Nagising nalang si Yasmin sa isang kwarto. Ramdam niya na nanghihina ang buong katawan niya. May dextrose din na nasa may gilid ng kama. Tahimik ang paligid at puro kulay puti ang nakikita niya maliban sa kumpol ng pulang rosas na nasa plorera. "Nasaan ako?" Nilibot niya ang mga kanyang paningin sa buong paligid. Kahit nanghihina ang katawan ay pinilit niyang bumangon at maupo. "Bakit ako narito?"pagtataka niya. Napansin niya ang dextrose at nalamang nasa isang kwarto ng hospital siya. Napakunot noo si Yas at inalala ang nangyari. Nang maalala niya ay namilog ang kanyang mga mata at kinabahan. Naaalala niya na nasa panganib ang anak nito. "Si Aya!" Tinanggal ni Yas ang mga karayom na nasa braso niya. Hindi niya inalala ang sakit ng bawat pagtanggal niya sa balat. Mas ramdam ny

