Nakita ni Harrold ang post kung saan hinalikan ni Xian ang isang babaeng nakablack. Nakatalikod ang babae kaya hindi mo makikilala pero alam ni Harrold kung sino siya.
"OMG! Ano ito?" nagulat siya sa kanyang nakita. "Hindi talaga nakapagpigil ang dalawa. Patagong naghalikan talaga! Oh my! Lagot na kung makita niya ito! Tsk3!"
" Ano pala iyan beshy? " tanong ng kaibigan ni Harrold na bakla rin na si Honey na nakaupo sa couch.
" Naghalikan ang kaibigan ko at iyong lalaking may fiancee na! Well, mahal naman niya ang friend ko but baka makita siya ng girlfriend niya!" paliwanag ni Harrold
" Edi mabuti! Para makita noong isa na hindi na siya mahal ng lalaki! Magkaalaman na!" matapang na sabi ni Honey.
"May punto ka riyan Beshy," sagot ni Harrold but still kinakabahan pa rin siya dahil baka may gawing masama si Marga.
Harrold tried to contact Yasmin's phone but out of coverage ito.
" Saan kaya pumunta ang babaeng iyon? Pati si Xian hindi ko macontact! Pagkatapos ng reunion, hindi man lang siya nagtext. Haist.. Ako ang maloloka sa kanilang dalawa," bumubulong sa sarili si Harrold na halatang nag-aalala sa kaibigan. Pabalik-balik siya ng lakad sa loob ng office habang tinatawagan si Yasmin. Talagang kinakabahan siya at napapakagat nalang siya sa kanyang kuko.Di mapakali si Harrold. Si Honey naman ay pinanood lang ang kaibigan.
"Hay naku Beshy, baka nagtanan na ang dalawa at mabibigla ka nalang na buntis na ang kaibigan mo gurl!" ani ni Honey habang nilalagyan ng nail polish na pula ang kanyang sariling mga kuko.
Gulat na sagot ni Harrold at may napagtanto niya. "Oh my! Baka nga! "
-----------
Samantala, dinala ni Xian si Yasmin sa isang lugar na sila lang dalawa. Maganda ang lugar roon at tanawin. Puno ng damo at bulaklak at sariwa ang hangin.
"Sorry na Yasmin," pagmamakaawa ni Xian.
Iba pa rin ang pakikitungo ni Yasmin sa binata. Hindi ito tumitingin sa kanya at halatang nagtatampo.
" Sorry na!"
Malambing na sinusuyo niya ang dalaga.
" Ano bang sasabibin mo at dinala mo ako rito?" tanong ni Yasmin na medyo mataray ang tono ng boses.
"Humihingi ako ng sorry sa ginawa ko kanina. Sorry kung nagalit ako sa iyo at nasigawan kita. Sorry na! Pasensya na at nadala ako sa mga nangyari kay mama noon na ang pangako ko sa sarili ko ay hindi na ako hahawak ng camera dahil wala na siya at wala na akong inspiration. But, nakalimutan ko na kung bakit ako nagtiyagang matuto. Si mama ang nagturo pero may isang tao ang nagbigay sa akin ng inspiration. Hindi lang si mama ang nagbigay inspiration kundi ang isang batang babae. Dahil sa kanya, ginusto kong matuto," paliwanag ni Xian na napakaseryoso at nakatitig sa kaharap na dalaga.
Napatingin si Yasmin kay Xian.
" Sino ang batang babaeng iyon?" usisa ni Yasmin.
Mas naging seryoso si Xian at umamin,
"Ikaw batang babae iyon, ang batang babaeng tinatanaw ko noon at hindi ko makalimutan. Ang batang babae na nagpasaya sa akin kahit hindi niya ako kilala at hindi kami nagkakilala."
Natahimik si Yasmin sa mga narinig. Hindi niya inakala na iyon ang sasabihin ng binata.
"Sorry.. Sorry na.. " pagmamakaawa ni Xian. Mukha niya ay parang maamong tuta.
" Please, patawarin mo na ako."dagdag ng binata.
Hinawakan niya ang mga kamay ni Yasmin at walang tigil na panunuyo.
Pero kahit na unti-unti ng natutunaw ang matigas na puso ni Yas ay nagmatigas pa rin ito at tinarayan si Xian
"Oay, okay.. Fine!"sagot ni Yasmin at agad umiwas ang mga tingin. tumalikod siya sa binata.
" Pinapatawad mo na ako?" napatanong si Xian.
Napapaisip si Yasmin.
" Sorry na! Ano ba ang dapat kong gawin?"
Habang pinagmamasdan nya ang binata ay napapasermon siya sa sarili.
Yasmins' pov
Nakakainis! Nakakainis! Ang liit ng bagay ay ganito ang pakiramdam ko! Bakit ba ako nagkaganito? Simpleng bagay lang naman iyon but why I don't want to talk to him and see him. Haist!
Niyakap ni Xian si Yasmin na nasa likuran siya. "I don't want to lose you! Ayokong mawala ka! Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako!"matatamis ang pagkakasabi niya at niyakap niya ito nang mahigpit at napapikit siya.
Si Yasmin ay napapangiti at kinikilig. Hindi man alam ni Xian na mukhang napatawad na siya niya but gusto lang niya talagang maglambing.
" kung gusto mong gumamit ako sa dslr ni mama, I will try.."
Nabigla si Yasmin at natuwa sa narinig.
" but..."
" Bakit but?" tanong ni Yasmin.
Hinarap niya si Xian. Nagkatinginan silang dalawa at curious si Yasmin bakit may but..
" but.. Gusto kong naroon ka sa bawat picture na aking kukunan. Ikaw lang ang maaari kong kunan. Ang subject.."
Namula tuloy si Yasmin. Hindi siya makapagsalita at hindi niya alam ano ang dapat ireaction. After a minute..
" deal!" sagot na ni Yasmin.
" So okay na tayo?" nakangiting tanong ni Xian.
Napapaisip si Yasmin.. Hmmm..
" Wait, di ba sabi mo kanina, gagawin mo ang lahat?"
" yes?"
" another deal! You will be my servant. Hanggang kailan? Hanggang feel ko na okay na tayo!" paliwanag ni Yasmin.
" feel mo lang?.. Ang daya nito.." nagrereklamong sabi ni Xian. Nagmumukhang kawawa si Xian.
" Yong tipong satisfy ako sa gagawin mo as my servant!" nakachin -up si Yasmin at inaaasar si Xian.
Yasmin's pov
" ngayon naman ay gusto ko siyang asarin at kulitin. Ang cute niyang tingnan kapag ganyan siya. Nakakaawa ang mukha niya. Hmmm... Hanggang saan naman kaya siya?Gigive up kaya siya agad? Mix yata ang inis at tuwa ko sa kanya. Naguguluhan na ako!"
" Okay, Payag na ako..Reyna ko!" he accepted the challenge.
Palihim na tumawa si Yasmin. Kinikilig siya. Hindi niya mapigilang kiligin.
-------------
" Sino ang babaeng iyon? Kailangan kong malaman kung sino siya!!" nanggigigil si Marga sa galit. Hindi siya mapakali at mukhang maloloka siya sa kaiisip.
Hinalungkat niya ang mga album na may konektado sa photo na iyon. She's also curious kung sino ang nagpost non.. The name is OCIR..
Napaisip si i Marga na may makukuha siyang impormasyon sa mga dumalo sa reunion. Nagsearch siya at nilagay niya sa search box na "reunion batch 2001". Marami ang lumabas at iba't iba ito. Hanggang sa ang pagtitiyaga niya ay nagbunga rin. May picture roon tungkol sa reunion.
" humanda.."
She opened the album at iniisa ang mga larawan. May selfie, groufie at mga nangyari sa program kagaya ng mga speakers, teachers at iba pa.
Nakita rin niya si Harrold.. " Kabatch pala sila.."
Nagpatuloy pa rin siya sa pagtingin nito.
Hanggang..
May nakita siyang solo picture ni Xian was so handsome at nakangiti. Stalker yata ang may ari ng account.
" Bakit maraming picture si Xian at lahat ay stolen?" nagtaka noong una si Marga.
Hindi lang isang account ang may picture si Xian na solo but marami pa.
" tama pala, crush ng campus pala siya at talagang marami talagang may gusto sa kanya. Hmp...Mainggit lang sila because he is mine.." sabi ni Marga sa sarili. She was so confident at ang taas ng tingin niya sa sarili.
She thought that baka may gusto lang sumira sa kanila kaya may ganoong picture. Someone posted it to ruin their relationship kaya hindi nagpatinag si Marga.
"Sigurado akong pinilit lang si Xian na humalik sa maharot na babaeng 'yon! Pagkatapos, sasabihin na sila at para may mapost at pagkaguluhan. Anong akala nila, maniniwala ako.. Xian loves me and he is mine!!"
Napangiwing ngiti si Marga.
Nangako si Xian na gagawin niya ang lahat para kay Yasmin kahit magiging alila siya hangga't gusto ni Yasmin. Bakit kaya naiinis si Yasmin sa binata at hilig niyang mangasar?
" Heto ang tubig Yasmin na kailangan mo! Sabi nila Tita, ganito talaga rito kapag umaga, mahina ang daloy ng tubig sa gripo. Pinag-igib na kita!" nakangiting sigaw ni Xian.
Nasa loob ng banyo si Yasmin at maliligo sana ng mapansin niya na napakahina ng daloy ng tubig at minsan ay nawawala ito. Hindi man sinabihan ni Yasmin na kumuha si Xian ay ginawa na niya. Nakatapis siya roon sa loob ng banyo.
" Nandito na sa labas ng pinto ang balde ng tubig... Ipapasok ko na ba?" sabi ni Xian.
Dahan -dahang binuksan ni Yasmin ang pinto ng banyo. She was shy at hinawakan niya ng mahigpit ang tuwalyang nakatapis sa katawan nito.
Pumasok si Xian at dala ang balde at inilagay sa may gripo. Napasulyap siya sa dalaga na nasa tabi.
Napangiti si Xian na nakatingin kay Yamsin.
Medyo kinabahan tuloy si Yasmin," Anong tinitingin-tingin mo?" Medyo sadyang wala sa mood si Yasmin at nagpapakipot.
Umiwas ng tingin si Xian at sinabing
" hays,. Napakainit naman!" pinapawisan si Xian at agad nitong tinaggal ang sando nito.
Oh my!
Kitang kita na ang napakagandang abbs ni Xian. Napatakip bibig nalang si Yasmin at napapahigpit ang hawak sa tuwalya niya.
Lumingon si Xian sa kanya at ngumiti.
Lumapit siya ng dahan -dahan kay Yasmin at napapaatras naman ang dalaga hanggang napasandal na siya sa pader.
Mas lumapit pa si Xian. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin na mukhang kinakabahan siya. Inaakit yata niya si Yasmin na bumigay sa kanya. Napapalunok nalang si Yasmin habang pasulyap sulyap sa malatinapay nitong abbs.
Napakalapit na ni Xian at sinandal ang kamay sa pader.
"Gusto mo sabay na tayong maligo?" nakangiting bulong ni Xian. "I'm ready!"
Hindi bumigay si Yasmin at sinabing," ayoko!" seryoso nitong sagot.
Nabigla si Xian sa sagot ng dalaga at napaatras ito, " bakit naman?"
"ayoko!" pataray na sabi ulit niya.
" Ang daya mo.. Naliligo nga tayo noon ng sabay."
"pwede ka nang lumabas sa banyo!" mataray na tono ng boses ni Yasmin.
Nalungkot si Xian at napayuko ito, " masusunod po!"
Pagkalabas ni Xian sa banyo ay ngumiti na palihim si Yasmin sa loob. Kinikilig ito.
Lumipas ang ilang minuto at natapos rin sa pagligo si Yasmin. Lumabas siya sa banyo at pumasoknmuna sa bahay. Paglabas niya ay suot na niya ng binigay ni Tita Zita na dress na puti at may bag siyang dala.
Si Xian naman ay naghihintay sa labas at nakaupo sa isang kahoy sa bakuran.
Lumapit si Yasmin sa binata na napakaseryosong tumingin sa malayo.
" Xian!" tinawag niya ang binata.
Napalingon si Xian kay Yasmin. At sa pagkakita niya sa dalaga ay napatitig ito.
Napatayo si Xian at titig na titig sa kagandahan ni Yasmin. She's blooming!
" Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Yasmin.
" you are so beautiful!"
" Halika na!" yaya ni Yasmin.
" huh? Saan tayo pupunta?"
" ipasyal mo ako rito sa lugar mo!" utos ni Yasmin na mukhang demanding.
" huh?" medyo nabigla si Xian.
Agad nagtampo ang dalaga, " ayaw mo? Edi ako na lang mamamasyal na mag - isa! Hmmp!" Umiwas agad si Yasmin at nagsimulang maglakad palayo kay Xian.
"Teka lang! Sasamahan kita!" hinabol naman niya si Yasmin. Naguluhan si Xian sa pagiging moody at pa - iba iba ang gusto ni Yasmin. " Haist. Ang mga babae nga naman."
-----------
Hindi pumasok sa office si Marga dahil masama ang kanyang pakiramdam. Nakahiga lang ito sa kama habang pinagmamasdan ang larawan nila ni Xian.
After a minute, nasusuka ito kaya dali - daling pumunta siya sa banyo at doon na sumuka.
" what's goin on!?" napapatingin siya sa salamin habang pinupunasan ang bibig.
Nagsusuka ulit siya.
At binuksan ang gripo.
May biglang pumasok sa isip niya na nagpakaba sa kanya... " Hindi kaya? Oh hindi,!!"
Isinara niya amg gripo at agad umalis sa banyo.
She went to a convenience store na may pharmacy. She bought something na palihim at ito ay isang pregnancy kit. Gusto lang niyang mag try since may nararanasan soyamg kakaiba sa sarili. Still, she's hoping mali ang iniisip niya. She' hjolding and looking at the box nong paalis na siya nang nasalubong niya si Harrold.
" Marga!"
Nagulat si Marga!
----------
Pinasyal ni Xian si Yasmin sa bukid. Pinuntahan nila ang mga magagandang tanawin roon na gamit ni Xian ang bicycle at nasa likuran si Yasmin. Ang sarap ng sariwang hangin at ang ganda talaga ng tanawin. Napapakapit nang mahigpit si Yasmin at napapangiti si Xian.
" tigil muna!" sigaw ni Yasmin.
" Bakit?"
Huminto rin sila. Bumaba si Yasmin at sinabing, " you take picture of me rito sa magagandang bulaklak!"
Napakaganda ng lugar dahil sa pinapaligiran ng mga bulaklak. It was a field full of flowers.
" pero.. hindi ko.dala ang camera," malungkot na sabi ni Xian.
Binuksan ni Yasmin ang bag na dala at naroon pala ang camera. Nilabas niya ito.
" Heto! Inuutusan kitang kunan mo ako ng litrato!" seryosong sabi ni Yasmin habamg binibigay ito sa binata.
Hinawakan ni Xian ang camera at tinitigan pa ito.
Tumakbo patungo sa mga bulaklak si Yasmin na parang bata. Napatingin si Xian kay Yasmin at..
Xian was amaze what he saw.
Napangiti siya ng makita niya si Yasmin.. Ang inspirasyon na hinahanap niya.....
ay nasa harapan na niya!
" Kumusta Marga?" tanong ni Harrold kay Marga na nasa harapan niya.
" I'm fine," sagot ni Marga na nakangiti.
" Next week na ang kasal mo, siguro excited ka na noh?"
" I'm so excited! Everything is all ready! Thanks for your wonderful wedding gown! After my wedding, sigurado marami kanang clients. I will recommend you sa mga friends ko," sabi ni Marga na mayabang ang tono ng boses.
" thanks Ms. Marga."
Hindi natapos ang pag-uusap nila, " by the way, hindi ko alam na magkabatch mate pala kayo ng mapapangasawa ko na si Xian. I never expect it. What a small world!?"
"tama, kabatch mate nga kami.." sagot niya.
" What a coincidence!"
Napilitang ngumiti si Harrold kay Marga gayundin si Marga. Plastikan mode lang naman.
"So, may kilala ka bang Yasmin ang pangalan?" seryosong tanong ni Marga.
Nagdadalawang isip si Harrold kung sasabihin ba niya na magkaibigan sila ni Yasmin. Instead of answering her question, iniba niya ang topic.
Nagtanong si Harrold, " Ano ang binili mo Marga?"
" huh?" medyo nabigla si Marga at dahan dahan niyang tinakpan ng bag niya ang dalang box.
Napatingin si Harrold at nahahalata niya na mukhang may tinatago si Marga.
"nothing.. I just bought something.. " sabi ni Marga. " I gonna go!"
" ahh, sige."
Dali daling umalis si Marga sa store at sinundan ng tingin ni Harrold si Marga.
" Pregnancy kit ba yon?" nagtatakang tanong ni Harrold sa sarili. Napataning siya,
" is she pregnant?"
----------
Napagod sa pamamasyal si Yasmin at naging model. Wheew!
" Ang hirap palang mag - artista," pabirong sabi ni Yasmin na naglalakad patungo sa bakuran.
Nakasunod naman si Xian at dala-dala ang camera. Natatawa siya kay Yasmin at natutuwa.
Napatigil sa paglalakad si Yasmin ng makita si Chikay na kumakain ng bagong pitas na mga mangga. Nagharvest pala sila Tito at Manong sa kanilang manggahan at dala nila ang limang basket na puno ng dilaw na mangga. Sa may gilid ay naroon si Chikay at kumakain.
" Wow! Mukhang masarap!" naiinggit na sabi ni Yasmin.
" Ate!" kumakaway si Chikay na tinatawag si Yasmin.
Agad pinuntahan ni Yasmin ang mga bata.
" Mukhang masarap ang manggang iyan?" naglalaway na sabi ni Yasmin.
"Kumuha ka Yasmin, huwag kang mahiya. Inani namin iyan sa manggahan. Matamis iyan," paliwanag ni Manong na proud na proud.
" Mukhang matamis po!" sabi ni Yasmin.
" Matamis talaga iyan," sabi ni Dorara.
Hindi na mapigilan ni Yasmin at umupo siya katabi ang bata at kumain ng mangga.
She was amaze," ang sarap!"
Natuwa naman silang pagmasdan si Yasmin. Nanood sila Dorara, Xian, Manong at Chikay kay Yasmin habang kumakain. Hmmm...
Nilagyan pa niya ito ng bagoong.
"Ang sarap talaga!"
Tatlong mangga ang kanyang naubos.
Nilapitan siya ni Xian para patigilin na, " tama na iyan! Marami ka nang kinain. Baka sumakit pa ang tiyan mo!" sermon ng binata.
Nakasimangot bigla ang mukha ni Yasmin, " bakit mo ako pinipigilan? Gusto ko pa!"
" Yasmin tama na iyong tatlo!" seryosong sermon ni Xian.
" Okay fine.. " sagot ni Yasmin na medyo naiinis ang tono ng boses nito.
" Nagsisimula ka na naman.." pabulong ni Xian.
Nanood lamang sila Dorara at Manong sa kanilang dalawa at si Chikay ay nacurious, ang walang muwang na bata.
Biglang naglambing si Yasmin, " Xian, gusto kong uminom at kumain ng buko!"
" huh?" nabigla ang binata sa request ng dalaga.
Nagulat rin sila Dorara.
" seryoso?" napatanong si Xian.
" Seryoso! Mukha ba akong nagbibiro!?"sagot ni Yasmin na tumataas na ang boses nito.
"Sige, sabi ko nga. As you wish!" napilitan si Xian na maghanap ng buko para sa request ni Yasmin.
" Yehey!"masaya si Yasmin.
Umalis sa kinatatayuan sila Dorara na malapit kay Yasmin at lumipat ng upuan sa may kabila. Kasama niya si Manong roon. Nanatili si Chikay sa tabi ni Yasmin.
" thank you Xian!"
Nagtaka tuloy si Dorara at Manong. May naalala tuloy si Manong noon noong nagbubuntis pa si Manang Gie.
"Naalala ko tuloy ang mama mo Dorara, noong pinagbubuntis niya si Tikoy. Ganyan na ganyan siya, mainitin ang ulo, biglang lumalambing tapos gustong ipakuha ang gusto niyang kainin...at kung hindi ko maibigay, nagagalit. Gusto niyang kumain ng kumain.." kinwento ni Manong.
" Naalala ko po iyan.. Napaka moody ni mama.."
Hindi pa naranasan ni Dorara ang manganak kahit na matagal na siyang kasal.
" teka.." biglang may pumasok sa isip kay Dorara.
Napalingon sila sa isa't isa.
" Hindi kaya.."
" Hindi siguro.."
Napatingin sila kay Yasmin na nakaupo sa isang silya at hinihintay si Xian na bumalik at may dalang buko. May dala kaya siya?
"ano pa ba ang sign? Hmmm.." seryosong nanood si Dorara.
" Kung hindi niya kakainin ang dadalhin ni Xian, kahit kanina gusto niyang kainin ito," seryosong sabi ni Manong.
" ibig sabihin.."
" possible.."
Naghintay sila at pagkalipas ng sampung minuto, bumalik si Xian at may dalang buko. Fresh na fresh ito. Halatang napagod ang binata.
" Heto na.."
" uhmm.."
" Bakit?" tanong ni Xian.
"Ayoko ng inumin niyan. Sasakit yata ang tyan ko!" pacute na paliwanang ni Yasmin.
"Omg!" reaction ni Dorara. Napatakip bibig ito.
" huh?" nabigla si Xian. " Nagbibiro ka ba? Pagkatapos mong magrequest tapos ---" Hindi siya makapaniwala.
Nasa isip ni Xian, " Ano bang nasa isip ni Yasmin? Parusa ba ito?"
"Galit ka?" Nalungkot ang boses ni Yasmin.
"Hindi.." paliwanag ni Xian. Umupo siya sa tabi ni Yasmin at Chikay. Hinihingal ito.
Natawa na lamang sila Dorara at Manong habang pinapanood sila... " possible.."
Tumayo si Yasmin at sinabing, "Sige, since good boy ka! ipagluluto kita Xian!" Nakangiting sabi ni Yasmin.
Pagkasabi ni Yasmin ay napatingin si Xian sa kanya. Mukhang nabuhayan ng dugo si Xian.
-----
Tanghali na at inihanda nila ang hapag kainan sa bakuran. Magkakaroon sila ng salu -salo kung saan ang mga kapitbahay nila ay magdadala ng makakain at pagsasaluhan nila ito roon.
Nakahanda ang napakamahabang mesa sa bakuran. Isa isa nang dumating ang mga kapitbahay nila at may dalang pagkain.
" Magandang tanghali po!" bati nila.
" Magandang tanghali rin!"
Nagkabatian na sila at masayang nag -uusap usap at nangungumustahan.
" kumpare!"
" kumpare,kumusta!?"
Ang mga bata rin ay masayang nagtatakbuhan sa paligid ng mesa. Dumating na rin sila Dorara at ang pamilya niya. May dala silang pancit, spaghetti, kaldereta at marami pa.
Inilagay na nila ang mga pagkain sa mesa at nakipagkwentuhan na sa mga kaibigan at kapitbahay.
Meanwhile, nasa kusina sina Yasmin at Kikay at sila ay nagluluto. Nagluluto si Yasmin ng adobo na siyang pangako niya kay Xian na ipagluluto niya siya.
Natapos na rin si Kikay sa kanyang nilulutong pakbet at sinigang na baboy.
" Ilalagay ko na ito roon ate," sabi ni Kikay.
" Sige, susunod na ako," sabi naman ni Yasmin.
" Sumunod ka kaagad dahil malapit na tayong kakain," reminder ni Kikay
" Sige, malapit na akong matapos," masayang sabi ni Yasmin. Excited siya na pakainin si Xian sa niluto niya.
" Para kay kuya ba iyan?" tanong ni Kikay na tinutukso si Yasmin.
"Sa lahat.. Para sa salu salo," sagot ni Yasmin. Hindi alam ni Yasmin na may pagsalu-salo sila but marami naman siyang niluto. Gusto lang niya talagang matikman ni Xian ang luto niya. It's really for him.
Nauna na si Kikay sa labas at naiwan si Yasmin sa kusina.
Nagsimula ng kumain ang lahat. May iba na nakaupo, may iba naman ay nakatayo habang kumakain.
Kakalabas lang ni Yasmin sa bahay at nabigla siya na ang marami palang tao. Higit dalawampu ang mga tao roon. Ganito pala sa kanila. Mukha talagang magkakakilala sila na mga magkakapit-bahay.
Napatayo si Yasmin sa may pinto at biglang kaba ang kanyang nararamdaman. Hindi lang siguro siya sanay sa ganitong lugar. Hinahawakan niya nag tupperware na may adobo. Busy ang lahat sa pagkain at pagkwekentuhan. She felt like alone and out of place.
Nasaan ba si Xian?
Inilagay na ni Yasmin ang tupperware at kumuha ng plato para lagyan ng adobo at ibigay kay Xian.
Nasaan ba si Xian?
Lumingon lingon si Yasmin at hinanap si Xian habang nakatayo sa may mesa.
Pagkalingon niya ay nakita niya si Xian sa may gilid. Hindi naman gaanong malayo ang kinauupuan ni Xian.
Nakangiti si Yasmin ng makita siya at excited na ibigay ang platong may adobo.
Masayang nakikipag - uusap si Xian sa tatlong babae. May dalang plato ang tatlo pati si Xian. Kumakain sila habng nagkwekwentuhan.
Papunta na si Yasmin ng biglang napatigil siya. Hind niya maintindihan ang kanyang sarili ng makita si Xian na may kausap na ibang mga babae, sina Suzy, Panyang, at Mayeng. Sila ay mga kapitbahay nila na kalaro ni Xian noong bata pa sila. Si Suzy lang ang hindi na sinhle sa kanilang tatlo.
Bakas sa mukha ni Yasmin ang lungkot. Ang masayahing mukha ni Yasmin ay napalitan ng lungkot.
Nagtatawanan silang apat roon. Pinanood ni Yasmin sila at nakaramdam siya ng selos.
Tumayo Mayeng at kumuha ng pagkain sa mesa. Binati siya nito, " Hi!"
But Yasmin just smiled.
Bumalik ang babae sa upuan niya kung saan naroon sila Xian. Hindi napansin ni Xian si Yasmin na naroon siya at nakatingin sa kanila.
" Tikman mo ito Xian, " sabi ni Mayeng at susubuan niya si Xian.
Medyo nag alangan si Xian sa una at hindi pumayag, " okay lang.. Thanks!" pabulong niyang sabi.
" Tikman mo na! Ako ang nagluto nito!" pilit ni Mayeng kay Xian. " Magtatampo ako sa iyo kung tatanggihan mo!"
" huh? Ganoon ba?" napilitan si Xian na tumikim at subuan siya ni Mayeng.
Hmmmm..
" Ang sarap di ba?" masayang sabi ni Mayeng.
Masaya silang tatlo at pumayag si Xian.
" Masarap nga!" sagot ni Xian.
Nagkakatuwaan sila at mukhang masaya sila na makita ulit si Xian.
Sinubuan rin ni Panyang si Xian.
Naiba ang mood ni Yasmin at napayuko ito agad.
" Ate, kumain ka na.." aya ni Kikay kay Yasmin. Nakita ni Kikay na may dalang plato ito ng niluto niya. Napansin niya na mukhang nakatingin si Yasmin sa binata but nakatayo lang ito sa may mesa.
" Ate?" nag - aalala si Kikay nang mapansin ang kalungkutan sa mukha at boses ni Yasmin. Napasulyap din siya sa apat at bumalik ang tingin kay Yas. Nahalata niyang nagseselos si Yasmin at si Xian ay mukhang manhid ito.
" Busog pa pala ako," sagot ni Yas na pilit ngumiti.
Inilagay niya ang plato sa mesa at umalis na ito roon.
Mas nag - alala si Kikay dahil na rin sa namumutla si Yasmin.
Noong tuluyan ng nakaalis si Yasmin ay pinuntahan ni Kikay si Xian.
"Kuya!"
Nakasalubong ang kilay ng dalaga at napakaseryoso. Napalingon silang apat kay Kikay ng tawagin si Xian.
" Kikay, ikaw pala," sabi ni Mayeng.
" Kuya, may tampuhan ba kayo ni Ate Yasmin?" tanong ni Kikay.
"Huh? Hindi naman," sagot ni Xian.
Napatayo si Xian at napalinga -linga soya sa paligid.
" Nakita mo ba si Yasmin?" tanong ni Xian kay Kikay.
" Narito siya kanina at dala ang niluto niyang adobo para sa iyo!" ani ni Kikay na medyo nainis kay Xian.
" Narito siya? Nasaan na siya? Kumain na ba siya?" nag - aalala si Xian kay Yasmin na hindi na niya nakita.
Lumapit si Tita Zita kay Xian at kay Kikay. Naroon rin sila Mayeng. " Kumain na ba kayo? Kumain ka na ba Xian?"
" Kumakain na po," sagot ni Mayeng.
" Nasaan si Yasmin, kumain na ba siya?" tanong ni Tiya Zita.
Mukhang nakalimutan ni Xian si Yasmin. Omg! Hindi na namalayan ni Xian na nawiwili na siya sa kanila Mayeng at nakalimutan niya tuloy si Yasmin. Tsk3.. Bad Xian! Nagtatampo ulit ang dalaga.
Napatingin si Kikay na medyo mataray ang dating kay Xian.
Sinermonan ni Tita Zita si Xian, " Ano ka ba Xian, hindi mo alam kung nakakain na ang bisita mo?" tumataas ang boses ng tita niya.
"Hanapin ko lang muna si Yasmin po!"
Agad umalis si Xian at pinuntahan niya sa loob ng bahay.
Hindi alam nila Mayeng ang tungkol kay Yasmin kaya medyo nagflirt sila kay Xian. Napatanong si Mayeng kay Kikay," Sinong Yasmin? Bisita ninyo?"
" more than that!" sagot ni Kikay.
--------------
Nasa sariling banyo si Marga at ginamit na niya ang binili nitong pregnancy kit. Kinabahan siya dahil hindi siya ready if ever na buntis siya. Hindi dapat siya mabuntis ngayon pa na ikakasal na siya. She tried to.
Hawak - hawak na niya ang pregnancy kit at hinihintay nalang na lumabas ang linya. Kapag may dalawang linya ibig sabihin ay positive ibig sabihin ay buntis siya ,but kung isa ay negative!
Hmmm.
Heto na..
At..
At..
Laking gulat niya at ito' y positive. sa pagkabigla niya ay nahulog niya ang pregnancy kit.
Napasigaw siya, " No!"