Chapter 25 (unedited)

1881 Words
Nakaupo sila Tita Zita at Yasmin sa isang bench sa may hardin. " Anong nangyari Yasmin? Akala ko ba.." tanong ni Tita Zita at nagtataka sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Xian. " Ano ba ang nangyari?" " Patawad tita.." sagot ni Yasmin. Hinawakan ni tita Zita ang kamay ni Yasmin na nasa kanyang balakang habang nakaupo. Napatingin si Yamsin sa kamay ni tita Zita. "Ano ba ang problema ninyo? Bakit ganito ang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Tita. Hindi makasagot si Yasmin sa mga tanong. " Akala ko ba na mahal ninyo ang isa't isa.. Bakit mo hahayaang makasal si Xian sa babaeng iyon? Di ba nangako kayo na bubuo ng pamilya? Akala ko ba na ang pagbabalik ninyo rito ay para maayos ang lahat. Hindi ko akalain na ganito ang mababalitaan ko at maaabutan. Kung alam ko lang, eh, ipinakasal na kita sa kanya roon!" Napatingin bigla si Yasmin sa mukha ni Tita Zita. " Tita.." pabulong na sabi ni Yasmin. " Alam kong may pinagdadaanan kayong dalawa pero sana hindi kayo susuko sa isa't isa. Dapat magkasama kayo sa laban na ito!" payo ni tita Zita. " Sorry po pero may dahilan kong bakit nangyayari ito," paliwanag ni Yasmin na agad yumuko ang ulo. " Ano ba ang dahilan? Katanggap tanggap ba ang dahilang iyan na hindi na kayo magsasama at hahayaan nalang ninyo ang pagmamahalan ninyo?" Wala nang mukhang ihaharap si Yasmin kay Tita Zita.iwas tingin na ito at di makatingin sa kanya. " Pag -usapan ninyo ito. Huwag ninyong hayaang manaig ang hindi dapat. Huwag ninyong balewalain ang inyong nararamdaman sa isa't isa. Mahal ninyo ang isa't isa at saksi kaming lahat. Nasasaktan kami habang nakikita kayong nasasaktan!" Napapaluha si Yasmin pero hindi niya ito pinahalata. Pilit niyang hindi maluha pero ang mga luha niya ay di niya mapigilan. " Hija, ano ba ang gumugulo sa iyo?" mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Yasmin. " Kasi tita.. " " tumingin ka sa akin.." Dahan -dahang lumingon si Yasmin paharap kay tita Zita. " Sabihin mo sa akin kung ano ang problema baka pwede kitang tulungan at mapayuhan. Habang maaga pa ay matama ang hindi dapat!" Nakatingin si Yasmin kay tita Zita na tumutulo na ang luha. Habang nakatingin si Tita Zita ay naaawa naman siya kay Yasmin na bakas sa mukha ang lungkot. Tita Zita comforted her. She smiled while ready to listen to her. " Makikinig ako sa iyo.." " kasi ganito po iyon.. Ako po ang nagsabi kay Xian na ituloy ang kasal niya kay Marga. I hurt him. Pinilit ko po siyang magpakasal at bumalik kay Marga." " Bakit mo naman ginawa iyon?" " Kasi.. " Dumating ang isa sa assistant photographer, " Miss Yasmin, narito lang po pala kayo. Hinahanap kayo sa itaas." " po?" " Halina kayo at magsisimula na roon ang photoshoot." " Ganoon ba!" napatayo si Yasmin. " Yasmin!" reaction ni Tita Zita na nabitin sa sasabihin ni Yasmin. " Sorry tita.." sabi ni Yasmin na paalis sa lugar na kinauupuan ni Tita Zita. " mauna na po ako." Naiwan si tita Zita roon. Yasmin's pov Mas mabuti na siguro ito na hindi alam ni Tita ang tungkol kay Marga at sa usapan namin. I will accept kung ano ang kahinatnan nang desisyon ko. Habang naglalakad sila Yasmin at ang kasama niyang assistant photographer sa may daan pabalik sa hotel ay sumama ang pakiramdam niya. Nasusuka si Yasmin kay napatakip siya ng bibig. Nabigla ang kanyang kasama. "okay lang ba kayo miss!?" nag - aalalang tanong nito na natataranta. Pumunta agad sa may damuhan sa may gilid ng building si Yasmin at doon sumuka. " Miss!?" Hindi man halata na namumutla siya but bakas ang paghihina ng dalaga. " Okay lang po ba kayo?" She just nodded. Inabot ng assitant ang isang tissue. " salamat. Okay lang ako!" sagot ni Yasmin. -------- They took pictures at nagkaroon ng photoshoot ang groom, bestman at groomsmen pati ang bride at mga abay nito. Until it was the time already. Pumunta na ang lahat sa cathedral. Naroon na sa loob ng simbahan ang mga panauhin. " Excited na ako Marga," sabi ni Aileen na kaibigan sa college ni Marga na bridesmaid. Kasama ni Marga sa bridal car si Aileen at si Yasmin na nasa front seat. " Are you not excited?" tanong ni Aileen. " Im excited of course!" sagot ni Marga na nakatingin kay Yasmin na nasa harapan nito nakaupo. Nakikinig lang si Yasmin sa kanilang pag-uusap. " Pagkatapos nito honeymoon na ninyo! Aiyee.. Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa since college pa tayo. Kayo na talaga!" " Thanks! Pinapangarap ko talaga ito at ayokong may sumira sa kasal ko!" " Wala na talagang makapaghihiwalay sa inyo! I am so happy for you!" Tahimik lang si Yasmin at patay mali lang ito. " Salamat. Give us your blessings!" sabi ni Marga. " Yes yes yes!" sabi ni Aileen. No words from Yasmin na nahalata ni Aileen. " Miss maid of honor, hindi mo ba ibibigay ang blessing mo sa ating magandang bride. Nakngiwing ngiti si Marga. " Congratulations Marga. Sana maging masaya kayo!" sagot ni Yasmin. Nakataas ang kilay ni Marga ng marinig ang sinabi ni Yasmin. ---------- Inaaayos ni Tita Zita ang suit ni Xian at pabulong itong nagtanong, " sure ka na ba talaga nito?" Hindi na ba magbabago ang isip mo?" nag -aalalang tanong nito. Sumagot si Xian na pabulong rin, " Tuloy na po Tita..." Nalungkot si Tita, " ikaw bahala." Naroon rin sa kasal sila Fara, lolo ni Xian, Kikay, Tikoy, sila manong at dorara pati si Ninong. Nag-aalala silang lahat at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi nila inaasahan na ikakasal siya kay Marga, ang dating fiancee nito. " totoo ba ito? Akala ko ba sila ni Yasmin.. Eh, bakit siya magpapakasal si Kuya sa babeng iyon kung hindi na niya ito mahal!?" nag -aalmang sabi ni Kikay. They were sitting sa bench. " Ano ka ba Kikay, napakalakas ng boses mo.. Baka may makarinig sa iyo!" reprimanded by Tikoy. " eh dapat lang na marinig nila para hindi maituloy! At malaman nila na iba na ang mahal nito!" Nagsalita si Manong, " Alam kong hindi ninyo gusto ang nangyayari but respetuhin na lang natin ang desisyon ni Xian at kung sino ang pinili niya sa kanilang dalawa. Siguro may mga dahilan sila. Kaya saksihan nalang natin ang pagdiriwang na ito." "haist!" naiinis si Kikay. Nagsasalita ito ng magisa," sigurado di gusto ito ni tita!" Napabuntogn hininga nalamang si Tikoy habang nakikinig sa asawa. Nag -alala rin si Dorara at naghihinayang. " Sino ba nag ikakasal?" tanong ng lolo ni Xian na kasama sa bench sa may harapan ni Fara. " Si Kuya Xian po, " sagot ni Fara. " Ahh.. Kay ganda?" sabi ni Lolo na nakangiti. " hindi po.. Sa fiancee niya!" " Ahh.. Kay ganda!" " hindi po.. Hindi po kay ate ganda.." " kay ganda!" nakangiti itong paulit ulit ang pangalan na ganda na siyang binigay niyang palayawa kay Yasmin. ----- Inihanda na ng event organzer ang lahat. Ang lahat ng principal sponsors ay nakline up na at mga nasa entourage. ------ Ipinatugtog na ang wedding song..music made by the piano.. ?? The processional.. ---- Xian was there in front sa may altar waiting for the bride. He was with his Bestman, Carlos. Napaiyak si Tita Zita na nakaupo sa kanyang upuan. Is it tears of Joy or not? Xian's pov Ito na? Ito na ba? Ito na ba iyong nakatadhanang mangyari? I will marry Marga? Totoo na ba ito? Napatanong si Xian na pabulong,"totoo na ba ito?" Narinig ito ni Carlos na katabi lang niya. Sumagot ito na pabulong, " totoo na ito bro! Wala na bang atrasan ito?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Xian. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Habang nakikita niya ang mga flower girls na naglalakad sa aisle pati ang mga bridesmaids at groomsmen na dahan dahang naglalakad, sumisikip ang kanyang dibdib. hanggang.. Si Yasmin na ang naglalakad sa aisle. Napatitig si Xian kay Yasmin na bakas sa mukha ang lungkot. A tear fell from his right eye. Nakangiti naman si Yasmin na naglalakad sa aisle at nakatitig sa binata na nasa may altar. But her smile was full of sadness. Hindi na niya namalayan na lumuha na ang kanyang mga mata. --- A/N: background music.. Xian was looking at Yasmin walking in the aisle. Background song ??? Surrender to me By Richard Marx and Lara Fabian " Sorry Xian..." bulong ng isip ni Yasmin. Nagsimula ng maglakad si Yasmin sa aisle. Kahaba - haba ng lalakarin nila na aisle habang naroon sa may labas pa si Marga na naghihintay na siya na ang maglalakad. "Maghintay ka lang Miss, malapit na," nakangiting sabi ng head coordinator na kasama ni Marga. Sa kabilang linya: Nakasuit na babae ang nagpaalam sa head coordinator," Maam, malapit na... Nasa gitna na po ng aisle naglalalakad ang maid of honor. Hinihintay nalang ni Marga ang signal ng head coordinator bago siya papasok at hinihintay nila na makarating si Yasmin sa dulo at tuluyan na sa upuan nito.. But when she reach sa gitna, half way ng aisle ay nanghina na si Yasmin.. Nakatingin ang lahat sa kanya. Nandilim ang paningin ni Yasmin At biglang.. Biglang Nahimatay si Yasmin! Bumagsak ito sa sahig ng dahan -dahan. Laking gulat nilang lahat na nasa loob ng simbahan. May napasigaw at napatayo rin. Nabigla rin si Xian na nasa may altar at napasigaw ito, " Yasmin!" Agad itong tumakbo ng mabilis patungo kay Yasmin. Napatakip bibig sila tita Zita at kinabahan. Bakas sa kanila ang pag -aalala. " oh my!" " Ate!" Agad rin silang pumunta kay Yasmin. Nasa tabi na ni Yasmin si Xian na hawak hawak siya habang nakahiga sa sahig. He carry her back at isinandal sa kanyang chest while nasa may sahig ang mga paa nito. " Yasmin! Yasmin!!" nag -aalalang sigaw ni Xian na pilit na ginigising ang dalaga. But she's unconcious. " Tumawag kayo ng ambulansya!!" Pinalibutan aila Xian ng mga panauhin at ng pamilya niya. "Yasmin.." Nagkakagulo sa loob ng simbahan. " Anong nangyayari?" tanong ni Marga sa head coordinator na nasa labas pa rin ng simbahan. Tinawagan ng coordinator ang kasamahan niya na nasa loob ng simbahan, " Anong nangyayari ryan sa loob? Give me some update!" utos niya and demand. Sumagot naman ang nasa kabilang linya, " Uhmm. Kasi po madam.. " nauutal ang pagsasalita niya at nawawala ang signal. (ambulance siren!) Dumating na rin ang ambulance. Napalingon si Marga at takang taka sa mga nangyayari. " What's going on!?" Kinakabahan siya! She pulled her long wedding dress at dali daling pumunta papasok ng simbahan. Binuksan ang pinto at laking gulat niya na napakaraming tao ang nasa gitna. She was speechless. She was standing infront of the door looking at those people. Then, nakita ni Marga na karga ni Xian si Yasmin na patungo sa kanya.. Nagmamadali ito palabas ng simbahan. " Tabi tabi!!" " Xian?" " Tabi!" seryosong sigaw ni Xian. Napatabi si Marga. Nanlaki ang kanyang mga mata. Dinaanan lang siya ni Xian at karga pa nito si Yasmin. Agad sumunod na lumabas sila tita Zita at iba pa. Marga was clueless. Nilapitan siya ng mga kaibigan niya, " Marga!" Napalingon si Marga sa mga panauhin na naiwan sa simbahan. Ang iba ay nagbubulungan. " Tuloy pa ba?" " oh my!" " Tsk3" Naiinis si Marga habang naririnig ang mga nasa paligid. Sa inis nito, itinapon niya sa may paanan niya ang kanyang bouquet " Haiist!!" Nakataas ang kilay with devil smile naman si Odette na nakatingin kay Marga. Nagsalita rin si Arthur, " mukhang hindi na matutuloy ang kasal niya!" -------------- At the hospital.. Naghihintay sa labas si Xian at talagang nag -aalala siya kay Yasmin. Pabalik -balik ang lakad niya at di mapakali. Kasama niya sina Carlos at Zach. " Bro, tumigil ka nga sa palakad lakad mo!" sabi ni Zach na nakaupo sa bench near the door. " para ka yatang asawang naghihintay na lumabas ang baby sa wife mo niyan. Itsura mong hindi mapakali!" patawang biro ni Carlos. Natawa silang dalawa. " Hindi nakakatawa Carlos," seryosong sabi ni Xian. " Sorry!" Hindi nakasama sila tita Zita sa hospital dahil sumama ang pakiramdam ni Manong kaya bumalik sila sa hotel at doon na lang magpapahinga. They will just wait sa mga balita. Meanwile, lumabas na rin ang doctor sa kwarto ni Yasmin kasama ang isang nurse. Napatayo sila Carlos at Zack at lumapit si Xian sa kanila. " Doc, kumusta po siya!?" nag - aalalang tanong ni Xian. Nagsalita ang doctor, " Sino ba ang kamag - anak niya?" Napatingin ang doctor sa tatlong binata ba nasa harapan nito. Hindi sumagot sila. " Sino ang asawa niya?" Huh? Sabay lingon sila Carlos at Zack kay Xian. " Ikaw ba?" " Huh?" reaction ni Xian. Ngumiti ang doctor pati ang nurse. " Congratulations! Magiging ama ka na!!" masayang ibinalita ng doctor sa kanila. Speechless si Xian. Nabigla rin ang dalawa. " What!?" " Maiwan na namin kayo, "the doctor said at umalis na sila sa kanilang kinatatayuan. Xian was standing still and said, " totoo ba ang narinig ko mga bro?" " Narinig rin namin bro but.." sabi ni Carlos na medyo nagtataka kung paano nangyari. Definitely, hindi nila alam ang tungkol sa kanila ni Yasmin. " Ano ba ang ibig sabihin ng doctor? She's pregnant tapos ikaw raw ang ama!" tumatawang nagsasalita si Zack. " Imposible naman iyon diba Xian!" Napangiti si Xian at agad pumasok sa kwarto. "Xian!" reaction ng dalawa na nabigla sa pag -alis ni Xian at pumasok sa kwarto. Sumunod rin ang dalawa. Gising na pala si Yasmin at nakaupo na ito sa kanyang kama. Napatingin siya kay Xian na pumasok. Napakalakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin at yumuko ito dahil nahihiya siya kay Xian. Nasa likod naman ni Xian ang dalawang binata. " Bakit hindi mo sinabi?" tanong ni Xian. Nabigla si Yasmin sa tanong ni Xian. Napatingin ulit siya sa kanya at tinitigan ang binata. Dahan - dahang lumalapit si Xian sa kama ni Yasmin. Napatingin sina Carlos at si Zack sa isa't isa. Naguguluhan kung ano ang nangyayari. " Ano ba ang ibig sabihin nito?" napatanong si Zack. Habang lumalapit si Xian ay hindi na niya namamalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha. Pinipigilan rin na lumuha si Yasmin at umiwas siya ng tingin. Agad lumuhod si Xian sa harap ng kama at niyakap niya ang tiyan ni Yasmin na hindi naman gaanong mahigpit. He just want to hug ang tummy niya. Nabigla ang dalaga. Nabigla ang dalawa. Nagtutulakan sina Carlos at Zack na nagsesenyasan na umalis na silang dalawa sa kwarto. Napatakip ng bibig si Yasmin at hindi na niya napigilang hindi umiyak. The two decided to go out. Nagmamadaling pumunta ng hospital si Marga hindi dahil sa nag-aalala siya kay Yasmin kundi para puntahan si Xian. Nakapagbihis na ito ng chic dress match with high heels. She walks too fast na para bang may hinahabol. She was accompanied by her office friend Leny. Hindi alam ni Marga kung ano ang kanyang nararamdaman sa mg aoras na iyon. Naiinis siya na galit dahil sa nangyaring pag-iwan ni Xian sa simbahan. Nagulo ang pinapangarap niyang wedding dahil hindi ito natuloy. Pumunta agad sila sa information desk para tanungin kung nasaan ang kwarto ni Yasmin. " Excuse me Nurse, maaari mo bang ibigay sa akin ang room number ni..." pataray na sabi ni Marga. Tumingin ang nurse sa kanila na natatarayan sa bisita, " Ano pong pangalan?" "uhm-" sasabihin na sana ni Marga ang pangalan ni Yasmin ng biglang narinig niya ang boses ni Carlos na dumaan sa kanilang likuran. Kasama ni Carlos si Zack. " Nakakabigla naman ang nangyari kay Yasmin, buntis pala siya!" sabi ni Carlos. Pagkarinig ni Marga ay nanlaki ang kanyang mga mata. Napalingon siya at tinawag si Carlos, "Carlos!" Napahinti ang dalawa at napalingon. Nabigla sila sa kanilang nakita. " Marga?" ------------ Sa kwarto ni Yasmin, naroon si Xian. Nakaharap na nakangiti si Xian kay Yasmin. Nakaupo na ito sa silya malapit sa kama. "Ang saya ko alam mo ba iyon." Nakangiti naman si Yasmin habang hinahaplos ang tiyan niya. Hindi makapaniwala si Xian na magiging ama na siya. " Ano kaya ang magandang pangalan niya? Lalaki kaya siya o kaya babae?" excited na sabi ni Xian. Natatawa naman si Yasmin sa pinagasasabi ni Xian. Hindi na siya makapaghintay na mapanganak ang baby. " Junior kaya?" tanong ni Xian. Bakas sa mukha ni Xian ang kasiyahan at excitement. Panandalian na nawala sa isip ni Yasmin ang tungkol kay Marga. --------- Tuluyan ng nakansela nag kasalan. Nagsipag-uwi na na ang mga bisita. Nakangiti naman si Odette habang pinagmamasdan ang paligid na unti unting tumahimik. " Simula pa ito Marga!" bulong niya sa sarili. Ang iba ay naawa at naghihinayang. "Kawawa naman ang bride." " Emergency naman ang nangyari!" " Ano ba naman!" Sari -saring konklusiyon ang naisip ng mga panauhin. Bago pumasok sa sasakyan si Arthur ay sinabihan niya ang kanyang secretary, " book me a flight!" seryosong sabi niya. Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng sasakyan. " yes sir!" sagot ni France, ang secretary niya. Napatanong si Odette kay France, " Saan na naman pupunta si Sir?" " Business meeting at the same time vacation leave," sabi ni France at tumungo na sa sasakyan at sumakay na ito. Naiwan si Odette roon na nakatayo. -------- " She's pregnant!" nakangiting sabi ni Marga habang dinidial ang number ni David. Nakaalis na sina Carlos at Zack. Dahil na rin sa narinig ni Marga tungkol kay Yasmin ay nasabi nila ito sa kanya. At the lobby ng hospital ay naroon sina Marga at Leny. Nakatayo lamang silang dalawa. Tinatawagan ni Marga si David para ihatid ang ang balita. Si Leny naman ay hindi mapakali at mukhang may malalim na iniisip. " Ano ba ang iniisip mo Leny?" " huh?" nabigla sa pagpansin ni Marga sa kanya. " tinatanong kita!" Napaisip ulit si Leny at sinabing, " Maaari kayang si Xian ang ama?" Nagulat si Marga sa kanyang narinig. " Impossible!" " Bakit ganoon siya maka--" hindi natuloy ni Leny ang sasabihin ng makita niyang nakakunot ang noo ni Marga at mukha na siyang sasabog. " ops! Sorry!" kinakabahang reaction ni Leny. " Hello!" sabi ni David sa kabilang linya. Nakakunot na ang noo ni Marga at wala na siya sa mood. " Hello David!" seryosong bati niya. " Marga?" " Yes, ako nga!" " What's up? Napatawag ka?" " Gusto ko lang magpa salamat sa ginawa mo! You made it! Hindi ako nagkamali!" Naguguluhan si David, " What? Hindi kita maintindihan!" "Don't act that you're innocent.." napapatawa si Marga. Nag -aalala naman si Leny sa mga reaction ni Marga habang nakikinig siya sa sinasabi nito. " huh? What do you mean?" " Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, it's about Yasmin!" " What's about her!?" Nakangiting sabi nito, " Yasmin is pregnant! She's pregnant! You really did it successfully!" Walang tinig ang narinig ni Marga mula sa kabilang linya. Mukhang nagulat si David at hindi na nakapagsalita. Tumawa si Marga at tinukso si David, " Nabigla ka ba? Hindi ka ba makapaniwala na nagbunga ang lahat!? Congratz!" Napangiti si Leny at medyo gumaan ang loob sa mga nakikitang reaction ni Marga. " Hindi pala si Xian ang ama," sabi niya at napabuntong hininga ito. Nagsalita na si David, " Marga, may sasabihin ako sa iyo.. Huwag kang mabibigla.." Pagkarinig ni Marga ay kinabahan siya. " Ano ang sasabihin mo?" " Walang nangyari sa amin ni Yasmin. I'm sorry!" sagot ni David na may mahinang boses. Nanlaki ang mga mata ni Marga at nanginginig ito, " What do you mean?" Napansin ni Leny na nakatulala na si Marga at nanginginig.Nag-aalala tuloy siya. "Kung buntis man si Yasmin, hindi ako ang ama!" Nabitawan ni Marga ang cellphone at tumulo ang kanyang luha. Nabigla si Leny na nasa tabi lang niya ng mahulog ang cellphone nito. Napatingin rin ang ibang mga tao na nasa lobby. " Hindi ako naniniwala!" pabulong na sabi niya. Napakaseryoso nito at nagpapakatatag. " Marga.." Pumasok sa isip ni Marga na baka si Xian ang ama pero pilit rin niyang hindi ito paniwalaan. Bigla siyang umalis sa kinatatayuan at mukhang may susugurin. Mabilis ang lakad ni Marga patungong elevator. Sinundan naman siya ni Leny. ------- Habang naglalakad sina Carlos at Zack, napaisip si Zack," Tama ba na tayo ang nagsabi tungkol sa pagbubuntis ni Yasmin kay Marga?" "Sinabi lang natin ang totoo," sagot ni Carlos. Napatigil sa paglalakad si Zack. " Bakit ba ako kinakabahan?" Napatigil na rin si Carlos, " Huwag mo ng isipin iyon. Kailangan rin malaman ni Marga na buntis ang kaibigan niya!" " Pero, kung si Xian ang ama.. Malaking gulo ito!" napatanto ni Zack. Nabigla si Carlos at napaisip na rin siya. " Patay!" Seryosong nakatingin si Yasmin kay Xian na nasa tabi lang niya. Bakas sa mukha ng binata ang kasiyahan ng malaman na magiging ama na siya. " Xian, may sasabihin ako sa iyo.." seryosong sinabi ni Yasmin. " Ano naman?" nakangiting tanong ni Xian. "Buntis rin si Marga, at ikaw ang ama!" nakayukong sabi ni Yasmin. Hindi na niya magawang ilihim ito at sinabi na niya kay Xian. Nagulat si Xian. Nanlaki ang kanyang mga mata at natahimik siya " Magkakaanak na rin kayo ni Marga," Natawa si Xian, " Paanong? Impossible!" Napatingin si Yasmin kay Xian na naguguluhan sa reaction ng binata. Tinawanan lang niya ito. " Bakit?" mahinang tanong ni Yasmin. Hinawakan ni Xian ang kamay ni Yasmin na nasa kama. " eh kasi.." naudlot ang sasabihin ni Xian ng biglang may bumukas sa pinto.Nagulat silang dalawa. " Marga!?" Nasa may pinto si Marga at ang mukha ay para ng sasabog sa galit. Tumayo si Xian. " Marga!" nakakunot noo si Xian habang kinakabahan si Yasmin. Mas hinigpitan ng dalaga ang pagkakahawak sa kamay ni Xian. Nakataas kilay at chin up si Marga at sabay tanong na, " Sino ang ama ng pinagbubuntis mo Yasmin??" Gamit nitong tanong. " Marga--" mahinang wika ni Yasmin. Sumagot si Xian, " Ako! Ako ang ama!" Nabigla si Marga pero inaasahan na niya ito kaya mas umusok pa siya sa galit. Hindi siya makapaniwala na talagang inahas siya ni Yasmin at tinalo ang boyfriend nito. Sa galit ni Marga ay sinugo niya si Yasmin sabay sabunot nito sa ulo, " Inggrata!! Malandi ka!!" Inaawat ni Xian si Marga pero mahigpit itong nakahawak sa buhok ni Yasmin. " Marga!" sigaw ni Xian. " Mang-aagaw!!" galit na sabi ni Marga habang hinihila at sabunot ang buhok ni Yasmin. " Aahh--" " Stop it! Tama na!!" napigilan ni Xian. Mahigpit niya itong hinawakan ang bewang at kamay at pinalayo sa may kama. Itinulak niya papunta sa may pinto. Nabigla si Marga sa ginawa ni Xian. Hindi siya makapaniwala. " Xian?" Nakayukong umiiyak si Yasmin sa kanyang kama. " Stop it Marga! Don't hurt Yasmin!!" seryosong demand ni Xian. Napangiwing tumawa si Marga, " Wow, ipinagtatanggol mo siya. Ipinagtatanggol mo pa ang malanding iyan na umakit sa iyo! Ano ang ginawa niya para mahulog ka?" Hinawakan ni Xian ang kanang braso ni Marga at hinila paalis sa kwarto. " Halika at mag-usap tayo!" " Ano ba!!" pagpupumiglas ni Marga. Nakaalis na sa kwarto ang dalawa at naiwan nalamang si Yasmin. Napatakip bibig itong umiiyak sa kanyang kama. Nagsisisi sa mga ginawa niyang pagtataksil sa kaibigan. " Ang sama kong kaibigan.." bulong niya sa sarili habang umiiyak. " Sana hindi nalang ako nagpadala sa damdamin ko. Sana pinigilan ko ang tukso! Patawad Marga!" -------- Nasa may gilid na bahagi ng floor na iyon sila Marga at Xian. Tahimik ang lugar na iyon at walang gaanong tao o ang dumaraan. " Ano ba Xian? Let me go!" nagpupumiglas ito at pagkatapos ay binitawan na ni Xian ang braso ni Marga. Agad sinampal ni Marga ang binata. (slap) Napakaseryoso ng mukha ni Xian na nakatagilid ang mukha dahil sa sampal. " How dare you to cheat on me!! How dare you na makipag-s*x sa babaeng iyon!! Am I not enough!!? Tapos binuntis mo pa!!" Pagkarinig niya sa salitang buntis ay lumingon ito at napatingin kay Marga. " Bakit mo sinabi kay Yasmin na buntis ka?" " huh?" " Bakit mo sinabi na buntis ka at ako ang ama!?" napasigaw si Xian na galit na galit. Nagbago ang aura ni Marga at mukhang natatakot. "Walang nangyari sa atin ni minsan at alam mo iyon. Paano ka mabubuntis at ako ang ama kung hindi nga tayo nags*x!?" galit na galit si Xian. " Impossible!" " Xian--" " Bakit mo iyon sinabi sa kanya!?" "Para mapanatili ka!" pasigaw na sagot ni Marga. He was so disappointed kay Marga. " Are you insane? Ano ba ang pumasok sa isip mo!?" Marga suddenly hold the arms of Xian, " Ayokong mawala ka! Ayokong mangyari iyon!" " Huli na ang lahat!" seryosong sabi ni Xian at iniwakli ang kamay ni Marga na nakapulupot sa braso nito. " No! Please Xian!" Pagkawalag niya sa braso ni Xian ay natumba ito patungo sa sahig. " Xian, don't go! Itutuloy pa natin ang kasal!" sigaw ni Marga. " Wala ng kasal na magaganap!" sagot niya at tumalikod na ito. Umalis na siya sa kinatatayuan at naiwan si Marga an nakaupo sa sahig. She was crying at first but suddenly changed. Nakatingin siya napakaseryoso kay Xian na naglalakad paalis sa lugar. She has teary eyes but fierce. " Hindi pa tapos.. Matutuloy ang kasal kahit anong mangyari.." bulong niya sa sarili. -------- Lumipas ang dalawang araw at nakauwi na rin sa wakas si Yasmin sa kanyang condo unit. Sinamahan siya ni Harrold roon. " Ang sama talaga ng bruhang iyon!" sabi ni Harrold habang nagtitimpla siya ng gatas para kay Yasmin sa kitchen. Nakaupo naman si Yasmin sa couch nila sa living room. Bakas sa mukha ni Yasmin ang lungkot at pag - aalala sa kaibigan at sa mga mangyayari. Natapos na sa pagtitimpla si Harrold at pinuntahan si Yasmin sa living room. Dala dala niya ang gatas. " Hindi ko talaga masikmura na sa araw na iyon ang kasal ng bruha!" mataray na sabi ni Harrold. " Harrold.. Bakit mo naman siya tinatawag na bruha?" " Bruha talaga siya!" sabi ni Harrold at umupo ito sa tabi ni Yasmin. " Ako nga ang sumira sa kasal niya.. Ang sumira sa relasyon nila ni Xian!" malungkot na sabi ni Yasmin. " Ano ka ba! Hindi mo kasalan na ikaw ang pinili ni Xian!" " Harrold!" sermon niya. " totoo naman! Hindi makikipagchurva si Xian sa iyo kung hindi ka niya mahal. Nakipagchuchu siya dahil mahal ka niya. O di ba hindi totoo na buntis si Marga.. Loka loka talaga iyon at gumawa pa ng tsismis." " Kahit na, ako pa rin ang dahilan ng gulong ito.." insisted by Yasmin. " Gurl, huwag mo ng isipin si Marga. Ang isipin mo ang baby ninyo ni Xian!" Napangiti si Yasmin. " Ninang ako okey?" masayang sabi ni Harrold. " Siyempre naman!" Pumalakpak si Harrold sa nalaman. Excited rin ito na magiging ninang. Natutuwa si Yasmin habang pinapanood ang kaibigan at hinahawakan ang baso ng gatas. " Wait gurl!" napatigil ito sa pagpalakpak at naging seryoso ang mukha ni Harrold. " bakit!?" " Iyon bang mga araw na sabay kayong nawala ay.. mga araw na--" he was so curious. Napainom kaagad si Yasmin at namumula. " Hindi ah-- ang dali naman kung ganoon. Bago lang iyon hindi ba!" sagot ni Yasmin. " Pero nagchurva pa rin kayo?" curious na tanong ni Harrold. Pinipilit si Yasmin na umamin. " Anong churva?" " iyong S-E-X.. s*x!!" Hindi sumagot si Yasmin at nagpatuloy sa pag - inom ng gatas. Namumula na ang mukha nito na parang kamatis. " Aminin mo na! May nabuo na nga di ba! Teka, masarap ba? Aiyee!!" kinikilig si Harrold. Napa-ubo si Yasmin dahil sa mga pagtutukso ni Harrold. " Dahan dahan lang sa pag - inom!" Agad tumakbo sa toilet si Yasmin dahil nasusuka ito. " Yasmin!!" ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD