11. Fire and Wind

1316 Words
Tila nanlalabo na ang paningin ko sa mga nangyayari. Helix is covered with bruises!  Kahit na di hamak may advantage ang gift niya ay di parin maiiwasan o mapagkakaila na di hamak na mas malakas at mas marami ng alam ang kalaban niya ngayon. "You really amazes me kid." Sambit ng kalaban ni Helix. Kahit puno na ng galos sa katawan si Helix ay kabaliktaran naman ito ng lalaking kaharap niya na ni pawis man lang ay wala. "Kahit bata ka pa ay maganda na ang pinapakita mo." Dagdag nito. "Nah, di pako seryoso." Sagot ni Helix. Kahit hirap na hirap na ay hindi parin talaga mawawala ang kayabangan sa katawan nitong si Helix. Tawa lamang ang nasagot sa kanya ng lalaki. "Gusto ko pa sanang makipaglaro pero kaylangan na natin tong tapusin."  "Bakit naman? Natatakot ka ba na magseryoso ako?" Giit ng lalaking kasama ko. "Hindi ako tanga bata, alam kong nagaaksaya ka lang oras para hintayin ang mga kasama niyo. Kaylangan ko na ang babae." Napaismid si Helix sa sinabi ng lalaki. walang tigil ang pagtulo ng mga pawis niya at naghahalo na rin ito sa mga sugat na natamo niya. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal dito pero sigurado akong parating na ang tulong.  "I told you right? You can't have her." Seryosong sambit ni Helix. Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil wala akong magawa. Hindi ko man lang kayang maipagtanggol ang sarili ko kaya umaasa lang ako sa mga nakapaligid sa akin.  I can't even summon Angel because I don't have enough power left. "Kukunin namin siya, sa ayaw o sa gusto mo." Sambit ng lalaki. Naramdaman ko ang pagtindi ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Unti-unting lumakas ang hangin sa paligid namin at nakaramdam ako ng kaba. "H-helix-" "Stay there!" Sambit ni Helix sa akin. Unti-unting nakabuo ng bolang gawa sa hangin ang lalaking kaharap namin. Sobrang lakas ng hangin nito at kapansin pansin na rin ang pag-uga ng mga puno na nakapaligid dito. "H-helix move!" Labis ang pinagtaka ko nang hindi man lang umaalis sa pwesto niya si Helix. W-What the hell?! Mamamatay siya pag tinamaan siya non! "C-crap, lumayo ka na! I c-can't f*****g move!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Helix. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. A-Anong ibig niyang sabihin?! "He's using the wind to make me stay still. Kaya umalis ka na!"  Nakita ko ang pag kurba ng labi ng lalaking kaharap namin sa ginawa niya. C-Crap! Anong gagawin ko?! "Hey stupid! Mangmang ka na nga bingi ka pa! Umalis ka na sabi!" Giit ni Helix. "Oh? Sabi ng kasama mo umalis ka na raw. Iiwan mo ba ang kasama mo?" Marahang tanong ng lalaking kaharap namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Unti-unting lumalapit sa amin ang lalaki samantalang hindi makagalaw si Helix. Hindi ko pa magawang masummon si Angel. A-ano ng gagawin ko? Bumwelo na ang lalaking kaharap namin hudyat na ihahagis na niya ang bola ng hangin papunta sa kinaroroonan ni Helix.  Tila meron akong nakaramdam na kakaiba sa katawan ko. A-ano to? Saktong paghagis ng lalaki sa bola ng hangin ay parang may pwersa akong naramdaman.  Pare-pareho na lang kaming nabigla nang biglang nawala ang bola ng hangin bagkus ay isang malakas na hangin ang tumama sa aming lahat. Nakita ko ang pagtilapon ng lalaki sa isang puno samantalang napigilan naman ni Helix ang sarili niya na tumilapon. Unti-unting nanlabo ang paningin ko at ang huling nakita ko na lang ay ang nabiglang reaksyon sa akin ni Helix. "Hey, may nasabi ba siya sayo tungkol sa gift niya?" "Ha? Anong ibig mong sabihin?"  "Like kung anong gift niya?" "Nah, ang sabi sakin ni Cleofa ay hindi niya alam ang gift niya, sabi pa nga niya sakin na baka hindi siya gifted eh. Maaga kasing nawala ang parents niya kaya hindi niya alam kung kanino niya malalaman kung anong gift niya. Bakit mo naitanong?" "Nah, nevermind. Alis na'ko." "Okay. Sasabihin ko na lang sayo pag nagising na siya." Narinig ko ang pagsara ng pintuan sa kwarto. Kahit nararamdaman ko pa ang sakit ng ulo ko ay nagawa kong imulat ang mga mata ko.  Bumungad sa akin si Luxxine na may inaayos sa drawer. Tinignan ko ang paligid at nalaman kong nasa clinic ako. "L-luxxine?" Agad na napalingon sa akin si Luxxine. At bago pa man ako magsalita muli ay agad itong humampa sa kama at niyakap ako.  "OMYGOD CLEOFA GISING KANA!" "H-hey hindi ako makahinga." Agad na natauhan si Luxxine at umalis sa pagkadagan sa akin. "Hehe sorry." "A-anong nangyari Luxxine? May narinig akong kausap mo kanina. Sino yun?" Tanong ko. "Ah, si Helix. Kada oras ka niyang dinadalaw dito para icheck kung gumising kana." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagtataka akong napatingin dito. "H-huh? Ilang oras na bakong walang malay?" Marahang tanong ko. "2 days Cleofa." Tila namilog ang mata ko sa sinabi ni Luxxine. Wth?! Wala akong malay for 2 days?! "Sobra akong nag-alala Cleofa. Sinabi sa amin na may nakapasok daw sa loob ng Algrea kaya wag daw muna kaming lalabas ng Academy. Tas natandaan kong naiwan ka pala sa gubat. I'm really sorry-" Parang paiyak na si Luxxine kaya agad kong pinakalma ito. "Hey I'm fine, I'm sorry for making you worry."  "Pero anong nangyari sa iba? Okay lang ba sila?" Pag-iiba ko. Agad na tumango si Luxxine sa akin. "Nakita kayong dalawa ni Helix sa gubat ni Sir Saremo. Wala ka ng malay, ang sabi ni Helix ay nakatakas na daw ang umatake sa inyo."  Napalunok ako ng malalim. Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi ni Luxxine. Hindi pa nahuhuli ang umatake sa amin.  "Marami ng nangyari habang wala kang malay Cleofa. And natanggap rin ako sa Verines." Pag-iiba ni Luxxine. Napangiti ako sa sinabi nito pero nagtaka ako dahil hindi man lang itong mukhang masaya. "O-Oh? Eh bakit malungkot ka?" Natatawa kong tanong sa kanya. "Eh hindi kita kasama eh, ginawan din kita ng form at pinasa sa guild pero ang sabi nila ay kasali ka na raw sa iba." My forehead furrowed. Tatanungin ko pa dapat siya kung ano ang ibig niyang sabihin pero na agaw ang pansin namin nang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Rivan at Sir Saremo. "Cleofa gising kana!" Bungad ni Sir sa amin. Agad lumapit sa amin nang nakangiti si Sir Saremo. "Mabuti na lang talaga at nakita namin kayo kaagad ni Helix. Sayang nga lang at hindi namin naabutan ang umatake sa inyo. Pero wag kang mag-aalala, hindi kami titigil sa paghahanap." Sambit nito. Tanging pagtango ang sinagot ko sa sinabi ni Sir Saremo. Sigurado akong babalik at babalik sila para makuha ang gusto nila. "Yow! I'm sorry Cleofa. Kasalanan ko talaga ang lahat. Ako ang nakakatanda ron pero hinayaan kong mapunta sa panganib ang mga buhay niyo." Pagsingit ni Rivan. Nakatanggap ng malakas na batok mula kay Sir Saremo si Rivan. "Oo kasalanan mo talaga! Diba bawal ang makipaglaban sa gubat!" Giit ni Sir. Natawa kami sa reaksyon ni Rivan. Hindi maipinta ang mukha nito. "Sir naman eh! Dapat pinapagaan niyo ang loob ko at sabihin niyong di ko kasalanan dahil aksidente ang lahat! Tsaka di ko naman kasalanan yun eh! Ung rookie ang nagaya!"  Tinaas ni Sir Saremo ang kamay niya na parang hahampasin si Rivan. "Aba! Nagdadahilan pa!" Muli kaming natawa sa inakto nila. "Its okay, wala namang nangyaring masama." Sambit ko. "Meron Cleofa, pero hindi lang kayo gaanong nasaktan. Kaya mag-iingat kayo palagi." Seryosong sambit ni Sir. Pare pareho kaming tumango sa sinabi ni Sir. "Nga pala, hindi lang ako nandito para magsorry at kamustahin ka," Muli akong napatingin kay Rivan dahil sa sinabi niya. "I'm also here to officially welcome you to our guild." Nakangiting dagdag nito. Nabigla ako sa sinabi ni Rivan. Unti-unting napaawang ang bibig ko. "Welcome to Deities Guild Cleofa! You're now officially a deity!" •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD