Tuluyan ng naghalikan sina Yasmin at Xian sa harap ng marami. Wala silang masabi at pinanood ang dalawa. Hawak ng emcee ang stop watch at tiningnan niya ito.
They kiss so intensely. Mukhang nakalimutan nila na may nanonood sa kanila.
Hindi makapaniwala sila Tita Zita pati sina Dorara.
Someone asked," Sila ba?"
" Di ba ikakasal na siya!?"
" That is just for fun!"
" Yah!"
" That's not real kiss with feelings. Its just a kiss for fun."
Nakangiti si Mayeng nang marinig niya ang mga reaction ng iilan sa mga panauhin.
Inabot ng anim na minuto ang ginagawa nila. Hindi na nila namalayan ang oras at tumigil ang dalawa ng pinatigil sila ng Emcee.
"Uhmm.. Xian and Yas.. Eh.. Maaari bang madistorbo kayo.?"marahang sabi ng Emcee.
Napatigil ang dalawa at humiwalay ang mga labi. Sa paghiwalay ng kanilang mga labi ay napatingin sila sa isa't isa. Namula bigla ang pisngi ni Yas. Napaatras nalang ito at umiwas ang tingin sa binatang kaharap. It was an awkward moment.
Nagpalakpakan ang naroon. Mas lalong naiilang si Yasmin at napakamot naman ng ulo si Xian.
Nagsalita ulit ang emcee.. "Next it's time na ipapasuot mo na ang garter sa partner mo Xian!"
"Okay," he nodded.
"but gagamitin mo lang ay iyong bibig." Dagdag ng emcee.
"Huh?"
" Talaga?" reaction ni Yasmin at napatingin sa binata. Kinakabahan si Yasmin dahil sa nag - aalala siya kung ano ang sasabihin ng iba lalo na sa nangyari kanina.
Binigyan ng upuan si Yasmin at dahang -dahang umupo roon. Lumuhod naman si Xian sa harapan ng dalaga.
"Ready ka na ba?" tanong ni Xian.
" Kinakabahan ako sa iyo," sagot niya.
He smiled.
Itinaas ni Yasmin ang gown niya.
Inilagay na nila sa may ankle ni Yasmin at kinagat ni Xian ang garter para mahila paitaas. Hinila niya ang garter paitaas sa may tuhod.
So excited ang lahat.
"More! "
"Higher!!" sigaw nila.
Mas hinila niya ito papaitaas.
Namimilog na ang mga mata ng mga kalalakihang napapatingin sa makinis na kutis ng dalaga.
Ilang minuto lang ay sa wakas naroon na rin sa may hita ni Yasmin.
They clapped again.
Tumayo na sina Yasmin at Xian at humarap sa newlywed.
"Congratulations!!" bati nila Xian at Yasmin.
Lumapit si Kikay at niyakap ang dalaga.
"Thank you!"
Nakipagkamay rin sila pagkatapos.
But, pabalik na sana sina Yasmin at Xian sa kanilang upuan nang may narinig si Xian.
" Eww.. sino ba siya para matanggap niya ang halik ni Xian," ani ni Mayeng na nakataas ang kilay.
" It seems that, kabit siya!!"
" kabit talaga siya."
" Wala namang relasyon. Everything is just for fun."
Napatingin si Xian na nagkasalubong ang mga kilay kina Mayeng
Nakarinig ng hindi maganda si Xian tungkol kay Yasmin. Pinag -uusapan siya tungkol sa pagiging kabit niya dahil sa alam nilang hindi siya ang fiancee ng binata.
"Duh! nagkataon lang talaga ang lahat," Dagdag ni Mayeng sa mga kasama niya sa mesa.
Hindi na nakatiis si Xian at biglang hinablot niya ang kamay ni Yas.
Nagulat si Yasmin.
Napakaseryoso ng mukha ng binata.
"Bakit?" tanong na nasa isipan ni Yasmin.
Hinatak niya ang kamay ni Yasmin at pumunta sila sa may gitna. She was so clueless. Naroon sa gitna ang couple at sumasayaw pero nang bumalik sila Xian kasama si Yasmin ay napatigil sila.
" Xian!" Pumipiglas si Yasmin at nahihiya ito na papunta sa gitna. "Ano ba ang binabalak niya?"
Napatingin ang lahat sa dalawa.
Nagulat ang couple at hindi alam kung ano ang gagawin at binabalak ng binata.
" Sorry Kikay at Tikoy kung didistorbohin ko muna kayo ng saglit. Importante lang ito," seryosong paghingi ng pahintulot ni Xian.
"Okay lang kuya," sabi ni Kikay.
He smiled.
Mas hinigpitan ng hawak ni Xian ang kamay ni Yasmin. Humarap ang binata sa mga panauhin habang nakatingin naman si Yasmin sa kanya.
Nagsimula ng magsalita si Xian. "Alam kong nabalitaan na ninyo na ikakasal na ako..." He was so serious na nagsasalita sa harapan nila.
Lahat ay seryosong nakikinig kay Xian.
"Tungkol saan kaya ang sasabihin niya?" tanong ni Mayeng.
"Baka sasabihin niya na we are just friend ni Yasmin and hanggang doon lang ang lahat," sagot ni Panyang.
"I think so.. baka magalit ang fiancee niya kapag nabalitaan nito."
" Xian.."sambit ni Yasmin.
Xian looked at Yasmin, "Mahirap man iexplain sa inyong lahat ang mga nangyayari, gusto ko lang na malaman ninyo---"
Nagtatawanan sila Mayeng at pabulong na sinabi, "We were just friends!"
" friends lang pala.." bulong rin ni Panyang.
"Ang babaeng nasa harapan ninyo, ay mahal ko!" Pag-amin ni Xian na walang pag-aalinlangan.
Nabigla ang ibang panauhin. Natuwa naman ang mga taong alam ang tungkol sa kanila. Napangiti si Tita Zita dahil sa lakas ng loob ni Xian na aminin sa lahat.
Nagulat si Yasmin at hindi makapaniwala na sasabihin niya ito sa harap ng mga panauhin.
" Xian!"
"What!?" pabiglang reaction ng dalawang kontrabida.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Xian na nakaharap pa rin sa mga panauhin.
"Gusto kong kayo ang saksi sa aming pag-iibigan. Kayong lahat ay naging parte ng buhay ko kaya ayokong magsinunggaling sa aking nararamdaman sa inyo. Hindi man si Yasmin ang alam ninyong pakakasalan ko, pero siya ang mahal ko! "
"Kasalan na ba ito?" sigaw nila.
Napangiti ang lahat.
May tumayo at nagtanong, "Paano iyan, ikakasal ka na sa ibang babae? Paano na kayo?"
Napatingin sila sa isa't isa.
" Xian.." sambit ni Yas na napapaluha na.
" Aasikasuhin namin pagbalik namin roon. " saad ni Xian.
" Yehey!" masayang sabi ni Kikay at nagpalakpakan ang lahat maliban sa mga kontrabida.
Tumayo si Ninong at nagpayo. "Ipaglaban ninyo ang inyong nararamdaman at pagmamahalan. Ang kasal ay panghabambuhay kaya kung sino man ang tinitibok ng puso mo Xian at magpapasaya, siya ang iyong pakasalan..."
Napatango ang binata.
Biglang, nagpatunog ang isang panauhin ng kutsara sa baso at sabay sabing,
"Kiss!"
Sumunod rin ang iba, "Kiss!"
"Teka teka.. Hmm. Kaninong kasal ba ito?" tanong noong isang matanda.
Pabulong na nagsabi si Kikay sa likod,
"kiss raw kuya at ate.." kinikilig si Kikay pati Tikoy.
Nagkahiyaan pa sina Xian at Yasmin.
" kiss!"
"kiss!"
Biglang hinawakan ni Xian ang pisngi ni Yasmin at hinalikan niya ito.
Mas kinilig sila.
"Haist, asar!" reaction ni Mayeng na nagwalk out agad kasama si Panyang.
Yasmin's pov
Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa harap ng lahat but I am happy and feel secure. Sana tuloy tuloy na ang mga magagandang pangyayari. Alam kong malapit na ang kasal niya at sana maayos na ito sa lalong madaling panahon. Patawarin mo ako Marga, mahal ko si Xian. Sana ay mapatawad mo ako.
------
They still stayed one day in the place. Nilibot nila ang mga magagandang tanawin. Xian took pictures and making memories sa lugar with Yasmin.
Both in their minds: "Sana tumigil ang oras..."
---------
Nagmamaneho na si Xian sa kanyang sasakyan habang natutulog si Yasmin. Pabalik na sila sa kanila.
Xian's pov
Sa wakas naamin ko sa kanilang lahat ang tungkol sa amin at ngayon, kailangan na naming aminin kay Marga ang lahat. Alam kong masasaktan ko siya but wala akong magagawa mas mahal ko si Yasmin. Sabay naming haharapin ang lahat ng pagsubok. Makakaya namin ito hangga't magkasama kami.
Yasmin's pov
Pabalik na kami sa lugar kung saan may nakaabang na isang problema. Alam na nila ang tungkol sa amin. Kailangan ko namang alamin kung totoo bang buntis ako para masabi ko na kay Xian. Buntis kaya ako? Kaya kailangan kong magpacheck up o kaya magpa PT. Matutuwa kaya siya? Sana nga buntis ako! Sasabihin ko na sa kanya pagbalik namin.
Mahaba - habang byahe pa ang kanilang tatahakin.
---------
Nakarating na rin sila sa siyudad. Welcome back to the city. Nagising na rin si Yasmin at lumibot ang paningin sa paligid. Nakita na niya ang mga matataas na mga gusali at ang maraming tao na naglalakad sa daan.
"Ihahatid na kita sa inyo,"sabi ni Xian habang nagmamaneho ulit.
"Kain muna tayo," suhestiyon ni Yasmin na kumakalam na ang sikmura.
"Sige!"
Huminto sila sa isang fastfood chain at kumain. Sarap na sarap sa pagkain ang dalaga na pinanood ni Xian. Bakas sa mukha ng binata ang saya na kasama si Yas.
"Ihahatid kita pauwi pagkatapos natin dito."
"Huwag na Xian. May dadaanan pa muna ako. Medyo malapit lang naman rito," wika ni Yasmin na nakangiti.
"Samahan na kita."
" Huwag na! Kaya ko naman ang sarili ko," sabi ni Yasmin.
"Okay. Sige."
Hindi na namilit si Xian sa dalaga.
Yasmin's pov
Pupunta ako sa malapit na hospital o clinic para magpacheck-up. At kung totoo man, gusto kong sorpresahin siya!
Natapos na kami sa pagkain at bumalik na sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan niya. Napagdesisyunan namin na makikipagkita kami kay Marga mamaya. Sasabihin na namin sa kanya ang lahat. Sana maging okay lang. Sana nga! Kinakabahan ako habang iniisip ito.
Nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko habang pumasok na si Xian sa sasakyan. Pinagmasdan ko siya hanggang tuluyan na siyang nakapasok. Kinaway ko ang aking kamay bago pinaandar niya ito at humarurot sa pagtakbo pagkatapos.
Tuluyan ng nakaalis si Xian at ako naman ay umalis na rin sa kinatatayuan ko. Habang naglalakad ay binuksan ko ang aking cellphone na matagal ng off simula noong nasa malayo kami.
Pagkabukas ko, panay tumunog ito dahil sa mga mensaheng pumapasok.
"Oh my!" nagulat si Yasmin sa mga mensahe. Napakarami.
Naalala niya tuloy ang pangako niya kay Harrold na magtitext pagkauwi niya mula sa reunion.
Harrold: Yasmin, nasaan ka ba? Bakit hindi ka nagtext?
Harrold: yasmin, nasaan ka? Bakit wala ka sa bahay?
Harrold: text back naman! Nag -aalala ako!
Harrold: Hinahanap ka ni Marga! Nasaan ka ba at di ka macontact?
Harrold: Yasmin pls reply..
Harrold: di ko rin macontact si Xian.. Magkasama ba kayo?
Harrold: Nasaan ba kayong dalawa?
Napakaraming text messages ni Harrold.
"Naku, nakalimutan ko! sorry Harrold," nakokonsensya tuloy si Yasmin.
Pagkatapos ay nabasa ko rin ang mga mensahe ni Marga.
"Marga.." sambit ko na may halong kaba.
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa malapit na hospital.
"Hinahanap rin ako ni Marga..." bulong ko sa aking sarili. Dahil sa walang signal sa lugar na pinuntahan namin, kaya naisipan ko nalang na i-off ang cellphone. Ngayon na nakabalik na kami, unti unti nang pumapasok ang lahat ng mga mensahe.
" Sorry Marga.."
-----
Tumunog ang cellphone ni Yasmin. Nakarating na siya sa hospital at nakatayo sa may harapan. Tiningnan niya ito para malaman kung sino ang tumatawag.
Laking gulat niya sa nakitang pangalan sa screen.
" Marga?" Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabasa ang pangalan ni Marga na tumatawag sa kanya.
Bigla siyang kinabahan.
"Sasagutin ko ba?" Pagdadalawang -isip ni Yasmin. Hindi maiwasang hindi siya kabahan. Hawak -hawak niya ang cellphone at nag -iisip siya kung sasagutin niya ba ito.
Missed call-
" Anong gagawin ko?"
Tumunog ulit ito ng pangalawang beses.
Sa pangalawang pagkakataon,tumunog ito at napilitan si Yasmin na sagutin.
" Hello Marga?" Malungkot ang boses ni Yasmin sa pagsagot.
" Yasmin?" ani ni Marga na nasa kabilang linya. Ang boses nito ay napakahina kaya nagtaka ang dalaga.
"Bakit?" tanong ni Yasmin.
Nakaramdam siya ng pag-aalala. Mahina ang boses ni Marga at mukhang umiiyak siya.
"Ayoko na Yas.." ani ni Marga na nagmamakaawa ang boses. Mahina pero malinaw.
"What do you mean?" kinakabahang tanong ni Yasmin.
"I want to end this! Ayoko na!."
"Huh? ba- bakit? Anong nangyayari?" Pag-aalala ni Yas na mas lalong nagpakaba sa kanya.
Umiiyak sa kabilang linya si Marga at biglang naputol ang tawag.
" Marga!!" sigaw ni Yasmin.
Biglang tumakbo si Yasmin at pumara ng taxi.
-----------
At the condo unit of Marga.
Nakaharap siya sa salamin na napakaseryoso. Nakataas ang isang kilay at ang mga mata ay nagliliyab sa galit. May binabalak siya pero ano kaya iyon?
"Ako ang magwawagi at hindi ikaw Yasmin!"
She was bringing a cutter and the pregnancy kit ay nasa mesa.
"A little sacrifice for this big revelation!"
-----
Nagmadali si Yas na puntahan ang kaibigan sa kanyang condo unit.
"Marga!" sigaw ni Yasmin na nag-aalala.
Inaalala parin niya ang kanyang kaibigan. Dali -daling pumasok si Yasmin sa elevator para puntahan si Marga.
Sa bawat segundo na lumilipas ay mas lalo siyang kinakabahan. Pakiramdam niya ay may mangyayaring masama.
Tumatakbo si Yasmin sa hallway. Hindi na niya inalala ang sarili.
"Marga!" sigaw ni Yasmin sabay pagpihit niya sa doorknob. Bukas pala ito kaya agad nakapasok ang dalaga.
"Marga!" sigaw nya ulit.
Nakarating siya sa sala pero wala ang kaibigan doon. Agad siyang pumunta sa kwarto.
Pagkabukas niya ay nabigla siya sa kanyang nakita.
" Marga!"
Marga was on the floor near her bed. Napakakalat ng mga gamit sa kwarto at ang may mga basag na gamit sa sahig. Umiiyak si Marga roon at hawak niya ang isang cutter na nasa kanyang kamay at may balak itong sugatan ang sariling pulso.
"Ayoko na!!"
Agad lumapit si Yasmin at pinigilan niya si Marga sa balak na gagawin.
" Anong ginagawa mo!?" Pagpigil ni Yasmin na pilit na agawin ang cutter.
"Ayoko na! I want to die!!" pilit niyang nilalapit ang cutter sa pulso nito but mas lalong determinado si Yas na pigilan si Marga.
Yasmin tried to stop her but nagpupumiglas at pinipilit rin ni Marga ituloy ang gagawin.
"Huwag mo akong pigilan Yasmin!"
"Huwag mong gawin iyan!" Napaiyak rin si Yasmin.
Nakuha na rin ni Yasmin ang cutter at itinapon ito sa malayo sa may pinto.
Napayuko si Marga at mas lalong bumuhos ang mga luha.
Nakaluhod sa harap naman si Yasmin at napaiyak na rin.
"Marga.."
"Bakit mo ba naisipan na gawin iyon!? Ano ka ba?" naiinis na pagsermon ni Yasmin.
"Kung hindi man mapapasaakin si Xian, mas mabuti pang mamatay nalang ako!" sagot ni Marga.
Nagulat si Yasmin sa narinig niya mula kay Marga. Natahimik si Yas at tinitigan ang kaibigang umiiyak.
Napatanong sa sarili si Yasmin.
"Alam ba niya? Alam na ba niya? Alam na ba niya na... Kung alam niya, bakit hindi siya galit sa akin?"
Nagpatuloy sa pagsasalita si Marga.
"May ibang babae si Xian! May iba siya!"
Natahimik si Yasmin at hindi alam kung ano ang sasabihin. Naguguluhan siya kung alam ba ni Marga ang tungkol sa kanila ni Xian o hindi pa. But sino ang tinutukoy niya na ibang babae?
Lumapit si Marga kay Yasmin at hinawakan ang mga balikat nito, "Ayokong mawala si Xian! Ayoko! Mahal ko si Xian at alam kong mahal niya ako!"
"Ibang babae?"
Pinakita ni Marga ang larawan na may hinalikan si Xian na isang babaeng nakatalikod.
"Tingnan mo ito! Isang babae ang hinalikan niya!"
Nabigla si Yasmin sa kanyang nakita.
Sa isip ni Yasmin, "Ako ito? Paanong? "
Halatang nagulat si Yasmin at hindi niya inaasahan ang picture na ito.
In Marga's mind: "Sige Yasmin, titigan mo ang picture mo na kasama si Xian. Ahas ka!!"
Nagpatuloy sa pagsasalita si Marga na nagmamakaawa, " Ayoko na! Ipinagpalit na niya ako! Ang babaeng nasa picture, inagaw na niya si Xian ko! Inagaw niya!"
Hindi makapagsalita si Yasmin dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"Hindi ba mga schoolmates mo ang naroon pero hindi ka nakarating,.. pero kahit na, maaaring kilala mo siya! Kilala mo ba ang babaeng ito? Kilala mo ba!? Sino siya!?" nagmamakaawang pag-uusisa ni Marga."Sino siya? Sino ang babaeng ito!? Sabihin mo!"
" uhm--" nauutal si Yasmin.
Yasmin's mind,"Sasabihin ko ba na ako ang babaeng iyan!?"
Marga's mind,"Sige, sabihin mo na ikaw iyan! Kung sasabihin mo na ikaw iyan, hindi ako magdadalawang isip.. sasakalin talaga kita. Ahas!"
Patuloy sa pag-iyak si Marga. Unti-unting nakokonsensya si Yasmin. Napasandal ang ulo ni Marga sa dibdib ni Yasmin habang umiiyak. Napalingon si Yasmin at nakita ang pregnancy kit sa sahig.
" Ano ito!?" inabot niya ang pregnancy kit at tiningnan.
Nakita ni Yasmin ang dalawang linya at nagulat siya.
Nagkatinginan ang dalawa.
"Marga!?"
" I'm pregnant Yasmin.. At si Xian ang ama!"
Nanlaki ang mga mata ni Yasmin.
Napatingin si Yasmin kay Marga na nasa kanyang harapan. Hindi siya makapaniwala at ayaw niyang maniwala.
Mas lumapit si Marga at hinawakan ulit ang mga balikat ni Yasmin na mukhang kinukumbinsi siya na maniwala.
" Buntis ako!" paiyak na sabi ni Marga.
"Paanong..?" nauutal na tanong ni Yasmin. Gusto niyang malaman kung paano nangyaring buntis siya. Ang pagkakaalam niya ay virgin pa si Marga dahil iyon ang pangako niya. At ang alam rin niya na siya ang sumira ng pangako at hindi si Marga.
" Sorry Yasmin.. Naglihim ako sa iyo..I'm not virgin anymore at heto ang bunga. Ang bunga ng pagmamahalan namin ni Xian," nakayukong sabi ni Marga na hinahaplos ang tiyan nito.
Hindi pa rin makapaniwala si Yasmin at maraming gumugulo sa isip nito. Gusto niyang magtanong pero wala siyang naitanong. She was speechless that moment. Napansin ni Marga ang pagiging tahimik ni Yasmin at bakas sa mukha ang pagtataka. Kaya hindi tumigil sa pagsasalita si Marga.
" Sorry Yasmin. Hindi ko inaasahan na may mangyayari sa amin sa isang gabi lamang. Hindi ko inisip baka mangyayari ito na sa huli'y ipagpapalit lang pala ako ni Xian."
"Kai-kailan nangyari?" napatanong ulit siya.
But Marga did not answer instead nagsalita lang siya nang nagsalita.
"Ayoko na! Ayoko na! Sana hindi na lang ako nabuntis! Sana wala na lang nabuo!" paiyak na sabi ni Marga at tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang mga palad.
"Gusto ko ng mamatay!"
Tumayo si Marga at naghanap ng matatalim na bagay sa drower nito.
" Marga!" Tawag ni Yas na nakaluhod at pinagmasdan kung ano ang binabalak ng kaibigan. Agad siyang tumayo.
Tinatapon ni Marga ang mga bagay sa drower habang naghahalungkat ito at nakita niya ang isang gunting.
"Ayoko na! Mas mabuti pang mamatay ako!"
" Tama na! Huwag mong gagawin iyan!"
Hinawakan ni Yas ang braso ni Marga.
"Huwag mo akong pigilan Yasmin!"Pagpupumiglas ng dalaga.
"Wala namang pakialam si Xian sa akin kaya dapat mawala na lang ako! Mawala na rin ang batang ito!"
"Tama na! Stop it! Itigil mo iyan!"
Nag-aagawan sila sa gunting.
" I hate myself! I hate that girl!"
Pagkarinig ni Yasmin sa sinabi ni Marga ay napabitiw ito. Medyo nabigla si Marga sa reaction ni Yasmin kaya napatingin ito sa kanya. Nahulog naman ang gunting sa sahig.
"Sinira ng babaeng iyon ang pangarap ko! Pangarap natin!" seryosong nakaharap si Marga kay Yas.
"Magpapakamatay ako kung hindi matutuloy ang kasal ko! Hindi ko alam kong kakayanin ko na mawala si Xian."
Tahimik na lamang si Yasmin na nakatingin kay Marga.
Marga suddenly held Yasmin's arms, "Yasmin tulungan mo ako! Ayoko mawala si Xian. Hahayaan mo ba na masira ang kasal ko. Alam mo naman na pangarap ko ito hindi ba. Saksi ka sa lahat. Tulungan mo ako na matuloy ang kasal! Di ba bestfriend kita! Hindi mo ako iiwan. Para sa akin at para sa bata."
Parang dinurog ang puso ni Yasmin sa mga oras na iyon. Hindi siya makapag -isip at naguguluhan siya.
Niyakap siya ni Marga. "Please, tulungan mo ako! I love him!"
Sa isip ni Yas,
" I love him too. Mahal ko siya. Mahal rin kita dahil kaibigan kita pero... Ano ba ang dapat kong gawin?"
"Sisirain ng babaeng iyon ang kaligayahan ko! Sinisira na niya!" dagdag ni Marga.
Nagsalita na si Yasmin na may lungkot sa tono ng boses. "Ang desisyon ay nasa kamay ni Xian! Kung mahal ka niya, ipaglalaban ka ni Xian! Hindi mo mapipilit ang pagmamahal sa isang tao, Marga."
" Aahhh!!" sumigaw si Marga. "I hate this! I hate you!"
Naging wild si Marga at pinagtapon tapon ang iilang gamit na nakikita niya. She want to get the attention ni Yasmin.
" Marga!"
She wanted to stop her. Pinipigilan ulit niya si Marga at hindi sinasadyang nasugatan si Yasmin sa braso.
Medyo napapikit ng isang mata si Yasmin dahil sa sugat. Maliit lang naman na sugat na may kunting dugo ang natamo niya. Nagpatuloy si Marga. Hindi siya tumigil sa ginagawa. Nasisira na ang mga gamit at napakakalat na ng kwarto.
" I hate you!"
Walang magawa si Yasmin at sa huli'y ayaw niyang makitang ganoon si Marga. Hindi niya matiis.
Napaluha si Yasmin at sinabing, "Tama na iyan! Tutulungan na kita!"
Napatigil si Marga at napatingin kay Yasmin.
"Tama na!"
Umiyak na si Yasmin. Hindi niya mapigilang hindi umiyak.
Sa isip ni Yas,
" I know this is the worst decision that I will make. Patawarin mo ako Xian. Patawarin mo ako!"
Napangiti si Marga at lumapit kay Yasmin at niyakap ang kaibigan.
"Salamat at tutulungan mo ako. Sa wakas, matutuloy ang kasal ko!" but behind those teary eyes, napakaseryoso ang mga mata ni Marga at nagliliyab sa galit at pagbabalat-kayo..
"Alamin natin kung sino ang babaeng iyon para hindi na siya manggulo," dagdag ni Marga.
Napatango lang si Yas.
"Yasmin, hihingi ako ng favor..."
" Ano naman iyon?"
"Huwag mo munang sabihin na buntis ako kay Xian. Gusto kong sorpresahin siya at ako ang magsasabi, maaari ba?" pakiusap ni Marga.
She just nodded.
"Para sa baby, masaya ako na matutuloy ito. Ayoko na maging illegitimate ang batang dinadala ko." paliwanag ni Marga na nakangiti habang si Yasmin ay malungkot ang mukha.
Marga's pov
Napakabait mo Yasmin at dahil doon, madali ka lang maloko, maapakan at matalo. Also, ang PT na iyon ay ginawa ko noon pa. At ang baby sa tiyan ko ay wala na dahil I abort it already habang maaga pa. Mahirap na at magkagulo pa at mapahamak pa ako. Baka malaman pa ni Xian ang mga nangyari. Hindi naman talaga niya anak iyon dahil walang nangyari sa amin. It was Arthur's child but then hindi ko kailangan ang batang iyon. I felt sorry for the child but wala akong magawa. I need to sacrifice.
-------
Hapon na at magkikita sila Yasmin at Xian sa park. Ito ang araw na balak nilang aminin kay Marga ang lahat. Makulimlim ang langit na para bang nagdadalamhati rin.
Naunang nakarating sa park si Yasmin at malungkot itong nakaupo sa swing.
Nagmamadaling makapunta si Xian sa park at patakbo itong patungo roon. Nakita niya agad si Yasmin sa may swing.
Sa mga oras na iyon, walang ibang tao ang naroon. Siguro dahil narin sa hindi maganda ang panahon at mukhang uulan.
Napangiti si Xian at excited na makita muli si Yasmin.
" Yasmin!" tinawag niya ang dalaga.
Napalingon si Yasmin at napatayo hanggan nagkaharap na ang dalawa. Mukhang ready si Xian at confident ang dating.
" Handa ka na ba?" tanong ng binata.
Hindi sumagot si Yasmin bagkos napatitig lang ito sa mukha ng binata.
" Sinabihan mo na ba si Marga na magkikita tayong tatlo rito? Darating ba siya?" tanong ni Xian na walang bakas na kaba.
Lumingon lingon siya sa paligid dahil baka darating na si Marga pero walang Marga ang dumating.
Napayuko si Yasmin at napansin na ni Xian na may kakaiba kay Yasmin.
" Bakit?"
Nilapitan niya ang dalaga at hinawakan ang kamay.
"Kinakabahan ka ba? Huwag kang kabahan, narito lang ako!"
Biglang nagsalita si Yasmin, "Itigil na natin ito at ibalik natin ang dapat na mangyari mula pa sa simula!"
Ang boses nito ay mahina na may halong lungkot.
Nabigla si Xian sa kanyang narinig!
"Are you joking? Nagpapatawa ka lang di ba?" napipilitang matawa si Xian sa sinabi ni Yasmin.
Dahan dahang pumapatak ang ulan.
----