“Nasaan sila Manang? Kanina ko pa hinahanap.” Tanong ng lalaki na may matapang na mga mata. Sigurado ako na hindi ito si Axel. “Umalis sila kanina pa, pupunta daw sila ng palengke sabi ni Manang.” Balewala na sagot ko. “Manang and Luna?!” Pasigaw na tanong ng lalaki sa akin na tinanguan ko. “Don't look at me like that! Hindi ba at sabi mo, wag ko pakialaman si Manang? So, I did.” Pagtataray na sagot ko kay Axel na tinitigan ako ng masama. Nagmamadali ang lalaki na lumabas ng bahay. Kasama ang kanyang mga tauhan. Lumabas din ako ng bahay at hawak ang mug na mayroong kape at sumunod dito. Hindi ko maiwasang mainggit kay Luna. Kung sana nababaliw din sa akin si Russ, wala sana ako magiging problema ngayon. “Dyan ka lang, Rida! Wag kang lalabas ng bahay o makikipag-landian huh? Tat

