Nakasakay kami sa kalesa pabalik sa Academy. Hindi ko inaasahang iiwan lang namin ng ganon ang sitwasyon ng pamilyang yon. Pero gaya nga ng sinabi ni Aqua, problemang pampamilya yon. "O-oh bakit huminto ung kalesa?" Pare-pareho kaming nabigla nang huminto ang kalesang sinasakyan namin. "A-anong meron?-" "Bumaba kayo riyan!" Hindi na naituloy ni Risca ang sasabihin niya nang may isang boses ng lalaki ang tumawag sa aming lahat. Naging alerto kami at sunod-sunod bumaba sa kalesa. Bumungad sa amin ang isang grupo ng mga lalaki na may mga hawak na patalim. Agad na humarang sa harap namin ni Risca sina Alvis at Helix. "Ilabas niyo lahat ng pera niyo kung ayaw niyong masaktan!" Sabi ng isa sa kanila. Nagtangkang lumapit sa amin ang isang lalaki nang humarang si Helix dito. "Umalis na

