12. Deities

1062 Words
Kinabukasan ay pumayag na ang nurse na papasukin ako. Kaya heto kami ngayon ni Rivan at Helix, papunta sa guild namin. "Tsk, Bakit ba nandito ako?! Hindi niyo man lang ako kinunsulta bago ako sinali!" Kanina pa nagrereklamo si Helix kay Rivan na kagaya ko ay biglaan ding sinali sa guild ng Deities. Sinabi sa akin ni Rivan na ang nakakataas daw ang nagdesisyon non.  Dahil daw sila ang kasama ko nang atakihin kami ay mas makabubuting ditong guild na rin daw ako sumali dahil tutal naman ako rin ang gustong kunin ng mga umatake sa amin.  Hindi ko alam kung bakit nila ako gustong kunin at wala ring sinabi sakin sina Xilah at Sir Saremo tungkol don, ang mahalaga lang daw ay ligtas ako. Samantalang hindi ko pa nakakausap si Helix mula nang magkaroon ako ng malay. Ang sabi ni Luxxine ay hinihintay ako ni Helix na magising pero hindi naman niya ko pinuntahan o kinausap man lang nang nagising nako. Hindi pa tuloy ako nakapag pasalamat sa pagligtas niya ng buhay ko. "Oh come on guys! Mag-eenjoy kayo! Dapat nga ay magpasalamat kayo dahil tinanggap kayo ng guild. Maraming gustong sumali sa deities pero hindi sila nakasali." Pagmamalaki ni Rivan sa amin.  "Edi dapat sila ang sinali niyo, hindi akong ayaw sumali." Pagmamaktol ni Helix. His hands are inside his pockets while pouting. Hindi na lang pinansin ni Rivan ang sinabi ni Helix at nagpatuloy kami sa paglalakad sa gubat.  Di rin nagtagal ay bumungad sa amin ang isang malawak at patag na lupain kung saan nakapwesto sa gitna ang isang malaking kastilyo. Parang katulad ng academy pero mas maliit ito.  May pitong pillars na nakalagay sa harap na nagsisilbing taga-alalay ng estraktura. Ang paligid ay napapalibutan ng iba't ibang kulay ng bulaklak na nagbabago ang kulay kapag natatamaan ng sikat ng araw. There are also huge mushrooms beside the guild. And a large fountain that has glowing fishes. "P-Paano tayo nakapunta rito? Eh nung ako ung nag-iikot ay wala naman akong napuntahang ganito." Nagtatakang tanong ko kay Rivan.  "Because only the deities can find our guild. Dahil isa akong deity ay napuntahan natin ito. Don't worry, once na magkaroon na kayo ng symbol ng pagiging deity ay hinding-hindi na kayo maliligaw." Pagpapaliwanag ni Rivan habang sinusundan namin siya papunta sa kastilyo.  "You mean tattoo?" "Yup!" Nang makapunta kami sa harap ng kastilyo ay unti-unting bumukas ang malaking pinto nito. Bumungad sa amin ang malawak na loob ng guild. Mayroong tatlong palapag ang guild. Open ang lobby nito kung saan nakikita namin ang mga silid sa pangalawa at pangatlong palapag. Puno ng mga upuan ang bungad kung saan sumalubong sa amin ang iba't ibang mga myembro. "Cleofa!" Rinig ko. Nabigla ako nang may tumawag sa akin sa kung saan. Tinignan ko ang pwesto nito at nakita ko si Alvis na nakaupo sa isang lamesa habang kumakaway sa akin. Agad akong kumaway pabalik dito. "Okay guys! Welcome sa guild! Siguro ay kilala niyo na sila, sila ang mga rookies na nakasali sa guild." Sambit ni Rivan. Agad na lumapit sa amin si Alvis na nakangiti. Ngumiti rin ako pabalik dito pero kaagad nabawi ang ngiti ko nang makita ang kasama niya.  Bakit pa siya sumali rito? "Malamang ay kilala niyo na sila or namukhaan niyo na. Cleofa and Helix, they are Alvis and Risca." Pag-uumpisa ni Rivan. Ngumiti si Alvis at Risca kay Helix pero pagdating sa akin ay inirapan niya lang ako.  I really hate this b***h. "Kumpleto na ba sila?" Pare-pareho kaming napalingon sa babaeng bagong dating. Kaagaw-agaw pansin ang sobrang asul nitong buhok.  Is that even real? Her hair is in ponytail. Nakaunbotton din ang unang dalawang butones sa uniporme nito. Tho, hindi maitatago ang magandang hugis nitong katawan. Nang makalapit siya sa amin ay tinignan niya mabuti si Alvis na matamis na nakangiti sa kanya.  "Ito na ba ang mga tyanak?" Sambit ng babae. Pansin ko ang pagtaas ng kaliwang kilay ni Risca at pagkunot ng noo ni Helix. Samantalang nanatiling nakangiti si Alvis sa babaeng kaharap. Pilit na tumawa si Rivan sa sinabi ng babae. "H-Hahaha, ikaw talaga. G-Guys eto nga pala-" "I'm Aqua, the heiress of poseidon." Hindi na pinatapos ng babae ang sasabihin ni Rivan at inunahan na niya ito. Ngayon pa lang ay masasabi ko na, na hindi basta basta mo pwedeng banggain tong si Aqua dahil sa tingin pa lang niya ay parang mangangain siya ng tao.  Kung siguro ay tulog lang ito ay mapagkakamalaan mo pang anghel dahil sa itsura niya pero pag nagising na at kung umasta ay may pagka halimaw. "Eh ikaw? Sino ka naman?" Panimula ni Aqua kay Alvis. "I'm Alvis, Zeus' heir, ma'am." Nakangiting pagpapakilala ni Alvis na walang bahid ng takot sa mukha.  Tinaasan lamang to ng kilay ni Aqua at tumingin naman kay Risca. "And you?" "I-I'm Risca, Amphitrite's Heiress p-po." Nauutal na pagpapakilala ni Risca. "Oh, magkakasundo tayo." Kumurba ang labi sa kanya ni Aqua bago lumipat ang tingin niya sa lalaking kasama ko.  Parang bangag si Helix dahil nakipagtitigan lang din siya kay Aqua.  "Ano? Malalaman ko ba kung sino ka pag tinitigan mo ko?" Giit ni Aqua rito. Kumurba ang labi ni Helix sa sinabi ni Aqua na kinairita nito base sa itsura niya.  "Gustong-gusto mo agad ako makilala? Pati ba naman ikaw magkakagusto sakin?" Nakangising sambit ni Helix. Pare-pareho kaming napaawang ang mga bibig sa kakapalan ng mukha ni Helix. Nakita ko ang pagpigil ng tawa ni Rivan sa gilid namin at ang pag-iwas ng tingin ni Risca sa amin.  "W-What the- paano napunta rito tong ungas na to?!" Tinignan ni Aqua si Rivan para humingi ng sagot pero umiwas lamang ito ng tingin na nagpipigil ng tawa.  "Okay, if you really want to know it. I'm Helix, Hephaestus'Heir, Miss A-qu-a." Pagpapakilala ni Helix. Kitang-kita ang pagkairita ni Aqua kay Helix. Maski ako ay hindi ko alam kung saan humuhugot ng kapal ng mukha tong si Helix.  "I hate fire." Tipid na sagot ni Auqa. Tinapunan muna ng masamang tingin ni Aqua si Helix bago napunta ang tingin nito sa akin.  Tila para itong nabigla nang makita ako pero hindi niya ito pinahalata. "I-Ikaw?" "I-I'm Cleofa po, I'm sorry but I don't know from whom did I inherited my gift." Sambit ko. Natigilan bigla si Aqua pero agad din itong natauhan. "You really look like someone I know." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD