Nasa kabilang gusali ng kompanya nakipagmeeting si Arthur sa mga investors. Magkatabi lamang ito at magkadugtong sa gusali kung saan naroon ang opisina ni Arthur. Nasa isang silid sila na may parihabang mesa para magtipon tipon sila at mag-uusap. Nasa dulo si Arthur na siyang may-ari ng kompanya. Nasa kanan niya nakaupo si Leo na siyang sekretarya niya. Habang nag-uusap usap ay hindi matiis ni Arthur na hindi itext ang asawa na nasa kabilang gusali kasama si Rose para maglibot. Palihim itong nagdial sa numero ni Yasmin sa ilalim ng mesa. Nagsasalita ang isa sa mga panauhin pero hindi na nakikinig si Arthur. Nahahalata ni Leo ang ginagawa ng boss niya na ang mga mata ay nasa ilalim ng mesa. Pasulyap siyang tumitingin kay Arthur pero hindi na niya ito dinistorbo bagkus nakinig nalang siy

