung hindi ninyo ginusto eh, hindi sana kayo nags*x! Tama!? Syempre may mabubuo talaga!" Natahimik si Yasmin. "So ano ang plano mo?" Napaisip si Yasmin. "Remember, may conflict kayo ngayon." "Alam ko.." " Huwag magpapahero hero at ang pride.."payo ulit ni Mia. " Oo na! sasabihin ko sa kanya." " Dapat lang! May karapatan ang ama na malaman niya!" ani ni Mia na nakataas noo. " Pero, isekreto mo na natin. Huwag mong sasabihin. Gusto kong isorpresa siya!" " Hay naku! Heto na naman kami!" Napahinga ng malalim ang kaibigan. -- Alam na ni Mia na buntis ang kaibigan. Napatunayan na ni Yasmin na pinagbubuntis niya ang anak ni Arthur pero pansamantala niyang itinago sa binata. Hindi rin naitago ni Yasmin kay Andy ang tungkol sa pinagbubuntis niya. "Congrats!" Bati ni Andy kay Yasmin at niyakap ang kaibigan. " Salamat Andy!" " Baka gusto mong magleave o magpahinga, Okay lang," wika ni Andy. " Okay lang naman ako. Ayoko namang iwan ka na mag-isa rito sa convenience store." Andy smiled. " Teka Yas, alam na ba ni Sir Arthur na buntis ka?" tanong ni Andy. " Hindi ko pa sinabi. Ang totoo, hindi na kami nagkikita sa ngayon," paliwanag ni Yasmin. " Ano? Bakit? Huwag mong sabihin na hindi ka nya pananagutan. Pagkatapos ng lahat ganun nalang?" naiiritang sabi ni Andy. " Teka teka lang Andy. Huwag ka munang magreact.." " Dapat panagutan ka niya!" " Walang kasalanan si Arthur.. Ako ang nagsabi na kailangan ko nang oras para mag-isip.." paliwanag ni Yasmin. " Para saan?" " Uhmmm" Napaisip si Yasmin. Hangang may pumasok sa store. Napalingon ang dalawang babae at binati ang lalaking pumasok. " Good afternoon!" " Good afternoon!" bati ng lalaki na may dalang isang bouquet ng flowers. " Narito po ba si Ms. Yasmin?" Napatingin ang dalawa sa dala ng binata. " Ako si Yasmin. Bakit mo ako hinahanap?" " May nagpadala po sa inyo nitong mga bulaklak.. Paki-receive nalang po.." " Huh, kanino naman galing?" Nagsalita si Andy, " Ano ka ba, edi kay Sir Arthur.ayie.." Kay Sir Arthur nga nanggaling ang mga bulaklak. "Aiyee.. " tinukso ni Andy ang kaibigan. Pagkatapos pinirmahan ni Yasmin ang mga papeles ay umalis na ang binata. Hindi maiwasang tuksuhin siya ni Andy. " Pampapogi points mula sa daddy.." wika nI Andy. " Ssshh.. Huwag ka ngang maingay, baka may makarinig sa iyo." " Hindi mo ba talaga sasabihin sa kanya?" " Huwag muna. Hindi pa ngayon." "Sige ka at baka magsisisi ka!" --------- Nang nakaalis na ang delivery man sa store ay agad itong pinuntahan ang nagpadala ng bulaklak na nasa kabilang kalye. " Sir, nareceive na ni Ms. Yasmin ang bulaklak." " Okay!" Binigyan agad ni Leo nang tip ang lalaki na utos ni boss. Nanatili pa rin si Arthur sa sasakyan kasama si Leo. Minamasdan niya ang store sa malayo. " Sir, hindi niyo po ba pupuntahan si Ms. Yasmin?" tanong ni Leo. " She needs time kaya pagbibigyan ko siya.." sagot nito. " Hanggang kelan po?" Hindi na sumagot si Arthur. ---------- Patuloy pa rin sa pagbibigay ng bouquet ni Arthur sa dalaga. Patuloy naman sa pagtutukso si Andy sa kaibigan. Hindi man siya nagpapakita kay Yasmin ay pinaparamdam niya ang kaniyang presensya gamit ang mga bulaklak. Mukhang nasanay si Yasmin na makatanggap ng bulaklak mula kay Arthur bawat hapon na nasa convenience store siya. Pero isang hapon, walang natanggap na bulaklak si Yasmin. Inaabangan niya na dumating ang delivery man pero hindi ito dumating. Nakatayo si Yasmin sa may pinto.at medyo malayo ang tingin. Napansin ito ni Andy na nasa counter. " Yas, may hinihintay ka ba?" " Wala naman.." pagsisinunggaling ni Yas na medyo malungkot ang tono ng boses. " Ang mga bulaklak ba na darating?" Hindi na sumagot si Yasmin at bumalik na ito sa ginagawa. Dalawang araw na hindi nagparamdam si Arthur. Mukhang namimiss na sya ng dalaga. Sa kakaisip ni Yas tuloy Hindi siya makatulog. Bakit kaya? Napatanong ang dalaga sa sarili, " Bakit kaya wala na akong natatanggap mula sa kanya?" Napatingin siya sa kisame at di mapigilang mag-isip ng ibang dahilan. " Nagsawa na ba siya? Napagod na ba siya? O di kaya may iba na siya?" Nanlaki ang mga mata nito at napabangon sa higaan, " May iba na kaya siya?" Napahawak siya tuloy sa tummy niya habang pumapasok sa isip nito ang mga kakaibang dahilan. Unti unti na yatang napaparanoid ang dalaga. Tuloy ay naguguluhan siya. Haist! --------- Habang iniisip ni Yas ang binata ay nasa bahay si Arthur at kinakausap niya si Leo. " Tama ba ito na itinigil ko na!?" tanong ni Arthur na nababahala. " Okay lang po iyon. Trust me sir! Tama ang sinabi ko na gawin mo. Nabasa ko po ang ganitong eksena sa libro." paliwanag ni Leo. Hindi mapakali si Arthur sa pinaggagawa. Napaupo si Arthur sa couch at mukhang maraming bumabagabag sa utak niya. " Sir, huwag po kayong mag-alala. Sigurado, babalik na sa inyo si Miss. Magkakarandarapa po siya at sasabihing... Arthur, I miss you!" " Haist, ang OA mo naman Leo. Hindi bagay!" sermon na seryoso ni Arthur. " Sir naman!" Pinayuhan ni Leo si Arthur na tigilan muna niya ang pagbibigay ng bulaklak at iwasan muna na sundan at manmanan si Yasmin. Bakit? Sabi ni Leo para mamiss ni Yasmin ang binata. Kapag mamiss na niya si Arthur, hahanapin na niya si sir.. At iyon na ang simula. " Para yatang ako ang bibigay... hindi ko kakayanin.."ani ni Art. " Huh?" " Ayokong hindi ko siya makita! miss ko na siya!" " Sir, tiis lang po! Tingnan ninyo at tatawagan ka ni Miss. Susungit sungit muna tapos lalambing rin. Aiyee!" kinikilig si Leo. " Sana ganun nga!" ------ " Haist, nakakainis siya!" biglang nagsalita si Yasmin habang nakaupo at kaharap ang shelves ng mga canned goods convenience store. Napatingin si Andy sa kaibigan na nakitang naiinis na ito. Hinayaan nalang niya ang dalaga sa kanyang emotion. " Gi-give up pa rin pala siya!" Sa mga oras na iyon ay walang costumers sila sa convenience store. Sila Yasmin at Andy lamang ang naroon. Kinakausap ni Yasmin ang baby na nasa loob pa, " Nakakainis naman ang daddy mo, Kung kelan nagugustuhan ko na ang mga bulaklak na binibigay niya, eh iyon naman ang pagtigil nito. Haist! Siguro, napagod na siya. Nakakapagod ba? Hindi naman, di ba?! Pero siguro, nagsawa na siya? At ngayon baka may nahanap na siyang iba at pinagpalit na tayo!" Kung ano - ano nalang ang pumapasok sa isip ni Yasmin. Ikaw kasi, OA mo! Dala na siguro sa pagbubuntis ni Yasmin ang pag-iiba ng mood. ------- " Parang hindi ko kaya Leo!"matamlay na sabi ni Arthur na nasa mesa niya sa opisina. " Sir?" Biglang napatayo si Arthur at nabuhayan. " I will go to her! Kahit na ipagtulakan pa niya ako, lalapit na ako sa kanya." " One day nalang sir. Isa pang araw. Just try lang po!" " Hindi!" " Sir!" pagpipigil ni Leo. Tumigil si Arthur at hinarap si Leo, " Ako ang masusunod!" Hindi na mapipigil si Arthur sa pagpunta kay Yasmin sa convenience store.Walang magawa si Leo kundi sumunod sa boss. "Si boss talaga hindi makatiis. Samantala, habang nasa storage room si Yas at nagbibilang ng pera sa kaha si Andy ay may dumating na dalawang lalaki. Nagulat si Andy na may halong takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD