Nagmamadaling bumalik si Mrs. Maddie sa opisina niya dahil naiwan nito ang cellphone niya. "Haist, makakalimutin na ako! Bakit ngayon pa!?"naiinis na sabi sa kanyang sarili. Pumunta siya agad sa opisina niya. Medyo madilim ang hallway kaya nagmadali na itong pumunta sa opisina niya. Pagkarating niya roon ay kinuha agad ang cellphone at nilock agad. Napalingon siya sa may naka-on na ilaw. Nagtaka ito dahil may tao pa pala. "Mesa iyon ni Ms. Yasmin.. nandito pa siya?" Pinuntahan niya ang mesa ni Yas para alamin kung anong ginagawa o tinatapos sa ganoong oras. "Gabi na at di pa siya umuwi? Hmm.." Pagkarating niya ay di niya nakita si Yasmin sa mesa. Mas lalong nagtaka ito. Mukha namang hindi pa ito umuuwi. Nakita pa niya ang shoulder bag nito sa gilid. "Baka nagCR.." konklusyon

