Malamlam ang liwanag na naaaninag ni Amara, mabigat ang talukap ng kanyang mga mata at pakiramdam niya ay idinuduyan ang katawan niya sa malamig na hangin. Anong nangyari, nasaan ako? Bakit puro usok ang paligid? Patay na ba ‘ko? Muli ay napapikit siya at sandaling pinakiramdaman ang sarili. Bukod sa masakit ang ulo niya at nanghihina ay wala naman siyang ibang nararamdamang kakaiba. Kahit hirap ay sinubukan niya ulit magdilat. Sa pagkakataong yun ay unti-unti ng lumilinaw ang kulay ng kanyang paligid. Natuon ang atensiyon niya sa kulay puting kisame, ngayon niya lang napagtanto na maliliit na bumbilya pala ang inakala niyang mga bituin kanina. Sa ilang sandali ay hinayaan niyang masanay ang kanyang mata sa liwanag. K-kaninong kwarto ‘to? Mga tanong na nanatili lamang sa kanyang isip. S

