Everyone was shocked and amazed at the same time. Who would thought na ang babaeng hindi makapagsummon ng familiar ay merong isang wyvern as her own?
"A job well done." Nakangiting sambit ni Sir Saremo sa akin.
I smiled as I watched Angel fly in the sky.
"Okay class, now you need to work with your familiars and alamin niyo kung ano ang ability nila. Most likely may connection ito sa gifts ninyo."
Nakuha ng sinabi ni Sir Saremo ang atensyon ko. Their ability? May connect sa gift namin?
Napunta ang tingin ko kay Angel na papunta na sa akin. Malalaman ko kaya ang gift ko sa kanya?
"Okay class! Start knowing your familiars!" Sambit ni Sir.
Everyone started to move, some of them went in the water with their familiars and some of them ride their familiars as they run towards the forest or fly in the sky.
"See? You did it." Rinig kong sambit ng isang lalaki.
Nilingon ko ang lalaking nagsabi non kasama ang familiar niya. The God of thunder's heir is on his way here.
I smiled at him as he went towards me. "Yeah, thank you, dahil sayo ay natauhan ako sa pagkakamali ko." Nakangiting sambit ko rito.
Hinawakan ko ang ulo ni Angel at nilapit niya rin ito sa akin.
"Nah, you're the one who summoned your familiar..."
"And he also help you a lot."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Hm?"
"Nothing. Goodluck."
Naglakad na si Alvis palayo sa akin pero nakakailang hakbang pa lamang siya ay lumingon siya ulit sa akin. "I'm also looking forward in knowing your gift." Nakangiting sabi nito. Then he continued walking away until I no longer see him.
I also can't wait Alvis.
Binalik ko ang atensyon ko kay Angel. "Show me what you got."
Angel lowered herself for me. Nang maabot ko na ang likod nito ay agad akong sumampa at sumakay sa likod niya. "Let's go." Sambit ko.
Naramdaman ko ang pagbwelo ni Angel at napahawak ako ng mahigpit sa kanya. Her body is full of scales kaya masyado akong naiilang na hawakan siya. But I managed to do it and nagawa kong hawakan siya ng matagal.
Angel is gentle in flying. Siguro ay dahil sa alam niyang nakasakay ako sa kanya. Hindi naman ako takot sa matataas kaya walang problema sa akin ang paglipad niya.
"So what can you do angel? Pareho ba tayo ng ability?"
Para akong sira na kinakausap ang isang wyvern. Napapaisip lang kasi ako kung ano ang kakayahan niya. Lalo na't maaring konektado ito sa gift ko.
Nang matapos ang oras sa klase ay agad din kaming bumalik at naghanda sa susunod na klase. Sabi ni Sir Saremo ay dahil daw meron na kaming mga familiars ay asahan na naming merong nga guilds na gustong magsali sa amin. Mayroon kaming kalayaan na pumili ng guilds na gusto namin.
"Okay class, bumalik na kayo sa classrooms ninyo. Baka nandun na ang susunod nyong guro na magtuturo sa inyong imaster ang mga gifts niyo." Sambit ni Sir.
Pare-parehong naexcite ang mga estudyante sa narinig namin. Ito na ang pinakahihintay ko. Ang malaman ang gift ko.
Agad kaming bumalik sa classroom namin upang hintayin ang panibagong guro.
"Ehem, goodmorning class!"
Lahat ng atenyon namin ay napunta sa babaeng bagong dating. Siya yung bumungad sa akin non nung kakapasok ko pa lang sa Academy. Agaw pansin pa rin ang kulay pula niyang buhok.
"Kailangan ko pa bang ipakilala ang sarili ko?" Nakangiting tugon nito sa amin. "Well, kung nakalimutan niyo na, ipapaalala ko sa inyo. I'm Xilah, and I'll help you mastering your gifts." Sambit niya.
"But first of all, may kailangan muna akong malaman sa inyo."
"What's your gifts?"
Hindi kaagad ako nakareact sa sinabi nito. Isa yon sa mga tanong na di ko kayang sagutin. Dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam.
"I heard that you already owned your familiars, right? Siguro ay nasabi na sa inyo na may connection ang familiars ninyo sa gift ninyo. If you inherited a water gift, expect na isang water familiar ang makukuha niyo."
Napaisip ako sa sinabi niya. I summoned a wyvern, pero hindi ko pa alam ang ability nito. So if it can breathe fire, ibig sabihin non ay fire gift ang nakuha ko? Or what if it can breathe smoke?
"Bago niyo sabihin sa akin ang mga gift niyo. Gusto ko munang malaman niyo na may tatlong klase ng gift." Sambit ng guro namin.
Nanatili kaming nakinig kay Xilah habang nagpapaliwanag ito.
"First, is the control type. The type of gift that can control any kind of ability depending on whom he or she inherited his or her gift. The ability to control fire, wind, etc." Panimula ni Xilah.
"Second, the counter type. Ito ung mga ability na hindi kayang kumontrol ng kahit ano, bagkus ay kapag inactivate na nila ang mga gift nila ay deretso sa target ang epekto. The ability to make someone frozen, stone, hallucinate, etc."
"And last but not the least, the most rarest one. Sinasabing katulad ng tatlong tagapagmana ni Cronus ay bibihira lamang makakita ng ganitong gift. The takeover type. The ability to takeover someone or something's ability. The ability to be the element itself, or the ability to be a creature."
"Ngayon na alam niyo na ang mga klase ng gift. Mas mapapadali ang pagcontrol at pagkakaroon niyo ng kaalaman sa gift ninyo kapag alam niyo kung saang klase ito nabibilang."
"Well then, from whom do you inherit your gift?"
Nagsimula ng magtanong si Xilah habang hindi mawala sa isip ko ang pinaliwanag niya. The three kinds of gift. Saan kaya ang sa akin don?
"Miss Cleofa, its your turn."
Natauhan ako nang ako na pala ang susunod na sasagot. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin ngayon at hinihintay ang sagot ko.
"I-I'm sorry ma'am, but I don't know my gift." Nahihiyang sambit ko rito.
"Oh, its fine, aalamin natin yan." Nakangiting sagot sa akin ni Xilah.
Nahihiya akong bumalik sa pagkakaupo habang nakatingin lahat sa akin ang mga kaklase ko. I hate this situation.
Mabilis natapos ang klase at sinabi sa amin ni ma'am na maari na kaming sumali sa mga guilds. Mahahasa ang paggamit namin sa mga gift namin kapag gumawa kami ng mga mission.
As for me, na nag-iisang hindi alam ang gift niya sa klase ay kaylangan ko munang alamin ang gift ko. I can do it by knowing my familiar, dahil connected na raw kami sa isa't isa at posibleng pareho raw kami ng kakayahan.
"Cheer up Cleofa! Normal lang naman yan!" Masiglang sambit ng kasama ko.
Kanina pako chinicheer up ni Luxxine na napansin ang pagbabago ng mood ko. "Let's just look for guilds!" Pag-iiba nito.
Nakuha niya ang atensyon ko. "Saan naman natin makikita ang mga guilds?"
"Ang sabi ay nasa labas daw ng gate iyon. Para raw madaling makakuha ng misyon galing sa labas." Sagot ni Luxxine.
Isang tango ang sinagot ko sa sinabi nito. Balak muna naming dumaan ng cafeteria nang may nadaanan kaming hindi pamilyar na mga estudyante. They're wearing blue uniforms at kapansin pansin din na meron itong kaunting mga galos.
"Seniors." Bulong sa akin ni Luxxine habang sinusundan namin sila ng tingin. "Siguro ay galing sila sa mission, shocks grabe ayokong masira ang beauty ko sa pakikipaglaban." Dagdag niya.
"Pero ang balita ko ay mahihigpit daw ang mga seniors ngayon at mapili sa pagtanggap ng rookies sa mga guilds, kung sa tingin nila ay mahina ang gift mo ay ekis ka na sa kanila."
•••