Binuksan ng lalaking nakasuit ang isang kwarto. Napakaganda at napakalawak ng kwartong iyon. May mga mamahaling mga muebles at gamit ang naroon. Pumasok siya sa kwarto at seryoso itong napatingin sa isang lalaking nakaupo habang nakaharap sa malapad na bintana gawa sa salamin. Sa gilid nito ay isang mesa na may mga mamahaling mga plorera at gamit na pangdisplay. Humakbang siya papalapit sa lalaking nakaupo sa couch. "Sir, may pinabibigay si madam.." ani ng lalaki sabay inabot ang envelope. Tinanggap ng lalaking nakaupo at binuksan ang mga nasa loob ng envelope. "Ano ba ito?" Nang nailabas na niya ang mga laman ng envelope ay nanlaki ang kanyang mga mata. Ang loob pala ay mga larawan ni Yasmin at ni Leam na magkasama. Nanginginig sa galit ang kamay nito na nakahawak sa mga larawan. Unt

