Nakarating na sila sa isla na kanilang pupuntahan. Napakaganda ng buong isla. Para itong isang paraiso. Kulay bughaw ang dagat at puti ang buhangin. Masarap at presko ang hangin.
Sa isla ay naroon ang isang kilalang resort na binabakasyonan ng mga mayayaman at kilalang tao.
Malaki ang hotel kung saan nanatili ang mga bisita.
"Good morning sir, maam!" bati ng mga empleyado sa hotel.
Sinalubong sila ng mga musika at kantahan.
Kinuha ng bellboy ang mga gamit nila at ihahatid sa kanilang kwarto.
" Sa 508 po kayo sir at ang isa sa 310," sabi ng front officer.
"Okay, " sagot ni Arthur. "Tara!"
"Sa 310 ako? Tama ba?" tanong ni Yasmin. Hindi siya pinansin at sinagot ni Arthur.
Nasa elevator na silang tatlo. Naghihintay si Yasmin na pansinin at sagutin siya ni Arthur pero napakaseryoso nito.
Hanggang huminto ito sa 3rd floor.
Napangiti si Yasmin at ready na lumabas. " Narito na!"
Bumukas ang elevator. Lalabas na sana si Yasmin ng pigilan siya ni Arthur. Hinawakan niya ang wrist ng dalaga. Nabigla si Yasmin at napalingon kay Arthur. Nagtataka siya.
Nagpaalam na si Leo sa kanila, " Mauna na po ako sir."
"Teka teka.. Saan ka pupunta Sir Leo?" nagtataka si Yasmin.
Napangiti si Leo at tuluyan ng lumabas. Sumara na ang elevator at nagpatuloy sila.
Napatingin si Yasmin kay Arthur. " Anong ibig sabihin nito?"
Hindi pa rin sinasagot ni Arthur ang dalaga. Napakaseryoso ng mukha ng binata na para bang hindi nakikinig.
Nakarating na rin sila sa fifth floor. Bumukas ang elevator at lumabas na sila hawak pa rin ni Arthur ang kamay ng dalaga.
Patuloy sa pagtatanong si Yasmin habang naglalakad sila patungo sa kanilang kwarto.
" Huwag mong sabihin na iisa tayo ng kwarto!?" Usisa ni Yas sabay piglas sa pagkakahawak ni Arthur.
" Sa tingin mo?" sagot ng binata sa unang pagkakataon.
Binuksan na ni Arthur ang kwarto at pumasok siya. Sumunod naman si Yasmin.
Namangha si Yasmin pagkakita sa loob ng kwarto. Napakaganda nito. May bintanang malaki na kita ang tanawin na blue na blue na dagat.
" Wow! Ang ganda!"
May mesa, upuan at malambot na couch sa loob. Malaki ang kwarto na para bang iisang bahay. Malaki ang rin ang kama. Ang mga gamit ay kumikinang at ang iba ay mala-ginto pa. Mas malaki pa ito sa kwarto ni Arthur sa bahay. Talagang special ang kwartong ito para sa mga vip na mga guest.
" Nagustuhan mo ba?" tanong ni Arthur na nakangiti.
"Okay na ako dito!" sagot ni Yasmin.
" So okay na tayo?"
" Pero hindi ako okay na kasama kita sa iisang kwarto!" mataray na sabi ng dalaga.
" Wala ka nang magagawa. Boss mo ako at dito ako matutulog!" pang-aasar ni Arthur.
" Tama pala, nakalimutan ko na servant mo pala ako sir!" naiinis na sagot ni Yasmin.
" But, pwede naman na hati tayo sa kama katulad ng dati. Kung okay lang sa iyo? Basta ako, okay lang sa akin." Pangiti-ngiting sabi ni Arthur sa dalagang hindi na mapinta ang mukha sa inis.
" Hindi nah, sa couch nalang ako mamaya!" Pagmamatigas pa rin niya.
Umupo si Yasmin sa couch at iwas tingin ito kay Arthur. Naiinis siya kapag kaharap niya ang binata na palaging inaasar siya.
Napangiti si Arthur habang pinagmamasdan ang dalagang kasama.
-------
" Kumusta na kaya ang dalawang iyon? Hay naku,si sir talaga! Kung gusto niya si Ms. Yasmin kailangan na niyang sabihin. Whew!" nagsasalitang mag-isa si Leo habang nag-aayos ito ng mga gamit sa kwarto niya.
------
Bumaba na sila para kumain ng agahan sa restaurant ng resort. Kasabay nila si Leo sa mesa. Tahimik ang dalawa habang kumakain. Mukhang may love quarrel ang dalawa. Panay sulyap si Leo sa dalawang kasama. Magkatabi sina Leo at Yasmin at kaharap nila si Arthur.
May dumaan na mga babae malapit sa kanila.
" Hi!" bati ng mga babae na nakatingin kay Arthur at kinindatan pa siya ng mga ito.
" Hello!" bati ng isa pang babae na may mapang-akit na boses.
Napatingin sila ni Leo sa mga babaeng dumaan.
" Hello!" nakangiting sagot ni Arthur sa mga babae. Kinilig naman ang mga babae.
Napataas ng kilay si Yasmin at medyo nainis ito. Napapabagsak niya ng husto ang kanyang kutsara sa plato habang kumakain.
Napatingin si Leo at napansin rin ito ni Arthur sa dalaga.
" Ang raming mga magaganda po pala rito Sir!" wika ni Leo na bakas ang excitement.
" Sinabi mo pa! Marami ngang magaganda!" sagot ni Arthur habang pasulyap kay Yasmin. Si Yasmin ay iwas tingin sa binata pero nakikinig ito sa usapan.
" Mukhang maraming nagkakagusto sa iyo rito sir! Grabe ang charm ninyo! Napapalingon sila sa inyo. Ang gwapo ninyo po kasi!" Paghanga ni Leo na proud na proud sa boss niya.
" Salamat!" nahihiyang sagot ni Arthur.
Napaubo si Yasmin pagkatapos niyang marinig ito.
Napatingin sila sa dalaga at nag-alalang baka nabulunan.
" Yasmin!" napatayo si Arthur.
"Okay lang ako!" Napatingin siya kay Arthur at kay Leo.
" Ikaw kasi Sir Leo, kung ano -ano ang sinasabi mo!"dagdag ni Yasmin na tila galit ang boses.
Napaupo na si Arthur sa kanyang upuan.
" Huh? Alin doon?" Reaksyon ni Leo sa sinabi ni Yasmin.
Curious tuloy si Arthur.
" Iyon bang sinabi kong gwapo si Sir?" tanong ni Leo.
Natahimik si Yasmin.
" Gwapo naman ako di ba?" tanong ni Arthur kay Yasmin. Tinitigan niya ang dalaga habang hinihintay ang sagot nito.
" Hindi! Hindi ka naman gwapo! Kung ako ang tatanungin mo hindi ka gwapo!" seryosong sagot ni Yasmin na nakataas ang noo nito.
Mukhang nasaktan si Arthur sa sinabi ni Yasmin. Nagulat siya at hindi na nagsalita. Natahimik rin si Leo na pinagmamasdan ang dalawa.
" Patay!" reaction ni Leo.
Nagpipigil si Arthur. He felt something strange na para bang hinihigpitan ang kanyang dibdib. Iwas tingin nalang ito sa mga kaharap.
Medyo nakonsensya si Yasmin ng makita ang expression ng mukha ng binata.
Tumayo si Arthur at hindi na umimik. Umalis bigla sa mesa na hindi man lang nagpaalam. Napatingin silang dalawa sa binatang nagwalk out.
" Sineryoso yata niya ang sinabi ko," mahinang sabi ni Yasmin pero narinig ito ni Leo.
" Ikaw pa yata ang nagsabi non kay sir," wika ni Leo. " tsk tsk tsk. Mukhang nasaktan siya!"
---------
Bumalik sa kwarto si Yasmin na nag-iisa. Bumabagabag sa kanya ang reaction ni Arthur kanina. . Napahiga siya sa kama at napatingin sa kisame.
Napabuntong -hininga ito.
Ilang sandali lang ay may kumatok sa pinto kaya bumangon ito. Pinuntahan niya agad ang pinto. Napangiti si Yasmin na baka si Art na ang dumating.
" Si Sir Arthur?"
Napatigil siya sa harapan ng pinto muna at nag - isip.
" Hihingi nalang ako ng sorry...pero.. Nakakahiya. Hmm. Paano ba ang dapat na approach?" kinakausap nito ang sarili na malapit sa pinto. "Bahala na!"
Binuksan niya ang pinto at agad sinermunan ito, " Akala ko ba!!"
Naroon si Leo.
Nabigla si Leo, " Anong akala?"
" Leo?"
" yiee, akala mo si Sir?"pangtutukso ni Leo.
" Hindi ah!"
Napatawa nalang si Leo sa dalaga.
" Miss, bumaba na po tayo. May kasiyahan sa may beach. May party party at pacontest. Masaya po roon!" balita ni Leo.
" uhmm.." nagdadalawang isip si Yasmin.
" Naroon po si sir. Alam kong gusto mo siyang makita," nakangiting sabi ng binata.
" Ganoon ba, sige!" sagot ni Yasmin. Hindi na nagpalit ng damit si Yasmin. Suot lamang niya ay tshirt at pedal pants habang nakashorts si Leo matching with short sleeves with printed design na pang beach.
-------
Pumunta na sila Leo at Yasmin sa may beach. Napakaraming tao roon at lahat ay naka -beach attire. May isang stage na ang likod ay ang dagat na puno ng palamuti na ang nakasulat sa backdrop ay Search for Beach Mr Hunk and Ms Babe. May space malapit sa stage para sa sayawan na magaganap mamaya at mga high stool na mesa para sa kainan at inuman na nakatayo.
" Anong meron dito?" tanong ni Yasmin kay Leo na naglalakad sa buhangin patungo sa nagaganap na kasiyahan.
" Party party rito sa beach at may pacontest pa mamaya," sagot ni Leo.
Panay tingin si Yasmin sa mga tao roon na naglalakad at nakaupo sa mga mesa. Nakasuot sila ng pangbeach at ang iba ay nakaswimsuit pa.
Napatingin rin ang mga tao kay Yasmin especially mga babae na naka two piece. Mukhang pinag-uusapan siya dahil sa suot nito. Mukhang nagbubulungan sila.
" Ang sama ng tingin nila," pabulong na sabi ni Yasmin.
" Huwag mo ng pansinin sila Ms. Yasmin," sabi ni Leo.
Nakarating na sila sa lugar kung saan may kasiyahan.
" Dito tayo Miss," aya ni Leo.
Nakatayo na sila Yasmin at Leo sa harapan ng kanilang table. Dumating ang waiter at binigyan sila ng juice.
" Thank you," nakangiting sabi ni Yasmin.
Ang katabi nilang table na may dalawang babae ay panay tingin kay Yasmin. Nag-uusap sila na naririnig ni Yasmin.
" Look at her dress.!" natatawang sabi ng babae na naka two-piece na may transparent beach robe.
" I think she's not a contestant later," sabi noong isa.
" I think so. But why she's here?. She's not belong here."
Nagpipigil si Yasmin sa mga sinasabi ng mga babae.
Hindi lang babae ang masama ang tingin kay Yasmin pati rin mga lalaki. They look down on her. Pinagtawanan siya dahil sa kanyang outfit.
" Babalik nalang ako sa kwarto," sabi ni Yasmin na medyo nahihiya na.
" huh, bakit miss Yasmin?" tanong ni Leo.
" Tingnan mo nga sila kung makatingin sa akin."
" Miss, wala naman pong masama sa damit mo. Hindi lang siguro akma sa theme rito," pabirong sabi ni Leo.
" Parang sinabi mo rin na.. Haist! Bakit kasi hindi mo ako sinabihan?" mataray na sagot kay Leo.
Natawa si Leo.
Ilang minuto lang ay nakita na rin ni Yasmin si Arthur na nasa ibang mesa.
" Naroon pala si Sir!" sabi ni Leo na nakita rin si Arthur.
" Puntahan natin Ms. Yasmin," aya ni Leo.
Aalis na sana si Leo para puntahan si Arthur pero pinigilan siya ni Yasmin.
" Teka lang!" hinawakan niya ang kamay ni Leo.
Napatigil si Leo at tiningnan ang dalaga, "Bakit?"
Nakatitig si Yasmin kina Arthur na nasa ibang mesa. Napatingin ulit si Leo kina Arthur. May kasamang tatlong babae si Arthur sa ibang mesa. Nagtatawanan at nagkwekwentuhan sila roon. Nakasuot ng swimsuit at ang dalawa ay two -piece na may beach robe rin.
" Ang saya nila.." sabi ni Yasmin na pinapanood sila.
Napatingin si Leo kay Yasmin. " Miss?"
" Huwag mo na silang istorbohin. Dito na lang tayo!" mahinang sabi ni Yasmin. Ginamit ni Yasmin ang straw ng juice nito and zip it.
" Po? Dito lang tayo? Pero.."
She nodded.
Pasulyap sulyap si Yasmin kina Arthur.
Inakbayan ng babae si Arthur at may binubulong ito sa binata. Ang isang babae kaharap niya ay nakatitig sa kanya at masayang nagsasalita. Ang isa na katabi ni Arthur ay nakahawak sa braso ng binata.
" Masaya sila.." taas kilay itong pasulyap kay Arthur. " geez.. Feeling!"
Palihim na natawa si Leo kay Yasmin.
" Sabihin mo sa iyong boss na hindi siya gwapo!" utos ni Yasmin.
" Sinabi mo na po iyan kanina," natatawang sagot ni Leo.
" Sabihin mo nakakainis siya!"
"Bakit po kayo naiinis sa kanya?"
" Bakit mo ako tinatanong? Basta naiinis ako sa kanya!" galit na sabi ni Yasmin.
Napansin na ni Arthur sina Yasmin at Leo sa ibang mesa. " Narito na pala sila.." bulong ng isip nito.
Pasulyap sulyap si Arthur kay Yasmin.
" Do you have girlfriend right now?" tanong ng isang babae.
He smiled and answered, " I don't have!"
" So, you can choose between the three of us," seductive na sabi noong isa at mas hinigpitan ang hawak sa braso ng binata.
Sumulyap ulit si Arthur kay Yasmin. Hindi nakatingin si Yasmin sa kanya at mukhang iwas tingin ito.
Ang isang babae ay hinihimas ang abbs ni Arthur at nakita ito ni Yasmin.
"Aba, tingnan mo ang boss mo. Talaga naman.." nanlaki ang mga mata ni Yasmin. Talagang nagpainis sa kanya ang nakita.
" Habulin talaga si sir ng mga babae!"Pagmamayabang ni Leo. " Kusa ng lumalapit sa kanya ang mga babae at inaakit siya! Lucky for the girl kung sino ang mapili niya."
"Dami pala niyang options?"
"Hmmm.. If his not serious!" sagot nito.
Sumulyap ulit si Yasmin sa kanila. Tinitigan sila ni Yasmin at biglang napatingin si Arthur. Nag-abot ang kanilang mga tingin sa isa't isa.
Medyo nabigla si Yasmin ng tumingin si Arthur.
" Yasmin.." sambit ng labi ni Arthur.
Hanggang ang isang babae na kasama ni Arthur sa mesa ay biglang hinalikan siya sa labi na walang pahintulot.
Nagulat si Yasmin. Nagulat rin si Arthur. Hindi niya inaaasahan iyon. Napalingon rin si Leo kay Arthur.
" Patay!" reaction ni Leo.
"What the!" galit na reaction ng isang babae na kasama nila sa mesa.
" Did I surprise you?" tanong ng babaeng humalik sa kanya na nakangiti.
" Unfair!" reaction pa ng isa.
Iwas tingin si Yasmin sa kanila at patay mali itong hindi nakita. Medyo natataranta si Yasmin at hindi alam ano ang gagawin.
" Alis muna ako," sabi ni Yasmin kay Leo.
" sige po Miss," nalungkot rin si Leo at hindi na pinigilan ang dalaga.
Nakita ni Arthur na paalis na si Yasmin sa mesa nila kaya sinundan niya ito.
" Wait!" reaction ng mga babae.
Hindi na nagpapapigil si Arthur. Iniwan niya ang tatlo roon. Hinabol niya si Yasmin na halatang nagmamadaling umalis sa lugar.
" Yasmin!" sigaw ni Arthur. "Teka lang!"
Napansin ni Yasmin na sinusundan siya ni Arthur kaya mas binilisan niya ang paglakad.
Hanggang naabutan pa rin ni Arthur si Yasmin. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at pinaharap niya ito sa kanya. Sa pagharap ni Yasmin ay biglang sinampal ng dalaga ang binata. Napatigil si Arthur at nakayuko ang ulo dahil sa sampal. Naalala ni Arthur ang unang sampal ni Yasmin noon na nagpabago sa kanya.
Napahawak si Arthur sa pisnging nasampal.
Nagpipigil si Yasmin sa kanyang inis na nakaharap sa binata. Hindi niya alam kung bakit niya sinampal si Arthur. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman at kung bakit niya ito ginawa.
Tinitigan ni Arthur si Yasmin.
" Iyong nakita mo..."
" Wala akong pakialam!" sagot ni Yasmin.
" Hindi ko ginusto na.."
" Wala akong pakialam kung maghalikan kayo! Makipaghalikan ka kung gusto mo dahil wala akong pakialam! Ganyan ka di ba, matinik sa mga babae, habulin ng babae so go. Be with them!"
" Hindi mo alam.." seryosong sabi naman ni Arthur..
" Anong hindi ko alam? Hindi ko alam na marami kang mga babae! Marami kang options! Ganoon ba?"
" Hindi mo alam na.. "
" Sabihin mo at diretsyuhin mo ako!"dagdag ni Yasmin.
"Gusto kita!" at hinawakan niya bigla ang pisngi ni Yasmin at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga. Hinalikan niya si Yasmin. Dumampi ang mga labi nila sa isa't isa. Mariin na hinalikan ng binata si Yasmin.
Nagulat si Yasmin at hindi na nakagalaw. Nanlaki ang mga mata nito. Hindi niya inaasahan ang mga nangyayari. Naramdaman niya ang malambot nitong labi na dumampi sa kanyang labi. He kissed her passionately that takes about 10 seconds. Hindi na nakagalaw ang dalaga na parang nanigas na ito. Nagmukhang kamatis ang mukha ni Yasmin at hindi na siya nakapagsalita ng ilayo na ng binata ang labi nito sa kanya. Nagkatitigan nalang ang kanilang mga mata na para bang may kislap ito.
HIndi pa rin makapaniwala si Yas sa narinig. Naguguluhan tuloy ang isip niya at napapatanong siya sa sarili.
"Totoo ba ito na may gusto siya sa akin? O baka pinagtritripan na naman niya ako? Seryoso ba siya sa sinabi niya? O baka isa rin ito sa da moves niya para sa mga babae?"
Sa isip ni Arthur ay hinahamon niya si Yasmin.
"Sasampalin mo naman ba ako? Ano na Yasmin? Ano ang sagot mo!?"
May lumapit kay Arthur na isang lalaki.
" Sir, excuse me po... May you come with me?" aya ng lalaki na nakangiti. Ang mga taong nakapaligid ay nakatingin at pumalakpak.
"Sorry if we bothered you.."
Nabigla silang dalawa ni Yasmin.
" Where?" tanong ni Arthur na medyo naguguluhan.
"On the stage sir! " sagot ng lalaki.
"Huh? What?"
Bumalik ng tingin si Arthur kay Yasmin na bakas ang pagkalito.
" You are one of the chosen contestant for the search!"
" What?"
" So come with me sir!" inalalayan niya si Arthur papunta sa stage.
"Teka teka.." napilitang sumama si Arthur at naiwan si Yasmin roon.
The emcee announce that complete na ang 8 contestants for the search for the Mr. Hunk. Complete na rin ang Ms. Babe. So uumpisahan na ang search. Tilian ng nga babae ng ipresenta na ang mga kalahok.
Bumalik sa mesa si Yasmin kasama si Leo.
" Tingnan mo Miss, napasali pa si Sir sa contestant," nakangiting nanood si Leo.
" Oo nga," sagot nito.
Nanood sila Leo at Yasmin sa search.
Nagsimula ng magpakilala sa mga kalahok.
Palakpakan, hiyawan at tilian ng magpakilala si Arthur.
" Grabe ng fans ni sir!" sabi ni Leo at pumalakpak siya ng malakas.
Naroon sa stage ang isang babae na humalik kay Arthur kanina. Isa siya sa contestant.
" Isa pala siya sa contestant.." mahinang sabi ni Yasmin pero narinig ito ulit ni Leo.
" Sino?"
Hindi sinagot ni Yasmin pero napansin agad ni Leo kung sino ang tinutukoy nito.
" Ahh, oo nga, contestant nga siya!" sabi ni Leo. Ang babaeng iyon ay si Zara.
Nagpatuloy ang pagrampa nila sa stage na nakabeach attire.
Palaging nakatingin si Zara kay Arthur na nasa kabilang side.
" Ako ang mananalo!" bulong ni Zara. " Kaming dalawa!" nakangiwing ngiti ito. She's so confident.
Nagkaroon rin ng question and answer at tinanong ang bawat isa..
Unang tinanong ang mga babae.. " Ms. Zara, what makes you different from the rest of the girls on stage?"
Zara answered, " Simply, I am beautiful inside and out. Stands for what is right and have the courage to fulfill and gets what I truly want., thank you!"
They clapped their hands.
Pabulong na reaction ni Leo, " Medyo selfish ang feeling ko sa kanya."
It's the turn for the guys: Noong time na tinanong si Arthur ay seryosong nakinig sila.
Tinanong siya, " If you have one question to a person.. What will it be?"
Tilian ang mga babae na naghihitay sa sagot nitong tanong.
" Hmm.. Ano kaya ang sagot ni Sir? Tanong daw.. Anong tanong kaya?"
Excited sila na marinig.
Seryoso namang nanood si Yasmin.
Hawak na ni Arthur ang microphone at ready na sumagot.
Arthur said, " I only have one question to a person right now.. "
Napatingin si Arthur kay Yasmin. Napansin ni Leo na nakatingin si Arthur sa kanila.
" Miss, tinitingnan ka ni Sir!" nakangiting kutya ni Leo sa dalaga na katabi.
Tinitigan rin ni Yasmin si Arthur na nasa stage.
Arthur continued, " Yasmin.."
"Tinatawag ka Miss Yasmin," ani ni Leo na sinisiko na niya ang dalaga.
" Ano na naman ba ang binabalak nito?" taray na tanong ni Yasmin.
" Yasmin,.. Will you be my girlfriend?"
Nagulat ang mga audience. Nagulat si Zara pati ang mga judges at emcee.
Nagulat rin si Yasmin at hindi niya inaasahan ito.
Kinilig naman si Leo. " aiyee!!"
Kinilig at napangiti ang mga judges. Pati ang emcee ay kinilig ,"Wow! For the first time that the asnwer was a question from the question!"
Nakatingin pa rin si Arthur kay Yasmin kaya napalingon ang mga tao sa dalaga.
Hindi makapaniwala si Zara sa kanyang narinig, "What?"
Nahiya tuloy si Yasmin sa mga taong nakatingin sa kanya. Tinakpan niya ng kanyang palad ang mukha nito na para bang nagtatago.
" Ano ba itong boss mo! Pinapahiya niya ba ako!?"
Arthur suddenly explained, " No need for an answer right, judges! You just ask me what will be my question and no need for her to answer that question!"
They clap their hands at talagang namangha sila. Kinilig sila sa nangyayari!
--------
Umalis na sa lugar si Yasmin dahil hindi na niya makayanan na pinapahiya siya. Pinapahiya ba talaga siya?
Nagpatuloy pa rin ang search.
Ang prize ng search na to ay 1 year modeling contract and commercial plus cash plus a date for the winning partner. Kung sino man ang mananalo na lalaki ay magdadate sila sa mananalong babae. Kaya gustong gusto ni Zara na manalo at makapareha si Arthur na siguradong ang binata ang mananalo.
-----
Bumalik na sa kwarto si Yasmin. Medyo nalungkot ito.
"Sigh!" buntong -hininga nito.
Napaisip si Yasmin na maaaring manalo si Arthur dahil mukhang bet siya ng mga judges pati mga audience. Kaya lang, kapag mananalo siya at iyong si Zara ang mananalo ay talagang magkakasama sila at magdadate pa!
"Sigh!" buntong - hininga ulit ni Yasmin..
Kinakausap niya ulit ang sarili.
"Ano ba Yasmin, nagseselos ka ba? Bakit ako magseselos? Nakakainis naman siya! Ano ba ang gusto ni sir Arthur? Pinaglalaruan ba niya ako?"
Kinakausap ni Yasmin ang sarili. Naguguluhan ito kung ano na ang dapat niyang gawin. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sagot sa tanong ni Arthur sa stage. Totoo ba iyon o gawa - gawa lang niya. Alam niyang matinik pagdating sa mga babae si Arthur kaya maaari rin itong technique nito na mapafall. Kaya nag-iingat si Yasmin sa bawat galaw nito at sagot.
Pumasok ng shower room si Yasmin.
Lumipas ang 30 minutes, bumalik na rin si Arthur sa kwarto at kasama si Leo. Tapos na rin ang search doon.
" Ang galing mo kanina sir!" malakas na sabi ni Leo na talagang proud sa boss niya.
Narinig ni Yasmin ang boses ni Leo. Nasa shower room si Yasmin pero tapos na rin siya sa pagshower.
" Narito na pala sila!" sabi ni Yasmin. Tinapis niya ang towel sa katawan nito pero nanatili lamang siya sa may pinto at nakinig sa usapan ng dalawang binata.
"Tapos na pala. Sino kaya ang nanalo? Si sir Arthur kaya?" bulong ni Yasmin sa sarili.
Napaupo sa couch si Arthur at umupong nakanumber four ang paa.
" Nakuha talaga ni Ms. Zara ang first! Maganda po siya at magaling rin!"
" Ang babaeng iyon pala ang nanalo. Tama ako!" sabi ni Yasmin na napadikit ang tenga sa pinto para mapakinggan ang pag-uusap ng dalawa.
" Hanga talaga ako sa inyo!" sabi ni Leo.
" Siya kaya ang nanalo?" tanong ng dalaga.
" Ang galing ninyo sir!"
" Magaling ba iyon? Ginawa ko lang ang dapat!" sagot ni Arthur.
"Super sir! Akalain mo iyon.."
" Siya yata ang nanalo. Geez, so makakadate niya iyong babaeng iyon. Hmp, bagay sila!" unti - unting naiinis na si Yasmin.
" Astig ang pagkakasabi ninyo noong dalawa nalang kayong naiwan para piliin ang mananalo.."
Inulit at rein-act ni Leo ang nangyari, " Sa iyo na ang first prize! Astig po ang aura ninyo pagkatapos sinabi ninyong, I don't need fame, I don't need money and prizes..all I need is someone... the one I like and she's not here on stage..."
" Ano ba ang ibig sabihin ni Leo? " nacurious tuloy si Yasmin.
" Pagkatapos po sir, bumaba kayo sa stage! Ang galing!"
Natawa si Arthur sa pinaggagawa ni Leo.
" Sir, si Ms. Yasmin po ba ang tinutukoy mo?"
"Teka, nasaan ba si Yasmin?" napatanong si Arthur na medyo nag-aalala sa dalaga.
" Oo nga po, Nasaan po siya?"binalik na tanong ni Leo. " Hanapin ko muna po sa labas, baka namasyal lang. "
Napatakip ng bibig si Yasmin, " Hinahanap nila ako."
" Sige, at sabihan mo ako!"
" yes sir!"
Lumabas na si Leo sa kwarto at naiwan si Arthur.
"Haist," napabuntong hininga si Arthur, "Nasaan ba siya?"
Napansin ni Yasmin na wala pala siyang dalang damit na pangbihis sa shower. Nakatapis na towel lamang ang nakabalot sa katawan niya.
" Nakup!"
Naisipan ni Arthur na magshower muna. Pero bago siya makarating sa shower room ay hinubad niya muna ang kanyang damit at shorts at kumuha ng towel. Tinapis niya ang towel.sa ibabang bahagi niya. Kitang -kita ang ang kanyang malatinapay na abbs sa mga oras na iyon.
" Masarap magshower ngayon!" bulong nito sa sarili.
Napansin niya ang damit ni Yasmin na ginamit sa upuan na malapit sa bintana.
" hmmm" akala niya'y baka nagbihis na si Yasmin at umalis sa kwarto para mamasyal.
" Tingnan mo nga naman. Iniwan nalang ako at namasyal nalang ng mag-isa."
Nang ipihit niya ang doorknob ay hindi niya mabuksan. "Teka, nakalock?"
Nabigla si Yasmin na nasa loob. Gumagalaw ang doorknob. Kinakabahan siya. " Teka, bakit ba ako nagtatago? Pero, mukhang may papasok? Si Arthur o Leo? Hindi dapat nila ako makita na ganito?" Hinigpitan niya ng hawak ang towel na nasa katawan niya.
" haist!"
" nakalock yata."
Kumuha ng susi si Arthur. Hindi niya inisip na baka nasa loob si Yasmin. Nawala sa kanyang pag-iisip.
May susi na si Arthur at ginamit na niya ito.
"Oh my god!" reaction ni Yasmin. " Sisigaw na lang kaya ako para alam niya.." Ang lakas ng kabog ng dibdib nito. Tinutulak niya ang pinto para hindi bumukas.
Napilitang magsalita nalang si Yasmin pero..
"Teka teka!"
Pero huli na ang lahat.
Nabuksan na ni Arthur ang pinto. Naitulak rin si Yasmin papalayo sa pinto. Laking gulat ni Arthur na may tao sa shower room. Hindi niya inaaasahan na naroon si Yasmin.
At sa pagkagulat niya ay nahulog ang towel na nakatapis sa baba nito. Wala pa naman siyang suot na brief.
Nanlaki ang mata ni Yasmin ng napatingin sa baba ni Arthur pagkatapos ay napatakip ng mata gamit ang mga palad. Napasigaw siya, "Ahhh!!"
" s**t!" reaction ni Arthur na nahihiya rin. Agad ipinulot ang towel nito.
" Aahhh!!" patuloy sa pagsisigaw ni Yasmin.
Dumating si Leo, " Sir!"
Napalingon si Arthur sa may pinto. Naroon si Leo.
" sir?"
Narinig niya ang sigaw ni Yasmin.
" Miss?"
Nakita niyang nasa shower room ang dalaga at nakatapis lang ito at ang boss niyang may tapis rin na towel.
Sumisigaw pa rin si Yasmin.
Nataranta si Leo at agad umalis sa kwarto. "Sorry po sa istorbo!"
Napatakbo ito.