Chapter 46

4151 Words
Gabi na at tinawagan na ni Arthur si Leo. " Nasundo mo na ba si Yasmin?" " I'm on my way pa po sir sa kanila." " Sige!" Nagising na rin si Yasmin habang nakahiga. " Nasaan ako?" Sa kabilang kama na patiente ang sumagot. " Edi nasa hospital." " Hospital?" Inaalala ni Yasmin ang lahat ng nangyari. Hmmm.. Dumating ang isang nurse na nag-aasikaso sa kabilang kama. " Nurse, anong nangyari?"usisa ni Yasmin. Sinagot siya ng nurse, " Ahh, nahimatay raw po kayo. May gwapong binata ang nagdala sa iyo rito." "Gwapong binata?" Tinukso naman si Yasmin ng isang patiente na katabi. " Uyy.. Boyfriend mo?" " Hindi ko po siya boyfriend!" Nagsalita ang nurse," Huwag ka ng mag-alala mam, na settle na po niya ang lahat na babayaran!" "Po?" " Wow naman, ang swerte niya, " reaction ng isang patiente. " Sino po siya?" tanong ni Yasmin. " Maaari niyo pong tanungin sa nurse station." " Ahh, sige.." Napalingon sa may orasan si Yasmin at nabigla siya. " Oh my! 6 na?" Napabangon agad si Yasmin sa kama. Pumunta muna siya sa nurse station para magtanong. " Miss nurse.. Kasi.. Pwede na ba akong umalis? May babayaran pa po ba ako?" " Okay na po lahat mam. Na-settle na po ng kasama niyo po." " Kasama ko? Ang tinutukoy niyo po ba ay iyong lalaking nakasuit?" " Yes po.." " Ahh, so pwede na akong umalis?" " Okay na po ba kayo?" " Okay na ako!" " Ang sabi po kasi nahimatay kayo.." " Siguro sa pagod.."sagot ulit ng dalaga. " Pakifill up po ng form na ito maam. Hindi po kasi nag fill up ng kasama niyo." " Ahh, sige. " Sinulatan ni Yasmin ang mga kailangang information. Nakita niya roon ang  nakasulat na pangalang, Leam Foster. " Leam Foster.. Ito iyong pangalan na itinawag sa kanya.. Leam." pabulong nitong sabi. " Maam, kukunin ko muna po ang result sa test ninyo," sabi ng nurse at pumasok siya sa kanilang office. Hindi na narinig ni Yasmin ang sinabi ng nurse. Biglang tumunog ang cellphone ni Yasmin. " Naku!" Pagkatingin niya sa cellphone ay bumungad ang name ni Leo. "Tama pala, susunduin ako ni Leo." Mas kinabahan tuloy si Yasmin. Agad umalis ang dalaga sa lugar na hindi nakuha ang resulta sa test. Bumalik ang nurse na dala ang result pero nakaalis na si Yasmin. Tinawagan na ni Leo si Yasmin dahil susunduin na niya siya. " Leo, huwag ka nang pumunta sa bahay. Wala ako sa bahay. Sunduin mo nalang ako rito sa harapan ng Victory mall sa Dales Street," sabi ni Yasmin. " Okay miss, I will be there po." Naghintay si Yasmin kay Leo na dumating. Dala ng dalaga ang paperbag na may lamang mga regalo sa pamilya ni Arthur. "Magugustuhan kaya nila ito. Sana nga!" Hindi nagtagal ay dumating na si Leo na sakay sa isang sasakyan. Minamaneho ng driver nila Arthur. Nagparking muna sila at pinuntahan si Yasmin pagkatapos. Nang makita niya ang dalaga ay tinawag niya ito. " Miss Yasmin!" tawag ng binata na may dalang isang box. " Leo!" Lumapit sila sa isa't isa. "Pasensya na po at medyo late." Nahihiyang sambit nito. "Okay lang." " Siya nga po pala Miss, pinabibigay ni sir Arthur. Damit po na susuotin ninyo." " Hm?" napatingin si Yasmin sa suot na simpleng dress nito. " Pangit ba ang damit ko?" " Miss, maganda po kayo sa damit ninyo ngayon. Nag-aalala lang siguro si boss." paliwanag ni Leo. " Pihikan ba ang pamilya niya? Mapili ba sila? Maarte ba ang tita niya? Ayaw ba nila ng ganito?" " Uhmm.. Hindi ko po alam. Bihira ko lang kasi sila makita rin." " Ahhh, ganoon ba." " Pero sa tingin ko po ay okay naman po ang tita Nancy ni Sir kesa sa iba." " Sige, magbibihis na ako." Pumunta ng ladies room si Yasmin para magbihis ng damit na pinapasuot ni Arthur. Isa itong elegant na white dress na hanggang tuhod na may maliliit na glitters. Mukhang mamahalin ang damit na pinasuot nito. Bumalik agad si Yasmin pagkatapos. "Okay na po ba kayo?"tanong ni Leo. She nodded. Pumasok na sa loob ng sasakyan si Yasmin. Nasa harapan si Leo at pinaandar na ng driver ang sasakyan. Mukhang excited na rin si Leo sa mangyayari habang kinakabahan si Yasmin. Hindi maiwasang kabahan ang dalaga. Halata ito sa mukha niya pero may halong excitement rin. " Kinakabahan po ba kayo Miss?" usisa ni Leo na minsan ay lumilingon kay Yasmim sa likuran niya. " Medyo.." " Huwag po kayong kabahan. Nariyan naman po si Sir Arthur. Hindi ka nya iiwan!" " Tama ka!" Nakangiting sagot ng dalaga. " Alam ninyo, masaya po ako sa inyong dalawa. Masaya ako kay sir  na sa wakas nahanap na niya ang taong mamahalin niya habang buhay, at ikaw po iyon Miss!" Napangiti si Yasmin habang nakikinig. "Malaki po ang pinagbago ni Sir. Hindi po siya ganyan. Iba po ang pag-alaga niya sa inyo at pagpapahalaga kaysa sa mga nagdaang mga babae. Sa katunayan, siya talaga ang humahabol sa inyo hindi tulad noon na siya ang hinahabol ng mga babae." " Ganon ba.." " Opo, habulin po siya ng mga babae. Siguro dahil sa itsura niya at pera. Maraming haliparot na nakapaligid sa kanya pero ni isa ay wala siyang sineryoso. Ngayon lang talaga siya may ipapakilala sa pamilya niya at ikaw iyon po!" " Talaga? Kahit isa?" " Opo! Wala talaga! Kaya nagagalit ang lolo nito kasi alam nila na marami syang mga babae pero ni isa ay wala siyang ipinakilala sa kanila." " So, ano ang ibig sabihin noon? Magugustuhan ba nila ako?" " Syempre naman po, magugustuhan kayo." " Anong klaseng tao ang lolo niya? Noon kasing nasa videochat noon, mukhang nakakatakot." " Ahhh, strikto talaga iyon,  business minded kasi. Mas nakakatakot kapag nagagalit. Seryosong tao pero siguro naman po magugustuhan kayo niya." " Nakakatakot ba talaga?" " Huwag kayong matakot.. Mas mabuti pa po bigyan niyo siya agad nang apo sa tuhod. Sigurado, babait iyon!" Pabirong payo ni Leo na palihim na tumatawa.  " Huh? Ano? Seryoso?" Di na matago ni Leo ang tawa niya.  "Joke lang po. Pero iyon kasi ang naririnig ko na pinagtatalunan nila ni Sir. Inaapura na si Sir Arthur. But miss, huwag po kayong mapressure. Ganyan lang po ang mga matatanda." Napahawak sa tyan si Yasmin at natahimik.. " Akala siguro ng matanda madaling gumawa ng bata.. Este madaling makabuo." Kinuha ni Yasmin ang kanyang cellphone at kinunan ng picture ang sarili. Ginawa niya ito para mabalin sa iba ang kanyang iniisip at maiwasang kabahan. Nagselfie muna siya habang nasa biyahe pa sila. Napatingin si Leo sa mirror at tiningnan si Yasmin sa ginagawa sa likod. " Hmm, patingin nga sa mga picture ko.." bulong nito sa sarili. Tiningnan ni Yasmin ang picture gallery ng phone. Naroon ang isang album ng mga selfie pictures niya ngayon. " I like this.. Maganda ito." Scroll ng scroll siya sa pagtingin sa mga larawan. Di sinasadya niyang madelete ang isang larawan na gusto niya. " Ops.. Naku naman, nadelete ko! Maganda pa naman iyon!" " Ano pala iyan Miss?" tanong ni Leo. " May nadelete ako na picture," pag-aalalang sabi ni Yasmin. "Nice pa naman iyon!" " Tingnan niyo po sa delete folder ng mga pictures. Meron yata po dyan." " Really? Merong ganoon?" " Check niyo nalang.." " Sige.." Hinanap ni Yasmin ang album ng deleted pictures sa gallery ng phone. At ilang minuto lang nakita niya ito. " Meron nga Leo!" Napangiti si Leo. " Salamat." Binuksan niya ang folder at nakita niya ang na delete na photo. Pero hindi lang photo ni Yasmin ang naroon. Na-curious si Yasmin sa mga larawan. May mga larawan na mga tanawin at buildings.. Isa isa nitong tiningnan. Tahimik lamang siya tinitingnan ang mga pictures noon ni Arthur. Ang cellphone ay pagmamay-ari ni Arthur na ibinigay kay Yasmin pansamantala. Hanggang.. Nabigla siya sa kanyang nakita. Picture ni Marga! May selfie si Marga sa phone ni Arthur pero nasa delete folder na ito. " Marga?"Nakakunot noong pagsambit ng pangalan ng dalaga.  Medyo sumisikip ang dibdib ni Yasmin noong nakita niya ang larawan ni Marga Nagpatuloy sa pagscroll si Yasmin at nakitang hindi lang isa ang picture nito kundi marami. Ang mga larawan nito ay napakaseductuve at mapang-akit. Pinakita talaga ang cleavage ng bruha with super red lips. " Miss, malapit na tayo.." sabi ni Leo. Pero napakatahimik ni Yasmin sa likod. Tiningnan ni Yasmin ang date na kinunan ito  at ito ang mga panahon na magkasintahan pa sina Xian at Marga. " Ano ang ibig sabihin nito?" pabulong nitong tanong sa sarili. Pagkatapos ay nanlaki ang mga mata ni Yasmin ng makita pa ang isa na namang litrato. Nagselfie si Marga na nakakumot ito na halatang hubad sa kama at ang katabi niya ay si Arthur na natutulog. Kitang kita ang abbs ng binata at mukhang hindi alam ang pagkuha sa litrato. Unti- unting nanginginig ang kamay ni Yasmin habang hawak ng kamay ang cellphone. Inilipat niya pa ang litrato sa kabila at may isa pa. Mas malapit ang pagkuha sa picture na pa-selfie at napakalapit ng mukha ni Marga kay Arthur. May isa pa naka-pout lips ang dalaga. " Naging sila ba?" Usisa ni Yasmin na may halong pagtataka. " Huwag po kayong kabahan Miss, okay!"payo ni Leo na walang kaalam-alam sa mga nalaman ni Yas. " Leo, may itatanong lang ako.." " Ano po iyon?" " Sino ang huling babae ni Arthur?. I mean, bago ako." Napaisip si Leo. " Uhmm.." Nagdadalawang isip si Leo na sabihin. " Kilala mo ba si Marga?" tanong ni Yasmin. " Opo. Siya po ang supervisor at head ng beauty care department. Bakit niyo po naitanong?" " Naging sila ba ni Arthur?" " Uhmmm.. Kasi close po sila." " Anong close? Gaano ka close? Close na mukhang magkasintahan?" " Di ba po sabi ko sa inyo, maraming dumidikit kay sir na mga babae. Parang ganoon po." " So you mean, meron nga!?" " Anong meron po?" " Meron silang relasyon noon!?" " Mukhang naging sila po pero hindi naman seryoso si Sir kay Miss Marga." " Pero, naging sila?" " Miss, ang hirap ng tanong ninyo po." pabirong reaction ni Leo. Yasmin's pov Napatanong ako sa aking sarili..bakit ko nakalimutan si Marga? Bakit ko iyon nakalimutan? Tama pala, naaalala ko na nakita ko si Marga na may kasamang lalaki sa building ng kanyang pinagtratrabahuhan noong bumisita ako. Nakita ko na may kahalikan siya at ang lalaking iyon ay si Arthur. Sa ikalawang pagkakataon ay nakita ko sila sa kotse at iyon ang kotse ni Arthur. Siya iyon.. Sila iyon! Bakit ko nakalimutan iyon? Kung naging sila, maaaring may koneksyon pa rin sila ni Marga. Si Marga na akala ko kaibigan ko pero sa huli ay kaaway ko pala. Traydor siya! Kung tinraydor niya ako noon at ipinahamak, maaari rin niyang gawin ito ulit. Hindi kaya lahat ng ito ay kagagawan na naman ni Marga katulad ng dati. Bakit hindi ko naisip iyon? Akala ko mapuputol na ang koneksyon ko sa kanya pero hindi pa pala. Ayoko na ng may kinalaman kay Marga. Ayoko ng may koneksyon sa kanya! Sigurado akong guguluhin na naman niya ang buhay ko. Pagod na ako! Tama na iyong sakit ng dahil sa kanya. " Miss, narito na po tayo." -------- Nasa dining table sila Arthur at kaharap niya ang lolo nito at tita. " Nasaan na ba siya?" tanong ng lolo na napakaseryoso.Kunot noong nakatingon sa apo. " Coming na po sila lo," sagot ni Arthur na confident sa pagsasalita. Napakahigh class ng restaurant with elegant na muwebles at mga gamit. Kumikinang ang mga nakapalibot na palamuti. May tumutugtog ng violin na romantic. Ang mga kumakain rito ay mga nasa upper class. Naiinip na yata ang matanda sa paghihitay. " Ang tagal naman Arthur!" " Pa, maghintay muna tayo," wika ni Tita Nancy. Dumating na si Leo sa lugar nila Arthur. Lumapit ito sa boss niya. " Nasaan si Yasmin?" tanong ni Arthur. Napatingin sila lahat kay Leo. " Nasa ladies room lang po." " Hindi na ako makapaghintay na makilala siya Arthur. Masaya ako na sa wakas ay may ipapakilala ka na talaga sa amin at hindi iyong nababalitaan lang naming mga babae mo!" wika ni Tita Nancy. Sumagot si Arthur, " Siguradong magugustuhan niyo po siya!" " Dapat lang! At magpakasal kayo agad para.." hindi pa natatapos ang pagsasalita ng matanda ng nagsalita si Tita Nancy. " Hayan na naman kayo.." Lumipas ang 15 minuto sa paghihintay nila kay Yasmin. Unti unti nang naiinip ang matanda. Hindi na maguhit ang mukha nito. Napansin na ito ni Arthur at nagsimula na siyang kabahan. Nakatayo sa gilid ni Arthur si Leo kaya tinawag niya ito. " Puntahan mo nga si Yasmin doon." Pabulong nitong utos kay Leo. " Yes sir!" Pinuntahan ni Leo si Yasmin sa ladies room. Matiyaga namang naghintay pa sila ng ilang minuto. " What's the name of the girl again?" tanong ng tita niya. " Yasmin.." " Nice name. Saan mo naman siya nakilala?" Nagsimula ng magtanong si Tita Nancy at na-curious na ito. " I met her sa Pilipinas but we met again here at dito kami mas nagkakilala," kwento ni Arthur. " Interesting!" reaction ng tita. Bumalik na si Leo na walang kasama. Napatingin silang lahat sa kanya habang naglalakad patungo sa kanila. Bumulong siya kay Arthur. At biglang.. " Ano!?" reaction ni Arthur. Napatayo si Arthur at nakapagmura tuloy, " Sh*t" Agad itong umalis sa hapag kainan kasama si Leo. Nagmamadali silang dalawa at mukhang pupunta sila sa may ladies room " What's going on?" tanong ng matanda. ------- Sa labas ng ladies room ay naroon ang isang babaeng waiter. Siya ang pinapasok ni Leo sa loob ng ladies room. " Where is Yasmin?" pasigaw na tanong ni Arthur. " Sir, no one was there..." mahinahong balita ng babae. "What!? What do you mean?" Hindi na napigilan ni Arthur at pumasok siya sa ladies room. " Sir!" " Yasmin! Yasmin!" sigaw nito. Inisa- isa niya ang cubicle at wala talagang tao roon.  " Yasmin!" Napahilamos siya ng mukha habang hinahanap si Yasmin. Wala ang dalaga! Nasaan siya? Binalikan ni Arthur si Leo at hinila ang kwelyo ng binata, " Nasaan si Yasmin? Di ba sabi mo nagCR lang siya. Bakit ngayon wala siya rito?" " Sir, nakita ko pong pumasok siya sa ladies room. Bago po ako pumunta sa inyo ay talagang inihatid ko pa siya rito," paliwanag ni Leo na medyo kinakabahan. Binitawan naman agad ng binata si Leo at mukhang hindi na niya alam kung saan hahanapin ang dalaga. Dumating ang guard at sinabing, " Sir, the girl wearing white dress went out already. She's alone.." " Ano!?" Agad tumakbo palabas si Arthur na nagbabasakaling makita ang dalaga sa labas. Sumunod naman si Leo sa kanya. Palingon lingon si Arthur sa paligid pero walang Yasmin sa labas ng restaurant. Napatanong si Arthur kay Leo, " Anong nangyari kanina bago kayo nakarating rito?" " Wala naman po sir...walang kakaiba.." " Eh bakit siya umalis na hindi nagpapaalam?" Halatang gulong gulo na si Arthur at di mapakali. Di maiwasang mag-alala siya kay Yasmin dahil na rin sa mga nangyayari kama -kailan. " Nasaan ka ba Yasmin?" May naalala si Leo na palaging tinatanong ni Yasmin kanina. " Sir, kanina panay tanong po siya kay Ms. Marga... Nagtatanong po siya tungkol kay Ms. Marga." Napalingon si Arthur kay Leo na nakakunot ang noo. " Ano? Tungkol kay Marga?" " Iyon po ang naaalala ko po na medyo natahimik po siya bigla sa sasakyan." " Sh*t!" He tried to contact Yasmin. ( The number you have dialed is either unattended or out of coverage area..pls try again later!) " Sh*t" napapamurang reaction ni Arthur at napatapon siya sa cellphone sa lupa. Nagulat si Leo sa ginawa ni Arthur. " Anong kinalaman ni Marga!?" napatanong si Arthur sa sarili. Inutusan niya agad si Leo na tawagan si Mia kung nakauwi na ba si Yasmin. " Tawagan mo si Mia at tanungin mo kung nakauwi ba ng safe si Yasmin." " Yes po Sir!" Naghintay si Arthur sa sagot ni Leo na busy sa pagtawag kay Mia. Hindi na siya mapakali kaya pabalik balik siya sa paglalakad. " Sir, nakauwi na po raw si Yasmin sa kanila." " Ganoon ba.. Mabuti naman," medyo nakahinga na ito pero gusto pa rin niya malaman ang dahilan sa di pagdalo niya. Walang magawa si Arthur kundi bumalik sa loob.  ------ " What happened Arthur?" tanong ni Tita Nancy. Medyo seryoso ang mukha ni Arthur at pawis na pawis ito. " Sorry hindi po siya makakarating," malumanay na sabi ni Arthur sa kanila. " Ano!!" galit na reaction ng lolo na napalapat ang palad sa mesa. Umuusok ito sa galit.  Napatayo naman si Tita Nancy para pakalmahin ang matanda. " Pa...kalma lang po..nakakasama sa inyo ang magalit." " Pinapunta mo kami rito para sa wala! Pinaglalaruan mo ba kami Arthur!"sermon ng matanda. Tahimik lamang si Arthur na nakikinig sa matanda na medyo natutulala. " Haist.. Inaaksaya mo ang oras namin!" Napayuko ang binata sa harapan nilang dalawa. Walang magawa si Arthur kundi tanggapin ang mga sermon nila. " Ayokong makita ang pagmumukha mo hanggat hindi mo maibigay ang gusto ko!" Inalalayan ni Tita Nancy ang matanda. " Umalis na tayo!" ------ Sa bahay ay totoong nakauwi na si Yas at nasa kwarto niya. Kumakatok si Mia sa kwarto ni Yasmin. " Yasmin, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ng kaibigan. Hindi sumagot ang dalaga na nasa loob at nakahiga. Hindi man siya natutulog pero nakahiga ito at mukhang malalim ang iniisip. " Tumawag nga pala si Leo at tinatanong kung narito ka..Sinabi ko na nakauwi ka na." Hindi pa rin sumagot si Yasmin. " Yasmin, may problema ba? Di ba ngayon ka ipapakilala sa pamilya ni Sir Arthur. Anong nangyari roon? Inaway ka ba nila?" Napatingin si Yasmin sa bintana. Malalim na ang gabi at di pa rin siya makatulog. Si Mia naman ay nag-aalala sa kaibigang hindi naman sumasagot at ang tahimik sa loob. Nanatili si Mia sa likod ng pinto ng kwarto ni Yasmin. "Yasmin, hindi ako aalis sa pintong ito kung hindi mo ako sasagutin at sasabihin kung ano ang problema mo!" Napatingin sa pinto si Yasmin. Nakalock ito pero kahit alam ni Mia kung nasaan ang susi ay hindi niya ginawa. Gusto niya na kusang lumabas si Yasmin at sabihin sa kanya ang problema. Napaupo na lang si Mia sa sahig na nakasandal sa may pinto. " Alam kong nag-aalala na sila sa iyo. Ano ba ang nangyari? Masasama ba ang mga kapamilya niya? Hindi ka ba ipinakilala ni Sir? Ipinahiya ka ba? Pinagalitan? Magkwento ka naman!" Napaupo na si Yasmin sa kama at napatingin ulit sa pinto na alam niya na sa likod noon ay naroon ang kaibigan. " Huwag mong solohin ang problema Yasmin. Narito ako at handa akong makinig." Hindi na nakatiis si Yasmin at lumabas na siya ng kwarto nito. Pagkabukas niya ay naroon si Mia sa labas at nakaupo sa sahig. " Mia.."mahinang sambit ng dalaga. Napalingon si Mia at napatayo. " Yasmin!" Agad yumakap si Yasmin sa kaibigan. " Mia!" mukhang umiiyak ang dalaga. "May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Mia. Pinaharap ni Mia si Yasmin at bumalik sa loob ng kwarto at umupo sa kama. " May gusto ka bang sabihin? Makikinig ako." Hindi mapigilan ni Yasmin ang kanyang mga luha. " Ano ba ang problema? Bakit hindi ka dumalo? Sabi ni Leo naghintay raw sila sa iyo." " Kasi.." Napatingin si Yasmin kay Mia na bakas sa mukha ang kalungkutan. Seryoso namang nakaharap ang kaibigan. " Hindi ako dumalo dahil natatakot ako..." nagsimulang magsalita si Yasmin. " Bakit? Bakit ka natatakot? Nakakatakot ba ang pamilya ni Sir Arthur?" " Hindi sa pamilya ni Arthur.." " Eh, kanino ka natatakot?" " Natatakot ako na baka ang lahat ng ito ay kasinungalingan lang. Natatakot ako na baka kagagawan ito ni Marga. Natatakot ako na sa huli ako pa rin ang kawawa at masasaktan." " Si Marga? Bakit napunta si Marga sa usapan? Anong kasinungalingan? Hindi ko maintindihan!" "Panandalian kong nakalimutan ang tungkol kay Marga. Nakalimutan ko na boss nga pala ni Marga si Arthur sa Pinas. At ngayon, naalala ko na minsan ko ng nakitang may kasamang lalaki si Marga noon at si Arthur pala iyon. Kanina nalaman ko na nagkaroon pala sila ng relasyon at tama ako na siya iyon noon. Nakalimutan ko na may koneksyon pala siya kay Marga!"pagpapaliwanag  ni Yasmin. " Then?" " Baka lahat ng ito ay kagagawan na naman ni Marga. Ginawa na niya ito dati sa akin, ang tungkol kay David. Pinakilala niya sa akin tapos ginamit lang ako. Lahat ay kasinungalingan at pinapaikot lang pala nila ako. Ang tanga ko!" " Pero sa tingin ko ay hindi ito magagawa ni Sir Arthur."ani ni Mia. " Pero may koneksyon siya kay Marga! Hindi natin alam na pakana lang pala nila ito. Paiibigan niya ako pero ang mahal lang pala niya ay si Marga. Plano ito ni Marga para saktan ako!" Giit ni Yasmin.  Hinawakan ni Mia ang balikat ng kaibigan. " Teka lang, paano ka makakasiguro na totoo ang mga hinala mo? Nag-usap na ba kayo? Tinanong mo na ba si Sir?" Natahimik saglit si Yasmin. " Yasmin, alam kong matindi ang pasakit ang naranasan mo kay Marga. Naiintindihan ko kung bakit ka natatakot pero Yasmin hindi siguro iyon magagawa ni Sir. Mahal ka niya at nakikita ko iyon sa inyo. Magpakatatag ka lang at kailangan kang maging matapang. Kung mahal mo siya, dapat handa ka na tanggapin kung meron silang nakaraan. Isa pa, nakaraan na niya iyon. Kung may koneksyon man siya kay Marga hindi dahil sa gusto kang saktan kundi sa trabaho nila. Ang sabi mo nga, boss ni Marga si Sir at baka doon lang talaga iyon." " Pero.." " Kailangan kayo mag-usap at makinig sa isa't isa. Huwag mong hayaang maunahan ng takot ang puso mo at pagdududa. Ipaglaban mo kung ano ang nasa puso mo. Huwag kang maging duwag dahil ang duwag ang siyang talo. Pagkatiwalaan mo muna si Arthur. Sa pagkakataong ito, huwag kang maging tanga! " Niyakap ni Mia si Yasmin. Hindi na sumagot si Yasmin. ------- Nakaupo sa isang couch si Arthur at napakalayo ng tingin. Umiinom ito ng whiskey na gamit ang isang wine glass. Kumatok muna si Leo sa kwarto at pumasok na ito. " Sir, heto na po iyong mga nakalap ko na impormasyon," balita ni Leo ng ibinigay ang mga papekl sa boss. Tinanggap ni Arthur ang mga papeles at binasa niya ito. Nakatayo at naghihintay si Leo sa iuutos ng kanyang boss ulit. Inalala ni Leo ang pag-uusap nila ni Mia. " Mia, tulungan mo naman ako na makakuha ng impormasyon." " Huh? Ano naman?Anong impormasyon?" Usisa ni Mia. Nag-uusap sa cellphone sina Mia at Leo. " Ang tungkol kay Yasmin. May nangyari kanina kasi at mukhang may kinalaman kay Miss Marga. Panay tanong kasi si Miss tungkol sa kanya." "Si Marga?" " Oo, si Miss Marga. Bakit, kilala ba siya ni Miss Yasmin?" " Uhmmm.." nagdadalawang - isip si Mia na sabihin ang nalalaman. " Please sabihin mo kung may alam ka. Para ito sa kanilang dalawa.. Gusto lang malaman ni Sir kung bakit biglaan ang mga ganitong pangyayari." "Sige sasabihin ko ang nalalaman ko pero ipangako mo na walang makakaalam na ako ang nagsabi nito. Kahit ang boss mo, huwag mong sasabihan." " Sige, itatago ko ang identity mo!" " Okay, magaling." Kumuha ng papel at ballpen si Leo para isulat ang mga mahahalagang bagay tungkol kay Yasmin. Nagsimulang magkwento ang dalaga. " Si Marga ay bestfriend ni Yasmin. Magkakilala na sila noon pa simula high school. After ilang taon, bumalik si Yasmin sa Pilipinas para mag attend ng kasal ni Marga sa lalaking ang pangalan ay Xian na crush niya noon. Sa simula okay pa naman sila pero hindi nagtagal ay nag-iba si Marga. Maraming ginawang kasamaan si Marga kay Yasmin. Hindi naman alam ni Yasmin kung bakit. Si Xian naman ay may gusto kay Yasmin kaya siguro nagalit ng husto si Marga. Ilang beses na nyang sinaktan ang kaibigan ko. Kaya nagkalamat ang kanilang pagkakaibigan. Natuloy rin ang kasal nina Xian at Marga. Nasaktan ng husto si Yasmin. Ang masakit non, nakunan siya, ang baby nila ni Xian. Ang hinala nila ay kagagawan iyon ni Marga. Kaya kapag tungkol sa bruhang iyon, kumukulo ang dugo niya. Gusto niyang kalimutan ang mga nangyari kaya bumalik siya rito. Ayaw na niyang maalala ang nakaraan. Marami pa siyang napagdaanan na may koneksyon kay Marga kaya ayaw niyang marinig ang pangalan ng bruha." Kwento ni Mia na inalala ni Leo. Binasa ni Arthur ang mga nakasulat sa papel na siyang nakalap na impormasyon ni Leo. "Kaya pala! Iyon pala ang tungkol kay Marga.." wika ni Arthur na kinakausap ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD