Pumasok si Yasmin sa opisina ni Arthur na hindi nagpapaalam kaya nabigla ito sa pagdating ng asawa. Naroon rin sa loob ng opisina si Leo pagkatapos ihatid si Marga paalis ng silid. Nabigla sila pareho sa pagdating ni Yasmin. "Babe?" sambit ni Arthur na napatayo sa kinauupuan. Nakatayo si Yas sa may pinto at humakbang ng ilang hakbang papalapit sa asawa. "Maiwan ko muna kayo," wika ni Leo na yumuko ang ulo palabas ng silid. Isinara niya ang pinto ng lumabas ito. Lumapit rin si Arthur kay Yasmin. Masaya itong makita ang asawa na naroon. Napahawak ito sa braso ni Yasmin. Nagsalita si Yasmin, "Nabalitaan ko na inilipat mo na si Marga sa ibang branch, totoo ba?" "Yes.." Hindi man alam ni Yasmin kung ano ang dapat na reaction, magiging masaya ba o hindi.. but kahit papano, malayo na si Ma

