8. Guilds

1259 Words
Nasa labas kami ng gate ni Luxxine para maghanap ng guilds. Maraming guilds ang meron ang Academy, pero ang present lang sa city na to ay tatlo. Ang Deities, Verines, at Avelites. Usap-usapan ang tatlong malalaking guilds na iyon. Ang Deities, kung saan kabilang ang Heir ni Hades, God of the underworld, at ang Heiress ni Poseidon, God of the seas. Kaya kilala itong malakas na guild dahil kabilang sa kanila ang tagapagmana ng dalawang kilalang mga diyos, hindi na ko magtataka kung dito sasali si Alvis. He's the heir of Zeus afterall. Sunod naman ang Verines, they are also known as the reckless guild. Kadalasan ay nakatutok sa kanila ang academy dahil puro g**o ang ginagawa nito sa mga mission. Kabilang dito ang Heiress ni Ares, God of War. And yes, dito ko naiisipang sumali. And last ang Avelites, they are also known as the S class guild. Hindi kasi sila basta-basta tumatanggap ng mga rookies, dahil ang mga mission na kadalasang napupunta sa kanila ay hindi basta-basta. Ni hindi ko nga alam kung sino-sino ang mga heir at heiress na nandoon dahil kaunting impormasyon lamang ang pinapaalam nila. "Omg! Excited na talaga ako Cleofa! Sana matanggap tayo!" Masiglang sambit ng babaeng kasama ko. Napangiti ako sa sinabi ni Luxxine. Pareho naming naisipang sumali sa guild ng Verines. Hinahanap na namin ito ngayon. "Saan na kaya yon?" Tanong nito. Kanina pa kami naglalakad ni Luxxine rito sa gubat dahil nandirito raw ang guild ng Verines. Pero wala pa rin kaming makita. "Luxxine!" Pareho kaming napalingon ni Luxxine sa isang babaeng tumawag sa kanya. Ang pagkakaalala ko ay isa sya sa mga kaklase namin.  "Pinapatawag ka sa kastilyo!" Sambit nito. Kita ko ang pagkasimangot ni Luxxine sa narinig. Her forehead frowned. "Tsk! Ano nanaman bang kaylangan nila?" Iritadong sagot ni Luxxine. Napili kasi siyang representative ng klase namin, para sa pagsabi samin ng mga impormasyon na binibigay ng mga guro namin.  "Hays, Cleofa, okay lang ba kung maiiwan muna kita?" Sambit ni Luxxine. Isang tango ang sinagot ko rito. "Dalian mo na! Baka kanina ka pa hinahanap dun." Natatawang sagot sa kanya na kinasimangot niya.  "Sige, hanapin mo muna ung guild. Mag-iingat ka." Sambit nito Muli akong tumango sa kanya at naglakad na siya palayo kasama ng kaklase namin. Nagpatuloy ako sa pag-iikot sa gubat at sa kasamaang palad ay wala akong makitang guild ni isa.  Nasaan ba yun?! "Aba matapang ka ah!" Rinig ko sa kung saan. Natigilan ako sa paglalakad nang may narinig akong boses sa di kalayuan. Napagdesisyunan kong puntahan ang pinanggalingan ng boses.  Baka alam nila kung nasaan ang mga guild. Nang naglakad ako palapit ay mas narinig ko ang pinaguusapan nila. "Masyadong malakas ang loob mo bilang isang rookie, ano bang ipagmamalaki mo? Hindi mo ba kami kilala?" Sambit ng isa. Boses ng isang lalaki ang narinig ko.  Sino yon? At sino ang kinakausap niya? "Eh kayo? Ano bang ipagmamalaki niyo? Oh, please. You're just deities. Wala kayong maipagmamalaki sa akin." Sagot ng kausap nito. Napahinto ako nang marinig ko ang sunod na nagsalita.  Ang boses na yon... siya nanaman?! Bakit ba lagi na lang nagkukrus ang landas namin? At tama ba ang narinig ko? Isang deity ang kausap niya? "I like your guts kid, lets see what you got, but before that-" Hindi nako nakinig sa usapan nila at napagpasyahan kong hanapin na lang mag-isa ang guild.  Ayokong makisali pa sa away nila, madamay pako. May balat pa naman sa pwet ang lalaking iyon at malas siya. "Mukhang may naliligaw rin na rookie rito." Hindi natuloy ang paghakbang ko papaalis nang marinig ko ang sinabi ng isa sa mga lalaki. A-Ako ba ung tinutukoy niya?  Imposible! Pano niya naman nalaman na nandito ako? "What are you doing here my lady?" Nabigla na lang ako nang may biglang sumulpot sa harap ko. A guy with a blonde hair. He's wearing an unbottoned shirt revealing his chest. He has a golden brown eyes that looks like the afternoon sun shining through the glass of whiskey. C-crap. "Hinahanap ko lang ang guild ng Verines. Pasensya na kung nakaabala ako sa inyo, aalis nako." Sagot ko. Hindi ko na dapat pang hihintayin na sumagot siya at sinubukan kong maglakad na papalayo pero nagsalita muli ito. "Bakit ka nagmamadali? I can show you the guild. But first, I want you to watch our friendly competition." Nakangiting tugon nito sa akin.  Hindi ko alam kung bakit tila nagbago ang pakiramdam ko. Is he using his charms to make me say yes? Because its f*****g working. Nanatili siyang nakatingin sa mga mata ko at nakaramdam ako ng kakaiba. What is this feeling?! D-damn. I think I'm falling inlove with him- "Idiot!" Sambit ng isang lalaki. Naramdaman ko na lang ang pagtakip ng kung sino sa mga mata ko.  "What the f**k do you think you're doing?!" Sambit ng lalaking nagtakip sa mga mata ko. Narinig ko ang malakas na pagtawa ng lalaking nasa harap namin. Kasabay non ang pagakawala ng nararamdaman ko kanina. Teka ano yon?! Tinanggal ko ang nakatakip na kamay sa mga mata ko at bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ng lalaking kinaiinisan ko. Helix is here, nagtagpo nanaman ang landas naming dalawa.  "At ikaw?! Anong ginagawa mo dito ha? Jeez!" Nakunot na noong sambit sa akin ni Helix. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit nanaman siya. Ano nanamang problema niya ha? Napunta ang tingin ko sa lalaking walang tigil sa pagtawa. "I-I'm sorry, di ko lang napigilan ang sarili ko. I just found her cute!" Natatawang sabi nito. "Eh anong cute diyan?! Eh mangmang nga yan! Sinasayang mo lang ang oras mo! Labanan mo na lang kasi ako!" Sagot ni Helix sa lalaking kaharap namin.  So ito pala ang hinahamon niya kanina? "I apologize my lady, I'm Rivan and I inherited Eros, God of Love's gift. Pasensya na kung nagamit ko ang gift ko sayo kanina, nakuha lang kasi ng atensyon ko ang reaksyon kanina ng rookie na yan nang makita kang papalayo sa amin." Pagpapakilala ng lalaking kaharap namin. Napunta ang tingin ko kay Helix dahil sa sinabi niya. Siya ba yung rookie na tinutukoy niya? Anong reaksyon? Kanina pa nila ako napansin?! "W-What the heck are you talking about?! Labanan mo na ko!" Muling natawa si Rivan sa sinabi ni Helix. Ano bang nakakatawa roon? May dalawa pang lalaki ang pumunta sa kinaroroonan namin. Siguro kasama sila ni Rivan. Kapansin-pansin ang tattoo nila na crown sa iba't ibang parte ng katawan.  Si Rivan sa kamay, ang kasama niyang mga lalaki ay sa leeg at ang isa ay sa kamay rin. A symbol that makes them a deity. "Rivan, tara na! Wag ka ng mag-aksaya ng oras diyan sa rookie na yan." Sabi ng isa sa kasama ni Rivan. "Ang sabihin niyo ay takot lang kayong matalo ng isang rookie." Nakangising sambit ni Helix na kinakunot ng noo ng mga kasama ni Rivan.  "Ha! Aba hinahamon mo talaga kami-" "Ariah!" Biglaang sambit ni Rivan. Hindi na naituloy ng kasama ni Rivan ang sasabihin niya nang sinummon ni Rivan ang familiar niya. A huge nine tailed fox appeared infront of us. A kitsune. Tinignan ko si Rivan na biglang nagseryoso ang itsura. He summoned his familiar! Seryoso ba siyang lalabanan niya tong isip bata na nato?! Kita ko ang ngiting tagumpay ni Helix. "Ganyan dapat Rivan, ipakita-" "Shh!" Napahinto si Helix nang patigilin siya ni Rivan. Tila naging alerto ang mga kasama namin dahil sa biglaang pagbago ng ekspresyon nito.  T-teka, anong meron? "There's someone who is not welcome here." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD