Nagkita sina Yasmin at Xian sa isang park. Sa pagkikita nila, may sinabi si Yas na hindi inaasahan ni Xian.
" You are joking right?" hindi agad naniwala si Xian sa sinabi ni Yasmin.
"Okay naman tayo hindi ba?"
Nakahawak ang mga kamay ng binata sa magkabilang balikat ng binibini.
"Sorry!" napayukong sabi ni Yasmin na walang mukhang ihaharap sa binata.
" Bakit Sorry? Hindi ko maintindihan!Ipaliwanag mo! Nagbibiro ka lang!" naguhuluhang tanongi Xian. Hindi niya lam kung ano ang dapat na reaksyon. Matutuwa ba siya, malukungkot o magagalit?
"Ibalik nalang natin ang mga bagay kung ano ang dapat mula sa simula
.. simula noong hindi pa ako umuwi rito hanggang sa umuwi ako rito," paliwanag ni Yasmin.
"For what!"
Napabitiw sa pagkakahawak sa balikat si Xian.
"Iyon naman ang dapat na mangyari! Dapat na ikasal kayo at hindi dapat ako nakialam!" Napapalakas na ani ni Yasmin.
Napapahilamos ng mukha si Xian na gamit ang sariling palad habang nakikinig sa dalaga. Ang isang kamay naman nito ay nasa bewang.
"Anong ibig mong sabihin Yasmin? Bumalik sa dati?" napapatanong ang binata na bakas pa rin ang pagtataka.
Nagpipigil na lumuha si Yasmin kahit na gusto na niyang umiyak. Nakayuko ito at hindi makaharap sa binata na nasa harapan langniya. Pumapatak ang ulan ng dahan -dahan at hindi na nila ito pinansin.
"Sorry..."sambit ni Yas na alam na napakaduwag niya at di kaya niyang ipaglaban si Xian.
Lumapit si Xian at hinawakan ang mga kamay ni Yasmin.
"Di ba nangako tayo na ipaglalaban natin ito na magkasama. Di ba sasabihin natin kay Marga ang lahat para wala ng gulo!? Di ba may mga pangarap tayo na magkasama at bubuo ng pamilya. What happened? Bakit nagbago?"
Napaangat ang ulo ni Yas at pinagmasdan ang mukha ni Xian. Hindi sumagot si Yasmin.
Nagpatuloy si Xian sa pagsasalita at sa pagtatanong, " Bakit nagbago ang isip mo?"
Pilit na inintindi ni Xian ang sitwasyon.
"May nangyari ba? May ginawa ba si Marga sa iyo? Ano!? Sabihin mo! Bakit nagbago ang isip mo? Bakit mo ako ipagtutulakan ulit sa kanya!?"
Nagpakatatag si Yas at hindi nagpahalata na nasasaktan.
Tinitigan rin ni Xian si Yasmin. Bakas sa mukha ng binata ang mga tanong at gumugulo sa isipan niya.
"Bigyan mo ako ng paliwanag! Ano ang dahilan ko kung bakit ako magpapakasal sa kanya! Bakit ko itutuloy ang kasal?"
Sumagot na rin si Yas. "Dahil iyon ang dapat! Dahil iyon ang dapat mangyari! Dahil iyon ang dapat mangyari simula noon!"
" Paano na tayo?"
" Itigil na natin at isiping walang nangyari sa ating dalawa!"
Nagulat si Xian sa sinabi ni Yasmin.
"Kalimutan mo na ang lahat sa atin at ipagpatuloy kung ano ang nauna! Isipin mo nalang na isang panaginip ang mga nangyari!"
Dahan dahang binitawan ni Xian ang mga kamay ni Yasmin. Mukhang nanghina ito sa mga narinig. Parang binagsakan siya ng langit at dumurog sa puso niya.
" Ano ba ang ibig sabihin nito? Sumusuko ka na? Isusuko mo nalang ako sa kanya?" napatanong si Xian na may matamlay na boses. "Hindi mo na ba ako mahal?"
Agad tinanggal ni Yasmin ang singsing na ibinigay ni Xian.
" Ibabalik ko na ito sa iyo!" sabi ni Yasmin na napakaseryoso. Inabot niya ang singsing kay Xian at ibinigay sa palad ng binata. Sa palad ni Xian, pinagmasdan niya ang singsing at tumulo ang kanyang luha.
Sa isip ni Yasmin: "Sorry.. Sorry.. Sorry kung napakahina ko at pinili ko si Marga! Sorry hindi kita maipaglaban! At sinakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para sa aking kaibigan. Patawarin mo ako. Tanga nga ako! tanga ako dahil pinakawalan kita. Hangad ko na lang ang maging masaya kayo!"
Tumalikod na si Yasmin para umalis but isang hakbang niya'y niyakap siya ni Xian mula sa likod.
"Mahal kita! Mahal kita Yasmin!" sabi ni Xian na nakapikit at ang mukha ay nasa may batok ng dalaga. Hinihigpitan niya ang yakap kay Yasmin.
"Ayokong mawala ka! Mawala na ang lahat huwag lang ikaw Yasmin!"
Tumulo ang mga luha ni Yasmin at napatakip bibig ito. Pilit man niyang hindi mapaiyak but hindi na niya mapigilan.
Bumagsak na ang malakas na ulan at basang basa na ang dalawa.
"Mahal na mahal kita!!" sabi ni Xian.
"Tama na Xian!" pilit na makawala ni Yasmin sa pagkakayakap ni Xian. But mas hinihigpitan pa ng binata ang yakap nito. The more nagpupumiglas ang dalaga, mas lalong mahigpit ang yakap ng binata.
" Ano ba Xian!"
" I will love you forever! Hindi na kita pakakawalan pa!"
" Xian!" naiinis na sabi ni Yasmin na pilit makawala sa yakap ni Xian.
" Alam kong katulad lang ito ng dati.. paiba iba ang mood mo kaya alam kong babalik lang ang lahat sa dati. Huwag ka lang lalayo at iiwan ako! Sabay nating haharapin ang mga problema!"
Wala nang maisip pa si Yasmin para umalis si Xian kaya napilitan siyang magsalita ng hindi maganda para bumitiw na ito.
" I'm tired already Xian! Walang patutunguhan ang ating pagmamahalan. Sa huli'y hindi tayo magiging masaya."
" Paano mo masasabi na hindi tayo magiging masaya?"
"I'm tired! Ayoko na! Ayoko na! Ayoko ng mahalin ka!" sigaw ni Yasmin.
Nagulat si Xian at hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Yasmin. Unti unting niluwagan ang pagkakayakap niya sa dalaga hanggang tuluyan ng makawala si Yas.
" I want to end this!! Ayokong may nasasaktan! Hindi ko kaya! Mas pipiliin ko na sumuko at isuko ka!" habang nagsasalita ay umiiyak ito pero hindi alam ni Xian. It seems she's strong but she's not.
" Ibig bang sabihin give up ka na!?"
She nodded.
" Mas pinipili mo pa ang kaligayahan ni Marga at hindi sa ating dalawa?"
She didn't answer.
" okay! Fine! Kung iyan ang magpapasaya sa iyo Yasmin na maging masaya si Marga. I will! Para sa iyo, I will give up our own happiness. Kung ito lang ang magpapagaan sa loob mo. Kahit masakit na mas pinili mo si Marga at hindi ang ating pagmamahalan, I will do it."
Habang nakikinig ay napapikit nalamang si Yasmin. Unti -unting nadudurog ang kanyang puso habang nakikinig. Napakasakit! Ang sakit sa loob niya na para bang sasabog na sa sakit.
Napamura nalang si Xian, "F*cksh*t na buhay to!!" Napasipa sa tubig ulan na nasa harapan niya. Galit si Xian at naiinis sa sarili.
"Wala na itong silbi!" tiningnan niya ang singsing na hawak ng palad nito.
Napalingon si Yasmin.
At..
At tinapon sa malayo ni Xian ang singsing.
Nagulat si Yasmin at hindi niya ito inaasahan. Napatingin siya sa binata pero hindi na tumingin si Xian sa kanya. Tumalikod si Xian at humakbang papaalis sa kinatatayuan.
"Xian.." bulong niya sa sarili. Bakas sa mukha ni Yasmin ang kalungkutan. Pinanood niya ang pag -alis ni Xian sa lugar at dahil sa hindi niya makayang makita ito na lumalayo, tumakbo ito sa kabilang direksyon.
Yasmin's pov
Sorry Xian. Sorry at sinaktan kita. Sorry at hindi ko natupad ang pangako ko. Sorry kung hindi kita naipaglaban. Sorry kung pinili ko si Marga. Sorry! Sorry! Sorry! Sana mapatawad mo ako!!
Tumila bigla ang ulan.
Medyo lumayo na si Yasmin sa park at naglalakad na sa may daan. Ilang sandali ay napatigil sila. Matamlay ito at napatulala.
Biglang..
Biglang nasusuka siya.
Sumuka siya sa gilid ng daan sa may poste. Nakahawak ang isang kamay niya sa poste at ang isa ay sa kanyang tiyan.
Sumuka si Yasmin!
May pumasok sa isip niya ngayon lang. Nakalimutan niya at nawala sa kanyang isip ang tungkol sa check -up.
-----------
Ding dong!!
Tumunog ang Doorbell sa shop ni Harrold. Nag -aayos na si Harrold para makauwi na.
Napalingon siya sa may pinto ng marinig niya ang tunog ng doorbell.
" Hay naku! Sino ba iyan?bakit ngayon pa na close na ang shop ko at uuwi na ako!"
Ding dong!
" Nariyan na!" sagot ni Harrold na pasigaw.
Pagkabukas niya ay nakita niya si Yasmin. She was so wet at matamlay.
" Yasmin!? Girl!?" nagulat siya sa itsura ng kaibigan.
" Anong nangyari sa iyo!? Saan ka nanggaling!?" pag -aalalang tanong ni Harrold.
Pinapasok niya si Yasmin sa loob ng shop.
" oh my!"
Agad kumuha ng tuwalya si Harrold at ibinigay kay Yasmin.
" Ano bang nangyari?"
" pwede bang makigamit ng comfort room!?" tanong ni Yasmin kay Harrold na may mahinang boses.
" Sige!"
Sinamahan ni Harrold patungong CR si Yasmin but habang papunta sila ay biglang naduduwal ang dalaga.
Nabigla si Harrold.
Dali dali silang pumunta sa CR na medyo malapit na.
Doon, nagsusuka si Yasmin sa toilet bowl.
Nagpapanic na si Harrold,
"Oh my!!"
------
Nagsusuka si Yasmin sa comfort room. Nagpapanic na si Harrold sa nangyayari.
" Ano ba ang nakain mo beshie? Bakit ka nagkakaganyan?" tanong ni Harrold na nag-aalala. Hinahaplos niya ang likuran ni Yasmin habang si Yasmin ay nakayuko kaharap ang toilet bowl. Patuloy sa pagsusuka si Yasmin.
" haist! Ano ba Yasmin!?" kinakabahan si Harrold. " Umuwi ka lang, nagkaganyan ka na!"
Lumabas ng comfort room si Harrold at pumunta sa may water despenser. Kumuha siya ng mainit na tubig para kay Yasmin.
Tumayo si Yasmin at may kinuha siya sa kanyang bag. Kinuha niya ang binili niyang pregnancy kit kanina bago siya pumunta kina Harrold.
Isinara niya ang pinto ng CR.
-----
" Ano bang nangyayari kay Yasmin?"usisa ng kaibigan.
Pagkatapos niyang lagyan ng mainit na tubig ang mug, bumalik siya agad kung saan naroon si Yasmin. But, nakasarado ang pinto.
" Yasmin!!" sigaw ni Harrold. He was knocking the door. It was locked. Mas kinabahan si Harrold dahil baka may gawing hindi maganda si Yasmin o baka may mangyaring masama sa kanya sa loob.
" Yasmin!! Buksan mo ang pinto!!" sigaw niya ulit.
----
Nakaupo sa toilet bowl si Yasmin at hawak ang isang pregnancy kit. She was nervous. Nakapikit ito bago tuluyang tiningnan ang result.
Yasmin's pov
Ano kaya? Buntis o hindi? Paano kung buntis ako? Oh my!!
Tumayo siya.
Dahan -dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata. Naririnig niya ang sigaw ni Harrold sa labas.
Tinignan na ni Yasmin at ang result..
Its..
Positive!
Nanlaki ang mga mata ni Yasmin. Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman. Hindi niya alam kung ano ang irereaction. Natahimik siya at napatakip ng bibig. Sa kanyang reaction ay nabitawan niya ito at nahulog sa sahig.
Napaluha si Yasmin... " No!" ang salitang nasambit niya.
Ano ba ang ibig sabihin niya sa salitang NO?
Ang lakas ng kabog ng dibdib nito at hindi niya mapigilan na mapaluha at tumingin sa may kisame. Pinipigilan niyang hindi umiyak.
Nabuksan ni Harrold ang pinto dahil sa duplicate key na nasa niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
" Yasmin!!"sigaw ni Harrold pagkakita niya kay Yasmin sa loob. Dali dali niyang nilapitan ang dalaga at nagtaka bakit umiiyak ito.
"Bakit?"
Biglang yumakap si Yasmin sa kaibigan. Umiiyak siya na nakasubsob ang mukha nita sa dibdib ni Harrold.
"Anong nangyari?"
Umiyak ito ng umiyak.
Hanggang may nakitang isang bagay sa may paanan nila at ito ay ang pregnancy kit.
" What is that!?"
Patuloy sa pag -iiyak ang dalaga.
Hindi man nakita ni Harrold ang result, alam na niya kung ano ito. He knew it.
" buntis ka!?" tanong ni Harrold.
Humarap si Yasmin sa kanya.
" Are you pregnant?"
She nodded.
Napangiti si Harrold ng malaman ito. Kahit hindi pa sinabi ni Yasmin kung sino ang ama, alam na niya ito.
" Sino ang ama? Si Xian ba?"
She nodded again.
" Ayieee!!" kinikilig na reaction na pasigaw ni Harrold. " Really!?".
" I am happy for you beshie!"
-----------
Sinamahan nina Zack at Carlos si Xian sa isang bar. Umiinom ng beer si Xian habang ang dalawa ay nanonood sa kanya. No words from Xian kung bakit siya umiinom.
" tama na iyan!" sabi ni Carlos.
Nagpatuloy pa rin sa pag-inom ng beer ni Xian. Hindi niya pinapansin ang dalawa at hindi siya nakikinig.
" marami ka ng nainom! Itigil mo na iyan!!" reprimanded by Zack.
Natawa si Carlos sa kinikilos ni Xian.
Pabiro itong sinabing, " ano ba ang nangyayari sa iyo? Mukha yatang heart broken ka. Bakit, iniwan ka ba ni Marga!?"
Pagkarinig niya sa pangalan ni Marga ay napatigil ito at inilagay ang bote ng beer sa mesa na malakas.
Nagulat ang dalawa.
-----------
Nakaupo sa may couch sina Yasmin at Harrold.
Nagsalita na si Yasmin, " But wala na kami ni Xian!" malungkot na sabi niya.
" What!?" nagulat si Harrold. " Bakit!?" curious na tanong niya.
" Wala na kami.. I let him go back kay Marga.," sagot ni Yasmin na may malungkot na boses.
" Ano!? bakit!?"
" Gusto ko lang bumalik sa dati.."
Medyo nainis si Harrold, " So ano na ang mangyayari? Paano na ang baby mo nito?"
Hindi sumagot si Yasmin.
Nagpatuloy sa pagsesermon si Harrold, " Yasmin naman, isipin mo naman ang sarili mo at hindi ang iba especially si Marga. She doesn't deserve it!"
" Kaibigan ko siya.."
" Yasmin! Remember sinira niya ang damit mo for the reunion para hindi ka makadalo. Sinadya niya iyon! Kaibigan pa ba ang masasabi mo sa kanya?"
" She's my only friend noong highschool.. Mahalaga siya sa akin. Siya lang ang nagparamdam sa akin that I am existing.." paliwanag ni Yasmin.
" Yasmin naman! Please wake up! Ano ba ang pinakain niya sa iyo!?" nagagalit at umiinit ang ulo ni Harrold habang naririnig niya ang paliwanag ni Yasmin.
" Sorry Harrold, but she's my friend.." napayuko nalang si Yasmin.
" haist.. Sana hindi ka magsisisi.." napabuntong hininga na lamang si Harrold.
" Kung alam ko lang noong una, hinding hindi ako gagawa ng wedding gown for her!"
" Harrold!"
" Ayokong nakikita kang nasasaktan Yasmin. Ayoko na sinasaktan ka ni Marga!" wika ni Harrold.
" Hindi naman niya ako sinaktan. Hindi niya ako sasaktan," wika naman ni Yasmin na napakaconfident.
"Sana nga.."
Niyakap niya ang kaibigan.
" Narito lang ako besh.. Kung sasaktan ka ni Marga, humanda siya sa sampal at sabunot ko!"
" client mo siya!"
"Wala akong pakialam! Wala akong care kung mawalan ako ng client!" mataray na sabi ni Harrold na yakap yakap ang kaibigan.
"haist.. buntis siya.. Buntis ka.. Sabay talaga kayo na buntis!" pabulong na sabi sa sarili ni Harrold.
Hindi na narinig ni Yasmin ang bulong ni Harrold na mukhang kinakausap ang sarili.
" Harrold, please don't tell Xian about this.. Please!" request ni Yasmin.
Napabuntong - hininga nalamang si Harrold.
" fine.. But I won't promise!"
-----
It was the day of the wedding. Naghahanda na ang lahat for the wedding. Dumating na rin ang wedding gown ni Marga sa hotel na tinutulayan nila.Sa loob ng kwarto ni Marga ay naroon ang anim niyang bridesmaid kasama na si Yasmin na maid of honor niya.
" Marga, narito na ang gown mo!" sabi ng kaibigan ni Marga na isa sa bridesmaid. Pinapasok niya sa kwarto ang may dala nito pati si Frances, kasamahan ni Harrold. He is also a gay.
Humarap sa kanila si Marga at napatanong kay Frances," Nasaan si Harrold? Bakit hindi siya ang narito?" Nakataas kilay na tanong niya kay Frances.
Nauutal na pagsagot ni Frances, " Ah- eh.. Kasi- may importante siyang aasikasuhin pa."
Sumagot si Marga, " So.. Hindi pala ito importante sa kanya ang wedding ko kaya wala siya rito!?"
Napatingin si Yasmin kay Marga na nasa may gilid lang.
" No Marga! Talagang emergency lang! Kaya ako ang pinapunta niya rito para ayusan ka," pagtatakip ni Frances kay Harrold.
" Haist! Never mind! Gawin mo nalang ang trabaho mo!" pagtataray ni Marga. Bumalik ito sa harap ng salamin at umupo rito.
Napayuko lang si Yasmin at bakas sa mukha ang lungkot.
Sa totoo lang ,iniwasan ni Harrold na pumunta dahil baka ano pa ang magawa niya at masabi. Maaari siyang makagawa ng bagay na makakasama kay Yasmin. Baka hindi niya mapigilan ang sarili niya kaya umiwas nalang ito at ipinadala nalang si Frances para ayusan si Marga at alalayan.
Dumating na rin ang mga make up artist at photographers. They were all busy. Nag -ayos na rin sila Yasmin at mga kasamahan niya sa entourage.
--------
" teka bro,bakit malungkot ang mukha mo?" tanong ni Carlos na nakatingin kay Xian. Si Xian ay nakaupo sa couch at mukhang walang ganang kumilos. Naroon lang ito at nakaupo na ang mukha ay malungkot. Lahat na ay busy but siya ay relax na relax lang. Nakasuot si Xian ng black wedding tuxedo habang mga groomsmen niya ay nakasuot ng gray vest. But sa room na iyon, kasama lnag niya ay sila Carlos at Zack. Ang ibang groomsmen ay nasa ibang room.
Someone's knocking the door.
Binuksan ni Zack ang pinto at naroon si Tita Zita ni Xian. She was wearing an elegant dress na hango sa motif na peach color.
" Goodmorning p," bati ni Zack.
Pumasok si Tita Zita at pinuntahan si Xian na nasa couch. Nagmadaling lumabas ng kwarto ang dalawang binata at iniwan sila Xian at Tita Zita roon.
" Xian!" galit na pasigaw ni tita Zita.
Iwas tingin si Xian sa kanyang titana nakaupo pa rin sa couch.
Umiba ang tono ng boses ng tita niya. Naging malumanay ito. " Anong nangyari? Anong ibig sabihin nito?"
Hindi agad nakasagot si Xian sa kanya.
" Akala namin na kayo na ang ikakasal noong sabihin mong ikakasal ka na. We really thought na naging okay na ang lahat pero bakit ganitl ang nagyari? Paano na si Yasmin? Di ba--" hindi naituloy ni tita ang sasabihin ng nagsalita na si Xian.
" Wala na kami ni Yasmin tita!"
Nagulat si Tita Zita sa kanyang nalaman.
"Ano!?"
" We ended up already!"
Tumayo si Xian at pumunta sa may bintana. Napakalayo ng tingin niya.
"Bakit?"
" We just realized na we need to go back kung ano ang dapat mula sa simula."
" Ganoon na lang ba? Susuko na kayo agad? Mahal ninyo ang isa't isa at saksi kaming lahat noon pero bakit biglang nagbago!? Hindi mo na ba siya mahal?"
" tita.."
" Bakit ka magpapakasal sa babaeng hindi mo na mahal?"
" tita naman.. Suportahan nalang ninyo ako. Sa aming desisyon!"
" Kaninong desisyon ba ito?"
" tita.."
Humarap si Xian sa kanyang tita.i
" Ang kasal ay panghabambuhay. Sana hindi ka magsisi sa huli," malungkot na sabi ng tita niya.
Umalis na ito sa kwarto at iniwan si Xian na nag -iisa.
Xian's pov
Mahal na mahal ko si Yasmin. Pero paano kung siya na ang sumuko sa aming dalawa. May dahilan pa ba ako na ipaglaban ang aming pagmamahalan kung siya naman ay give up na at nakipaghiwalay ng tuluyan!? Masakit! Masakit na masakit! Ang sakit na mukhang mamamatay ako sa sakit. I love her so much na kaya kong ibigay sa kanya ang gusto niya kahit masakit.
Napaluha si Xian.
Pumasok sila Carlos at Zack. They comforted him.
" okay ka lang bro?"
Zack tap the shoulders of Xian.
" Kung ano man ang pinagdadaanan mo, malalampasan mo rin yan!"
" new chapter of your life na ito!"
Hindi man alam ng dalawa ang lahat ng problema but they know na may pinagdadaanan si Xian and its lal about love.
-------
Naglalakad sa hardin si Yasmin para magpa-hangin. Iniiwasan muna niyang makita si Marga na inaayusan for her wedding dress sa kwarto. Habang pinapanood kasi niya siya ay para bang may kirot sa puso nito
Hindi man niya maintindihan, she was hurt. Habang hindi pa nagsisimula ang kasalan na gaganapin sa isang cathedral na malapit sa hotel, naglakad lakad muna siya sa hardin. Nakasuot na ng kanyang gown si Yasmin. It was peach colored long gown.Napakaganda niya sa kanyang ayos at suot pero, bakas sa mukha niya ang lungkot.
Hawak -hawak rin niya ang kanyang maliit na bouquet.
Napahinto siya sa paglalakad at napatingin siya sa kanyang bouquet na hawak. She wa smiling while holding it.
Nagsasalitang mag- isa ang dalaga.
What if ako ang ikakasal? Ano kaya ang feeling? Siguro, I will be the happiest woman on earth! And also the prettiest! Lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakasuot ako ng mala-princesang gown na ang veil ay napakahaba. Pagkatapos, may maganda akong bouquet na dala. Then all single ladies will stay at my back waiting for me throw the bouquet.
And then..
Itinaas ni Yasmin ang dalang bouquet at..
At biglang inihagis niya sa likuran niya.
" I will throw it!"
She really throw it!
At may sumalo!
Napalingon si Yasmin at nabigla siya sa kanyang nakita sa likuran niya na hawak ang bouquet niya.
" Ikaw!?"
It was Arthur! The handsome boss ni Marga.
"Teka.. Ikaw iyong.. " naalala niya si Arthur, ang taong may balak na masama sa kanya noon kaya pagkakita niya nito ay nainis ito agad.
He was holding Yas bouquet. He was smiling and said, " Iniimagine mo na ikaw ang ikinakasal?"
Yasmin raised her voice at nakataas noo itong sumagot.
"Anong pakialam mo?"
Lumapit si Yasmin kay Arthur para kunin ang bouquet nito. But ng nasa malapit na si Yasmin ay sinadya ni Arthur na itaas ang kamay nito na hawak ang bouquet.
" haist!" mas nainis si Yasmin.
He was teasing her.
Pilit na inaabot ni Yasmin ang bouquet but he was tall at mas pinapataas pa niya ang kamay nito.
"Ibigay mo na iyan sa akin!" galit na pagkakautos ni Yasmin.
"Yu can have it, if you can reach it!" he was smiling while teasing her.
" Ganoon!?"
Pilit niyang inaabot hanggang na out balance ito at napayakap sa binata. She was holding his shoulders at nasa may chest ang isang kamay.
.Nanlaki ang mga mata ni Arthur at napatigil. His heart beats so fast at napakalakas ng kabog nito sa loob.
Yasmin was shocked too. Namula ang kanyang mukha at mukhang tumigil ang paggalaw nito. Napatingin ang dalawa sa isa't isa na gulat ang mga reaction.
Speechless..
Nagulat si Odette sa kanyang nakita. She was looking for Sir Arthur but hindi niya inaasahan ang makikita. She was shocked!
" Sir? sir Arthur!?"
Napalingon silang dalawa kay Odette at agad lumayo sila sa isa't isa na medyo nahihiya and so awkward.
" Odette!"
" Uhm.. Naistorbo ko po ba kayo?" tanong ni Odette. "
" huh? A.. Ano ba ang pinagsasabi mo!?" nauutal na paliwanag ni Arthur. Agad niyang ibinigay ang bouquet kay Yasmin na natataranta.
"alis na po tayo papuntang cathedral," sabi ni Odette. " Doon na po raw tayo maghihintay."
" okay!"
Agad umalis si Arthur sa harap ni Yasmin at pinuntahan si Odette.
" Halika na Odette!"
" Yes sir!"
Tuluyan ng umalis ang dalawa sa hardin.
Napabuntong hininga nalang si Yasmin.
Naalala niya na may atraso pa ang lalaking iyon noon sa kanya. " haist! Tsk!"
" Yasmin!?"
Napalingon si Yasmin ng marinig na may tumawag sa kanya.
" tita Zita?"