Papunta kami sa desitansyon kung saan sinabi ng pinuno nila, ang lugar kung saan sila dapat magkikita ng mga umatake sa kanila upang ibigay ang pera kapalit ng mga kababaihang kinuha. "Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad ng lakad eh!" Pagmamaktol ni Helix. Hindi ko alam kung anong gusto nito buhay niya. Gusto niyang sumama pero ayaw niyang maglakad? "Sa pangpang ang kitaan nila sabi ng pinuno nila. Malamang ay itatakas nila ang mga babae pag nakuha na nila ang pera." Sambit ni Aqua na kinabahala ko. Ano kaya ang pakay nila sa mga babae? Bakit nila ginagawa yon? Sana ay hindi nila ito sinaktan. "So anong planong naisip mo? Hindi naman tayo bigla susugod diba?" Marahang tanong ni Alvis. Pare-pareho kaming napaisip sa sinabi nito. Naghintay kami ng sagot kay Aqua pero huminto

