Hindi ko mapagilang mapaismid sa sarili ko habang nakatitig sa familiar ko. She's f*****g beautiful!
"I-Is that a d-dragon?" Nauutal na sambit ni Risca.
Napunta ang tingin ko rito na hindi makapaniwala sa nakikita niya.
"I thought you're smart? She's a wyvern." Sagot ko sa kanya.
Wyverns are different from dragons. It only has 2 legs while dragons have 4 or more.
Muli kong tinignan ang asong 3 ang ulo at laking tuwa ko nang huminto ito sa pag sugod sa amin.
"Nice." Rinig kong sambit ng isang lalaki.
Napunta ang atensyon ko sa amo nitong may pakana ng lahat. Nakatingin ito sa familiar ko habang nakakurba ang labi. Nalipat ang tingin niya sa akin na agad kong sinamaan ng tingin.
Ano ba talaga ang gusto niya ha? Muntik na niya kong mapatay!
"Are you happy now? Nakuha mo na ang familiar mo." Nakangising sambit nito.
Kasunod non ay ang pagtalikod niya sa akin at nagsimula na itong maglakad. Natauhan na lamang ako nang pumasok sa isip ko ang sinabi niya sa akin bago niya isummon ang familiar niya.
"Want my help?"
Doon ko napagtanto ang balak niya. Agad ko siyang sinundan at pinahinto. "Hey, wait!" Sambit ko.
Huminto ito ng hindi lumilingon sa akin. "Inaasahan mo bang mangyayare to? Kaya mo yon ginawa?" Marahang tanong ko rito.
Narinig ko ang pagtawa niya kasabay ng pag-iling ng kanyang ulo. "Nah, I'm just interested. Ikaw pa rin ang nakapagsummon niyan."
Kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko na parin. "Thanks." Sambit ko.
Siya parin ang tumulong sa akin na summon ang familiar ko. And I should thank him for that.
Naglakad na ito palayo pero bago pa siya tuluyang umalis ay may narinig akong binulong niya.
"You're really special."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Guni-guni ko lang ba yung huli niyang sinabi?
Iniling ko na lamang ang ulo ko at muli kong binalikan si Risca na nakaupo sa lupa at ang familiar ko.
Lumapit sa akin ang familiar ko at di hamak na mas malaki ito ng malapitan. Halos kasing laki ko lang ang mga mata niya.
"You should name her." Sabi ni Risca sa akin.
Napunta ang tingin ko sa kanya habang nanatili naman siyang nakatingin sa familiar ko. Naramdaman ko ring hinihintay nito ang pagpapangalan ko sa kanya.
Hinawakan ko ang ulo nito at nilapit ko ang noo ko rito. Hindi ko mapigilan ang saya ko at kusang kumukurba ang labi ko.
"I guess waiting for you was worth it,"
"Thank you for saving our lives,"
"I'm looking forward working with you, Angel."
And just like that, she roared as she soar to the sky.
Matapos ng pangyayari ay kahit labag sa kalooban ko at iritang-irita na ko ay akay-akay ko ngayon si Risca pabalik ng kastilyo.
Napagdesisyunan naming dalawa na sabihin na napilay siya dahil sa kakaensayo namin dahil alam naming pareho lang kaming mapapagalitan kapag nalaman nilang galing kami sa gubat.
"Cleofa! Anong nangyare?! Tsaka bat mo kasama yung Risca na yun?" Bungad sa akin ni Luxxine nang makarating ito sa clinic.
Napasinghap na lang ako sa sinabi nito. "Long story."
Sinamahan ako ni Luxxine na bumalik sa dorm namin. Agad akong nahiga sa kama nang makarating kami sa kwarto. Sobra akong napagod sa mga nangyari.
But its all worth it. I finally summoned my familiar at hindi ko mapigilan ang saya ko ngayon.
"Ay Cleofa! Natandaan mo ba yung nakwento ko sayo? Ung estudyanteng nasummon si Cerberus?" Biglaang sambit ni Luxxine.
Napaismid ako sa sinabi niya. Yeah, right! I remembered him.
"So anong meron don?" Walang gana kong tanong dito.
"Omg Cleofa ang gwapo niya! Nakita ko siya kanina and He's Hephaestus, God of fire's heir."
Parang sira na kinikilig si Luxxine sa pag kwento sa kanya. "Pero wala paring mas popogi kay papa Alvis." Dagdag niya.
"Anong pangalan niya?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Well, I don't know his name.
Tinignan ako ni Luxxine na parang may mali sa sinabi ko. Then she looked at me with a grinning look on her face. "Oh, cleofa is interested?" Pang-aasar nito na kinasinghap ko.
"Edi wag."
Wala akong intensyon sa pag-alam ng pangalan niya. Ilang beses na lang naman kase kaming nagkikita at hindi ko parin alam ang pangalan niya. At isa pa, he helped me to summon my familiar.
"Sus kunwari pa! He's Helix!" Masiglang sagot sa akin ni Luxxine.
Helix huh? Paniguradong magkukrus ulit ang landas namin.
Kinabukasan ay pinapunta kami ni Sir Saremo sa grounds.
"Okay Class! Its been five days since pinagsummon ko kayo ng mga familiar niyo. I want to see the results." Sabi ni Sir Saremo.
Doon ako nakaramdam ng kaba. Hindi ko mapigilang magduda nanaman sa kakayahan ko. Pano kung hindi lumabas ang familiar ko?
P-paano kung?-
Iniling ko na lamang ang ulo ko para ialis ang mga pinag-iisip ko. Masyado nanaman akong napapraning.
No Cleofa, darating siya. She's already yours.
Pinakalma ko ang sarili ko habang nagsisimula na si Sir.
"Okay, simulan natin sa naunang magpasummon. Alvis, summon him." Sambit nito.
Isang tango ang sinagot ni Alvis dito. "Rio!" Alvis' shouted. Then a flying horse appeared in the sky and flew towards his owner.
"Very well." Kumento ni Sir.
Sunod-sunod na nagsummon ang mga kaklase ko hanggang sa umabot kay Luxxine na kinakabahan para sa akin. Hindi ko pa pala nasabi sa kanya na nasummon ko na ang familiar ko.
"Okay, next!"
Lumapit na sa akin si Sir at doon ko nanaman naramdaman ang sobrang kaba. Paano nga kung hindi ulit siya sumipot? Paano kung nakachamba lang ako kahapon?
"Relax Cleofa, summon her." Pagpapakalma sa akin ni Sir nang mapansin na kinakabahan ako.
Nakangiti sa harap ko si Sir Saremo at tumango ako rito. Huminga muna ako ng malalim bago ko tinawag ang pangalan niya.
"Angel!"
A loud roar came from the sky as she flew towards me. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla at pagkamangha sa familiar ko.
"A wyvern,"
"A job well done."
•••