Nakauwi na sila sa bahay. Humingi ng paumanhin si Arthur kay Justin dahil sa nangyari. "Okay lang sir. Hindi naman ninyo ginusto ang mga nangyari. Salamat po pala sa lahat sir dahil kahit papano nagenjoy po kami." mahinahong sabi ni Justin. "Pasensya na talaga.." Mahimbing na natutulog si Yasmin sa kama nito at si Jess sa kanyang kama. Pinagmasdan ni Arthur ang asawa na natutulog habang nakatayo sa may pinto. Medyo malungkot ang mukha nito. Lumapit si Leo at ipinaalam na ready na ang mga gamit nila. "Sir, na-ready ko na po lahat ng gamit natin. Naimpake na po." Biglaan ang magiging pag-alis nila Sir Arthur at Leo bukas dahil sa mga bagay bagay na kailangan nilang asikasuhin sa kompanya. Kailangan na nilang bumalik sa main na opisina as soon as possible. "Sir, hahayaan na ba n

