Chapter 19

3928 Words
Binuksan ni Tita Zita ang pinto at laking gulat niya sa kanyang nakita. Hindi siya makapaniwala na ginagawa nila ito. Pagkabukas nang pinto ay napalingon sina Tikoy at Kikay at nabigla kung sino ang naroon sa may pinto na nakatayo. Naroon si Tita Zita na ang mga mata ay sing bilog ng buwan at may nakasalubong ng mga kilay. "Ti- Tita??" nauutal na sabi ni Tikoy at tinakpan ang hubad na sarili ng kumot. " A-ate.. !?" reaksyon ni Kikay at napatakip rin ng kumot. Uminit ang katawan ni Tita Zita at tumaas ang blood pressure dahil sa galit. "Anong ginagawa ninyo!?" malakas na tono ng boses ni Tita Zita. Napakagat sa kuko si Yasmin at medyo inaalala sila Kikay at Tikoy. Siya ay nakatayo sa may gilid ng pinto at nakikinig sa sermon sa dalawa. "Mag-uusap usap tayo bukas!!" utos ni Tita Zita na di na mapinta ang mukha. ---------- Kinabukasan, dahan-dahang minumulat ni Xian ang kaniyang mga mata. Napapadapo ang liwanag mula sa bintana sa kanyang mukha kaya naman napapasingkit ang kanyang mga mata. " Nasaan ako?" Napalingon - lingon si Xian at nilibot ang paningin ng buong paligid ng kwarto. " Nasa kwarto pala ako..anong oras na ba?" Sumasakit ang kanyang ulo na para bang mabibiyak. Bumangon siya ng dahan-dahan na medyo nahihilo pa. " Marami yata akong nainum kagabi. Kaya pala masakit ang ulo at katawan ko.." ani niya habang hinahawakan ang ulo sariling ulo.. Ilang minuto lang ay napansin na niya na wala siyang saplot at nakakumot lang. Kunot noong pinagmasdan niya ang sarili. "Teka.. " medyo inaalala pa niya ang mga nangyari. Biglang may narinig siyang sermon sa sala. "Boses ni Tita Zita.. Ano kaya ang nangyayari roon?" nagtatakang tanong sa sarili ni Xian. ------- Sa sala, nakaupo sila Kikay at Tikoy sa upuan habang kaharap nila si Tita Zita at ang iba. Nakayuko ang kanilang mga ulo at walang imik itong nakikinig sa sermon ng matatanda. Naroon rin si Manang Gie, Manong at Tito pati sina Dorara. "Ano ba ang naisip ninyo at ginawa ninyong dalawa iyon?" Usisa ni Tita na medyo malakas ang boses. "Alam namin na 20 ka na Tikoy at 19 ka Kikay pero kahit ganoon ay ginawa pa rin ninyo ang hindi dapat! Hindi pa nga kayo official na magkasintahan at ikinasal, gumawa na kayo ng milagro!" " Haist! Ano ba Tikoy!!?" galit na sermon ni Manang Gie. Lumabas sa kwarto si Xian na nakasando at shorts. Na-curious siya kung ano ang nangyayari sa sala. Paglabas niya ay napatayo siya sa may pinto ng kwarto niya. Si Yasmin ay kasama ang mga bata sa labas. Nagtatanim sila sa mga maliit na paso pero naririnig ni Yasmin ang pag -uusap nila sa loob dahil na rin sa may malakas ang boses sila. " Inisip ba ninyo ang mga consequence noong ginawa ninyo 'yon?" sermon ni Dorara. "Ano ang balak mo Tikoy!?" tanong ng ina niya. Tahimik pa rin ang binata. "Si Kikay ay para nang kapamilya namin at ikaw naman, mag kaibigan ang ating mga pamilya.. ang ginawa ninyo ay talagang.. " hindi maituloy tuloy ni Tita Zita. "Nakakahiya ang ginawa mo Tikoy!!" galit na sabi ni Manang Gie. "Hindi lang ikaw Tikoy, pati ikaw Kikay. What if mabuntis ka!? Anong mangyayari?" Napalingon si Yasmin sa bahay habang hinahawakan ang mga tanim. Medyo nabigla rin si Xian sa kanyang narinig. " Single mom! Magiging single mom?"dagdag ni Manang Gie. " Hindi ako pumapayag na walang aksyon ito. Since ginawa ninyo ang isang bagay... Dapat..." Napatingin sila Kikay at Tikoy kay Tita Zita. " Magpakasal kayo!!"Utos ni Tita Zita na napakaseryoso. " What?" nabigla si Kikay. " Since kinuha mo ang virginity niya, anak. Sumasang-ayon ako!" sabi ni Manang Gie. "Dapat panindigan mo ito Tikoy!" sabi ni Manong. Sumang-ayon ang lahat. Nagsalita si Tikoy, " Opo! Pakakasalan ko siya!" Napalingon si Kikay kay Tikoy at tinitigan ang binata. Napatingin din si Tikoy sa dalaga hanggang nagkatitigan ang magkasintahan. " Pakakasalan ko po siya. Mahal ko po si Kikay!" sabi ni Tikoy napakaseryoso. Bigla nalang napaluha si Kikay at sinabayan niya ng ngiti sa labi. Hindi mapaliwanag ang naramdaman ng dalaga. Habang nakikinig at nanonood si Xian, nakaramdam ng inggit. ito. "Nakikinig ako sa mga sermon ni Tita Zita kina Tikoy at Kikay. Nakita pala sila na may milagrong ginawa at ngayon ay ipapakasal sila. Ang tapang ni Tikoy at hanga ako sa kanya. Mas mabuti pa sila, hindi katulad namin maraming mga dapat pagdaanan at may humahadlang."ani ng kanyang isipan. "Okay! The day after tomorrow ang inyong magiging kasal!!" sigaw ni Dorara. "Ihahanda na natin ang lahat." Pumasok sa bahay si Yasmin at napatayo sa may pinto. Narinig niya ang lahat na pag - uusap nila. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan sa magkasintahan. Sa isip ni Yas, "Masaya ako sa inyo. Medyo nakakainggit sila. Buti pa sila at wala silang iniisip na problema at payapa silang magkasama. Sana ganun rin kami ni Xian." Napalingon si Yasmin kay Xian na nakatayo sa may pinto ng kwarto at napansin ng binata si Yasmin. ------------ Nagpapakain ng manok si Tikoy sa mga manok ng dumating si Xian. " Congratz bro!" bati ni Xian. "Salamat kuya.." sagot ni Tikoy. Napatigil si Tikoy at hinarap si Xian, " Eh, kayo kuya, kailan kayo ikakasal ni ate Yasmin?" Nabigla si Xian sa tanong niya.. " huh?" " Hay naku! Ang hina mo kuya! Mabagal ka pala!" Natawa si Xian, " Ano bang pinagsasabi mo?" " Mabilis ka lang pala humalik at bumayo.. " pabirong sabi ni Tikoy habang abalang nagpapakain ito. " Huh!?" naguguluhan si Xian. "Anong ibig mong sabihin?" "Sigurado, kapag nakita kayo ni Tita.. Lucky for you!" sabi ni Tikoy na nakangiti at tinutukso si Xian. Napatigil si Xian at seryosong nag -isip at inalala ang mga nangyari kagabi dahil pagkagising nito ay wala na siyang saplot. "Teka.. Hindi kaya.." napalingon si Xian kay Tikoy. " BINGO! Tama ang iniisip mo! Nakalimutan mo na ba!?" masayang sabi ni Tikoy na kinikilig. Naalala na niya. "Hay naku Kuya, kung ako ang babae talagang magagalit ako sa iyo.. Ano ba't kinalimutan mo ang mga nangyari!!" "Teka teka.. Nakita mo ang ginawa namin!?" Hindi makapaniwala na may nanood sa kanila at ito ay nakakahiya. "Nakita namin ni Kikay!" bulong niya kay Xian. " Idol kita! Ang galing mo!" Naaasar at tinutukso ni Tikoy si Xian na may halong hiya. " Tikoy!!" Hindi niya mainitindihan ang kanyang nararamdaman. Sa tingin niya ay wala na siyang mukhang ihaharap. " Mukhang hindi ka lasing kagabi.. " " Huwag mong sabihin...gumawa kayo ng kababalaghan dahil.. " "tumpak kuya!!" natawa ito. ------- Hinalungkat ni Tita Zita ang kanyang gamit at nakita niya ang isang Dslr ng mama ni Xian. Naalala niya tuloy ang kanyang kapatid. Hindi na ito nagagamit noong namatay na ito. Knock knock.. "Tuloy!" Ipinihit ni Yasmin ang pinto at dahan dahan itong pumasok. " Pinatawag ninyo po ako tita?" sabi ni Yasmin. "Halika.. May ipapakita ako sa iyo," sabi ni Tita na medyo malungkot ang boses. " Ano po iyon? " " Tingnan mo ito," ipinakita niya ang Dslr camera. " Wow! Maganda pong kumuha ng picture gamit iyan!" masayang sabi ni Yasmin. "Tama ka, maganda nga! Ito ang dslr camera ng ina ni Xian," kinwento ni Tita Zita. Namangha si Yasmin. ------ Marga's pov " I didn't receive any text from him or even call? Why? Nasaan ba siya?" Nakahiga ako sa kama at panay tingin sa cellphone and waiting for a call and text. Ito na yata ang pinakamatagal na ginawa niya na hindi nagparamdam sa akin. After that reunion nila, wala akong balita na sa kanya. I am so paranoid already. I tried to call Yasmin but then out of coverage rin siya. What's going on? Pumunta ako sa condo unit ni Xian, but sabi hindi pa siya umuuwi. I went to his office, ang sabi ng ka coworker niya, hindi siya pumasok. Nagtaka ako sa aking sarili that I felt nervous at nag-aalala ako sa kanya. Hindi ko maintindihan but I felt that way now. Maybe, I'm afraid to lose him. Napapaisip lang ako, is it coincidence na wala pareho sila Yasmin at Xian? Hindi ko sila mahagilap. I went to Yasmin's condo unit, but unfortunately, wala rin siya. Who the hell can tell me nasaan sila? Is there something that I do not know!!? Umuusok na ako sa galit at inis. I remembered that sinadya kong sunugin ang dress niya for that night at sigurado akong wala siyang susuotin. Therefore, hindi siya makakapunta. Hmmmm.. Ano ang hindi ko alam? Nagtataka na talaga ako at hindi maalis sa isip ko na baka magkasama sila. --------- Sa opisina kung saan nagtratrabaho si Marga ay nagmamadali ang lahat na lumabas sa kanilang mga opisina at tumayo sa mesa para pumunta sa lobby at ang iba ay sa pasilyo. Bumalik na si Arthur from a long vacation. Pumunta sa lobby ang mga empleyado at sinalubong ang pagdating ng kanilang boss. Nakasuot si Arthur ng business attire at sa tindig niya ay talagang maaakit ka. Papasok na siya sa gusali kasama ang mga supervisors ng iba't ibang department. Agad yumuko at bumati ang mga ito. " Good morning sir!" " Good morning sir!" Bumati ang lahat ng dadaan na siya. "He is back, " bulong ni Odette sa sarili. Nawala na sa utak ni Marga ang sitwasyon nila ni Xian. She is now focusing in her goal, to be promoted as the supervisor sa department nila. She was smiling while naglalakad si Arthur patungo sa office niya. " I will call a meeting, please tell the nominees to go to the conference room!" seryosong utos ni Arthur. "Yes sir!" sagot ng secretary na si Leo. Pagkapasok niya sa kanyang opisina ay isinara na ang pinto. Napakagat-labi naman si Marga habang nakatayo siya, "Mas gumwapo siya ngayon.. But then, the position is mine!" bulong ng isip niya. Ang mga mata rin ni Odette ay nagliliyab na nakatingin kay Marga. " I know what will be the result.. Makukuha mo iyan, But babagsak ka rin! I will make sure, you won't be happy, Marga!" ---------- At the conference room, ang limang nominees para sa position na supervisor sa beauty care department ay sina Marga, Odette, Caroline, Fiona, at Kristine. Naroon sa conference room ang ibang supervisors ng ibang departments at ang mga matataas na VIP, board members and stakeholders. Also, naroon ang aunt ni Arthur na si Madam Nancy, the sexy and sophisticated admin. Mukhang alam na nila kung sino. ---------- Nasa may tabing dagat si Xian at pinagmamasdan ang alon. Payapa at sariwa ang hangin roon. Ramdam niya ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat. Pinuntahan ni Yasmin si Xian na dala ang pinabibigay ni Tita Zita para kay Xian. " Xian.." Napalingon si Xian nang tinawag siya ni Yasmin. " Ikaw pala Yasmin." " Maaari ba akong umupo katabi mo?" " Sure.." " Siya nga pala, may pinabibigay si Tita Zita sa iyo.. " "Huh? ano naman?" tanong ni Xian. " Heto," ipinakita ni Yasmin ang Dslr na camera. Nabigla si Xian.. Napatingin sa dslr at hinawakan niya ito. " Ang camera ni mama.." " Bakit hindi mo gamitin?" tanong ni Yasmin. " Matagal ng hindi ito ginagamit... Baka sira na rin ito!" sagot ni Xian na may malungkot na boses. Ibinigay ulit niya kay Yasmin at napatingin ito sa dagat. " uhmm.. I think hindi pa sira ito. Gamitin mo kaya para malamaan mo," sabi ni Yasmin na may positive attitude lang naman. " Ayoko ng gumamit niyan! Kung gusto mo sa iyo na o kaya itapon mo na!" pagalit na sabi ni Xian. Nabigla si Yasmin sa tono ng boses ni Xian. " Xian... bakit? Hindi ba sa mama mo ito!?" Naalala ni Yasmin ang sinabi ni Tita Zita,: " napakahilig kumuha ng litrato si Xian noon. Nagmana siya sa kanyang ina. Siguro, napakahusay na photographer siya dahil sa passion niya nito." Naalala rin niya ang mga nakasabit na litrato sa bahay ng lolo niya.. Na noon pala ay talagang mahilig na ito noong nabubuhay pa ang kanyang ina. Hanggang pinilit ni Yasmin ang binata, " Masisiyahan ang mama mo kung gagamitin mo ito ulit!" masayang ipinaliwanag ni Yasmin. " Ayoko sabi! Hindi na ako gagamit niyan!!" " Para sa iyong mama.." medyo unti unting humihina ang boses ni Yasmin. Flashback Sinabihan ng ina ni Xian si Tita Zita na ibigay ang camera sa kanyang anak.. Nasa hospital na siya dahil sa sakit. " Ate Zita, maaari mo bang ibigay mo iyan kay Xian.. He loves photography at masaya ako na makita siya na masaya at ito ang isa sa magpapasaya sa kanya. Gusto kong hindi sana siya tumigil at magpatuloy kahit wala na ako. Ayokong marinig ang sinasabi niya ngayon na ayaw na niya nito dahil iiwan ko na siya.. Ang sabi niya, ako ang inspiration niya at kung mawawala na ako, titigil na siya. Ayokong mangyari iyon!. Kaya ate, sana ibigay mo ito sa tamang panahon.. at sa panahong iyon makita niya ang talagang inspiration niya na magbibigay kulay sa buhay niya. Pati na rin itong singsing ko, na sanay ibigay niya ito sa babaeng magmamahal sa kanya nang totoo at dalisay. Sana maging masaya si Xian sa landas na kanyang tatahakin." " Yes, ibibigay ko ito sa tamang panahon." ---end of flashback.--- Flashback----- Sa kwarto ni Tita Zita Nakiusap si Tita Zita kay Yasmin na ibigay ang dslr camera. " Yasmin, maaari mo bang ibigay ito kay Xian." " po?" " Sa mama niya ito. Ang mama kasi niya ang nagturo sa kanya noong bata pa siya kaya siya ang naging insipiration niya na matuto. Pero noong nawala na ang kanyang ina, tumigil na siya at hindi na humawak ng camera. Ayaw niyang maalala. Kaya nakikiusap akong tulungan mo si Xian na bumalik ang pagkahilig niya sa photography." " Ganoon po ba..I will try po kung kaya ko.. But still, nasa kanya pa rin po iyon.." " Matinding lungkot ang kanyang naranasan ni Xian ng mawala ang kanyang ina. Wala na kasi ang kanyang ama, tapos mawawala rin ang kanyang ina," paliwanag ni Tita Zita. ---end of flashback. Pinilit ni Yasmin si Xian, " Gusto ng mama mo na gamitin mo ito at huwag kang titigil. Di ba hilig mo ang photography!? Bakit ka titigil?" " Yasmin, ayoko na! Ayoko ng photography!!" pataas ng pataas ang tono ng mga boses nila. " Pero gusto mo iyon noon!! Di ba?" " Noon iyon.. Noon yung nabubuhay pa si Mama!! Ayoko na ng photography!! Wala na akong inspiration dahil wala na si Mama!! Wala na si Mama!!" pasigaw na sabi ni Xian. Medyo nasaktan si Yasmin sa mga sinasabi ni Xian at napapaluha ito. Medyo nalungkot ang mukha ng dalaga. " Hindi ba pwedeng, ako na lang ang maging inspiration mo ngayon?" Natahimik si Xian at napatingin sa mga mata ni Yasmin. Pilit na ngumiti si Yasmin pero napaiyak ito at sinabing," Bakit naman ako magiging inspiration mo!! Ambisyosa lang yata ako! Tama, you dont like photography! Bakit kita pipilitin!!?" pinipigilan ni Yasmin ang luha niya na tumulo. Tumayo ang dalaga at sabay sabing, " tutulungan ko pala sila Ate Dorara sa give aways.. Mauna na ako." Iniwan lang ni yasmin ang camera sa tabi ni Xian. Yasmin's pov. Hindi ko mapigilan ang luha ko but I need to. Hindi ko alam na may kirot sa dibdib ko at mukhang sumisikip ang puso ko. Why? I ask why? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Nasasaktan ako.. Nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik sa bahay. Iniwan ko ang camera roon at bahala na siya lung itatapon niya ba.. Haist, ang sama ko! Naiinis tuloy ako. Hmmp. Hinawakan ni Xian ang camera at tinitigan ito. " Mama..." Hindi maalis ni Xian sa isip niya ang sinabi ni Yasmin.. " Hindi ba pwedeng, ako na lang ang maging inspiration mo ngayon?" ---------- " Congratulations Ms. Marga! You are now the supervisor!" " thank you! Thank you everyone!" Nakatayo si Marga sa gitna at pinalibutan nilang lahat. Binigyan si Marga ng bouquet and they clap their hands. Natutuwa naman sila but Odette was still clapping her hands without a smile. Napakasaya ni Marga dahil at last she got what she wants. Abot tenga ang kanyang ngiti. "Saan si Xian? Hindi ba kayo mamamasyal?" tanong ni Dorara kay Yasmin. Nakaupo sila at gumagawa ng give -aways for the wedding. " Nasa tabing - dagat po. Mas mabuti pong tulungan ko na po kayo kesa mamamasyal," sabi ni Yasmin na ang tono ng boses ay nagtatampo. Nakayuko ito at hindi makatingin kay Dorara. Tumigil si Dorara at tiningnan ang dalaga. May napansin siyang kakaiba sa boses nito na mukhang may kagalit. " May tampuhan ba kayo?" napatanong si Dorara. Hindi na sumagot si Yasmin at nagfocus na sa paggawa. --------- " Congratulations! You got what you want!" sabi ni Arthur. Pumasok si Arthur sa kanyang office. Sumunod naman si Marga. Still, she's bringing her bouquet. " Thanks!" nakangiting sabi ni Marga. She placed the bouquet on Arthur's table and hinawakan ang kamay ni Arthur. Napalingon naman si Arthur kay Marga. She was so seductive with red lips. Seryoso namang tumingin si Arthur sa kanya. " Thank you.." she tried to kiss him.. but he decline. Ginalaw niya ang kanyang ulo paiwas sa halik ni Marga. Nabigla si Marga sa reaction ng binata. " huh?" He was so serious. Pumasok bigla ang aunt Nancy niya and nagulat siya sa kanyang nakita. Marga was holding Arthur's hand and face but Arthur's head was away from her face. " What's going on here?" pasigaw na wika ni Tita Nancy. Agad namang humiwalay si Marga sa boss niya at medyo nahihiya sa ginawa niya. " You can go now Marga," utos ni Arthur. " Yes sir," sagot ni Marga na nakayuko ang ulo habang naglalakad at dumaan kay Aunt Nancy. Tutok na tutok rin si Aunt Nancy kay Marga at nakataas ang kilay nito. Nakaalis na rin sa office si Marga. Umupo si Arthur sa kanyang upuan. Lumapit si Aunt Nancy sa kanya at di mapigilang hindi magtanong sa kanya tungkol kay Marga. " Who is that lady? Siya di ba ang new promoted supervisor?" Tahimik lamang and seryoso si Arthur while working with some papers. " Huwag mong sabihing isa siya sa iyong mga babae? Hindi ka na nagbago! Kailan ka ba magseseryoso at magtitino! When will you change?" " She's just my employee.. Nothing else!" sagot ni Arthur. " Sana magbago ka na.. And we really hoping that!" --------- Naglakad lakad sa magandang kapatagan na maraming bulaklak si Xian while holding the camera. Napakaganda ng lugar at puno ito ng damo at bulaklak. Napakalalim naman ng iniisip niya. Maganda ang panahon at maaliwalas. Xian's pov Nasigawan ko si Yasmin kanina.. Ang sama ko! Haist! Bakit ko ba ginawa iyon? Ang tanga ko! Napabuntong hininga nalang ako at talagang nagsisisi ako. Hindi ko dapat ginawa iyon.. Hindi dapat ako nagpadala sa emotion ko. Tuloy, siguro nagtatampo na siya sa akin. Naku naman.. Kung kelan okay na kami, ngayon pa! Sigh! But may naalala si Xian, biglang may pumasok sa isip nito... Ang ina niya ang naging inspiration at nagturo sa kanya. Ang ina niya ang naging dahilan kung bakit siya natuto.. But he forgot, Bakit ba siya gustong matuto? Bakit siya nagtiyagang matuto? At that moment.. He remembered why? Isang alaala noong bata pa siya.. May batang babae na nasa may bintana... He wanted to take picture of her.. Isang batang nasa loob lamang ng kwarto and he wanted to show her what it looks like outside.. Gusto niyang kunan ng litrato ang batang babae kahit sa iba ay sinasabing pangit siya but as he looked into her eyes, he can see her beauty. " Si Yasmin..." bulong niya sa sarili. Agad tumakbo si Xian pabalik sa bahay. ------------ Marga checked her f*******: account and nabigla siya sa kanyang nakita na nasa newsfeed. " What the!?" nanlaki ang kanyang mga mata. She was in her room sa bahay niya at gamit ang isang laptop. May isang post na image na may kahalikan si Xian but the girl ay nakatalikod. Image caption: " our crush ng campus is in love!. This lady captured the heart of our varsity player Xian. #reunion." "Sino ang babaeng ito!?" umuusok sa galit si Marga and mukhang sasabog na. " who is this f*cking girl at hinalikan siya ni Xian!! What the hell? Malanding babae!!" pasigaw niyang sabi. Then she tried to contact Xian. Galit na galit si Marga. It was a bad news for her. Kung kelan may good news, kasunod naman ang bad news. " Answer the phone Xian! Answer it!!" The number you have dialed.. " Aaaahhh!!" sumigaw sa galit si Marga at tinapon ang cellphone niya. " s**t!! Humanda ang babaeng iyan kung malalaman ko kung sino siya!! Grrrr!! Kakalbuhin ko siya at imumudmod sa putikan!! " Padabog siya at hindi niya macontrol ang sarili. Galit na galit siya. " Aagawin pa niya si Xian ko!! Grrr!!" Tiningnan niya ang picture frame nila ni Xian na nasa wall. " Akin si Xian.. Akin siya. Kahit sino ka man babae ka! I will make you suffer!" seryosong sinabi ni Marga at ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit. -------- Dumating na si Xian sa bahay kung nasaan sina Yasmin at Dorara at iba pa. " Halika muna!" hinablot agad niya ang kamay ni Yasmin. Nakaupo siya ng biglang hinila siya at napatayo ito. Nabigla silang lahat pati Yasmin. " teka lang!" sabi ni Yasmin na medyo nagpupumiglas. " Sumama ka sa akin," utos ni Xian. " Ano ba!? Ayoko nga!" pagpupumiglas ni Yasmin. Napatingin lamang sila Dorara at iba pang mga babae na katulong nila sa pag gawa ng give aways. Hinarap ni Xian si Yasmin, " sumama ka na!" nagmamakaawa siya. " Mag - usap naman tayo." Pataray ang sagot ni Yasmin at hindi tumingin kay Xian, " Dito lang ako. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na rito." Nanonood lamang silang lahat at medyo natatawa at napangiti si Dorara. Napabulong ang isang babae kay Dorara, " mukhang may tampuhan sila." "Mukha silang mag -asawa," bulong rin ng isa. Natawa si Dorara at ang iba. " May ginagawa pa ako.." sabi ni Yasmin at umupo ito ulit. " Yasmin naman o.. " medyo na lose hope si Xian at nagmamakaawa na. Napapangiti na silang lahat roon. Yasmin's pov Sa mga oras na iyon, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako sa kanya. Ayokong makita siya sa ngayon.. Bakit ba ako naiinis? Tinatanong ko rin ang sarili ko.. Naiirita ako. Haisstt! Xian's pov Talagang nagtampo siya sa akin. Sorry na! Nadala lang talaga ako sa aking emotion. Haist! Bakit kasi padalos dalos ako? Tuloy nasaktan ko siya. Oo na, masama na ako!! Please, we need to talk. Kakausapin kaya niya ako, mukhang mahirap ito. But I will not give up. " Ate Dorara, maaari ko bang hiramin muna si Yasmin?" tanong ni Xian. " Sure.." agad sumagot si Dorara. " tara!" hinila ulit niya ang kamay ni Yasmin. Nagpaubaya rin si Yasmin at sumama rin sa wakas. Yasmin's pov " teka teka.. Bakit ba ako sumama? Naku naman, ang dali ko lang talaga mahulog basta siya na!! Hmmp.. But no no no!! Umalis na rin sina Xian kasama si Yasmin at dumating si Tita Zita at Kikay. " May kaguluhan ba rito?" na curious na tanong ni Tita Zita na may narinig na pagtatalo. Sumagot si Dorara, " wala po tita..naglalaro lang po sila." "huh?" Natawa sila Dorara at ang mga kasama niyang mga kababaihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD