Chapter 38

3937 Words
Nasa restaurant na sila Arthur at Leo para mag lunch. Nakasuot sila ng shorts at polo na akma sa klima. Naiwan si Yasmin sa kanilang kwarto. Simula noong nangyari kanina ay walang kibo sina Arthur at Yasmin sa isa't isa. " Uhm, sir sorry nga po pala kanina.." mahinahong sabi ni Leo sa katabing boss. Hindi pa sila nag-order dahil hinihintay pa nila si Yasmin na bumaba. " Bakit ka nagsosorry?" tanong ni Arthur na medyo seryoso ang aura. Akala ni Leo na may ginawang kababalaghan ang dalawa kanina dahil pareho itong nakatapis ng tuwalya. " Iyon pong kanina.. Nadistorbo ko po kayo.." sagot ni Leo Natawa si Arthur. " Anong nadistorbo!? Wala kaming ginawa! Mali ang iniisip mo. Nagkataon lang na ganoon. Nasa loob ng shower room pala si Yasmin," pagpapaliwanag ni Arthur. Napainum ng isang basong tubig ang binata at medyo pinapawisan. " talaga sir?" He nodded. " Eh bakit napasigaw si Ms. Yasmin." Nabigla si Arthur sa tanong ni Leo na nagpaalala sa kanya sa nangyari. ------- Mag-isang nasa kwarto si Yasmin dahil nauna nang nasa restaurant ang dalawang binata. Si Yasmin ay di mapakali. Pabalik balik siya sa paglalakad na may iniisip. She's biting her own fingernail. " Wala.. Wala.. Wala kang nakita Yasmin. It's just.. Uhm.. Hindi mo sinasadya!" kinakausap niya ang kanyang sarili. "Haist! Ano ba! wala nga!" paulit ulit nitong kinakausap ang sarili. Ilang beses na itong palakad lakad. " No no no!! Huwag mo nang isipin iyon! Yasmin naman! Wala kang nakita! Hindi mo nakita ang maha---.. Haist!" Nilakasan niya ang loob at pinipilit na paniwalaang wala siyang nakita. Kaya naisipan niyang bumaba na at pumunta sa restaurant. ------ Napa ubo si Arthur nang nabigla siya sa tanong ni Leo.. " Wala kaming ginawa Leo!" giit ni Arthur. " Weh?" Tukso ni Leo. Napangiti ito at kinilig. "Aba! Gusto mo ba na masisante?" hamon ni Arthur. Paparating na si Yasmin sa mesa na medyo nahihiya. Nakadress ito na floral and sandals. Napatingin at napatigil sina Arthur at Leo. "Sorry, ngayon lang ako," mahinang sabi ni Yasmin na nakayuko ang ulo at hindi makatingin sa kanila na nasa harapan. But gumaan ang loob niya ng makitang naroon si Leo at hindi lang sila ni Arthur. It will be an awkward moment kung wala si Leo. Ano kaya ang feeling? "Mag-order na po tayo," wika ni Leo. Ngumiti si Arthur kay Leo na para bang may ipinapahiwatig. " Sige mag-order na tayo, " sabi ni Yasmin na mukhang binabalewala kung ano man ang nangyari. Napaupo n ang dalaga sa tabi ni Leo. Sinipa ni Arthur ang paa ni Leo sa ilalim ng mesa at bumulong, " Doon ka muna kumain sa kwarto mo." "Ahh, opo," sagot nito. Hindi nagdalawang isip si Leo na sundin ang boss niya. Tumayo ito sa may mesa at nagpaalam. " Uhm, sir, miss, maiwan ko muna kayo.." Napatingin si Yasmin at nabigla ito. " teka.." " okay!" sagot ni Arthur na seryosong nagbabasa sa menu. "bye!" pabulong itong nagpaalam.kay Yasmin na nakangiti. " yiee!" Walang magawa si Yasmin na maiwan na kasama si Arthur. Gusto rin niyang umalis, " uhmm.." Pero napansin ni Arthur ang kakaibang kilos ni Yasmin na mukhang aalis. "Dito ka lang!" " huh?" " Dito ka lang, iyan ang utos ko!" seryosong utos ni Arthur na nakatingin sa menu. "okay.." ----- While waiting sa iniorder ay walang kibuan ang dalawa. Walang pag-uusap ang naganap. Iwas tingin si Yasmin na nakatitig sa kabilang side pero ang binata ay nakatitig sa dalaga. Napansin ni Yasmin na nakatingin ang binata sa kanya. Pasulyap sulyap siya pero hindi kinikibo pa rin. Seryosong ang mukha ni Arthur. In Yasmin' mind "Kanina pa siya nakatingin sa akin. Hindi ba siya napapagod? Hindi ba siya magsasawa na tumitig sa mukhang ito?o baka naghihintay na magsalita ako tungkol sa nangyari kanina? Nakakainis naman o, bakit kasi nangyari iyon? Eh bakit kasi pumasok pa siya roon at nakatapis lang..tuloy.. Geez.kasalanan niya!" Sa isip ni Arthur, "Bakit hindi ka makatingin sa akin? May nagawa ka ba? Bakit hindi ka makapagsalita? May nakita ka ba? Bakit ka nahihiya ngayon?" Ilang saglit ay dumating na ang pagkain nila. "Here's your order po sir, maam!" ani ng waiter. " Enjoy your meal!" Masiglang nagsalita si Yasmin, " Wow, siguradong masarap ito!" naeexcite raw siya para matago lamang ang shyness niya. They ordered steak with rice, salad and dessert. " Teka, hindi ba kakain si Leo?" tanong ni Yasmin. " Sa kwarto na raw siya. May tatapusin pa siyang report," sagot ni Arthur. "Trabaho pa rin? Akala ko ba vacation to!" ------ Nagsimula na silang kumain. They were slicing their steak at sinusubo ito. Dahan dahan namang kumakain si Arthur dahil pasulyap sulyap ito kay Yasmin. Napapatitig ito sa labi ni Yasmin na kumakain ng napaka- juicy na steak. "Hmmm.. Ang sarap!" ngumunguya habang nagsasalita si Yasmin. " Masarap ba?" tanong ni Arthur na nakatingin sa labi ng dalaga. She nodded. " Ang sarap super!" Nakangiti si Arthur at may napansing dumi sa may labi ng dalaga. Kumuha ang binata ng tissue. He wipe the dirt na nasa mukha ng dalaga. Medyo nabigla si Yasmin sa ginawa nito. "Uhm.." Napatawa tuloy si Arthur, "Dahan dahan kasi kumain!" Nahiya tuloy ang dalaga sa sinabi ng binata. Nagmukha raw siyang patay gutom ang naging interpretasyon ni Yasmin sa sinabi ni Arthur. Kaya tumigil na ito sa pagkain. Medyo nawalan tuloy siya ng gana. Inilagay na niya ang tinidor sa plato at talagang bakas sa mukha ang kawalan ng gana. " Bakit ka tumigil?" " Busog na ako!" naiinis na sagot ni Yasmin. " Really?" Nagtatampo si Yasmin. Hindi niya maintindihan kung bakit madali siyang magtampo kapag tungkol kay Arthur. Madaling uminit ang ulo niya kapag si Arthur na. Bakit kaya? " Teka, huwag mong sabihin... Nagtatampo ka ba? Dahil ba sa sinabi ko ngayon lang?" May dumaan na tatlong babae sa lugar nila at binati si Arthur, " hi!" Napalingon si Arthur at binati rin sila, " hello!" Napatingin rin si Yasmin sa mga babae na taas kilay rito. Head to foot niyang tiningnan sila. "You were supposedly to be the winner for the search right?" nakangiting sabi ng isang babae. Nahihiya naman ang reaction ni Arthur na hindi alam kung ano ang isasagot. " Can we have some groufie?" tanong noong isa. "Sure!" sagot ni Arthur. Kinuha ng babae ang cellphone nito. Mas lumapit sila kay Arthur na nakaupo at pumwesto ng maayos para sa groufie. Itinaas niya ang kanyang kamay para kunan na sila.. " Say cheese!" nakangiting sabi noong isa. Lahat sila ay nakangiti. Yasmin rolled her eyes at tumayo ito. Umalis siya sa kinauupuan niya. Napalingon si Arthur sa dalaga. " Yasmin!" tawag ni Arthur. Napatayo ito. Hindi man lang lumingon si Yasmin at nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang makalabas ng restaurant. Nakatayo pa rin si Arthur kasama ang mga babae. " Is she the girl you talk about?" " Your special someone?" " Maiwan ko muna kayo. I need to follow her." sabi ni Arthur sa tatlo. " okey!" Iniwan nalang ni Arthur ang pera sa mesa pambayad sa kinain nila. Nagmadali itong sinundan ang dalaga. -------- Kumaing mag-isa si Leo sa kanyang kwarto. Leo's pov " Hay naku, si sir talaga. Bakit hindi pa niya aminin kay Yasmin na may gusto siya? Sabihin na niya ng harap-harapan. Para wala ng problema, eh dapat gumawa na siya ng paraan! Nadadamay tuloy ako sa kanilang dalawa. Hmmm.. Si Ms. Yasmin naman, may gusto kaya siya kay boss? Medyo malabo! Tsk tsk tsk. Matigas si miss sa kanyang nararamdaman. Mahirap pa aminin yata!" --- Napahabol si Arthur kay Yasmin pero hanggang sa pinto lamang siya. Tumigil siya ng biglang may naisip. Alam niyang nagseselos at nagagalit ang dalaga kaya kailanganmay gawin siya at suyuin ito. Hindi na niya inisip ang nangyari kanina. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may idinial na numero. " Hello!" Umalis si Arthur sa kinatatayuan niya habang may kausap sa cellphone. Hindi na niya pinuntahan ang dalaga. ------- At the beach, naroon si Yasmin. Nakaupo si Yasmin sa isang bench sa may beach. Maraming tao roon na naliligo at nagsa-sun bathing. Palingon - lingon si Yasmin sa may likuran kung saan siya dumaan. Mukhang may hinihintay siya na tao habang nakaupo roon. Kinakausap ni Yasmin ang sarili, "Nageenjoy siguro siya na kasama ang mga babaeng iyon. Ano ba talaga ako sa kanya? Kalokohan lang ang mga sinabi niya! Pasabi sabi pa siya na gusto niya ako at sabihing Will you be my girlfriend sa harap ng maraming tao. Tapos ngayon, nakikipagfling sa iba. Haist! Geez! Nakakainis siya!" Akala ni Yasmin na susundan siya ni Arthur pero hindi na sumunod ang binata. Bakit kaya? "Yasmin, huwag mo na siyang hintayin dahil busy iyon sa mga babaeng iyon! Umasa ka pa!" sermon niya sa sarili. ------ Lumipas ang ilang minuto at bumalik na si Yasmin sa kanilang hotel. Nilalangaw na kasi siyang nakaupo sa bench na hindi dumating ang hinihintay. Medyo umasa siyang hahabulin siya nito kahit alam niyang impossible. But then, nabigo siya. Gulong gulo siya sa tunay niyang nararamdaman. Muntikan na niyang buksan ang puso ay biglang guguho rin pala. Kaya nagmatigas ito dahil ayaw na niyang masaktan ulit. She's murmuring while walking going to the room, " Bakit ba ako naghintay sa kanya? Ang totoo ay wala talaga siyang pakialam sa akin at pinaglalaruan lang niya ako! Asar! Nakakainis!" Pumasok na siya sa kwarto at walang tao roon. "Tama talaga ako! Hindi pa siya nakakabalik rito. Busy talaga siya na makasama ang mga iyon. Haist! Magsama sila! Wala akong pake!" Gigil na may inis na ani ni Yas. Umupo siya agad sa couch at napabuntong - hininga. " Sigh! Malapit na rin matapos ang contrata ko sa kanya na pagiging alila. Alila lang niya ako at iyon na iyon." Patuloy na pagsasalita niya. Masaya niyang sinabi, " Bayad na ako sa utang ko! Ilang araw nalang at magiging malaya na ako!" Tumawa si Yasmin at napahiga sa couch. Unti - unti niyang pinipikit ang kanyang mga mata at sinabing, " malapit na..." Tuluyan ng nakatulog si Yasmin sa couch. ------ May kumakatok sa pinto na nagpagising sa dalaga. Nagising si Yasmin at dahan - dahan siyang bumangin at umupo. She rub her eyes since she's still sleepy. " Dumating na rin siya," wika ni Yasmin. Tumayo si Yasmin at pumunta sa pinto para pagbuksan si Arthur. Si Arthur kaya? "Teka lang, wait!" sagot ni Yasmin. Ipinihit niya ang doorknob at binuksan na ang pinto. Sa harap ng pinto ay naroon si Leo. " Sir Leo? Ikaw pala!" nabigla si Yasmin. Hindi niya inaasahan na siya ang naroon. Pumasok agad si Leo na may dalang isang malaking box. " Ano iyang dala mo?" tanong ni Yasmin. "Para po sa inyo miss, " nakangiting sabi ni Leo. Inilagay niya ang box sa mesa. " Ano pala iyan at bakit ganyan ang damit mo Sir Leo?" nagtatakang reaction ng dalaga. Napansin na naka black suit si Leo at pormal ito. "May dadaluhan po tayo sa baba miss!" " Ano? Party again?" taray na tanong ni Yasmin. " opo miss!" Umupo si Yasmin sa couch at sinabing, "Dito nalang ako.." " huh? Bakit po?" " Maiwan nalang ako rito. Ayokong pumunta.."Napakrus ng braso si Yas. " Naroon po si sir, miss!" Napalingon si Yasmin kay Leo at nagsabing, " Ahh, ganoon ba.." " Hinahanap kayo ni Sir!" " Hindi na niya ako hahanapin dahil marami na siyang kasama... kasamang mga babae." " pero.." " Ienjoy nalang ninyo roon! Okay!?"Pilit na nakangiti si Yasmin. " Miss Yasmin!" pabigla itong sumigaw at lumuhod sa harap ng dalaga. Nagulat si Yasmin sa ginawa ni Leo. " Sir Leo.." gulat na gulat ito sa pabiglang pagluhod nito. " Miss, kahit saglit lang po.. Please!" pagmamakaawa ni Leo. " pero.." " please miss! Kahit 20 minutes,.. 15 minutes.. Basta pumunta kayo roon! Please!" " Sige na nga! Pero saglit lang ako roon.." " No problem miss.." " Ayoko kasing.." hindi matuloy tuloy na pagpapaliwanag ni Yasmin. " Ayaw mong makitang may ibang babaeng kasama si sir, tama po ba?" nakangiting tanong ni Leo. " huh?" namumulang reaction ni Yasmin. " Aminin niyo na po kasi na gusto rin niyo po siya." "Ano? Hindi ah!" Napalakas ng kunti ang boses ni Yasmin. Napatayo sa kanyang reaction. Nagmamatigas si Yasmin sa kanyang nararamdaman. Tumayo na si Leo sa harapan ni Yasmin. Tumalikod naman agad si Yasmin at napahawak sa kanyang dalawang siko. " Alam niyo Miss, malaki ang pinagbago ni Sir. Nagtratrabaho na ako sa kanya noon pa.At sa lahat ng babaeng nakilala ko na nagkaroon ng koneksyon sa kanya ay iba kayo. Iba kayo sa lahat. Hindi ko po alam kung paano ninyo siya napabago pero ang alam ko po ay sadyang special ka sa kanya.." Napalingon si Yasmin sa binata. " Miss, nasa box po ang dadamitin ninyo. Sa labas nalang po ako maghihintay sa inyo.. Napag-utusan lang po!" Lumabas na ng kwarto si Leo at nanatili sa labas. Nilapitan ni Yasmin ang box at binuksan ito. Naroon ang isang puting dress at sapatos. Napakaganda nito at talagang sakto ito sa size nya. Napangiti siya habang hawak - hawak ang damit. -------- It will be dinner time. Napakalaki ng buwan at napakaganda nito. Nasa isang function hall magaganap ang party na sinasabi ni Leo. Naging escort ni Yasmin si Leo patungo sa hall. Naglalakad sila sa hallway habang medyo kinakabahan si Yasmin. " Ang lamig niyo po miss. Kinakabahan po ba kayo?" tanong ni Leo. " Hindi ko alam kung bakit. Ano bang party ito? Para yatang ang tahimik!" Napatawa si Leo at sinagot ang dalaga, "Nasa loob na po kasi sila. Late na tayo miss!" " Ano? Ganoon ba! Edi, huwag na tayong tumuloy!" Napatigil sila bigla. Tanaw na nila ang pinto ng function hall kung saan ang event. " Okay lang po ma-late basta makapunta tayo. It's better to be late than never!" pagpapaliwanag ni Leo. "Sige.." Napatingin si Leo sa cellphone at malakas niyang sinabing, " Umalis na raw si Sir kanina sa hall. Bakit kaya? Saan kaya siya pupunta?" " Saan daw siya?" " Hindi sinabi.." " So, wala na siya roon sa party?" " Parang ganoon na nga. Pero baka babalik rin iyon..." " Sigurado kasama niya iyong mga babae.." Napangiti si Leo. Ilang mga hakbang nalang at makakarating na sila pero biglang.. " Miss, may nakalimutan po ako.." wika ni Leo.Napatigil silang dalawa ng nagsalita si Leo. " huh?" " Kunin ko muna po, miss!" " Samahan na kita.." " Huwag na po. Mauna na po kayo pumasok.." " pero.." " I will be fast!" tumakbo ito pabalik sa dinaanan nila. Naiwan nalang si Yasmin roon. " Haist.. Iniwan na nila ako." May lumapit na isang waiter na babae kay Yasmin.. " Maam, here's the way!" binuksan niya ang pinto. " uhm.. Sige." sagot ni Yasmin. ------ Nakasuot ng puting damit si Yasmin na hanggang sahig ito. Napakaganda niya sa simpleng damit na suot nito. She's so elegant sa kanyang ayos. Pumasok na mag-isa si Yasmin. Nagtataka siya dahil madilim ang hall at mukhang walang tao. May kakaunting candle light sa gilid. " Tahimik yata.." nagtatakang reaction nito. Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid pero wala talaga siyang makita kundi ang kaunting ilaw na nanggaling sa mga kandila. Naglakad siya ng dahan dahan sa may gitna. Unti- unti na siyang nakakaramdan nang pangamba. " Niloloko ba nila ako?" Hanggang, umilaw ang isa pang ilaw sa may kanan nito. Napalingon si Yasmin. Napakagandang ilaw ang sumunod na umilaw na konektado roon. Napamangha ang dalaga. Umilaw na naman ang nasa kaliwa. Sunud- sunod ang pag-ilaw na para bang daan patungo sa gitna. Still, nakapatay ang buong ilaw ng hall at ang liwanag lamang ay ang mga maliit na ilaw sa gilid. Hanggang may spot light na tumutok sa kanya habang nakatayo siya roon. Napapasingkit ng mata si Yasmin nang tumutok ang liwanag sa kanya. "Ano bang nangyayari?" Umilaw bigla sa kabilang spotlight at may taong nakatayo roon. Sa una hindi niya makita kung sino ang naroon. " May tao pala.." bulong ni Yasmin. Lumapit ng dahan - dahan ang taong naka - black suit, black pants and black shining shoes kay Yasmin. Isang lalaki pala ang naroon pero nakasuot ng maskara ito. Nagkaharap silang dalawa. " Sino kaya ito? Teka.." bulong ni Yasmin sa sarili. Inabot ng lalaki ang kamay nito para yayain ng sayaw si Yasmin. "hm?" Nagdadalawang isip si Yasmin na paunlakan ang sayaw ng binata. Nagsimula na ang napakaganda at napakaromantikong musika. Bumalot ito sa buong paligid. Tinitigan niya ang mukhang nakamaskara. Hindi maalis sa kanya ang mga tanong kung sino ang nasa likod nito. "Kilala ko kaya itong taong ito?" Bumaba ang kanyang tingin sa may dibdib ng lalaki. Napakakisig ng lalaki. " para bang.." Then, dahan dahan rin niyang inabot ang kanyang kamay sa palad ng binata. Mas napapalapit sila sa isa't isa. " Hindi kaya siya si.." Hinawakan ng binata ang isa pang kamay ni Yasmin at inilagay sa may balikat nito. Halatang nahihiya ang dalaga sa biglaang sitwasyong ganito. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa taong hindi niya pa kilala. Hinawakan ng binata ang bewang niya at sinimulang humakbang. Nagsimulang sumayaw ang dalawa sa gitna ng hall. Napakaromantiko ng gabing iyon. " Napakaganda mo talaga Yasmin..." pabulong na sabi ng binata. " Kilala mo ako?" pagtataka ni Yasmin. Clueless but may kutob na ito. Nagpatuloy ang pagsasayaw nila habang nag-uusap. " Hindi mo lang alam kung gaano mo pinatibok ang puso ko." " huh? Anong ibig mong sabihin? Sino ka ba?" Ngumiti ang lalaking nakamaskara na nasa harapan ni Yasmin. Tumigil sila sa pagsasayaw para makapag-usap ng masinsinan. Humakbang ng isang beses patalikod at papalayo si Yasmin. " Sino ka ba? Bakit mo ako kilala?" " Gusto kita! Gusto kita Yasmin!" Namula bigla ang pisngi ng dalaga. Mas nagduda na si Yasmin kung sino ang lalaking naka maskara. Hinihintay na lang niya na tanggalin ito. Yasmin's in mind: Alam kong ikaw iyan Arthur! Bakit hindi mo tanggalin ang maskarang iyan? Gusto kong malaman kung ikaw ba iyan.. Kung ikaw ba ang lahat ng may pakana nito. Pinipigilan ni Yasmin na umiyak. Habang minamasdan niya ang nasa harapan niya ay gusto ng kanyang mga luha na dumaloy sa kanyangpisngi pero tinatagan niya ang loob. Dahan - dahang tinanggal ng binata ang maskara at.. At nabigla si Yasmin.. Si Arthur nga! Sa likod ng maskara ay si Arthur pala. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin. " Bakit.." napatanong si Yasmin. " Anong bakit?" " Bakit mo ito ginagawa?" Mas lumapit si Arthur sa dalaga. Tuluyan ng tumulo ang luha ni Yasmin at sinabing, " Nakakainis ka!" Pinunasan ni Arthur ang luhang tumulo sa pisngi ng dalaga. " Bakit ka umiiyak?" " Kasi nakakainis ka! Nakakainis ka! Di ba sumama ka na sa mga babaeng iyon!?" " Nagseselos ka ba? Nagseselos ka nga!" " Hindi ako nagseselos! Bakit naman ako magseselos? Eh, hindi naman tayo!" paliwanag ni Yasmin at pinupunasan ang mga luha. Natawa nalang si Arthur sa reaction ng dalaga. Hinawakan niya agad ang bewang ni Yasmin, niyakap at pinalapit niya ang katawan nito sa kanya. " Edi, manliligaw ako sa iyo!" "huh?" Mas hinigpitan pa ni Arthur ang yakap. Napapadikit ang kanilang mga katawan but pinapalayo naman ni Yasmin ang ulo niya. " Will you be my girlfriend?" Natameme si Yasmin. Hindi siya makapagsalita. Nabigla siya at hindi alam kung anong dapat na isasagot. " Will you be my future wife?" Yasmin's pov Teka teka. Hindi pa nga ako sumasagot kung gusto kong maging girlfriend niya.. Tapos wife agad? Ang bilis naman! But then, habang nakatitig ako kay Arthur, nakita ko ang seryoso niyang mukha at ang mga mata niya na kumikislap. Umilaw na ang buong paligid. Napalingon lingon ako at pinagmasdan ang kagandahan nito. Sadyang napakaganda pala ng hall. " sir Arthur.. Kasi.." " Hindi mo kailangang sumagot ngayon. Maghihintay ako sa tamang oras na sasabihin mong Oo." " sir Arthur.." " Huwag mong pilitin ang sarili mo kung ayaw mo. Huwag mong ipilit. Gusto ko na kusa na nagmula sa iyo.Narito lang ako. Pangako, maghihintay ako. Ikaw lang ang babaeng tutuonan ko ng pansin." Ang sarap pakinggan ang bawat sinasabi ni Arthur. Hindi ko man masabi kong talagang gusto ko siya pero sa bawat araw na ipinapakita niya.. baka nga.. Baka.. " Hindi mo ako kilala sir Arthur." " Gusto kitang kilalanin.." " Hindi kita gaanong kilala..kasi.." " Kilalanin natin ang isa't isa. I admit, marami akong mga babae noon. Marami akong nakasama. But iba ka, iba ka sa lahat!! I never fall in love with them! Ikaw lang talaga ang nagpatibok sa puso ko. Ikaw lang!" Itinulak ko ng kaunti si Arthur para makawala ako sa yakap niya. Hindi na ako nagdalawang isip na aminin ang aking lihim. Napaatras ako. "Magugustuhan mo pa ba ako kung sasabihin kong, may anak na ako pero nalaglag lang ito. I am not virgin, Arthur. Baka you will expect na virgin pa ako. I'm not!. May mahal akong lalaki noon at nangako rin siya na ipaglalaban namin ang pagmamahalan namin but hindi nangyari iyon. He left me. Sabi niya mahal niya ako but he married someone else," seryosong nagpaliwanag ako at bigla nalang akong natawa. Dagdag ko pa. "Baka nga kilala mo ang lalaki, pero ang babae...kilala mo siya!" Seryosong nakinig si Arthur sa sinabi ko. " Nawala ang anak ko and nadepressed ako. Hindi lang iyon, muntik na akong magahasa!" Nabigla si Arthur sa kanyang nalaman na muntik ng magahasa ang dalaga. Naalala niya na muntik rin niyang galawin ito noon. " Katulad mo noon, muntik mo na akong i raped! Di ba?" Tinitigan niya ang mukha ng dalaga at nagsorry, " Sorry..." "Tapos, nakipags*x rin ako sa walang kadahilanan. I'm so depressed no'n kaya naisipan kong bumalik rito." " Sorry sa mga ginawa ko..." " Magugustuhan mo pa ba ako kung ganyan ang nakaraan ko!?" hamon ni Yasmin. " Nakaraan na iyon! Hindi na natin maibabalik at mabubura kung anong nangyari. May kasalanan rin ako, kaya alam kong hindi madaling makapasok sa puso mo. Marami akong ginawang kasalanan at hindi maganda.. nakipags*x rin ako sa iba't ibang babae, relasyong walang commitment at pag-ibig..." Hinawakan ni Arthur ang kamay ko. " Yasmin, handa akong magbago para sa iyo! Maghihintay ako na matanggap mo ako at papasukin sa puso mo! Kahit matagal, hindi kita ipagpapalit kahit kanino!" Napangiti si Yasmin sa sinabi ni Arthur. Kinilig ng kunti ang dalaga pero hindi niya ito pinahalata. " Talaga?" pang-aasar ni Yasmin. " Talaga!" sagot ni Arthur. " Eh, habulin ka masyado ng babae!" Biglang niyakap ako ulit ni Arthur at sinabi, "Habulin lang nila ako at hahabulin kita.." Ang ngiti ng dalaga ay may halong kilig. Pinipigilan niyang kiligin sa mga hirit ng binata. Balak na halikan ni Arthur ang labi ni Yasmin. Napatitig siya sa labi ng dalaga habang napatingin rin si Yasmin sa labi ni Arthur.Dahan - dahang lumalapit ang mga mukha nila. Almost they will kiss ng biglang.. Kumalam ang sikmura ni Yasmin. Napatingin sila sa isa't isa. Naudlot ulit! Nahihiyang ngumiti si Yasmin sa binata. " Ops, ginugutom na yata ako. Kain na tayo!" yaya niya. Napangiti si Arthur, " Ang galing tumiming!" " Tara!" hinawakan ni Yasmin ang kamay ni Arthur at hinila niya ito patungo sa mesang nasa gilid kung saan naroon ang mga pagkain para sa dinner nila. Hindi pa sila nakakaabot sa mesa ay biglang ninakawan ng halik sa pisngi ni Arthur si Yasmin. Nagulat ang dalaga. " Kain na tayo!" aya ng binata na naunang pumunta sa mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD