Nakatingin ako kay Helix na nilalagyan ng tattoo sa kaliwang braso. Hindi ko mapigilang mapahanga dahil para lamang pangtatak ang ginagamit nila at malalagyan ka na ng permanent tattoo.
"Ikaw na ang next Cleofa." Sambit ni Rivan.
Agad akong lumapit na nagtatatak ng tattoo sa amin. "Saan ko ilalagay?" Tanong nito.
Pinagisipan ko kung saan ko ipapalagay ang sa akin. Nakalagay sa kaliwang dibdib ang kay Alvis, ang kay Risca ay sa kaliwang kamay at ang Helix naman ay sa kaliwang braso.
Napagdesisyunan kong ipalagay ito sa right wrist ko. Agad ko itong nilapit sa kanya at gaya ng ginawa niya sa iba ay tinatakan niya lang ito at nagkaroon nako ng tattoo na crown, it symbolizes that I'm a deity.
"Okay guys! Now that you're officially a deity, kaylangan niyo ng gawin ang first mission niyo."
Parepareho kaming napatingin kay Rivan na hinihintay kaming matapos.
"Anong gagawin ko? Papatay ba ng dragon? Manghuhuli ng isang mythical creature?" Sunod-sunod na sambit ni Helix.
Agad napailing si Rivan sa sinabi nito. "Nope! You'll do your mission as a group." Sagot niya.
Sabay-sabay kaming umangal sa sinabi ni Rivan. Sumamingot sina Risca at Helix habang narinig ko ang pasimpleng pag-ismid ni Alvis.
"What? Ayoko nga! I can do it on my own!" Pag-aangal ni Risca. Kahit ako ay ayokong kasama siya sa grupo.
"There is no-"
"Wala na kayong magagawa, dahil kayo lang ang mga rookies na natanggap ngayong taon ay magkakasama kayo. At isa pa, kasama niyo ko sa misyon." Pagsabat ni Aqua.
Pare-parehong natahimik sa pag-angal ang mga kasama ko sa sinabi ni Aqua, kahit alam kong mas gusto nilang umangal ngayon dahil kasama pa siya.
Pero sa aming lahat ay merong nagbubukod tanging siraulo na may lakas loob na sagutin si Aqua.
"Eh bakit kasama ka pa? Ano kami? Bata?" Walang takot na kumento ni Helix.
Tumalim ang tingin ni Aqua sa nag-iisang sumagot sa kanya. "Then don't go fire boy, manatali ka rito sa guild at mabulok ka dahil hinding-hindi ka makakatanggap ng misyon."
"Baka nakakalimutan mo, once na makasali kayo sa guild ay kayo na ang magpoprovide ng sarili niyong gastusin. Ang pagbibigay na lamang ng edukasyon ang maibibigay ng Academy."
"From now on, kayo na ang magpprovide ng makakain niyo at kakaylangin sa pangaraw-araw. At makukuha niyo ang panggastos niyo sa pamamagitan ng pagkuha ng mission. Just f*****g deal with it. Wala si Keon kaya ako ang makakasama niyo."
Sa pagkakaalala ko ay si Keon ang Heir ni Hades at ang sinasabing pinakamalakas dito sa guild. Sinundan siya ng isa pa na hindi ko kilala at ang pumapangatlo raw ay si Aqua na Heiress ni Poseidon.
Merong 7 crowns ang deity na maituturing na pinakamalalakas sa guild at pumapangatlo sa pwesto si Aqua.
Napaismid na lamang si Helix sa sinabi ni Aqua dahilan nang hindi na siya makasagot pa rito.
"So ano ang unang misyon namin?" Marahang tanong ni Alvis.
Kumurba ang labi ni Aqua sa tanong nito at naglabas ng isang papel.
"Find our missing daughter, prize, 1000000 drennies." Sabay-sabay naming basa.
Pare-parehong namilog ang mga mata namin at napaawang ang bibig sa nabasa.
"What the heck?! Papasalihin niyo ko sa guild na to para maghanap ng bata?!" Pagmamaktol ni Helix.
"Just shut the f**k up okay?! Sira ka ba? Magpasalamat ka nga dapat sa akin dahil madali at maganda ang offer ng una niyong misyon. Sa inyo na yang 1 million drennies, hindi nako makikihati. Magandang offer na yan. Pero ewan ko lang kung sapat yan sa inyo ng 1 linggo." Walang ganang sagot ni Aqua.
"Fyi, kayo magbabayad ng pagsstay niyo sa rooms ng academy for 150000 drennies, every week yon, pag di kayo nakapagbayad edi goodluck sa pagtulog sa gubat, eh paghahatian niyo pa yan. Pangkain niyo pa, oh diba? Isa yan sa malalaking offer ngayon kaya tanggapin niyo na." Dagdag niya.
Para akong binuhusan ng tubig sa sinabi nito. Napaawang ang bibig ko sa narinig.
Wtf? Hindi ko alam na magbabayad kami sa pagstay namin sa academy! And for pete's sake 150000 drennies?! Per freaking week?!
Sa pagkakaalam ko ay drennies ang tawag sa perang ginagamit dito at iba ang halaga nito sa perang kinalakihan ko.
Pero ung totoo? Ano tong school na to? Ginto? So every day kaylangan kong kumuha ng misyon na malaki ang bayad para lang makatulog ng mahimbing ng isang linggo? Tapos hindi pa sure kung may makakakain pako non.
"Oh? Ano? Ayaw niyo? Edi wag."
Balak sanang kunin ni Aqua pabalik ang papel nang hatakin ko ito.
"Nope, I'll take it. Kung ayaw nila edi wag, mas malaki ang makukuha ko." Sambit ko.
"Excuse me?! Papayag din ako noh! Ayokong matulog sa gubat!" Pag-iinarte ni Risca sa amin.
Maski si Alvis ay tumango sa amin at kahit labag sa kalooban ay pumayag na rin si Helix.
Kaylangan namin ng pera ngayon, atsaka mabuti na rin ito para sa mga bago. I mean, baka nga hindi kaylangan ng gift dito eh. Which is maganda para sa akin dahil hindi ko pa alam ang gift ko.
"Good. Now all we need to do is find the little girl in their own house." Nakangising sambit ni Aqua.
Pare-pareho kaming nagtaka sa sinabi nito. Our forehoud furrowed. "W-What?" Naguguluhang sambit ko.
"You see, ang sabi sa information ay may dalawang anak ang mag-asawa. Ang isa ay gifted at ang isa naman ay hindi. Ngayon ay nawawala ang anak nilang hindi gifted kaya pinapahanap nila ito." Pangunguna ni Aqua.
"Eh bakit sa bahay nila?" Marahang tanong namin.
"Because she never go outside. And ang sabi sa details ay huli siyang nakita ng kapatid niya sa loob ng bahay. You see, wala naman talagang paki ang mga magulang niya kung nawala siya. But her sister does, her sister has the gift to see the future."
"At ginagamit yon bilang pagkakakitaan ng mga magulang nila, but after her sister disappeared, hindi na niya magamit ang gift niya. Kaya kaylangan ng mga magulang niyang hanapin ang nawawala nitong kapatid." Pagpapaliwanag niya.
Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko sa sinabi ni Aqua. Kung hindi lang dahil sa kapatid niya ay wala ng balak pang hanapin siya ng magulang niya.
"They've already searched the whole house but wala pa rin silang nakita. But according to her sister, nasa loob lang daw ang kapatid niya. That's why we need to find her."
"Ang dali naman niyan." Sambit ni Helix.
"Wag magpapakampante, hindi basta-basta ang bahay nila. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit hindi nila mahanap ang nawawalang bata sa isang bahay lang?"
Pare-pareho kaming hindi nakasagot sa sinabi ni Aqua at hinintay ang sasabihin nito.
"Its because their house is haunted."
•••