Nasa kwarto na si Yasmin at nagpapahinga. Nahilo siya bigla noong nasa party habang kaharap si Marga. Sinamahan naman siya ng asawa at isinuri ang kalagayan nito. "Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Arthur sa doktor. "Napapansin ko po na madalas siyang nahihilo o di kaya madaling maghina. May kinalaman ba ito sa pagbubuntis niya?" Tahimik sandali ang doktor na mukhang may seryosong iniisip. "Anemic ang asawa ninyo kaya nakakaranas ito ng pagkahilo at panghihina. Maaring kulang siya ng mga bitamina at higit sa lahat ay iron. Isa rin ang stress at pagod na nagpapahina rin sa kanya." "Huh?" Medyo kinakabahan si Arthur sa pinagsasabi ng doktor. "So ano ang dapat naming gawin doc?" "Kailangan niyang uminom ng mga iron supplement at mga bitamina para sa pagbubuntis niya. Kailangan rin niyan

