Binisita ni Yasmin ang kaibigan sa kanyang boutique. Hihingi sana siya ng opinyon at suggestion kay Harrold na nag-aayos ng ball gown sa mannequin. Sa mesa naman ay may nakaslice na mangga at suka. Nakaupo lamang si Yasmin na nakaharap sa kaibigang busy sa pag-aayos. Sa gilid ni Yas ay ang mesang may pagkain. "Kumusta ang trabaho?" tanong ni Harrold na nagpipin ng tela sa mannequin. "Okay lang naman. May mga bagong nakilala at kaibigan.." sagot ni Yasmin. "Two weeks na ang nakakaraan noong nagtrabaho ako roon. I had fun actually!" Habang nagsasalita ay kumakain si Yasmin ng mangga na inihanda ni Harrold. Tinukso ni Harrold ang kaibigan,"Ayie, tapos sinundan ka talaga ng asawa mo! Ano ang pinakain mo sa kanya at patay na patay ang asawa mo?" "Hmm? Wala naman.." "Mahal na mahal ka

