14. Stick to the Mission

1180 Words
Nakasakay kaming lahat ngayon sa kalesa. Katabi ko si helix, sa harap namin ay si Risca at Alvis habang si Aqua naman ay kasama ang kutsero sa harap. Pagkasabi samin ng misyon namin ay agad kaming umalis kinabukasan. Hindi kami pwedeng mag-aksaya ng oras dahil malapit ng matapos ang linggo at ang sabi ni Aqua ay kakaylanganin na naming magbayad ng renta sa kwarto sa academy. Napatingin ako sa lalaking katabi ko na malalim ang iniisip. Ito na ang chansa ko para magpasalamat sa pagligtas niya ng buhay ko.  "Uhm, Helix." Pagtawag ko.  Agad itong lumingon sa akin at hinintay ang susunod kong sasabihin.  "Uhm, thank you nga pala. Thank you sa pagligtas ng buhay ko." Pagpapasalamat ko.  Hindi inaasahan ni Helix na sasabihin ko yon kaya bakas sa mukha niya ang pagkabigla. He looked at the opposite direction while covering his mouth.  "N-no big deal." Sagot nito.  Napuno ng katahimikan sa loob ng kalesa hanggang sa huminto ito. Isa-isa kaming bumaba at bumungad sa amin ang isang malaking gate.  "N-nasa Algrea pa ba tayo?" Marahang tanong ko. "No, dumaan tayo si Tunnel." Sagot ni Aqua. Nagbayad siya sa kutsero at pumwesto sa harap ng gate at may pinindot na doorbell dito. Casual rich family. Hindi kami naghintay ng matagal dahil makalipas lang ng ilang segundo ay sarili itong bumukas. Naunang pumasok si Aqua at sinundan lang namin siya. Sa loob ng gate ay meron pang daanan na napapalibutan ng mga puno. Ilang minuto rin kaming naglakad bago namin natanaw ang isang mansyon.  "So this is it huh?" Sambit ni Aqua habang nakatingin sa mansyon.  Bumati sa amin ang iilang katulong at pinapasok kami nito sa loob.  Sobrang nakakamangha sa loob ng mansyon at masasabi mo talagang mayaman ang nakatira rito. It is a modern mansion. Nagsisilakihan ang mga mamahaling gamit sa bahay. Baliwala lang siguro ang 1 million drennies sa kanila. Sa kabila ng paghanga ko ay hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman dito. Para bang hindi ako makampante sa lugar na ito. "Naghihintay po sa inyo si madam at senyor sa loob ng silid." Sambit ng isang katulong. Pinagbuksan kami ng isang katulong at pagpasok namin sa silid ay bumungad sa amin ang dalawang mag-asawa na medyo may edad na. Sunod-sunod kaming pumasok sa silid at hindi ko inaasahan ang bungad sa amin ng matandang babae. "Ano to?! Nagbibiro ba kayo?! I milyon ang ginawa kong pabuya para mahanap ang anak ko tas mga bata ang ipapadala nila?! Unbelievable!" Giit ng matandang babae.  And just like that, she walked outside without even glancing at us.  Tinignan ko ang reaksyon ng asawa niya na para bang nabigla rin sa inasta ng asawa, samantalang kalmado lamang si Aqua na mukhang inaasahan na tong mangyayari. "P-Pagpaumanhin ninyo ang asawa ko. Masyado lang kasi siyang pagod at nababahala na rin siya dahil matagal na rin naming hindi nakikita ang anak namin." Sambit ng matandang lalaki.  "Hindi ito ang unang beses na nangyari yan. Gusto ko lang sabihin sa inyo na kahit mga bata lang kami ay nagagawa namin ang mga trabahong pinapagawa niyo." Kalmado at seryosong sagot ni Aqua sa matandang lalaki.  "Naiintindihan ko, maupo muna kayo." Sinunod namin ang matandang lalaki at umupo kami sa mga bakanteng upuan. "Siguro naman ay alam niyo na ang trabaho niyo rito." Sambit nito.  Isang tango ang sinagot ni Aqua sa sinabi ng matanda.  "My daughter has been missing for over a week now. Just find my daughter and you'll have the 1 million drennies." Pagpapaliwanag ng matanda.  "Naiintindihan namin, asahan niyong mahahanap namin ang anak niyo." Sagot ni Aqua.  Tumango ang lalaki sa amin at tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Nagpahanda nako ng matutulugan ninyo, dadalhin na lamang kayo ng kasambahay namin doon. At binibigyan ko rin kayo ng permiso na pumasok sa kahit anong silid dito sa bahay."  "Maraming salamat." Sagot ni Aqua.  Nagsimula ng umalis sa silid ang lalaki pero bago pa ito tuluyang makalabas ay may pahabol pa itong sinabi. "At mag-iingat kayo, marami ng nakapasok sa bahay na ito pero hindi na nakalabas pa." Pahabol niya.  Sapat na ang mga huling salita niya para tumaas lahat ng balahibo ko. Natatandaan ko ang sinabi sa amin ni Aqua na haunted daw ang bahay na ito. Hindi ako naniwala nung una pero mukhang totoo nga. Hinatid kami ng isang katulong sa silid namin. Ilang minuto rin kaming nagpasikot sikot sa mansyon na ito dahil sa sobrang laki nito.  Di rin nagtagal ay huminto kami sa tapat ng isang kwarto.  "May dalawa pong silid na pinahanda para sa inyo. Tawagin niyo lang po ako pag may kaylangan kayo." Sambit ng katulong.  Yumuko muna ang katulong sa amin bago ito tuluyang umalis. "Mga lalaki riyan sa kabila at dito ang mga babae. Mag-ayos kayo at magpahinga muna. Huwag kayong lilibot mag-isa, maliwanag?" Ma-awtoridad na sambit ni Aqua.  Sabay-sabay kaming tumango sa sinabi niya. Agad kaming pumasok sa mga silid namin. Bumungad sa amin ang isang malaking kwarto na may tatlong kama. "Wow." Namamanghang sambit ko.  Di ko mapigilang mapahanga. Parang triple ito ng laki sa kwarto ko noon sa bahay ni Tito! "Mag-ayos na muna kayo." Sinunod namin ang sinabi ni Aqua at inayos ang mga gamit namin. May sarili ring banyo ang kwarto na ito at may mga aparador din. Patuloy lang kami sa pag-aayos ng gamit nang nabasag ang katahimikan nang magsalita si Risca.  "Hindi naman sa pagaano pero..." Pareho kaming napatingin ni Aqua sa sinabi niya.  "What if the girl is already dead?" Sambit ni Risca.  Natigilan ako sa sinabi niya. Tila natauhan ako rito at ngayon ko lang din yon naisip.  "I mean, isang linggo na siyang nawawala. Pano kung may nangyari sa kanya? Eh kung wala man pano makakasurvive ang isang bata ng walang pagkain o tubig man lang?" Pagtataka ni Risca.  Kahit masakit isipin ay posible ang sinabe ni Risca. Mahirap sa isang bata na makasurvive ng walang pagkain o tubig man lang.  "Hindi na natin problema yon." Walang kaemo emosyong sambit ni Aqua.  Pareho kaming nabigla ni Risca sa sinabi ni Aqua. Kumunot ang noo ko at hindi ako mapakapaniwalang napatingin sa kaniya. "A-anong ibig mong sabihin?" Marahang tanong ko.  Isinarado ni Aqua ang aparador kung saan niya nilagay ang mga gamit niya at dumeretso sa tapat ng pinto.  "Ang trabaho natin ay ang hanapin ang bata. Hindi na natin problema kung mahahanap natin siya ng patay o buhay."  Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Aqua. Naririnig niya ba ang sarili niya?!  "Paano mo nasasabi yan?!" Giit ko.  Hindi ko napigilan ang sarili ko at naglabas ako ng emosyon sa kanya. "Pera lang ba talaga ang habol natin sa misyon na to?!-" "Open your eyes Cleofa! Ang pagiging mahina ng puso mo ang magiging kahinaan mo." Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Aqua. Napako ako sa pwesto ko. "I'm the leader so you should follow me." Binuksan ni Aqua ang pinto at may pahabol na sinabi bago ito tuluyang umalis. "Our mission is to find the girl, wala ng iba." "That is our first rule, always stick to the mission." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD