Medyo napansin ni Yasmin na wala sa sarili ang kaibigan. "Harrold?" "Huh? Oh, sure!"gulat na pagsagot ni Harrold. Lumingon si Yas sa asawa. "Hon, si Harrold ang gagawin nating designer sa kasal natin. Gusto ko siya ang gagawa ng wedding gown ko. Okay lang ba?" Inilagay ni Arthur ang baso ng kape nito sa mesa at sumagot ito, "Oo naman. Kung ano ang gusto mo babe." Pinagmasdan ni Harrold ang dalawa. Napansin niyang nakangiti parati si Yasmin sa piling ni Arthur. Nagkukulitan ang dalawa sa harapan niya. Bakas sa mukha nila ang kasiyahan. "Hon, try mo nga itong lasagna. Masarap!" sabi ni Yasmin na susubuan ang asawa. "Di nga!?" "Try mo. Heto.." Napangiti si Harrold habang nanonood sa dalawa. Harrold's mind.. " Alam kaya niya na si sir Arthur ay maraming naging karelasyon at isa

