Medyo naging okay na ang pakiramdam ni Yasmin. Habang nakaupo sa kama ay pinagmamasdan niya ang pocket size picture nila ni Arthur noong kasal. Malungkot ang kanyang mukha. She touch Arthur' s face on the picture using her index finger. "Arthur.." Pumasok na si Jess at agad tinago ni Yasmin ang picture sa ilalim ng unan. Napansin naman iyon ni Jess pero hindi niya pinahalata. "Kumusta ka na? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Jess. Napangiti si Yas at sinabing, "Okay na ako. Nakapagpahinga na ako kaya bumalik na ang lakas ko." "Mabuti naman." Napaupo si Jess sa kanyang upuan. "Uhm, Jess may itatanong lang ako.." "Ano iyon?" "Nakabalik na ba si Sir Arthur? Di ba umalis sila.." tanong ni Yasmin na medyo mahina ang boses at nahihiya. "Hindi pa yata. Hindi ko pa sila

