Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang nakasakay ako kay Angel ngayon.
Wag kang lilingon cleofa, wag.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko at sinusubukan kong pigilan ang sarili ko na lumingon kina Helix.
Ang lalaking iyon! Sinummon niya ang familiar niya!
Ano na lang ang mangyayari kina Helix?!
Sobrang bilis ng lipad ni Angel at hindi ko namalayan na nasa harap kami ng gate. Nakuha ng atensyon ko ang isang lalaking papasok sa gate ng academy.
"Alvis!"
Lumingon ito sa akin nang tinawag ko siya. Agad akong bumaba kay Angel at balisang lumapit sa kanya.
"A-alvis! S-sina Helix! May deity! M-may nakapasok!" Nauutal na sambit ko.
Pilit akong pinakalma ni Alvis na hindi maintindihan ang sinasabi ko. "Hey! Cleofa relax! Dahan dahan lang, anong nangyari?"
Huminga ako ng malalim bago muling sumagot kay Alvis. "M-may nakapasok sa Algrea, Inatake kami ng isang lalaki sa gubat!"
Tila namilog ang mga mata ng lalaking kaharap ko sa sinabi ko. Kapwa ko ay bakas rin sa mukha niya ang pagkakaba.
"M-May nakapasok?!" Hindi makapaniwalang sambit nito.
"N-nasa gubat sila k-kaylangan natin silang-"
Natigilan ako sa pagsalita nang may malakas na hampas na hangin ang tumama sa amin. Napatingin ako sa itaas kung saan bumungad sa akin ang isang malaking ibon.
N-No, its not a bird.
Its a freaking huge griffin.
Bumaba sa likod nito ang isa sa mga taong kaylangan namin ngayon. Kumikislap sa ilaw ng dalawang buwan ang kulay pula niyang buhok.
"X-xilah!"
Base sa itsura nito ay mukhang alam na nitong may nakapasok na taga labas. "Alvis, take Cleofa inside the castle, sabihin mo kay Sir Saremo ang nangyayari." Sambit ni Xilah.
Isang tango ang sinagot ni Alvis sa sinabi ni Xilah na muling sumakay sa familiar niya.
"T-Teka! I-Isang myembro raw ng trejon guild ang lalaking iyon! Isang g-gorgon ang familiar niya! Kaylangan natin muna ng tulong!" Pagpigil ko.
Imbis na mabahala ay kumurba lamang ang labi ni Xilah sa sinabi ko. "Interesting."
And just like that, they flew towards the forest.
"She's stronger than you think Cleofa." Pagpapakalma sa akin ni Alvis.
"But Alvis! Iba yon! He has a gorgon!" Giit ko.
"That's the point."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Alvis. Nagtataka akong napatingin sa kaniya. "What do you mean?"
"She's one of the powerful gifteds before. She's also known as Venus. Aphrodite's heiress."
Nabigla ako sa sinabi ni Alvis. Xilah? She inherited aphrodite's gift?!
"And just like the goddess of love. She really has a powerful gift,"
"The ability to counter, Stone eyes."
I looked at him dumbfounded. Parang alam ko na ang gustong sabihin ni Alvis. Pinaliwanag sa amin ni Xilah kung ano ang counter type.
"Any kind of counter gifts don't work on her. Unlike me, I have the gift of thunder, my gift is a control type. Kaya kong kontrolin ang kahit anong klase ng kuryente. While Xilah, kayang-kaya niyang baliktarin ang epekto ng mga ability sa kanya. And a gorgon is an easy opponent for her."
Halong pagkahanga at pagkatakot ang naramdaman ko sa sinabi ni Alvis. "W-which means-"
"Yes." Sagot ni Alvis.
"With the gorgon's ability. She can turn anyone who look into her eyes into a stone."
"That's why we should trust her. Hindi niya papabayaan ang mga kasama mo. Kaya pumasok na tayo sa kastilyo."
Kahit labag sa loob ko ay tumango ako sa sinabi ni Alvis. Kaylangan kong pagkatiwalaan si Xilah.
Akmang susunod nako kay Alvis nang muli akong lamunin ng pag-iisip.
Paano kung hindi lang pala mag-isa ang lalaking iyon? Pano kung may kasama pa siya na maaring magpahamak sa amin??
"Tara na Cleofa, sabihin na natin kay Sir-"
"Angel!"
Nabigla si Alvis sa ginawa ko. Agad akong sumakay kay Angel nang sumulpot ito.
"I'm sorry Alvis, puntahan mo na si Sir Saremo. Babalikan ko sila."
Hindi ko na hinintay pang sumagot si Alvis at agad ng lumipad papalayo si Angel. Hindi pwedeng manatili lang ako sa kastilyo habang nasa pahamak ang mga kasama ko.
I know Helix will kill me if he knew na binalikan ko sila. Ako ang pakay ng lalaking sumugod sa amin kaya priority nila ang kaligtasan ko.
Pero heto ako ngayon, nakasakay sa familiar ko habang pabalik sa gubat kung nasaan sila. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kanila.
Malapit na ko sa kinaroroonan nina Helix nang nakaramdam ako ng panghihina, tila umiikot ang paningin ko at hindi ko na lang namalayan na nahulog nako kay Angel.
Napapikit na lang ako sa taas ng pagkakahulog ko pero imbis sakit sa katawan ang maramdaman ko ay nakaramdam ako ng pagsalo ng mga bisig sa akin.
"You're really stupid." Rinig kong sambit ng isang lalaki.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin si Helix na buhat-buhat ako at tumatakbo. "P-paanong?-"
"Napakakulit mo talaga noh? Ligtas ka na roon bumalik ka pa!" Inis na sambit ni Helix.
Hindi ako nakasagot dito dahil wala akong lakas na makipagtalo sa kanya.
"Tignan mo ang sarili mo, masyadong matagal mo ng kasama ang familiar mo. Kinukuha nila ang lakas mo pag nandito sila. Masyado ka kasing nagmamagaling eh, hindi mo pa nga alam ang gift mo. Tapos ipapaubos mo na ang lakas mo sa familiar mo? Jeez." Sambit ni Helix.
Halong pagkakairita at pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata ni Helix. Yun ba ang dahilan kung bakit ako nanghina? Ibig sabihin hindi ko pa pwedeng kasama si Angel ng matagal.
"P-paano mo nalaman na papunta ako?" Pag-iiba ko.
"Rivan's gift. Sa tingin mo pagpapafall lang ang kakayahan ng ungas na yon? Once na ginamit niya sayo ang gift niya magiging connected ang feelings niyo sa isa't isa sa loob ng isang oras. Sinabi niya sa amin na nakakaramdam ka raw ng pag-aalala sa amin. Kaya sinabi ni Xilah na salubungin na kita kung sakaling babalik ka. At eto ka nga, napakakulit, bumalik pa."
"A-are they okay?" Marahang tanong ko.
"They're fine. Mga deities ata ang mga yon. At isa pa, they're with the great Venus."
Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo ni Helix. Pero di kalaunan ay huminto ito, akala ko nung una ay nabigatan na ito sa akin pero nang tignan ko ang daraanan namin ay nabigla rin ako.
"Tsk, ang hina talaga ni Zeo, mga bata lang di pa kayang tapusin ng maayos." Sambit ng lalaki.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang lalaking nakaharang sa harapan namin ngayon. Base sa sinabi niya ay kasama siya nung lalaking umatake sa amin.
"Ayokong mapagod bata, ibigay mo na lang sa akin ang babae." Walang kaemo emosyong sambit nito.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Helix. "Nah, I found her first. Go find yourself another girl."
Tinignan ko ang pagkairita ng lalaki sa sinabi ni Helix. His look sharpened. "Hindi ako nakikipagbiruan sayo bata." Seryosong sambit niya.
"Neither am I."
Tumalim ang tingin sa amin ng lalaki. Binaba ako sa gilid ng isang puno ni Helix.
"Sige bata, pagbibigyan kita. Maglaro muna tayo." Sambit ng lalaki. His eyes changed and turned white. Naramdaman ko ang paglakas ng hangin sa paligid.
"Oh, that's your gift sir?" Sagot ni Helix. Kahit na nakatalikod ay alam kong nakangisi ito ngayon.
"Maling gifted po ata ang kinalaban niyo."
Naglabas ng dalawang apoy si Helix sa magkabilang kamay niya. Kasabay ng paglakas ng hangin ay ang paglaki ng dalawang apoy.
Sumasabay ito sa paghampas ng mga puno dahil sa hangin.
"Wind makes fire stronger."
•••