9. The uninvited

1176 Words
"There's someone who is not welcome here." Pare-pareho kaming naging alerto sa sinabi ni Rivan. Napansin ko ang pagpunta ni Helix sa harap ko na para bang hinaharangan ako. S-sino naman ang tinutukoy ni Rivan? Nilibot naming lahat ang mga mata namin para hanapin ang tinutukoy niya. "I found you." Seryosong sambit ng lalaking kasama namin. Lahat kami ay napako ang tingin sa pwesto na tinignan ni Rivan. Tinignan ko ito mabuti at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong may gumalaw rito. Sabay-sabay kaming nakarinig ng malakas na tawa ng isang lalaki at palakpak.  "Magaling! Akala ko ay matatagalan pa kayo sa pagpansin ng presensya ko." Natatawang sambit nito. Bumungad sa amin ang isang lalakeng balbas sarado. Nakakulay itim ito at puno ng tattoo ang kanyang katawan. "Pano ka nakapasok dito?" Kalmado ngunit alerto na sinabi ni Rivan. He gave the man a serious look and tone. Lahat kami ay binabantayan ang bawat kilos na ginagawa niya. "Kung ako sayo ay aalis nako rito bago pako matunton ng nakakataas." Dagdag ni Rivan. Hindi nabahala ang lalaki sa sinabi ng lalaking kasama namin. Bagkus ay natawa pa ito.  "Gusto ko lang namang mamasyal. At isa pa, may hinahanap ako."  Tila napako ang tingin nito sa akin na kinataas ng balahibo ko.  "Baco-" "Nuh uh!" Napahinto sa pagsummon si Helix kay Bacon nang tinaas ng lalaki ang kamay nito. Nakita namin ang tattoo sa kamay niya. Isang simbolo na mata na merong ahas sa ilalim.  Everyone froze in their places. Napansin ko ang pagkabahala sa mukha ng mga kasama ko at ang paghawak ni Helix sa braso ko. Anong ibig sabihin ng tattoo na yon?  "Mas makabubuting wag niyo ng idamay ang mga familiars niyo rito. Kung gusto niyong tawagin ko ang akin." Sambit ng lalaki. Gumuhit ang nakakairitang ngisi sa labi niya na mukhang tuwang tuwa sa mga reaksyon namin.  Bakit ba walang magawa to si Helix?! Malakas ang familiar niya! "Crap." Rinig kong bulong ng isa sa mga kasama ko. Kahit si Rivan ay bakas din sa mukha ang pag kakaba. "What do you want?!" Marahang tanong nito. Ngumiti ang lalaki bago ako tinuro. "Gusto ko lang hiramin ang binibining kasama ninyo." Pare-pareho kaming nabigla sa sinabi ng lalaki. Helix' forehead furrowed and his nose crinkled. A-Ako? Bakit ako? A-Anong gagawin niya? "I think you're mist-" "At ano namang kaylangan mo sa kanya?! Mali ka ng hinahanap!" Inunahan ni Helix sa pagsagot si Rivan. He gritted his teeth and his brows knitted together. Dahilan ng pagtawa ng lalaki sa amin. "Ayokong pinaghihintay ako mga hijo, ibibigay niyo lang sa akin ang babae at tapos na ang usapan." Ma-awtoridad na sambit ng lalaki. "I'm sorry sir but I think he's right. Mali kayo ng hinahanap." Giit ni Rivan. Bakas ang pagkairita ng lalaki sa sinabi ng lalaking kasama ko na parang napupuno na ito sa amin. Napahawak ito sa kaniyang buhok at iritado kaming tinignan. "Kung gusto niyo ng pahirapan ay wala akong magagawa, gaya ng sinabi ko. Ayokong pinaghihintay ako." Seryosong sambit nito. Then suddenly, his eyes changed. Nang muli kong imulat ang mga mata ko ay nagiba ang buong paligid. Wala nako sa kalagitnaan ng gubat. Wala rin sina Helix dito. Nasaan ako? Sobrang lawak ng lupain at ang tanging nakikita ko lang maliban sa mga d**o ay ang napakalaking puno sa gilid ko.  "Cleofa!" Napatingin ako sa taong tumawag sa akin.  "M-mama?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Kahit matagal ng wala ang mama ko ay hindi parin nabubura ang itsura niya sa alaala ko. Lalo na't may letrato ni mama akong natabi. "Cleofa anak, halika, miss na miss ka na ni mama." Sambit sa akin ni mama. Parang nanlalambot ang puso ko sa nakikita ko. Kung panaginip to ay sana di nako magising. Sobrang miss na miss ko na rin si mama. Natagpuan ko na lang ang sarili kong papalapit sa kaniya.  "HEY STOP!" May narinig akong boses sa kung saan. Nilingon ko ang buong paligid pero wala akong nakitang iba.  "Anak halika na." Pag-uulit ni mama. Muling napunta ang atensyon ko sa kanya. "DON'T LISTEN!" Rinig kong sambit ng isang lalaki. Parang naririnig ko ang boses ni Helix sa kung saan pero hindi ko siya makita. Nang muli kong tignan ang pwesto ni mama ay unti-unti itong lumalayo.  "Ma! Sandali lang!"  "Mahal na mahal kita anak, huwag na huwag mong hahayaan na magamit sa masama ang kakayahan mo." Iyon ang huli kong narinig bago ko maramdaman ang pag hawak ng kung sino sa magkabilang balikat ko.  "Hey!" Para akong natauhan sa mga nangyayari at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Helix. Nasa gubat parin kami.  Teka nasaan ung lalaki?! Ano ung mga nakita ko kanina? "Hey listen to me! You're really stupid! Don't look into his eyes okay? That is his gift, he can give hallucinations or delusions to those who will look into his eyes." Sambit ni Helix. Doon ko napansin na tinatakpan nina Rivan ang mga mata nila.  "Sundin mo ko okay? Pagbilang ko ng tatlo isummon mo ang familiar mo. Bumalik kayo sa kastilyo at wag na wag kang lilingon, maliwanag?" Ma-awtoridad na sabi ni Helix. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "B-Bakit naman hindi? T-Tsaka pano kayo?!" Giit ko. "He's after you stupid! Sarili mo ang isipin mo!" Natauhan ako sa sinabi niya. Hindi ko nagawang makasagot. He's right. That guy is after me. And I don't know why. "Malamang at sa malamang ay pagnilabas mo ang familiar mo ay ganon din ang gagawin niya. His tattoo, it symbolizes that he belongs to Trejon guild. And the snake means that he has a gorgon as his familiar." Sambit ni Helix. Trejon guild? Bakit ngayon ko lang narinig yun? Hindi iyon kabilang sa mga guild na nandito.  At gorgon? The heck! Nabasa ko yon sa isa sa mga libro. Yun ang mga halimaw na may ahas na buhok at nagiging bato ang kung sinong tumingin sa mga mata nila. Ang pagkakaalam ko ay meron lamang na 3 gorgons. So ang ibig sabihin ang isa roon ay familiar niya?! "Just listen to me okay? Leave-" "Sabi kong ayokong pinaghihintay ako eh!" Iritadong sambit ng lalaking kaharap namin. Muling napunta ang atensyon namin sa lalaki. Iniiwasan naming tumingin sa mga mata niya at nanatili kaming nakatingin sa paa nito. "Iniinis niyo bako?" Giit nito. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Helix sa braso ko. "1," "Sige pagbibigyan ko kayo!" "2," Hinanda ko na ang sarili ko sa pag-summon sa familiar ko.  "Let's play kids!"  Naglabas ng b***l ang lalaki. Hindi basta bastang b***l, ginto ito at may simbolo ng orasan. "3!" Yun ang hudyat para tawagin ko siya. "Angel!"  My familiar appeared in the sky. Nakuha nito ang atensyon ng lalaki na bakas sa mukha ang pagkainis.  "Iniinis niyo talaga ako!" Sambit nito. Agad akong sumakay kay Angel nang lumapag ito sa harap ko. "Hindi ka makakatakas." "Venom." The guy summoned his familiar. A half woman and snake appeared infront of him. Agad naming inilayo ang mga tingin namin. "Cleofa umalis ka na!" •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD